- Mael -
AYAW niyang sumbatan ito pero hindi na niya mapigil ang sama ng loob niya. Masakit at parang sasabog na siya.
"Kung nasaktan ka ng mawala ang anak natin mas nasaktan ako. Mas masakit sakin dahil wala akong ibang masisi kung di ang sarili ko. Takot na takot ako, dahil hindi lang ako nawalan ng anak. Nawala din yung isang bagay na pinanghahawakan ko sa'yo." Pasabunot na sinuklay niya ang kamay sa buhok. "Pinagdasal ko yun e, hiniling ko na magkaroon tayo ng anak. Hindi lang dahil gusto kong magka-anak tayo pero dahil alam kong kapag nagka-anak tayo mananatili ka sa tabi ko."Tumawa siya ng mapait. "Alam ko kasi kung gaano mo pinahahalagahan ang pamilya. At magiging pamilya tayo kung magkaka-anak tayo. Umasam ako na kapag nakita mong isa tayong pamilya baka sakali pahalagahan mo din ako... Na mahalin mo rin ako sa kabila ng mga kasalanang ginawa ko sayo." Huminga siya ng malalim para tanggalin ang bara sa lalamunan niya. "Kaya kung nasaktan ka dahil napabayaan ko kayong mag-ina wala pa yon sa sakit na naramdaman ko."
nanatiling tahimik at umiiyak si Angela. Gusto man niyang patahanin ito pero sobra na ang nararamdaman niyang sakit, gusto na niyang ilabas labas. Gusto niya ng samantalahing sabihin dito ang mga nararamdaman niya.
"Julianna is not my daughter," Nakita niyang natigilan si Angela. Inantay niyang tumingin ito sa mga mata niya bago siya nag patuloy. "She's my sister." Malakas na napasinghap ito.
"My father and Suzette had an affair. At si Julianna ang naging bunga. Hindi sa akin baliw na baliw si Suzette kundi kay daddy. Nakipag relasyon siya sa akin para mapalapit sa father ko. Nalaman ko yon ng pinatawag ako ni dad at sabihing bubtis si Suzette. Mahal na mahal ni daddy ang mommy, kaya nakiusap siya sa akin na ako umako sa bata at itago si Suzette. Nagalit ako nung una, ayokong pumayag dahil iniisip kita, kayo ni Amariah. Pero nagmakaawa si daddy, nagaalala siya na malaman ni mommy at baka hindi kayanin ni mommy ang lahat dahil may sakit ito sa puso. So I'm thorn between my love for you and for the sake of my mother. I love the both of you at ayokong masaktan kayo pareho. So I decided to kept it. Kaya ako laging umaalis noon dahil laging nag babanta si Suzette na kung hindi ko siya aasikasuhin pupuntahan niya ang mommy. Nang araw na dinala ka sa ospital yun din ang araw na nanganak si Suzette. I was tired and exhausted tapos pag uwi ko wala na pala akong anak. Naiisip mo ba kung gaano ako kinain ng ko sensya ko non? Halos maglumuhod ako sa diyos para lang ibalik niya ang anak natin
I waited for you to recover to what happened physically and emotionally. Sa araw araw na nakikita kitang malungkot nadadagdagan yung bigat na dala-dala ko. At nung oras na umalis ka at sumama kay Jonas doon ako bumigay." Saglit siyang tumigil para saglit na pagluwagin ang dibdib niya. "Pinili kong maging isang mabuting anak pero ang kapalit pala non ay ikaw... Bakit? " Puno ng hinanakit na tayong niya dito. "Minahal naman kita pero bakit nagawa mo kong iwan sa ere?"
Lalong lumakas ang hagulgol ni Angela. Kinuha niya ang tungkod niya at ginamit iyon para makatayo. Naglakad siya papalapit dito. Pumwesto siya mula sa likod ng kinauupuan nito at yumuko para yakapin ito gamit ang isang kamay niya. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito at doon umiyak.
"I love you... Please love me again, be mine again..." Pagmamakaawa niya.
Gagawin niya ang lahat mahalin lang siya uli nito kahit pa ang lumubod siya sa harap nito at paulit ulit na magmakaawa.
He was hoping na kahit papaano mayroon paring nararamdaman para sa kanya si Angela. Kahit na bigyan lang siya nito ng pagkakataon na turuan itong mahalin uli siya. He will do anything, give everything just to be loved by his wife... Again. Kahit matagal ayos lang.
Hinalikan niya ang buhok nito. Oh God knows how much he missed her scent. Napapikit na lang siya at nahiling na sana habang-buhay niya na lang yakap si Angela. And when Angela hug him back nakahinga siya ng maluwag. Parang may isang bara na natanggap sa dibdib niya. Niyakap nito ang braso niyang nakayakap dito at hinalikan ang kamay niya. Hindi ito nagsita at ganun din siya. nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa tumigil na ito sa pagiyak.
"I'm sorry... " Anito, malat ang boses nito. "I didn't know you feel that way," Muli na naman itong napaiyak.
"Sshhh..." Pag-aalo niya dito. Marahan niya hinimas-himas ang braso nito.
"I didn't know you suffer that much, I can't imagine the pain and agony you've been through. I'm sorry, I really am sorry..." Anito. "Nasaktan ako ng mawala ang anak natin at oo ikaw ang sinisi ko. Umalis ako noon pero araw-araw kitang inaantay na sunduin ako. Nang malaman kong naaksidente ka, pumunta agad kami ni Juancho sa ospital. Kinausap ako ng mommy mo na tuluyan ng makipag hiwalay sayo. Ayoko sana, ayokong iwan ka at handa na akong magsimula uli kasama ka. Pero hindi kaya ng konsensya ko, Mael." Tumayo ito at humarap sa kanya. "Nang mahawakan ko ang baby ni Suzette na akala ko'y anak mo, pumayag ako sa gusto ng mommy mo. Dahil nakita ko yung anak natin sa baby ni Suzette. Hindi ko kayang agawan nang isang buong pamilya ang bata. Sabi nga ng mommy mo I've been a mother even in a short span of time," Tumingala ito at kinulong ang mukha niya sa mga palad nito. "At bilang isang ina... Hindi ko kayang maging masaya kung mayroong isang batang mag susuffer dahil sa akin. I giving you up because I know you have a chance to be happy even without me. You have you're daugther, and I know how much you loved the idea having a child... At hindi ko din yon kayang ipagkait sayo." Tumulo ang mga luha nito na agad niya pinunasan. "Because I love you... I love you, Mael. Hindi mo kailangan magmakaawa sa akin na mahalin kita dahil kahit kailan hindi ko nakalimutan kung gaano kita kamahal. "
Parang lumobo ang puso niya sa huling sinabi nito. Mahal siya ni Angela! Niyakap niya ito ng mahigpit.
"Thank you... Oh God," Aniya parang inalis ng mga 'I love you' nito ang apat na taong pinagdaanang sakit at hirap. Mabilis niyang inilayo sa pagkakayakap sa kanya at agad na sinakop ang mga labi nito. He kissed her with all his heart, gusto niyang iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal, kung gaano siya nangulila dito. Ipinulupot nito ang mga kamay sa leeg niya at tinugon ng buong alab ang mga halik niya. Hinapit niya ito at nabitawan niya ang baston niya kaya naman muntik na silang matumba kung hindi lang siya mabilis na napakapit sa table niya.
Nahihiyang ngumiti siya kay Angela. "I'm sorry, nakalimutan kong hindi pa pala kaya ng paa kong buhatin ang bigat ko." Aniya dito. Napamura na lang siya ng lihim. Ayaw niya man ipakita dito ang kahinaan niya pero wala siyang magawa.
Lumungkot ang magandang mukha ng asawa. "Dahil ba yan sa aksidente na kinasangkutan mo four years ago?"
Marahan siyang tumango. "Yeah. Nito lang ako nakapag therapy, pero sabi ng therapist ko ilang buwan pa magiging normal na ang paglalakad ko." Aniya dito saka hinaplos ang pisngi nito.
Nangilid na naman ang mukha nito at kita niya ang guilt sa mga mata nito. "Sorry kung wala ako sa tabi mo para alagaan ka ng mga oras na dapat ay nasa tabi mo ako. " Anito.
"We have a lifetime, pwede kang bumawi. Pwede nating bawiin yung apat na taon na nawala sa atin." Masuyong aniya dito saka ito pinatakan ng halik sa mga labi.
- Angela -
TAMA, meron silang habambuhay para bumawi sa isa't isa. Nahihiya siya kau Mael dahil hindi biro ang sakit na pinagdaanan nito. At sa araw-araw na magkasama sila babawi siya. Babawiin nila ang apat na taon.
"P-Pero p-paano si Suzette?" Tanong niya kay Mael. Hindi naman pwedeng basta na lang mawala sa pagitan nila si Suzette dahil ito parin ang ina ni Julianna.
"Hindi na niya tayo magugulo. " Tiim bagang na anito. "I'll make sure of that."
"Siya oarin ang ina ni Julianna... " Gusto man niyang ariin si Julianna pero hindi naman ito sa kanya galing. Wala siyang karapatan sa bata.
"Not anymore, ikaw na ang kikilalaning ina ni Julianna. Kahit kailan naman hindi siya naging isang ina sa anak niya. Nalulong siya sa sugal kaya bata pa lang si Julianna hindi na niya naaalagaan. Nasa isang mental institute na si Suzette ngayon at dahil ako ang tumatayong ama ni Julianna na sa akin ang full custody ng bata. Pinaasikaso ko na rin kay Jim ang adoption papers para ikaw na ang maging legal na ina ng bata. "
Nakaramdam siya ng awa para kay Julianna. Hindi pala worth it ang ginawa niyang pagsasakripisyo dahil hindi rin pala nagkaroon ng isang buong pamilya si Julianna. "Ano nga palang sabi ng mommy mo?" Hindi niya napigilang tanong. Botong boto si Donya Matilde kay Suzette noon tapos...
"Disappointed. Hindi niya akalain na magiging ganoon si Suzette. Nagagalit siya kay Suzette dahil naging pabayang ina. Hindi niya akalain na ang babaemg gustong gusto niya para sa akin ay ang asawa niya pala ang habol." Umiling iling si Mael.
"Did she already know?"
"No. Not yet," Anito naupo ito sa ibabaw ng lamesa at hinila siya papalapit dito. "Kahit galit ako kay Mommy hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo." Malungkot na anito.
Hinaplos niya ang pisngi nito. "Hindi mo naman na kailangang sabihin. Andito naman tayo para tumayong magulang para kay Julianna." Aniya.
Lumamlam ang mga mata ni Mael at ngumiti sa kanya. "Are you willing to accept her?"
"Of course! Alam mo ba kung gaano ko hiniling noon na sana ako na lang ang ina niya?" Naalala niya pa ng una niyang mahawakan si Julianna sa ospital. "Gusto kong isipin na siya ang kapalit ni Amariah." Naginit ang sulok ng mata niya. "Lahat gagawin ko para sa kanya, para sa anak natin. "
"Thank you... "
"Ako ang dapat magpasalamat, dahil hindi mo ako sinukuan kahit nasaktan kita. "
"Pareho lang tayong nasaktan. Ang importante nandito ka ngayon." Napaluha siya. Nagpapasalamat siya dahil may isang Mael na nagmamahal sa kanya ng sobra-sobra.
To be continued...