Chereads / Owning Her (tagalog) / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

MALAYO PA LANG ay tanaw niya na si Mael na nakasandal sa kotse nito habang nakahalukipkip. Nakayuko ito kaya hindi niya kita ang mukha nito. Lumapit siya dito. Napakunot noo siya nang tumingala ito nang maramdaman ang paglapit niya. Putok ang labi nito at may pasa sa panga.

"Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong niya dito.

"Wala," matabang na sabi nito. Binuksan nito ang pinto ng passenger seat. Walang imik na sumakay siya don. Mabilis na itong umikot sa driver seat. Pinaandar nito ang sasakyan na hindi man lang umiimik. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana

Maya-maya pa ay napansin niya na hindi papunta sa bahay nila ang tinatahak nitong daan. Agad siyang naalarma. Umahon ang kaba sa kanyang dibdib.

"S-Saan tayo pupunta Mael?" nahihintakutang tanong niya dito. Sumulyap ito sa kanya. Lumambot ang ekspresyon nito nang makita ang takot sa mukha niya.

"Sa Ninong Ante," matipid na sagot nito. Kilala niya ang tinutukoy nitong Ninong Ante. Si Judge Arthemis Dimayuga.

"Bakit tayo pupunta sa Ninong Ante mo?" takang tanong niya dito. Hindi na uli ito umimik at nagpatuloy na lang sa pagdi-drive

Pumarada sila sa isang magandang bahay na may malawak na bakuran. Bumaba na si Mael kaya sumunod siya dito.

"Anong gagawin natin dito Mael?" tanong niya uli dito.

Hindi uli ito umimik. Hinawakan nito nang mahigpit ang palapulsuhan niya. May dinukot ito sa bulsa. Isang posas. Nanlaki ang mga mata niya ng ikabit nito sa palapulsuhan niya ang posas at ang isa naman ay ikinabit sa sariling kamay.

"We're getting married now." Bakas ang determinasyon sa mukha nito.

"A-akala ko ba sa Sunday pa ang kasal? Saka bakit kailangan mo kong iposas?"

"Tuloy pa rin ang garden wedding natin sa Sunday pero kailangan na natin magpakasal agad ngayon."

Nakaladkad siya nang tumalikod na ito at mabilis na naglakad papunta sa magandang bahay.

"P-pero bakit biglaan naman ata?"

"Wag kang maraming tanong Angela. Basta magpapakasal tayo ngayon. Period!"

Malakas nitong kinatok ang pintuan. "Ninong! Ninong Ante!" Hindi pa ito nakontento sa malakas na pagkatok sumigaw pa ito.

Isang naka-uniforme na katulong ang nagbukas ng pintuan.

"S-sir Mael?" gulat na sabi ng katulong.

"Ang Ninong?" tanong dito ni Mael na hindi na inantay makasagot ang katulong at dumiretso na papasok sa bahay.

Nahihiyang humingi siya nang paumanhin sa katulong na halos nabangga na ni Mael sa pagmaadaling pumasok.

Maganda at marangya ang loob ng bahay maraming mamahaling kasangkapan ang mga naroroon

"Mael?" Napalingon sila kay Judge Arthemis Dimayuga na nakasuot lang ng itim na roba na pababa sa magandang staircase.

"Good evening Ninong, dala ko na ang mapapangasawa ko ikasal mo na kami," walang ka abog-abog na sabi ni Mael dito.

Napapahiyang nagyuko na lamang siya ng ulo. Siya ang nahihiya sa inaakto ni Mael.

Halata naman ang pagkabigla ng Judge pero maya-maya ay tumawa na rin.

"Aba hijo, bakit naman nakaposas pa yang bride mo? Hindi ko kayo pwedeng ikasal kung napipilitan lang ang bride mo," tatawa-tawang sabi ng Judge.

Bumuntong-hininga si Mael at dinukot ang susi sa bulsa saka tinanggal ang mga posas nila.

"Happy?" Sarkastikong tanong nito sa Ninong nito. "Ikasal mo na kami , 'Nong," inip na sabi nito.

"Pero--" tututol pa sana ang Ninong ni Mael ng putulin ito sa pagsasalita ni Mael.

"Kilala ko si Teresa 'Nong... ayaw mo naman sigurong makilala siya ng Ninang?" nakangising ani ni Mael.

Namutla naman ang Ninong nito na siyang ipinagtaka niya.

"A-Aba eh halina kayo sa library nang maikasal ko na kayo. Ibyang!" Tawag nito sa katulong na nagbukas sa kanila ng pinto kanina. "Sumama ka sa library para maging witness ng dalawang ito " Yun lang at tumalikod na ito.

Hinila na siya ni Mael pasunod sa Judge. Pumasok sila sa library. Nakatayo na sa likod ng mahogany table ang Judge at may hawak ng libro.

Ilang minuto pa at ikinasal nga sila ng Ninong nito. May mga papel na pinafill up-an sa kanila at pinapirmahan.

Nagulat pa siya ng may inilabas na wedding ring si Mael na para sa kanilang dalawa.

"I, now pronounced you man and wife. You may now kiss the bride," wika ng Judge na nagkasal sa kanila.

Malapad ang ngiti ni Mael. Hinawakan nito ang pisngi niya para iangat. Matangkad ito halos hanggang dibdib lang siya nito.

Unti-unting bumaba ang labi nito sa labi niya. Bumilis ang pagtibok ng puso niya habang nakatingin sa mapupulang labi nito na ilang hibla na lang ang layo sa labi niya. Kusang pumikit ang mga mata niya ng maglapat ang labi nila. Magaan lamang iyon hanggang sa unti-unti ng lumalim. Ginaya niya ang paggalaw ng mga labi nito. Parang alak ang halik nito na lumalasing sa kanya. Naramdaman niya ang pagdiin nito sa batok niya. Ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito para hindi siya matumba dahil nanlalambot ang mga tuhod sa halik na pinagsasaluhan nila.

Humihingal silang pareho nang maghiwalay ang mga labi nila. May ngiti sa mga labi nito nang tignan niya. Masuyo nitong hinalikan ang noo niya at idinikit ang noo sa noo niya.

"You are officially mine now," bulong nito habang nakapikit.

"Mael..." anas niya. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama sa mga oras na yon. Parang may mga paro-parong nagliliparan sa sikmura niya at napakabilis ng tibok ng puso niya.

"Ehem..." Malakas na tumikhim si Judge Dimayuga para makuha ang atensyon nila. Napapahiyang bumitaw siya kay Mael na parang walang balak na pakawalan siya. "Oh paano hijo, ngayong kasal na kayo siguro naman kakalimutan mo na si Teresa?"

"I dont really know her personally Ninong, I just heard her name ng nag-uusap kayo ng Daddy," sabi nito na hindi inaalis ang tingin kay Judge Dimyuga.

"You fucking manupulative son of a gun! Manang-mana ka sa ama mo!" naiiling na sabi nito.

Nilingon ito ni Mael at tinawanan lang. "I'm sorry, Ninong." Natatawang niyakap ito ni Mael at tinapik-tapik ang likod. "Your dirty little secret is safe with me, dont worry."

"Well, congratulations to the both of you." Nakangiti si Judge Dimayuga sa kanya.

Tipid niya itong nginitian. Lumapit uli sa kanya si Mael at inakbayan siya.

"Iuuwi ko na ang Misis ko 'Nong," paalam nito saka siya hinila paalis sa bahay na iyon.

"SAAN TAYO pupunta?" Tanong niya sa 'asawa'. Kanina pa sila bumabiyahe. Nakalabas na sila ng bayan.

"Sa rest house ni Daddy sa balakilong."

Napadiretso siya nang upo. Dulo na ng San Ignacio ang balakilong. Halos dalawang oras ang biyahe don dahil sa rough road ang daan.

"P-pero hindi ako nakapagpaalam sa Itay."

"Tumawag na ko sa inyo. Ipinagpaalam na kita sa Itay mo na bukas na kita iuuwi."

Hindi na siya umimik pa. Tumanaw siya sa bintana. Pinipilit niyang labanan ang takot na nararamdaman. Hindi niya mapigilang isipin na mangyari uli ang nangyari sa kanila three weeks ago. Mariin siyang napapikit para ikalma ang sarili.

"Wala akong gagawing kahit anong ayaw mo Angela."

Napamulat siya sa sinabi nito. Ngumiti lang siya ng mapait. Gusto niyang sabihin na ginawa na nito pero pinigalan niya ang sarili. Ayaw na niyang galitin ito. Pagod na siyang makipagtalo dito dahil hindi naman siya nananalo. Tama ang Ninong nito masyadong manipulative ang lalaki. Wala itong gusto na hindi nakukuha at ilang beses niya na yong napatunayan.

Naramdaman niya ang paggagap nito sa kamay niya na nakapatong sa hita niya.

"Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo. Pero sana bigyan mo ako nang pagkakataon na bumawi sa lahat ng kasalanan ko. Hindi mo man ako patawarin ayos lang. Hindi rin naman ako hihingi nang tawad dahil hindi ko pinagsisisihan ang nagawa ko. Alam kong napakatarantado nang kantwiran ko." Walang buhay itong natawa. "Dahil sa ginawa ko naging akin ka. Yun lang ang pinanghahawakan ko para hindi makonsensya sa mga pinaggagawa ko. Wala akong magandang dahilan. Napakasama ko, Oo, demonyo ko, Oo. Tanggap ko yon." Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Nakita niya nagpunas ito ng mga mata at saka tumutok uli sa pagmamaneho. "Kakapalan ko na ang mukha ko, sasagadin ko na ang pang aabuso sayo. Nakikiusap ako... Ah no... Nagmamakaawa ako Angela... bigyan mo sana kahit kaunting tiyansa na maging normal ang pagsasama natin. Hindi kita pipiliting mahalin ako, pero sana matutunan mo." Dinala nito ang kamay niya sa labi nito at hinalikan ng matagal. Nakita niya ang pagpatak ng luha nito.

Wala siyang maisip na sabihin. Hindi niya alam kung paano magre-react sa lahat ng sinabi nito. Galit siya dito, Oo. Pero may bahagi ng puso niya na gustong sumangayon na bigyan ito nang pagkakataon. Nasaktan siya nito. Tinakot at minanipula dapat ay puro galit ang maramdaman niya pero bakit ganoon? Bakit sa kaunting salita nito lumalambot ang puso niya. To think na hindi nito gustong humingi ng tawad sa nagawa.

Nakarating sila sa rest house na wala nang imikan. Hindi na ito nagtangka na kausapin siya at ipinagpapasalamat niya iyon.

Isang Log house sa gitna ng gubat ang sinasabi nitong rest house. Madilim na nang makarating sila do'n. May naririnig siyang lagaslas ng tubig. Malamig ang dampi ng hangin.

May lumabas na isang matandang lalaki sa log house. Nakangiti itong sumalubong sa kanila.

"Señorito, magandang gabi ho," bati ng matanda kay Mael. Bumaling ito sa kanya at nginitian din siya. "Señorita..."

Kimi siyang gumanti ngiti dito.

"Magandang gabi din Mang Isko. Ayos na ho ba?" bati rin dito ni Mael.

"Oho Señorito Mael, napagana ko na ho ang generator may nakahanda na rin hong pagkain sa loob."

"Salamat ho." Tinanguan ito ni Mael at nagpaalam na papasok na sila sa loob.

Namangha siya sa ganda ng log house. Mayrong fire place sa may sala. Parang hinugot sa mga magazine ang mga muebles. May ulo pa ng usa na nakasabit sa taas ng fire place na may katabi riffle at bawat sulok ay may magagandang painting na nakasabit.

May mga matitigas na braso ang pumulupot sa baywang niya. Naamoy niya rin ang pabango ni Mael. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya.

"Do you like it here?" bulong nito sa tainga niya sanhi para tayuan siya ng balahibo. "I like it here, with you in my arms like this," paos ang boses na sabi nito. May munting init na gumapang sa puson niya. "You smell like home, Hon."

Naramdaman niya ang paghalik nito sa leeg niya. Napapikit siya. Sa pagpikit niya biglang may imaheng lumabas. Siya habang nasasaktan at nagmamakaawa para tigilan sa marahas na pagsalakay sa pagkababae niya. Gusto niya kumawala mula sa taong nanakit sa kanya. Nagpapasag siya. Nanampal, nangalmot. Gusto niyang makakakawala.

"Angela? Hey... Hush honey... " Nagmulat siya ng mga mata. Nakita niya si Mael na nag-aalalang nakatingin sa kanya. Nasa harapan niya na ito habang hawak ang magkabila niyang pisngi na puno ng luha. Napansin niyang nanginginig ang kamay niya. Napatingin siya kay Mael mayron itong kalmot sa leeg, namumula ang pisngi nito. Napatakip siya sa bibig nang ma-realize ang nagawa.

"I-im s-sorry..." Humagulgol siya. Nanlambot ang tuhod niya pero bago siya matumba nasapo na siya ni Mael. Pinangko siya nito. Hindi na siya pumalag parang naubos ang lahat ng lakas niya. Unti-unti inagaw na ng antok ang diwa niya.

NASILAW SIYA sa liwanag na nagmumula sa bintana. Napapikit siyang muli. Inalala kung nasaan siya ngayon. Naupo siya sa kama. Maliwanag na sa labas. Nakasilip na ang haring araw.

Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas do'n si Mael. Nakatapis lang ng tuwalya ang pang ibabang bahagi ng katawan nito. Tumutulo ang tubig mula sa basang buhok nito papunta sa malalapad nitong dibdib pababa sa matitigas nitong abs. Agad siyang nag-iwas nang tingin. Nag-init ang pisngi niya sa kahihiyan. Napakahalay ng nasa harapan niya ngayon. Isang napakagandang kahalayan. Naipilig niya ang ulo. Napapahiya sa sarili, naturingang teacher pa naman siya pero kung ano-ano ang naiisip.

"Good morning," bati nito na naglakad papunta sa floor to ceiling cabinet. Nakatalikod ito sa kanya ngayon kaya malaya niyang napagmamasdan ang pang-upo nito. Nang umangat ang tingun niya ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakabaling ang mukha nito sa kanya, may pilyong ngiti ang mapupula nitong labi. Kumindat pa ito.

Inismiran niya ito para itago ang pagkapahiya. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niya nagsusuot na ito ng brief. Napapalunok siya. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman parang napakainit pero malakas naman ang aircon. Binaling niya na lang sa paligid ang mga mata.

Nasa isang queen size four foster bed pala siya nakahiga. Maganda at malaki ang kuwarto halos kalahati na ito ng bahay nila.

Naramdaman niyang lumundo ang kama sa tabi niya kaya napalingon siya do'n. Halos maduling siya dahil sa sobrang lapit ng mukha nila ni Mael. Nakaluhod ito sa kama at nakatukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng hita niya.

"Gutom kana ba?" tanong nito na ang mga mata ay nakatutok sa labi niya.

Tumango siya. Nalilito dahil ibang pagkagutom ang nararamdaman niya. Parang may gusto siyang kainin na hindi niya maintindihan. Umatras siya hanggang sa mapasandal sa headboard ng kama.

"May pagkain na ba?" balik tanong niya dito.

Umayos ito nang upo. Nag indian seat ito sa harapan niya.

"Mhmm... Ininit ko yung pagkain na hindi natin nakain kagabi," nakangiti nitong sabi.

"O-okay."

"May mga damit sa drawer. Ihahanda ko ang mesa. Maligo ka muna." Dumukwang ito sa kanya at mabilis na ginawaran siya nang halik sa labi. Tumayo na ito at dumiretso na sa pinto.

Matagal na itong nakalabas pero pigil niya pa rin ang paghinga. Hanggang sa hindi na niya kaya at malakas na napabuntong hininga.

Tinampal tampal niya ang mag kabilang pisngi. Para kasing namamaligno siya. Dahil ayaw man niya natutuwa siya sa pakikitungo nito sa kanya. Maalaga na ito sa kanya noon pa man pero hindi ito ganoon ka intimate sa kanya.

Naisip niya siguro dahil sa mag-asawa na sila. Napatingin siya sa singsing na nasa kamay niya. Kasal na sila. Asawa na niya si Mael.

Sa loob ng halos isang buwan tuluyan ng nagbago ang tahimik niyang buhay.

Napabuntong hininga siya. Handa na ba siyang bigyan ng chance ang lalaki? Kaya niya ba itong patawarin o napatawad na niya? Naguguluhan siya.

Bumangon na siya at pumasok sa banyo. Magso-shower siya baka sakaling magkaroon na nang sagot ang mga tanong niya.

to be continued...