Chereads / Owning Her (tagalog) / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

MARAHAN  bumango si Mael at maingay na kinumutan ang hubad na katawan ni Angela.

Hinalikan niya ang makinis na balikat nito at marahang hinimas ang umbok nito sa tiyan.

Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya sa nalamang mahal din siya nito. Wala na ata siyang mahihiling pa.

Ngayong alam niyang mahal siya ni Angela at magkakaanak na sila hindi siya papayag na may sumira doon.

Napatiim-bagang siya. Hindi siya papayag na may gumulo sa pamilya niya.

Maingat siyang tumayo at mabilis na hinagilap ang mga damit. Tinignan niya ang oras mula sa wall clock. Alas dos na nang madaling araw. Agad niyang kinuha ang susi ng kotse niya.

Muli niyang tinignan ang asawang himbing na natutulog sa kama bago lumabas ng kwarto

Sumakay siya sa sasakyan niya at pinaandar iyon. Halos wala pangkinse minutos nang marating niya ang pakay.

Isang maliit na bunggalow na pinagawa ng Daddy niya na ilang kilometro lang ang layo sa log house.

Bumaba siya at malalakas na kinalampag ang pinto. May narinig siyang kaluskos mula sa loob, maya-maya ay bumukas ang pinto.

"M-Mael..?" Pupungas pungas na sabi ni Suzzeth.

Agad niyang tinulak ito papasok sa loob ng kabahayan at pabalibag na isinara ang pinto.

Marahas na hinaltak niya ang braso nito. Napapiksi ito pero wala siyang pakialam kung masaktan man niya ito.

"Anong pumasok sa kokote mo at nilapitan mo si Angela?!" galit na singhal niya dito.

Bumakas ang galit sa mukha nito, "Bakit anong masama kung malaman niyang buntis ako? Kadugo rin naman ng anak niya ang anak ko?!" sarkastikong anito.

Lalong humigpit ang hawak niya sa braso nito. Gustong-gusto na niyang pilipitin ang leeg nito kung hindi nga lang ito buntis.

"A-ano b-ba nasasaktan a-ako!" Nagpupumilit itong kumawala sa kanya.

"Subukan mong lapitan uli ang asawa ko malilintikan ka sa'kin. Wala akong pakialam kung buntis ka. Sumunod ka sa usapan natin kung ayaw mong--"

"Kung ayaw kong ano?!" Taas noong putol nito sa kanya pagkuwan ay ngumiti ito ng nakakaakit. "You want to punish me? What punishment would I get? Spanking? Or you going to bondage me like before?" Pinaraanan ng mga daliri nito ang gilid ng labi niya.

Nandidiring iniiwas niya ang mukha sa kamay nito saka ito nginisihan

"I don't have an appetite fucking a whore like you!" Marahas na bnitawan niya ito. "Hnding-hindi ko hahawakan ang babaeng kasing dumi mo!"

Kitang-kita niya ang sakit at galit na bumadha sa mga mata nito.

"Shut your fucking mouth and leave my wife alone!" pagbabanta niya dito.

Tumalikod na siya para iwanan ito nang muling magsalita ito.

"Kahit anong gawin niyong tago sa'kin lalabas at lalabas pa rin ang totoo, Mael!"

Hindi siya umimik pero naikuyom niya ang mga kamao. Lumabas na siya sa bahay na yon at sumakay na sa kotse niya pabalik sa asawa.

Napahampas na lang siya sa manibela para mailabas ang galit na nararamdaman.

Kanina nang banggitin ni Angela ang tungkol kay Suzette ay halos mapigil na niya ang paghinga.

Hindi siya papayag na makagulo sa kanila si Suzette at ang dinadala nito. Kailangan niyang rendahan ng mabuti si Suzette para hindi ito makalapit sa asawa niya.

NAGISING si Angela sa tunog ng makina ng sasakyan. Bumangon siya at nakitang wala sa tabi niya ang asawa

Ipinulupot niya ang kumot sa katawan niya at tumayo para lumapit sa bintana. Nakita niya pa ang puwetan ng kotse ni Mael na papalabas sa gate. Napakunot-noo siyang tumingin sa wall clock. Alas dos pa lang ng madaling araw. Saan kaya pupunta ang asawa niya? Bakit hindi man lang nagpaalam sa kanya?

Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at dinial ang number ni Mael.

Nangunot ang noo niya nang marinig na may nagri-ring din sa loob ng kuwarto nila. Hinanap niya iyon at nakita niya sa sahig ang cellphone ni Mael na nagri-ring. Pinatay na niya ang tawag at pinulot ang cellphone ng asawa. Naalala niyang basta nga lang pala binato iyon ni Mael kanina pagkatapos putulin ang tawag ni Suzette. Nakalimutan na siguro ng asawa niya na pulutin iyon.

Inilapag niya iyon sa bedside table kasama ng cellphone niya.

Saan kaya pupunta si Mael nang ganitong oras?- tanong niya sa sarili.

Nakaramdam uli siya ng antok kaya naman muli siyang nahiga sa kama at natulog. Pagkagising niya nasa tabi niya na si Mael. Nakayakap ito sa kanya at mahimbing na natutulog. Hindi niya namalayan na nakauwi na pala ito. Hinaplos niya ang pisngi nito at marahang hinalikan sa mga labi. Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata.

Napangiti ito nang masilayan siya.

"Morning..." anito sa paos na boses.

Napakagat-labi siya. Ang hot tignan ni Mael kapag ganitong bagong gising. Namumungay ang mga mata nito na nakangiti rin.

"Morning..." ganting bati niya dito. "Saan ka pala galing kanina?" tanong niya nang maalalang umalis ito kanina.

Nakita niyang tila natigilan ito. Yumakap ito sa kanya saka isinubsob ang mukha sa leeg niya at sininghot-singhot siya doon dahilan para makiliti siya

"Mael, nakikiliti ako!" natatawang saway niya dito.

Lalo naman nitong pinanggigilan ang leeg niya kaya napahalakhak na siya ng malakas.

"T-tama naaa!" tili niya na pilit kumakawala dito. "Maeeel!"

Natatawang tinigilan na siya nito at kinubabawan. Idiniin nito ang sarili sa kanya kaya naman dama niya ang pagkalalaki nito dahil wala itong soot na kahit ano. Nag-init ang mukha niya.

"M-Mael..." hindi niya man gusto pero naging ungol ang lumabas sa bibig niya nang tawagin niya ito ng bigla itong umulos sa kanya.

Napangiti ito dahil sa naging reaksyon niya kaya sinimangutan niya ito.

"I love you," puno nang pagmamahal na sabi nito sa kanya. Kita niya ang sensiridad sa mga mata nito habang sinasabi iyon.

Napangiti siya. Gusto niyang maiyak sa sobrang saya. Hanggang ngayon hindi siya makapaniwala na okay na sila ni Mael. Na mahal siya nito at may katugon ang damdamin niya para dito.

"I love you too..." hinaplos niya ang pisngi nito at siya na mismo ang humalik sa mga labi nito. Naging mapaghanap ang mga halik nito. Naging agresibo habang tumatagal parang sabik na sabik sa mga labi niya. Lalo itong dumagan sa kanya.

Umungol siya at marahan itong itinulak. Napadilat ito at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Bakit ?" takang tanong nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Baka po nakakalimutan mo Mister na buntis ako at medyo malaki na ang baby bump ko. Naiipit na si Baby sa ginagawa mo."

Tumawa ito. "Sorry." Umalis ito sa pagkakadagan sa kanya at lumipat sa tabi niya. Pinatagilid siya nito patalikod dito. Itinaas nito ang isang hita niya at dahan-dahang pumasok sa kanya.

Napasinghap siya nang maramdaman ito sa loob niya. "Mael... " di niya maiwasang iungol.

"Do you like it?" tanong nito sa kanya at muli ungol lang ang lumabas sa bibig niya bilang sagot sa tanong nito.

Naging mabilis pero may pag-iingat ang bawat kilos at pag-ulos nito sa kanya. It's a gentle and sweet making love that they shared. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa bawat pag-angkin nito sa kanya.

Siguro nga'y hindi naging maganda ang simula nila pero hindi pa naman huli ang lahat hindi ba? They can make a one big happy family together because they love each other. Panatag na ang loob niya, dahil alam niyang siya ang mahal ni Mael. Paniniwalaan niya iyon ano man ang mangyari at hinding-hindi na siya makikinig sa kahit na sinong gustong sumira sa kanilang mag-asawa gaya nang ginawang kasinungalingan ni Suzette tungkol sa pagbubuntis nito. Naniniwala siya kay Mael. Tiwala siya dito na hindi siya nito lolokohin at sasaktan dahil mahal siya nito.

Mahal niya ang asawa at nangangako din siya mula sa kanyang namayapang ina na pakamamahalin ang kanyang kabiyak sa hirap man o sa ginhawa katulad na lang nang sinumpaan nilang pangako sa isa't-isa nang ikasal sila.

Walang makakasira sa kanila hangga't mahal nila ang isa't-isa.

PAGKATAPOS nilang mag lambingan sa kama sabay silang naligong dalawa at siyempre pa hindi lang basta panliligo ang ginawa nilang dalawa sa loob ng banyo.

Tinuyo siya nito ng tuwalya at binuhat papunta sa walk in closet at pinilian ng damit. Isang pink na maternity dress ang pinili nito para sa kanya. Tinulungan siya nitong suotin iyon at kung hindi niya pa ito sinaway at sinabing nagugutom na siya baka kung saan na naman na papunta ang tagpo nilang iyon.

Magkahawak ang kamay na bumaba sila ng hagdan at nagtungo sa kusina. Sa pintuan pa lang ay amoy na ang mabangong niluluto ni Nay Caring.

"Good morning po, Nay," bati niya sa matandang katiwala.

Lumingon ito sa kanila mula sa pagluluto nito at bumati rin ng magandang umaga.

Pinaghila siya ni Mael ng silya. Nakangiting umupo siya at nagpasalamat dito.

Hindi ito naupo sa tabi niya. Lumapit ito sa sink at kinuha ang strawberry doon. Naglaway siya habang pinanonood itong gumawa ng strawberry smoothies. Ilang araw na siyang nagca-crave dito, noon pang makapanood sila ni Mael ng documentary about Baguio.

Takam na takam siya habang pinanonood itong magsalin sa baso at lumapit sa kanya. Ibinaba nito ang baso na may lamang strawberry smoothies sa harap niya. Saka pa lang naupo ito sa tabi niya na nakangiti.

"Naisipan kong maghanap niyan kanina kaya umalis ako," anito pagkuwan.

Na-touch naman siya sa sinabi nito. Yun pala ang dahilan kung bakit umalis ito kanina.

"Thank you..." hindi niya alam kung bakit pero feeling niya naiiyak siya.

Natatawa itong dumukwang at hinalikan siya. "A kiss is much better than thank you, hon."

Hinalikan niya ito. Ang lapad ng pagkakangiti nito nangg magkahiway ang mga labi nila.

INILAPAG ni Nay Caring ang niluto nitong almusal. Agad pinagsilbihan ni Mael si Angela. Nilagyan niya ng scramble egg at bacon ang plato nito.

Natutuwa siya at halatang tuwang-tuwa ito sa strawberry smoothies na ginawa niya para dito. Alam niyang gusto nito iyon. Buti na nga lang ng pauwi na siya nang madaanan niya ang anak ni Mang Isko na pauwi na. May dala itong strawberry na galing pa raw ng Baguio. Binigyan siya nito.

Buti na nga lang at nabigyan siya ng anak ni Mang Isko dahil nagkaroon siya ng dahilan nang tanungin siya ni Angela kung saan siya nagpunta kanina. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi na ito masyadong nag-usisa sa kanya. Magana na itong kumain habang panaka-naka'y titingin sa kanya at ngingiti.

Napapangiti na rin siya ito ang pinakamasayang breakfast na pinagsaluhan nilang mag-asawa.

"Saan ka nga pala nakahanap ng mga strawberry?" natigilan siya sa tanong nito.

"Ah... S-sa..." Tumikhim muna siya at nilunok ang pagkain na nasa bibig niya. "Sa bayan dun sa suki kong prutasan." Hindi siya makatingin dito. Natatakot kasi siya na mabasa nito na nagsisinungaling siya.

"Ahh... Ganon ba," anito at ngumiti sa kanya kaya nahawa na rin siya sa ngiti nito. Nagpatuloy na ulit ito sa pagkain na ikinahinga niya ng maluwag.

Kinakabahan siya kapag nagtatanong ito. Hangga't maari kasi ayaw niyang pagsinungalingan ang asawa.

Lihim siyang napabuntong-hininga. Sino bang niloloko niya? Ayaw niyang pagsinungalingan si Angela pero kanina pa siya nagsisinungaling para lang hindi siya mabuko nito kung saan siya tunay na nagpunta kanina.

Napahigpit ang hawak niya sa kubyertos. Kailangan makagawa na siya nang solusyon sa problema niya kay Suzette.

NAG-AYA si Mael na mag-picnic sila sa may batis na malapit lang daw dito sa log house kaya naman nagmamadali siyang magpalit ng damit kanina pero nang makapagpalit siya ay nakita niya naman itong seryosong nakikipag-usap sa kung sino mangkausap nito sa cellphone nito. Lalapitan niya sana ito kaya lang ay parang nakikipagtalo ito sa kausap. Naisip niya na baka sa trabaho ang tawag na iyon. Agad kasing nagpaalam sa kanya si Mael na may pupuntahan lang pagkatapos nitong makipag-usap sa cellphone nito.

Gusto man niya itong pigilan pero hindi niya ginawa. Mukha kasing importante ang pupuntahan nito dahil nagmamadali ito at aligaga.

Tumambay na lang siya sa may garden at doon nagpalipas ng oras. Natutuwa siyang pagmasdan ang mga bulaklak na nakatanim doon. Nare-relax siya habang nakaupo sa swing na pinalagay ni Mael para sa kanya dahil hilig niya talagang tumambay dito sa garden, lalo na kapag busy si Mael sa mga paper works na iniuuwi nito galing opisina.

Hardworking kasi ang asawa niya. Napag-alaman niya rin na hindi lang ang company na pag-aari ng parents nito ang pinamamahalaan nito kundi pati na rin ang Almendra Internationals na pag-aari ng lolo niya.

Pinaliwanag na sa kanya ni Mael ang lahat. Nilinaw din nito na hindi ito interesado sa share na nakuha nito sa Almendra. Katunayan nga ay gumawa ito ng kasulatan na nagsasabing inililipat na nito sa pangalan niya ang buong 40% share na hawak nito, walang labis at walang kulang.

Natanawan niya si Mang Isko na papasok sa gate at may dalang basket kaya tumayo siya at sinalubong ito

"Magandang tanghali ho, Señorita," magalang na bati nito sa kanya. Tinanggal pa nito ang suot na salakot at bahagyang yumukod.

"Magandang tanghali din po Mang Isko," nakangiting bati niya din dito. "Naku wala po dito si Mael may pinuntahan po siya," pauna niya dito sa pag-aakalang ang asawa niya ang hanap nito.

"Ay ayos lang ho. Dinala ko laang ho itong mga strawberry na dala ng anak ko. Naikwento ho kasi sa'kin kanina ni Caring na pinaglilihian niyo ata are," wika nito.

Tinanggap niya naman ang basket na iniaabot nito. Puno iyon ng strawberry na mapipintog at mukhang napakasarap

"Anak niyo po pala ang may pwesto ng prutasan sa bayan?"

"Ho? Naku hindi ho. Doctor ho ang anak ko, nagkataon lang na may medical mission sila sa Baguio kaya may dala siyang mga strawberry kanina nang madaanan siya ng Señorito kanina sa daan ng papauwi na dito sa log house," mahabang paliwanag ni Mang Isko.

Natigilan siya sa sinabi ni Mang Isko. Kung ganoon hindi talaga siya hinanapan ng strawberry ni Mael gaya ng pagkakasabi nito sa kanya kanina. Pero saan ito talaga nanggaling kanina?

"A-anong oras ho pala nakita ng anak niyo si Mael?" hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan.

"Mag-aalas kuwatro ho siguro," nakangiting tugon ng matanda.

Siya naman ay pilit na rin ang naging pagngiti. "Ganon po ba..."

"Paano ho, Señorita, mauna na ho ako ay sadyang idinaan ko lamang iyan dito palusong ho kasi ako ngayon sa bayan."

Nginitian niya si Mang Isko at tinanguan. Tumalikod na ang matanda saka umalis na.

Wala na si Mang Isko pero nakatayo pa rin siya hawak ang ibinigay nito.

Bakit nagsinungaling sa kanya si Mael?

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Ayaw niyang pag mdudahan si Mael lalo na at ngayon pa lang sila nagkakaayos.

Pero saan nga kaya galing si Mael?

To be continued..