Huminto sila sa isang mideterian inspire mansion sa isang exclusive village.
Bumukas ang pinto sa tabi niya. Isang naka black tux ang nagbukas ng pinto. Bahagya itong nakayukod habang ang isang kamay ay nasa tyan nito.
"Welcome home, Madame. " Bati nito sa kanya. Naguguluhang tumingin siya kay Mael.
"Sa San Ignacio ako uuwi!" Singhal niya dito.
Tamad na tinignan siya nito at ni hindi man lang nabahala sa pagsinghal niya dito. "This is your home now, Angela." Malamig na anito.
Natawa siya ng mapakla. Nagbibiro ba ito? Bakit kung makaasta ito ay parang ito lang ang may karapatang magdesisyon sa buhay niya? Apat na taon na silang hiwalay, hindi ba man lang nito naisip iyon?
Nanatiling blangko ang mukha nitong nakatitig sa kanya.
Umiling iling siya. "You can't force me against my will, Mael. Hindi mo hawak ang buhay ko para ikaw ang magdesisyon para sa'kin!"
Tumalim ang tingin nitong ipinukol sa kanya."Wag mong sagadin ang pasensya ko, Angela. Baka Hindi makarating ng Autralia ang lalaki mo!" Nagiigting ang bagang nito habang sinasabi iyon.
Naningkit ang mga mata niya. Nakaramdam siya ng galit. Hindi pa rin ito nagbabago. Wala parin itong pinakikinggan kundi ang sarili lamang nito.
Pinigil niya ang luhang nagbabadya ng bumagsak mula sa mga mata niya. Parang bumabalik na naman sa dati ang sitwasyon nila. Yung mga panahong wala siyang magawa kundi ang sundin ito.
Inis na bumaba siya ng sasakyan at nanguna pang maglakad papasok sa malaking bukana ng mansion. Nakaagapay naman ang lalaking naka tux sa kanya. May mga nakahilerang katulong sa bukana ng pintuan at mga nagsiyukod sa kanya at binati siya. Nakaramdam naman siya ng hiya at binati rin ang mga ito. Napahinto siya sa front door. Parang biglang natakot siyang pumasok. Paano kung nandito nga ang mag-ina ni Mael? Kaya niya bang makita ang mga ito?
Lumingon siya kay Mael pero nangunot ang noo niya ng makitang iika-ika itong maglakad. May hawak itong tungkod sa kanang kamay. Napansing niyang hirap itong ihakbang ang isang paa. Kada hahakbang ito ay tinutuunan nito ang tungkod saka iaabante ang kaliwang paa.
Narinig niyang mahina itong nagmura kaya umangat ang mga mata niya mula sa pagkakatitig sa mga paa nito paakyat sa mukha nito.
Madilim ang ekspresyon ng mukha nito at matalim na nakatingin sa kanya. Galit at insecurities ang nakikita niya sa mga mata nito.
"Happy?" Galit na anito sa kanya.
Napakurap kurap naman siya dito. Hindi siya makapagsalita at para siyang tinulos sa kinatatayuan niya.
Nilagpasan siya nito pero nanatili sa tabi niya ang isang bodyguard. Dapat sana'y nagagalit siya dahil para siyang preso na pinababantayan nito pero masyado siyang nabigla sa nakita niya.
Nilingon niya si Mael na naglalakad papasok sa loob ng kabahayan. Nag iinit ang sulok ng mata niya. Biglang parang nakaramdam siya ng awa sa dating asawa. Wala na ang maangas na paglalakad nito. Naalala niya pa dati na kapag magkasama sila hindi pwedeng hindi ito makaagaw ng pansin sa mga tao. He walks as if he owns every path he's walking. Laging nakataas ang noo nito na nakakapag pa-intimidate sa mga nakakasalubong nito. Pero ngayong pinanonood niya itong maglakad na may tungkod parang may kumukurot sa puso niya. Nasasaktan siya para dito. Lalo na nang maalala niya ang galit at insecurity na naghalo sa ekspresyon nito. She felt guilty at hindi niya alam kung bakit.
Iginiya siya ng isang katulong pasunod kay Mael. Pumasok sila sa napakarangyang mansion. Bawat gamit at muwebles na naka dekorasyon ay naghuhumiyaw sa karangyaan. Naabutan niyang nakaupo na sa mahabang dining table. May ibat ibat putaheng nakahain at napansing niyang lahat ng iyon ay paborito niya. Ipinaghila siya ng upuan ng katulong kaya naman naupo na rin siya.
Wala silang imikan habang kumakain pero hindi niya magawang kumain ng maayos. Nasa kabisera si Mael habang nasa kanan naman siya nito. Nilalaro laro lang ng tinidor niya ang pagkain at lihim na pinagmamasdan si Mael na maganang kumakain. Parang normal lang dito ang lahat. Parang hindi siya nito sininghalan kanina at tinitigan ng masama. Kung pagmamasdan sila para silang isang normal na magasawa. Dati kapag kumakain sila halos isubo na nito ang pagkain sa kanya. Napangiti siya sa alala na yon. Mga alaala na minsan ay binabalikan niya kapag sobra na ang sakit. Madalas niyang isipin na hindi sila nagkalayo na panaginip lang ang nangyari sa kanila.
Nang makitang kukuhannin ni Mael ang kanin ay inunahan niya na ito. Dinampot niya ang bandehado at iniumang dito. Kunot noo naman itong tumigin sa kanya. Napansin niya ring humigpit ang hawak nito sa kubyertos.
"I'm just cripple but I'm not invalid." Anito na matalim na naman ang tingin sa kanya. Nagpunas ito ng bibig at tumungga ng tubig.
Nayabangan siya dito. Ano bang masama sa ginawa niya? Inaabutan niya lang naman ito ng kanin. "May sinabi ba ako? Inaabutan lang naman kita ng kanin!" Irap niya dito. Inis na nilagyan niya na lang ang sariling plato ng kanin. Ibinuhos niya ang nararamdamang inis sa pagkain. Dapat nga siya ang magalit dahil basta-basta na lang siya nitong dinala dito.
"Mael.. " Tawag niya dito pagkuwan.
Nag angat ito ng tingin sa kanya.
"Kailangan ako ng itay, kailangan kong umuwi ng San Ignacio." Aniya dito. May sakit ang tatay niya, kaya nga siya umuwi para dito. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit hindi niya pinaalam sa pamilya nauuwi siya. E, di sana nagpasundo na lang siya sa mga ito. Siguro'y hindi pa siya napilit ni Mael sumama dito. "Kailan mo ako pauuwiin?"
"Nakauwi kana. This is your home now." Anito saka kinuha ang tungkod nito at iniwanan siya sa hapag.
KAHIT GAANO pa kaganfa at karanya ang kwartong kinaroroonan niya ngayon ay hindi niya ma-appriciate iyon. Masyado itong maganda para sa isang kulungan. Napabuntong hininga siya. Pagkatapos siyang iwanan ni Mael sa dining table kahapon hindi niya na ulit ito nakita.
Wala siyang nagawa at hanggang ngayon wala siyang magawa. Kinuha nito ang cellphone niya at laptop. Sa labas ng kwarto niya ay may mga bantay. Hindi siya nakakalabas ng kwarto at pinahahatiran lang dito ng pagkain. Para siyang preso with a privileges.
Gusto na niyang magwala sa sobrang frustration na nararamdaman niya. Umuwi siya ng bansa para sa tatay niya pero heto siya ngayon at nakakulong sa apat na sulok ng kwarto na ito. Kung alam niya Lang na ganito ang gagawin ni Mael dapat sana'y pinaalam niya kay Juancho na ngayong araw ang uwi niya para ito na ang sumundo sa kanila. Wala tuloy kaalam-alam ang pamilya niya sa sitwasyon niya ngayon. Napabuntong hininga na lang siya.
Napalingon siya mula pagkakatanaw sa bintana ng marinig niya ang pagtunog ng seradura. Inantay niya ang pagbukas niyon at ganoon na lang ang pag singhap niya ng makita ang isang munting anghel na may alanganing ngiti na nag tatago sa likod ng pintuan. Ito rin ang bata na nakita niya sa airport sa Melbourne. Anong ginagawa nito dito?
"Hi, " Kiming bati nito sa kanya.
Para nang may humaplos sa puso niya habang tinititigan ito. "H-Hi.. " Ganting bati niya. "Come here.. " Sinenyasan niya itong lumapit. Saglit itong tila nag alangan pagkatapos ay bigla na itong tumakbo papalapit sa kanya at niyapos ang binti niya. Napahawak siya dito at bahagyang napaatras dahil muntik na siyang ma-out of balance.
"Welcome home po, mama. " Anito na nakapagpatigil sa kanya. Mama rin ang itinawag nito sa kanya sa airport. At ayun na naman ang munging kirot sa puso niya. Lumuhod siya para makapantay ito.
"Baby, hindi ako ang mama mo.. "Aniya dito. Ayaw niyang umasa ito o mas ayaw niyang umasa siya? Dahil sa airport pa lang nang una siya nitong tawaging 'mama' gusto niya na itong angkinin.
Lumungkot ang mukha nito at parang dinurog ang puso niya lalo na ng suminghot ito. Kinagat nito ang pang ibabang labi. "Hindi niyo po ba ako love? I-I'm a good girl, I dont pee on my bed na.."
Bahagya siyang natawa sa tila pakimipag bargain nito sa kanya. May kutob siya na anak ito ni Mael at Suzette. Pero bakit naman nito iisipin na siya ang ina nito? Asan si Suzette?
Pinunasan niya gamit ang palad ang luhang pumatak dito. "What's your name again? " Tanong niya dito.
Suminok sinok muna ito bago sumagot. "J-Julianna Marie Baello Capistrano and I'm 4 years old." Anito na ipinakita pa ang apat na daliri sa kanya.
Napatulala naman siya dito. "Did you just say Baello? "
Tumango ito. "That's my middle name, ma- miss. " Malungkot na sagot nito. At parang nalungkot din siya ng hindi na siya nito tawaging 'mama'.
Ngayon sigurado na siyang anak ito ni Mael dahil sa apilyido nito at dahil na rin kapag tinititigan mo ang bata ay makikita ang pagkakahawig nito sa ama nito. Ang hindi niya na lang sigurado ay kung bakit Baello ang middle name nito?
"Where's your father, Baby? " Tanong niya dito. "Can you bring me to him? "
"O-Okay.. " Nakayukong sagot nito. Hinawakan nito ang kamay niya and it's so warm and soft. Para siyang nakahawak sa bulak. Hinila siya nito papalabas ng kwarto.
Paglabas nila hindi na niya nakita ang mga bodyguard na laging nasa pintuan niya. Isinama siya nito pababa ng hagdan. Hindi na ito kumikibo pero mahigpit naman ang kapit sa kamay niya. "Asan ang mommy mo? " Tanong niya dito.
Tiningala lang siya nito pero hindi kumibo. Napakagat labi siya. Mukhang nagtatampo sa kanya ang bata. "Gusto mo karagahin kita? " Aniya habang nagalalakad sa kaliwang hallway. "Tapos turo mo na lang sakin kung saan ang daan." Yumuko ito at huminto sa paglalakad. Niluhod niya naman ito at nakitang umiiyak na pala ito. "Hey.. "
"Pumpkin? " Narinig niya ang boses ni Mael. Bumitaw sa kanya si Jilianna at tumakbo papalapit kay Mael na lumabas sa isang silid. Mabilis itong yumapos sa binti ni Mael at isinubsob ang mukha sa ama.
Muli na naman siyang napatitig sa mga paa nito. Parang gusto niya itong lapitan at alalayan sa paghakbang.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng pilay?" Sarkastikong pukaw sa kanya ni Mael. Nakatiim bagang ito at matiim na nakatingin sa kanya. Nasa mga mata na naman nito ang insecurities at pagkapahiya. "Pumpkin go to your room. Mag uusap lang kami ni Mama," Masuyong anito sa bata. Na ikinatalim ng tingin niya dito.
Agad naman sumunod si Julianna nakayuko itong lumagpas sa kanya at hindi man lang siya sinulyapan.
"Let's talk. " Ani ni Mael at nauna ng pumasok sa kwartong nilabasan nito. Bumuntong hininga na lang siya at nilingon si Julianna habang naglalakad. Bagsak ang balikat ng bata at kinukuskos ang mata. Mamaya niya na lang siguro ito kakausapin kailangan munang magkausap sila ng ama nito.
Sinundan niya si Mael at nakita niya itong nakaupo sa swivel chair sa likod ng office table nito. Naupo naman siya sa visitors chair sa tapat nito.
"Babalik na tayo ng San Ignacio bukas. " Umpisa nito. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi nito. "Nakaayos na ang titirahan natin, nirerenovate kasi ang-"
"Wait! Anong titirahan natin? Sasama ako pauwi ng San Ignacio pero hindi ako sasama sayong tumira!" Balak ba nitong pagsamahin sila ni Suzette? Dahil sa ugali ni Suzette paniguradong hindi ito papayag na maghiwalay kay Mael at hiindi rin naman siya papayag na makasama si Suzette at ang anak nito sa iisang bahay. Hindi niya kayang ibaba ang sarili sa ganoong level!
Tumalim ang tingin nito sa kanya. "You are my wife Angela. Baka nakakalimutan mo?"
"At bakit ko naman makakalimutan? Isa nga iyan sa dahilan kung bakit ako nagpasyang umuwi. We need to process our annulment as soon as possible. " Malumanay na aniya dito.
Ngumisi ito saka sumandal sa swivel chair.
"You must be dreaming kung inaakala mong papayag ako sa gusto mong mangyari. Asawa kita Angela at mananatili kang asawa ko, sa ayaw at sa gusto mo."
Nagpantig ang tainga niya sa sinabi nito. Para bang wala siyang karapatang pumili sa kung ano ang gustuhin niya. "After all what happened? Why are you trying so hard for us to be together even we always end up hurting each other? Hindi ka ba nagsasawa? Kasi ako sawang sawa na." Aniya dito. Gusto niyang ipaintindi dito na baka hindi sila ang para sa isa't isa. Na kahit anong gawin nila hindi sila magiging masaya at lagi lang silang mauuwing sugatan. They need to moved on so they can move forward for their new life. At isa ang annulment sa paraan para pareho silang makapag umpisang mag move on.
Lalo na ngayon na meron itong anak. At hanggang ngayon hindi niya parin kayang agawan ng pamilya ang bata. Hindi niya kayang maging masaya kung may masasaktan siyang iba.
"Do you still love me?" Biglang tanong nito na walang mababakas na emosyon sa mukha nito. Kinuha nito ang ballpen at pinaikot iyon sa kamay nito habang nakatingin sa kanya.
Oo, mahal na mahal! - Gusto niya sanang isagot pero mas lalo lang itong ma-eencourage na ikulong siya dito at piliting pakisamahan ito. Umiling siya. Kahit labag na labag sa loob niya umiling siya. At parang gusto niya iyong pagsisihan ng makita ang sakit sa mga mata nito. Napakurap kurap pa ito para pigilin ang luha.
"Then I'll make you love me again." Anito na nakakuyom ang mga kamay at nakatiim bagang. Kitang kita niya ang determinasyon sa mga mata nito.
"Pinahihirapan mo lang tayong dalawa, Mael." Malungkot na aniya dito saka nag iwas ng tingin para itago dito ang nangingilid niyang luha.
Tumawa ito ng nakakaloko. "Ikaw ang nag papahirap sa ating dalawa, simula ng umalis ka at iwanan mo ako!"
Nangunot ang noo niya. Sinisisi ba siya nito? Bakit parang kasalanan niya? Hindi siya basta na lang umalis!
"Nag ka amnesia ka ba? Nakalimutan mo na ba kung bakit ako umalis? Kung bakit ganito tayo ngayon?" Hindi napigilang sigaw niya dito. Napatayo siya at dinuro ito. "Kung sana naging tapat ka, baka sana masaya tayo ngayon, e di sana... sana buhay ang a-anak natin." Napaiyak siya sa sobrang galit na nararamdaman.
"I've been faithfull to you! Dammit!" Galit na sigaw din nito saka hinawi ang mga gamit na nakapatong sa table nito. "Kung sana nakipag-usap ka sa akin hindi tayo aabot sa ganito! You leave me without give me a chance to defend my self! Isinisi mo ang lahat sa akin! Tinanggap ko dahil mali ako na nag lihim ako sayo... But I have my reasons Angela. I want to tell you but I'm afraid that you will look at it in a bad way. Natakot akong sabihin sayo ang totoo dahil kakaayos lang natin, natakot akong bawiin mo yung sinabi mong mahal mo ko... Kinain ako ng takot ko at yun yung pagkakamali ko." Lumamlam ang mga mata nito. "But do I deserved this? Look at me, Angela! I'm fucking miserable and I only want is you to be by my s-side." His voice was crack and his tears falls down in his cheek. Kitang kita niya ang sakit sa mga mata nito at para iyong patalim sa puso niya.
"Napakaliit lang ng pagkakamali ko pero ang laki ng binawi sa akin, " Pagpapatuloy nito habang pumapatak ang luha nito. "I loved you with all my heart but you just dump me and judge me without due process..."
To be continued...