MADAMING pagkain na nakahanda sa lamesa nila. Halos ang iba ay dala ng mga magulang ni Mael. Namamanhikan na pala ang mga ito. Wala siyang kibo ni hindi niya rin ginagalaw ang mga pagkain na nasa lamesa. Si Mael naman ay ganadong-ganado sa pagkain. Ito rin ang lagay nang lagay ng pagkain sa plato niya na hindi rin naman niya ginagalaw. Hindi rin siya nakikisali sa pagpaplano ng kasal nila na isang simpleng garden wedding sa mismong mansion ng mga Capistrano.
"Hey... Hindi mo ba nagugustuhan ang mga pagkain?" Napapitlag pa siya ng bigla siyang tanungin ni Mael. May pag-aalala sa mukha nito.
Umiling lang siya.
"Anong gusto mong kainin? Tell me, tatawag ako sa bahay para magpaluto kay Nanay Caring," masuyo ang boses na anito. Para itong isang ulirang kasintahan kung umakto. Hinawi pa nito ang buhok niya at iniipit sa tenga niya. "May pinaglilihian ka na ba?"
Matalim na tinignan niya ito.
"Hindi ako buntis Mael, wag kang mag ilusyon," mahinang bulong niya dito. Kahit na may kaunting kaba na umahon sa kanya. Hindi pa naman siya delayed dahil ngayong linggo pa lang naman ang dating na buwanang dalaw niya at mahigpit niyang ipinapanalangin na sana ay hindi iyon pumalya.
Natigilan ito at nag-isang guhit ang labi. Bahagya ding gumalaw ang panga nito.
"How can you be so sure that your not pregnant?" malamig ang boses na bulong nito sa tainga niya. Tumama pa sa leeg niya ang mainit na hininga nito. "Hmmm?" Dadag pa nito sabay halik sa leeg niya. Nakaramdam naman siya ng init sa ginawa nito. Mabilis na namula ang mukha niya. Napatingin siya sa mga kasama nila sa mesa. Nakita niya si Donya Matilde na masamang nakatingin sa kanya kaya napayuko siya.
Siguro ay iniisip nito na inaakit niya ang anak nito gaya rin ng mga bintang nito sa kanya noon pa man. Mababa na ang tingin nito sa kanya noon pa man at pakiramdam niya ay mas lalo pang bumaba ang tingin nito sa kanya ngayon.
Siniko niya si Mael para mapalayo sa kanya. Tinawanan lang siya nito at hindi naman lumayo sa kanya. Siya na ang nakakaramdam ng hiya sa ginagawa nito. Dahil kung titignan ay parang pinapapak na nito ang leeg niya sa harapan ng pamilya niya at pamilya nito.
"S-Stop it. Lumayo ka sa'kin, Mael, please," nakikiusap na muling bulong niya dito.
"Ok." Umupo ito nang maayos. Kinuha nito ang kamay niya na nakapatong sa binti niya at dinala sa mga labi nito saka masuyong hinalikan.
Hinayaan niya na lamang ito. Wala rin naman siyang magagawa kahit tumanggi siya dito dahil alam niyang ipipilit ng lalaki ang anumang naisin nito.
PAGKATAPOS ng hapunan ay sabay-sabay na umalis ang mga bisita nila. Bago umalis si Mael ay bumulong pa ito na susunduin daw siya kinabukasan para ihatid sa San Ignacio elementary school kung saan siya nagtuturo. Tumango na lamang siya dito.
Tinutulungan niya ngayon ang Lola niya sa pagliligpit ng lamesa.
"Ikaw ba Angela eh nagdadalantao na?"
Napatingin siya sa Lola niya na huminto sa ginagawa at matamang nakatingin sa kanya. Hindi niya matagalan ang titig nito kaya nag-iwas siya dito ng tingin.
"H-Hindi ko pa po alam, La," sagot niya dito.
Bumuntong-hininga ang Lola niya at tinuloy na ang gingawa.
"Bueno, nandiyan na yan. Mukha namang mahal na mahal ka ni Mael. Kilala ko ang bata na 'yon. Mabait at hindi kagaya ng pinsan niya na dati mong nobyo."
Napaangat siya ng tingin dito. Hindi niya alam na ganon pala ang tingin nito kay Jonas at kay Mael. Tahimik at mabait ang nobyo niya. Halos dalawang taon na niyang kasintahan si Jonas pero ni minsan ay hindi ito nagpakita ng kagaspangan ng ugali. Maalalahanin ito at maalaga sa kanya. Pinsan ito ni Mael sa ama. Nakilala niya ito dahil na rin kay Mael. Agad silang nagkapalagayan ng loob kaya naman nang manligaw ito makalipas ng anim na buwan ay sinagot niya na ito. Nirespeto at ginalang ng kasintahan niya ang kanyang pagkababae hindi katulad ni Mael.
Hindi na siya sumagot sa sinabi ng Lola niya dahil baka masabi niya pa dito ang ginawang pang bababoy ni Mael sa kanya.
Mahal niya ang Lola niya. Ito na ang tumayong ina nilang magkapatid ng mamatay ang kanyang inay. Masasaktan ito kaya mas mabuting ilihim niya na lang ang katotohanan.
Sa totoo lang ayaw niyang magpakasal pero pag hindi naman niya ginawa iyon baka totohanin ni Mael ang banta nito na ipakukulong ang Itay niya.
Isa pa rin sa iniisip niya ay ang kasintahan. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag dito na ikakasal na siya sa pinsan nito. Hindi pa ito tumatawag o nagte-text man lang sa kanya. Gusto niyang magtampo dito. Pero siguro mas ok na yong wala ito. Hindi niya pa din niya kayang pakiharapan ito hanggang ngayon.
"Ikaw na ang magtuloy nito, ako'y inaatake na naman ng rayuma," untag sa kanya ng Lola niya.
Ngumiti lamang siya dito at marahang tumango. Sinundan niya na lang nang tingin ang abuela na papalabas ng komedor.
"Anak..." Tawag sa kanya ng tatay niya ng pumasok ito sa kusina.
"Bakit ho?"
"Ikaw ba ay hindi napipilitan sa kasal niyo ni Mael? Pansin ko kasi kanina parang hindi ka naman interesado sa pagpaplano ng kasal niyo. Sa susunod na lingo na iyon anak... Kung ikaw naman eh, napipilitan lang magsabi ka lang kay Tatay. Ang Tatay ang gagawa nang paraan para sayo."
Nangilid ang luha niya sa sinabi nito. Lumapit siya dito at yumakap.
"Pagod lang ho ako Tay, kaya wala ako sa mood kanina. Saka s-si Mael na ho ang bahala sa lahat." Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng ama. Ayaw niyang makita nito ang lungkot sa kanyang mga mata.
Kung pwede ko lang aminin ang lahat Tay... Ayaw ko talagang pakasal sa taong bumaboy sa'kin, pero hindi ko kayang unahin ang sarili kong kapakanan kapalit ng sayo, Tay...
Mahal na mahal niya ang Itay niya. Saksi siya sa mga sakripisyo nito para sa kanilang magkapatid. Mas inuuna nito ang mga pangangailangan nila kaysa sa pansarili nitong pangangailangan at napakaliit na bagay nang gagawin niya pagsasakripisyong pagpapakasal kay Mael kumpara sa nagawa nito. Siguro nga nagawa ng Tatay niya na magnakaw sa kompanya pero hindi nabawasan non ang pagmamahal at respeto niya dito.
"Alam mo, anak, malungkot ang tatay kasi magaasawa kana," sabi nito na halata ang pagpipigil ng pag-iyak.
"Bakit naman ho?" Malambing na aniya dito.
"Hindi pa kasi handa ang tatay na ang munti niyang prinsesa magiging reyna na ng iba." Bahagya itong natawa
Natawa na rin siya sa biro ng ama pero nakaramdam din siya nang lungkot. Hindi pa rin kasi siya handa na mag-asawa at bumukod sa kanyang pamilya.
"Pero masaya din naman ako dahil alam kong hindi ka pababayaan ni Mael. Alam ko na hinding-hindi ka niya sasaktan."
Natigilin siya sa sinabi nito.
Kung alam mo lang tay... - Kinagat niya ang pang ibabang labi para hindi masabi ang nais sabihin ng kanyang isip.
"Ganyan din ang sinabi ng Lola. Paano niyo naman nasabi na hindin-hindi ako sasaktan ni Mael, Tay?" Dahil siya hindi niya yon kayang paniwalaan.
Iginiya siya ng ama paupo.
"Dahil mabuting bata iyon. At noon pa naman ay alam kong may pagtingin sayo ang isang yon, dangan nga lang at si Jonas ang naging kasintahan mo."
Hindi siya naka-imik. Posible kaya na may gusto sa kanya ang kababata kaya nito nagawa ang bagay na ginawa sa kanya? Para mapilitan siya pakasal dito? Hindi niya rin kasi alam kung bakit nito iyon ginawa sa kanya. Maliban na. lang sa gusto siya nitong pakasalan. Maaari kaya na dahil sa gusto siya nito? Ipinilig niya ang ulo. Bakit parang may saya na umahon sa dibdib niya. Bumilis ang tibok non sa kaalamang may gusto sa kanya si Mael.
KINABUKASAN nga ay naabutan niya si Mael na nasa sala nila at nagkakape. Agad itong tumayo nang makita siyang lumabas ng kuwarto niya. Nakasuot ito ng ripped jeans na itim at itim din na v-neck t-shirt, naka puting rubber shoes naman ito. Simple pero hindi niya maiwasang humanga sa binata. Guwapo ito at hindi lingid sa kanya na napakaraming halos maghubad sa harapan ng binata para lang mapansin nito. Guwapo din naman si Jonas pero si Jonas ay yung tipong pang boy-next-door ang datingan na kabaliktaran naman ni Mael. Mael is raggedly handsome na hindi na nito kailangang manutok ng kutsilyo kapag nang holdap kusa mo nang ibibigay dito ang lahat lahat ng mayron ka.
"Good morning, hon," nakangiting bati nito. Lumabas ang mapuputi nitong ngipin. Bagong ahit ito kaya maaliwalas ang mukha.
"G-Good morning din," kiming bati niya dito.
Lalong lumapad ang ngiti nito. "I brought you breakfast nandon na sa kusina nakahain na."
Tumango lang siya at nauna nang pumunta sa kusina. Nakita niya doon ang kapatid na si Juancho at kumakain na.
"Hey! Sa ate mo yang brownies yung pancake na lang ang sayo," sabi ni Mael na nasa likuran na niya.
"Ooops, sorry..." nakangiting sabi ni Juancho. Nakasuot na ito ng uniform nito. Third year collage na ito.
Ipinaghila siya ng bangko ni Mael saka tumabi sa kanya.
"Ang tatay at lola?" tanong niya sa kapatid.
"Maagang pumasok ang tatay, ang lola naman nagpunta sa Rosales at may aabiyadin daw na kasalan don," paliwanag ng kapatid niya habang tuloy pa rin sa masaganang pagkain.
"Hon, taste this..." Nagulat pa siya ng nakaumang na ang kamay ni Mael na may hawak na brownies sa kamay. Namula ang mukha niya at napilitang isubo ang brownies. "Masarap?" nakangiting tanong nito.
Tumango siya at hindi na umimik. Nagsandok na siya ng sinangag at bacon na siguro ay dala rin ni Mael. Mayrong hotdog, bacon at itlog sa lamesa pati pancake at brownies. Hindi naman kami nag-aalmusal ng ganito, sapat na sa amin ang daing na binabad ng Lola at sinangag.
"Wala bang daing?" tanong niya sa kapatid.
"Bakit, hon, Naglilihi kaba sa daing?"
Sabay silang napalingon magkapatid dito.
"Buntis ka te?"
"Hindi" / "Oo"
Sabay pang sabi nila ni Mael. Tinignan niya ito nang masama. Tinaasan lang siya ito ng kilay.
Padabog na binitawan niya ang kubyertos at tumayo na. "Nawalan na ako ng gana." Tumalikod na siya at kinuha ang mga gamit niya saka lumabas ng bahay.
Hinabol siya ni Mael at pinigilan sa siko.
"Hindi ka pa kumakain." anito.
"Nawalan na ako nang gana."
"Bakit, dahil ba sa sinabi kong buntis ka? Ano bang problema don ikakasal naman na tayo?"
Nagpantig ang tainga niya sa sinabi nito. "Ayokong magbuntis, ayokong magkaanak at lalong ayoko na magpakasal sayo!" asik niya dito. Hindi niya rin mapigilan ang mga luha na bumagsak sa mga mata niya.
Humigpit ang hawak nito sa braso niya. Nakita niya ang galit sa mga mata nito. "At kanino mo gustong magkaanak at magpakasal? Kay Jonas?" Tumawa ito nang nakakaloko. "Magpasalamat ka na na lang dahil sa akin ka magpapakasal at hindi sa tarantado kong pinsan!" makahulugang sabi nito.
"A-ano ang i-ibig mong sabihin?" Nilabanan niya ang takot na nararamdaman sa galit na nakabadha sa mukha nito. "Kung balak mong siraan si Jonas sa'kin, sorry pero hinding hindi ka magtatagumpay."
Natigilan ito. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya hanggang sa bumitaw na ito at namulsa na lang. Naging blangko ang ekspresyon nito.
"I know. . Kahit anong sabihin ko hindi ka maniniwala," parang sa sarili nito sinasabi iyon at hindi sa kanya. bumuntong-hininga ito. Malungkot ang mukha nito at nagyuko ng ulo. "Pero kahit anong paniwalaan mo, sa akin ka parin magpapakasal. Akin ka lang Angela."
Hindi niya mabasa ang mga emosyon na dumaan sa mga mata nito bago mag-iwas nang tingin. "Ihahatid na kita, halika na."
Sinundan niya na lang ito nang tingin nang lumakad ito papunta sa kotse nitong nakaparada sa bakuran nila.
Pinahid niya muna ang mga luha saka sumunod sa binata.
Wala silang kibuan hanggang sa makarating sila sa eskwelahan. Bababa na sana siya nang pigilan siya nito. Nilingon niya ito. Nakita niya ang isang thermal bag na inaabot nito sa kanya
"Baon mo," sabi nito na hindi nakatingin sa kanya.
"Hindi na may nabibili naman sa canteen," malamig na tanggi niya dito.
"Please, I woke up three thirty in the morning just to make that. so, please kunin muna," anito na nagsusumamo ang mga mata. Para namang may humaplos sa puso niya sa sinabi nito. Hindi ito sanay na gumising ng maaga pero ginawa nito para lang igawa siya ng baon.
Bumuntong-hininga siya saka inabot ang thermal bag. Ngumiti ito at kinintalan siya ng halik sa pisngi.
"Thank you. Susunduin kita mamaya," malambing na sabi nito.
Tumango na lang siya saka lumabas na ng sasakyan.
"ANGE, sabay na tayong mag-lunch?" tanong ni Veron na nakasungaw sa pintuan ng classroom niya. "May baon ako, ikaw may baon kaba?"
Napatingin siya sa thermal bag na nakapatong sa desk niya. "Oo meron."
"Dito na tayo kumain mainit sa canteen," nakangiting sabi nito. Tumango lang siya at niligpit ang mga lesson plan niya para magka-espasyo sa pagkain nila. Hinila naman ni Veron ang isang upuan palapit sa mesa niya.
Binuksan niya ang thermal bag. May note na nakalagay sa loob no'n.
Happy lunch time hon, ubusin mo to ha. I made this for you...
-Ishmael
Nakagat niya ang pang ibabang labi para pigilan ang ngiti na gustong kumawala.
"Uy, ano yan?" Akmang aagawin ni Veron ang notes ni Mael pero mabilis niya yong naiiwas at ibinulsa.
"Wala," matipid na sabi niya.
"Kanino galing yon kay fafa Jonas?" Kinikilig na sabi nito.
Hindi siya umimik. Hindi pa alam nito na hindi pa nagpaparamdam sa kanya ang kasintahan. Hindi rin nito alam ang panggagahasa na nangyari sa kanya at ang nalalapit na kasal nila ni Mael.
May dalawang tupper ware sa loob ng thermal bag. Binuksan niya yong mas maliit. Mayrong corn kernel don na may green peas at carrots, lalo siyang ginutom sa amoy no'n. Ang isa naman ay may kanin na hugis puso at chicken strip w/ honey glazed.
"Sarap naman niyang baon mo," puri ni Veron na takam na takam na nakatingin sa pagkain niya.
"Gusto mo?" Alok niya dito
Para naman itong maamong tuta na tumango tango
"Kuha ka"
Kumuha nga ito at eksaheradong pumikit ng tinikman ang chiken strip
"Ang sherep nemen," kinikilig na sabi nito.
Kumuha din siya at tumikim. Masarap nga. Magaling talaga magluto si Mael. Naalala niya pa noon na madalas siya nitong ipagluto kapag nagpaplano silang mag-picnic.
Hilig nito ang pagluluto. Sabi nito noon na gusto nitong maging chef pero hindi ito hinayaan ng daddy nito. Napilitan itong kumuha ng business administration at nag-master sa US. Nang umalis ito ay doon naman nanligaw sa kanya si Jonas. Last year lang ito umuwi galing sa pagma-masteral nito. Nagulat pa ito nang malaman na sila na ng pinsan nito.
Simula non parang naging iba na ito. Kung sino-sino na ang mga babaing napapabalitang karelasyon nito. Nagbago na ito simula nang umuwi galing US pero hindi niya akalain na makakagawa ito ng masama sa kanya kahit pa napansin niya na noon na may nagbago dito.
To be continued...