Chereads / Owning Her (tagalog) / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

NADATNAN ni Mael na nakaupo sa gilid ng kama ang asawa. Nakapagpalit na ito ng pantulog. Pajama at malaking tshirt. Nakatulala lang ito sa bintana.

Tumikhim siya pero hindi siya nito pinansin. Napatiim bagang siya. Ano kayang pinag-usapan nito at ng pinsan niya. Bakit parang pinagsakluban ng langit ang asawa niya?

Siguro dahil kasal na ito sa kanya kaya naisip nito na hindi na ito uubra sa pinsan niya. Kilala niya ito laki ito sa lola nito na numero unong conservative. Mas pinili nito ang tama. At hindi ako - mapait na bulong niya sa sarili.

Naghubad siya ng damit tanging boxer lang ang iniwan niya. Lumapit siya dito at tumabi ng upo dito. Hinalikan niya ang leeg nito. Naramdaman niyang nanigas ito na ikinainis niya.

Balik na naman ba sila sa umpisa dahil lang sa nagpakita ang magaling na pinsan niya? Iginiya niya ito pahiga pero itinulak lang siya nito.

"What's wrong with you?" inis na sigaw niya dito.

Nag-iwas ito ng tingin sa kanya.

"P-pagod ako, gusto ko ng magpahinga" nakayukong sabi nito.

Nakaramdam naman siya ng guilt. Bumuntong hininga siya at hinayaan na itong mahiga. Tumagilid ito patalikod sa kanya ng mahiga ito ikinumot nito ang comporter hangang sa leeg nito.

Siguro kung sa ibang pagkakataon pupwersahin niya ito pero pagod na rin siya. Pagod na sa paulit-ulit napagsiksik sa sarili sa taong lagi naman siyang pinagtutulakan. Tumayo na siya at dumiretso sa banyo. Kailangan niya ng malamig na shower.

AKALA ni Angela wala na siyang iluluha dahil naubos na niya kanina pero hindi, mayron pa rin pala.

Hinayaan niya ang sarili na umiyak. Hindi niya kayang makipag talik dito pagkatapos nito sa kandungan ng iba.

Ganito na ba ang magiging buhay niya?

Natatakot siya.

Kakayanin niya ba?

Bakit ba kasi sinundan niya pa ang asawa at si Suzette sa library? Sana hindi siya nasasaktan ngayon. Kung wala siyang alam mas okay siguro.

Pero alam na niya ang totoo at wala siyang magawa kung hindi ang masaktan.

Naramdaman niyang lumabas ng banyo ang asawa. Naamoy niya ang mabangong sabon na ginamit nito. Gusto niya itong yakapin at sumubsob sa leeg nito, kung hindi ba naman siya baliw kahit alam niya nang ginamit lang siya nito hindi niya pa rin mapigilang pangarapin ito.

Lumundo ang kama at pinilit niya ang sarili na magtulogtulugan. Sumukob ito sa comporter ang asawa niya at tumagilid paharap sa kanya. Hinalikan siya nito sa noo at mahigpit na niyakap.

Gusto niya itong itulak, sumbatan dahil sa mga ginagawa nito lalo lang siyang nahuhulog dito. Napakasama nito.

MAAGA SIYANG nagising pero wala na ang asawa niya.

Nagpunta siya sa library at tinawagan ang superior niya sa school na pinapasukan. Napag-alaman niya na may indefinite leave na naka-file sa kanya. Sinabi niya na lang na papasok na siya bukas at tinatapos na niya ang leave.

Kailangan niya ng mapaglilibangan dahil kung hindi mababaliw siya sa kakaisip dito sa bahay

Pababa na siya ng hagdan para mag-agahan nang makasalubong niya ang isang maid sa hagdan.

"Señorita, may bisita ho kayo."

Nangunot ang noo niya, wala naman kasi siyang inaasahang bisita.

"Sino daw ho?" tanong niya dito.

"Si Mam Suzette ho."

Napatiim bagang siya. "Nasaan siya?"

"Nasa sala ho," sagot nito sa kanya saka umalis na.

Bumababa siya at dumiretso sa sala. Prenteng nakaupo don si Suzette at nagbabasa ng magazine habang umiinom ng tsaa. Para bang pag-aari nito ang bahay at siya ang bisita. Kunsabagay sa ayos nito mas bagay nga itong may bahay ni Mael kaysa sa kanya na nakasoot lang ng isang simpleng house dress.

"Good morning," bati nito na ibinaba ang tsaa at saglit na sumulyap sa kanya saka nagpatuloy sa pagbabasa ng magazine. "take a seat," sabi pa nito na itinuro ang single sofa sa harap nito.

Ngani-nganing batuhin niya ito ng vase na nadaanan niya. Pero nagtimpi siya. Naupo siya sa harap nito.

"Anong kailangan mo?" diretsang tanong niya dito

"Wala naman. I just woke up at naisip kong mag magandang loob na puntahan ka para sabihing wag kang masyadong ma-attach kay Mael," kibit-balikat na sabi nito. Ang mga mata ay nasa binabasa pa rin.

"A-anong ibig mong sabihin?" Kahit alam na niya ang isasagot nito pinili niya paring magkunwaring walang alam.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Hinahod siya nang tingin mula ulo hanggang paa. Nakaramdam siya ng insekyuridad dito.

"Darlin, you are so naive and innocent kaya kung hahayaan mo ang sarili mo na mahulog sa charm ng asawa mo baka masaktan ka lang," nakangising sabi nito.

Nakaramdam siya ng galit dito. Nalamukos niya ang laylayan ng dress niya. Ang kapal ng mukha nito para sabihan siya ng ganoon.

"Bakit naman ako masasaktan?" nangigigil na tanong dito pero pinilit niya pa ring magpakahinahon.

Tumawa ito. Tawang sosyal yung aral na pagtawa. Pero para sa kanya tawa iyon ng demonyo.

"Don't tell me na umaasa ka na magkakagusto sayo si Ishmael? Hindi kaba tumitingin sa salamin? Look at you... and look at me." Iminuwestra pa nito ang sarili. "Sa tingin mo sino ang mas bagay na Mrs. Ishmael Capistrano sa ating dalawa?" nakataas ang noo na tanong nito sa kanya ang mga mata nito ay nanunuya.

Calm down, Angela, calm down.

"Eh, bakit hindi ikaw ang pinakasalan?" Tinignan niya ito at nginisihan. Tumalim ang mga mata nito

"Dahil--"

"Dahil sa mana?" putol niya sa sasabihin nito "Yeah, I kno, I know. Dahil sa mana kaya ako pinakasalan ni Mael," tatango-tango na sabi niya dito. Gusto niyang matawa nang makita ang pagkagulat sa mukha nito. Akala ba nito hindi niya ito lalabanan? Oo siguro nga naive siya pero hindi siya martyr, hindi siya bida sa isang teleserye na api-apihan ang drama. "Wala kabang mamanahin? Kasi ako mayron. kaya nga ako pinakasalan ng asawa ko," nakakalokong sabi niya dito.

"How dare you!" Tumayo ito at dinuro siya. "Feeling ka! For your information mas malaki ang makukuha kong mana kaysa sa nakuha niya sayo!" gigil na gigil na sabi nito sa kanya.

Tumayo rin siya at relax na hinarap ito. Kahit na ang totoo ay nanginginig na ang tuhod niya.

"Mael loves me!" sigaw pa nito. Para na itong mababaliw sa itsura nito.

"Kung mahal ka niya bakit niya piniling pakasalan ako? Bakit hindi ikaw tutal may mamanahin ka rin naman pala?" taanong niya dito. Kalma pa rin. Pinapakita niya dito kung sino ang may mas pinag-aralan sa kanila.

Natigilan ito tila nag-isip.

Hindi niya hinayaan na makapagsalita pa ulit ito. Inunahan niya na ito. "Baka naman nag-iilusyon ka lang na mahal ka niya pero ang totoo ako ang mahal niya--"

Bumiling ang mukha niya nang lapitan siya nito at sampalin. Sasampalin pa sana siya uli nito pero itinulak niya ito. Natumba ito sa sofa. Dinampot niya ang iniinom nitong tsaa at itinapon sa kandungan nito. Nabigla siya sa nagawa niya kaya napaatras siya. Hini niya na napigilan ang paghulagpos nang galit para dito nang sampalin siya nito.

Nagtitili naman si Suzette at hindi malaman kung paano pupunasan ang sarili.

"Anong nangyayari dito?" Pareho silang napalingon sa may hagdan, pababa roon ang biyenan niyang babae.

"Tita!" Nagmamadaling sinalubong ito ni Suzette. "Yang magaling na manugang mo tinapunan ako ng tsaa samantalang kinakamusta ko lang naman si Mael," sumbong nito.

Gilalas siya sa galing nitong magpaawa at magsinungaling. Ang itsura nito ay parang aping-api na akala mo hindi makabasag pinggan

Nilapitan siya ng biyenan niya. Nanlilisik ang mga mata nito kaya napaatras siya. Nang makalapit ito sa kanya agad nitong hinaklit nang mahigpit ang braso niya.

"Wala ka talagang breeding!" gigil na sabi nito.

Nasa likod nito si Suzette at nakangising nakatingin sa kanya.

"Pero siya po ang nauna," paliwanag niya.

"What?! Kinakamusta ko lang naman kayo ni Mael kung ano ano na ang pinagsasabi mo sa'kin. Palibhasa dukha ka!"

"Sinungaling--"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil malakas siyang sinampal ni Donya Matilde. Naramdaman niyang parang may umugong sa tainga niya sa lakas nang sampal nito, saglit pa siyang parang nabingi. Sapo niya ang nasaktang pisngi na tinignan ang Donya.

Dinakot nito ang buhok niya. Napaigik siya dahil nasaktan siya sa pagkakasabunot nito.

"Wala kang karapatan na bastusin ang mga bumibisita dito sa pamamahay ko!" gigil na sabi nito sa kanya. "Kung hindi lang dahil sa share na makukuha ng anak ko mula sa kompanya ng lolo mo nunca na pakasalan ka niya!"

Napaluha siya. Hindi dahil sa sakit nang pagkakasabunot nito kundi dahil sa pagpapamukha nito ng totoong dahilan kung bakit siya kasal ngayon kay Mael.

Binitiwan siya nito. Pasalya kaya naman napaupo siya sa kahoy na center table.

Tinalikuran na siya ng dalawa. Iniwan siya don na parang walang halaga sa mga ito. Napasubsob siya sa kamay niya at umiyak nang umiyak doon. Awang-awa sa sarili. Ngayon niya mas nararamdaman na napakaliit niya. Na isa siyang basura.

Nakaramdam siya ng sakit sa puson niya. Kumikirot iyon kaya napahawak siya. Huminga siya ng malalim. Nababawasan naman kahit papaano ang sakit.

"Señorita, ayos lang ho kayo?"

Tiningala niya si Nay Caring ang mayordoma ng mga Capistrano. Bakas dito ang pag-aalala nito sa kanya at awa.

"Nay Caring, kumikirot ho ang p-puson ko ahh!" daing niya dito at mahigpit na humawak sa braso nito nang muling kumirot ang puson niya.

"Ha? naku napapaano ho ba kayo?" natatarantang tanong nito. Hindi nito malaman kung ano ang gagawin sa kanya.

Tumunog naman ang telepono sa tabi nila. Agad iyong sinagot ni Nay Caring

"Señorito!" malakas na anito.

KANINA PA tinatawagan ni Mael ang cellphone ni Angela pero hindi nito sinasagot kaya naman ang landline sa mansion ang tinawagan niya.

Bigla niya kasi itong naalala. O, siguro na miss niya ang boses nito. Hindi kasi sila nakapag-usap kahapon.

Pagkalipas ng dalawang ring ay may sumagot na .

"Hello?" inip na tanong niya sa kabilang linya.

"Señorito!" Nailayo niya ang cellphone sa tainga niya sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya.

"Nay Caring? Bakit ba kayo sumisigaw?" inis na tanong niya dito. Matanda na kasi at medyo mahina na ang pandinig nito kaya madalas lumalakas ang boses nito kapag kinakausap.

"Naku, Señorito, buti at napatawag kayo."

Napaayos siya ng upo nang maulinigan ang taranta sa boses nito.

"Bakit may problema ba?" tanong niya dito.

"Naku ang Señorita, umiiyak masakit daw ang puson niya- Ay diyos ko po dinudugo na ang Señorita!" sigaw ng matanda bakas ang takot sa boses nito.

Para namang may nagbuhos ng malamig na tubig sa katawan niya sa narinig.

"What?! Bring her to the hospital!" Mabilis siyang tumayo at lumabas ng opisina niya nakasalubong pa niya si Jim na may iaabot sa kanya pero nilagpasan niya lang. "Hello? Nay Caring, tawagin niyo si Temyo at dalhin niyo sa hospital si Angela bilisan niyo susunod a.ko!"

"Oho! oho!" nawala na ito sa kabilang linya.

Mabilis siyang sumakay ng elevator. Halos durugin niya ang button kakapindot na para bang sa ganong paraan mabilis siyang maibaba no'n.

Pagkalabas ng elevator ay agad siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot iyon ng takbo

Oh god please don't let anything happen to my wife...

Pagdating niyasa hospital na pinagdalhan kay Angela ay mabilis siyang lumapit sa nurse station at tinanong ang asawa niya.

"Nasa Room 207 po si Mrs. Capistrano," sabi ng nurse sa kanya.

Tumakbo na siya papunta sa kuwarto kung nasaan si Angela. Abo't abot ang panalangin niya habang tumatakbo siya.

Naabutan niya sa loob ng kuwarto ang biyenan niyang lalaki at ang kapatid ni Angela.

Napatingin siya sa kama. Nakahiga doon ang asawa niya. Tulog na tulog ito at maputla.

"Tay..." kinuha niya ang kamay ng biyenan niya at nagmano.

"Kaawaan ka," anito.

"Kamusta na ho ang asawa ko?" tanong niya dito habang lumalapit sa kinahihigaan ng asawa. Nakaupo sa gilid ng kama si Juancho. Tinangunan siya nito at umalis sa kinauupuan nito para doon siya pumwesto.

"Muntik nang maagasan," nakatiim bagang na sabi ng byenan niya.

Nabigla man sa sinabi nito pero agad siyang napangiti. "Buntis ang asawa ko?" Ginagap niya ang kamay ni Angela at dinala yon sa labi niya.

"Oo at muntik nang mawala. Sabi ng doctor dahil daw sa stress. Nag-away ba kayong mag-asawa? Ang sabi ni Caring nakita niya raw si Angela na iyak nang iyak kaya nilapitan niya tapos dumaing daw sa kanya na masakit ang puson hanggang sa dinugo," kalmante ang boses nito pero nandon ang pagdududa.

Napabuntong hininga siya. "Mayron lang ho kaming konting tampuhan mag-asawa."

Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Angela. Na-stress ba ito dahil masyadong dinamdam nito ang naging pag-uusap nito at ni Jonas?

"Ganoon ba. Eh, ako naman ay hindi nakikialam pero sana eh, ganyang maselan ang pagbubuntis ni Angela, baka naman pupwedeng pagpasensyahan mo na lang ang ugali. Ikaw na ang bahalang magparaya. Ganoon naman daw talaga ang mga nagbubuntis. Mahirap espelingin. Ang asawa ko nga dati ang ina ng mga iyan pagbuntis lagi kaming giyera patani. Pero pagbibigyan mo nalaang at lilipas din naman iyon." Tinapik tapik pa nito ang balikat niya.

Ngitian niya ito at tinanguan na lang. Binaling niya uli ang tingin sa asawa niya na maputla pa rin. Hinimas niya ang noo nito at hinalikan.

Gusto niyang magalit dito dahil sa pagdaramdam nito sa paghihiwalay nito at ng pinsan niya nadadamay ang anak niya. Pero mas lamang ang pagmamahal na nararamdaman niya kaysa sa galit sa asawa.

NAKATULOG NA SIYA na hawak ang kamay ng asawa. Nagising siya nang may tumapik sa balikat niya. Wala na ang biyenan at bayaw niya. Kanina pa iyon nagpaalam na uuwi sa kanya bago siya nakatulog.

"Magkape ho muna kayo," sabi ni Nay Caring saka inabot sa kanya ang kape.

"Salamat ho," Inihipan niya iyon at hinigupan.

"Eh Señorito..."

Napatingin siya sa kay Nay Caring. Para itong alumpihit at may gustong sabihin.

"Ano yon, Nay?" Kunot ang noo na tanong niya dito.

"T-tungkol ho sa Señorita."

"Ano hong tungkol sa asawa ko?" nagdududang tanong niya dito.

"Kasi ho... Wag niyo na lang ho sanang mabanggit sa Señora ano ho. Ako ho eh naaawa lang sa Señorita lalo na at buntis pala."

Naiinis siya sa pasakalye nito.

"Ano ho ba iyon? Anong kinalaman ng Mommy?" bagot na tanong niya dito.

"Kasi nakita ko kanina na binisita ni Mam Suzette ang Señorita pagkatapos ay nagtalo sila, nasampal ni Mam Suzette ang Señorita kaya gumanti naman ang Señorita itinulak niya si Mam Suzette at tinapunan ng tsaa.  Naabutan ho iyon ng Señora tapos sinumbungan pa ni Mam Suzette kaya ayon sinampal din ng Señora ang Señorita. Pagkalakas nga ho biling ang mukha ng Señorita pagkatapos sinabunutan at isinalya sa lamisita." napatiimbagang siya sa nalaman. "Hindi ko na lang binanggit sa ama ng Señorita at baka kako magalit."

"Salamat ho at hindi niyo nabanggit," nagngingitngit na sabi niya. "Asan ang Mommy?" tanong niya dito.

"N-nasa b-bahay ho."

"Paki bantayan ang asawa ko Nay Caring. Wala ho kayong palalapitin kahit sino maliban sa pamilya niya. Naiintindihan niyo ba?" nilin niya sa matanda.

Mabilis naman itong tumango.

to be continued...