Kabanata 1
Mayari
Nang idilat ko aking mga mata agad kong ibinuka at itinapat ang aking kanang kamay rito upang harangan ang nakakasilaw na liwanag ng haring araw.
"Where am I? Bakit ang liwanag ng buong paligid?" tanong ko sa aking sarili.
Nasa gitna ako ng tulay nakatayo sa isang malawak na hardin sa isang lawa at walang sapin ang mga paa. Naka suot ako ng kulay lilang strapless top at may katernong mahabang saya na may slit sa kaliwang binti na sumasayaw sa hampas ng hangin. May mga gintong disenyo at burloloy din naka kabit dito.
Sa aking katawan naman ay binalot din ng gintong aksesorya tulad ng hikaw, kwentas na may palawit na hugis crescent moon, at ankle bracelet. Ang aking parihong galanggalangan ay mayroon namang kulay gintong tatu at ang aking buhok ay naging kulay pilak. Nagmukha tuloy akong pupunta sa isang costume party.
Habang iniikot ko ang aking paningin hindi ko mapigilang mamangha sa tanawing dahan-dahang bumungad sa akin habang lumalabas ang haring araw. Ang ganda nito ay nakaka-akit at napakapayapa rin ng buong paligid. Maririnig mo naman ang awit ng mga ibon at iba pang hayop sa paligid. Napapalibutan din ang lawa ng mga tanim at bulaklak. Lalong-lalo na any mga bulaklak ng lutos, water lilies at takay.
Sa gitna ng lawa ay nakatayo ang isang malaki at mala palasyong bahay na gawa sa kahoy habang sa paligid nito ay may maliit na bahay kubo. Ang mala palasyong bahay ay nakataas sa lupa sa pamamagitan ng mga haligi na mula sa mga naglalakihang puno ng kahoy. Ang mga dingding naman ay gawa sa plywood sticks at ang bubong naman ay gawa sa tuyong dahon ng niyog. Naglalakihan din ang mga bintana nito. Bukod dito ang labas ng bahay ay napuno ng mga ukit na disenyong geometric patterns na tinatawag na Okir.
I'm curious!
Gusto kong makita ang loob ng bahay. Hahakbang na sana ako ng maalala ko na...
Hindi ako dapat nandito.
Ipinikit ko ang aking mga mata baka sakaling nananaginip lang ako pero pagdilat ko ay nasa gitna parin ako ng tulay sa isang malawak na lawa.
What on earth is going on? The last thing I remember is...
I was inside the car with my family.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata upang muling gisingin ang aking sarili sa masamang bangungut na ito. Sa pagkakataong ito ay nagbago ang eksena.
Ngayon ay naka upo ako sa isang malawak na hardin ngunit hindi ito ang hardin kung saan ako naroroon kanina. Wala na yung lawa at tanging mga berding tanim at makukulay na bulaklak nalang. Iba din ang disenyo ng mansyon at bahay kubo na aking nakikita. May mga usok at nagliliparang ulap din sa paligid. Nakalapat sa aking harapan ang isang malaking mesa na puno ng nagsasarapang pagkain.
Ang mga babaeng nakasuot ng kayumanging kamiseta at mahabang saya ay abala naman sa pag-aasikaso sa iba pang mga bisita.
Ang lahat sa hapag kainan ay tila nagdiriwang. Napansin ko rin ang kakaibang mga kasuotan nito. Ang mga lalaki ay naka suot ng tradisyonal na bahag at ang mga babae naman ay naka suot ng tradisyonal na mga damit. Nakasuot din sila ng mga gintong disenyo at aksesorya. Napansin ko rin ang iba-ibang tatu sa mga kani-kanilang mga katawan.
Nasa isang costume party ata talaga ako.
At ang nakakatakot dito ay hindi ko makita ang kanilang mga mukha na tila ba sinadya itong burahin upang hindi ko makita. Tanging ang mga bibig lang nito ang aking nakikita.
Masaya silang nagtatawanan ngunit hindi ko marinig ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig.
Bakit kaya sila nagtatawanan? Ano ba ang kanilang pinag-uusapan? Gusto ko silang marinig.
Nang inikot ko ang aking paningig nahagilap ng aking mga mata ang isang lalaki na naka upo sa aking tapat. Naka suot ito ng kulay gintong putong o turban na naka patong sa mahabang buhok nito. Ang kanyang katawan ay nababalot ng tatu na may kakaibang pattern.
Tiningnan niya ako at biglang ngumiti. May sinababi ito ngunit hindi ko marining. Sinubukan kung basahin ang mga labi nito. Tinatawag niya ang aking pangalan.
Bago paman ako maka tugon sa kanya ay nagbago na ang eksena.
Ngayon ay nagbalik ako sa hardin kung saan una akong nagising. Madilim ang buong paligid at tanging ay buwan ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.
Hindi ko mapigilang mamangha sa laki at liwanag ng buwan. Iniunat ko ang aking kanang kamay upang subukang abutin ang buwan nang biglang may tumakip sa aking mga mata. Hindi ko man lang na pansin ang paglapit ng isang babae sa akin. Ngunit tulad ng mga taong nakita ko kanina hindi ko makita ang mukha niya at di ko rin marinig ang kanyang sinasabi.
She seems to be excited about something.
She suddenly grabbed my hand inviting me to join her dancing. I didn't know why but I smiled and willingly joined her. We were happily dancing under the moonlight and when I turned around I was...
Left alone!
"What is it this time?" I ask myself as the scene changes again.
I was alone in the middle of nowhere. All I could see is darkness and the moon above me.
Hindi ako maka hinga. Sinubokan kong lumangoy ngunit hindi ako maka alis na tila ba may humahatak sa akin papunta sa pinaka-ilalim ng tubig.
Am I going to die here? I desperately ask for help as I stared at the moon.
I'm drowning somebody please save me. Please, save me...
June 5, 2020
Manila, Philippines
Nagising ako sa ingay ng mga bumubusinang mga sasakyan. Fudge! Isang oras na kaming stuck sa traffic.
Well, duh! What's new?
After all, napa ka infamous ng Pilipinas pagdating sa mahaba at nakakapagud na traffic. Pero hindi ko naman aakalain na ito ang unang bubungan sa amin pag-uwi ng Pilipnas makalipas ang labing-apat na taon.
I guess totoo ang tagline nitong "It's more fun in the Philippines." if you could see the sarcasm.
"Tsk!" Ipinikit ko nalang ang aking mga mata. Ang sakit din ng ulo ko. Delayed kasi ang flight namin mula Canada kaya lagpas 16 hours ang dapat ay 15 hours na biyahe.
Kinagat ko ang aking labi ng hindi maalis sa aking isip ang naging panaginip ko.
"What was that about? Why was I dressed that way? Ngayon lang ako nakakita ng ganoong kasuotan. Who are those people? Sino ang lalaking naka upo sa aking harapan at bakit alam niya ang pangalan ko? Yung babae, sino siya? Why... why was I drowning?" hindi ko mapigilang itanong ito sa sarili.
"No! No! No! ARRGH!" The boy on the window seat interrupted my deep thought. He's on his phone screaming probably playing games again.
"What the hell! Mom, why is the cell service here in the Philippines too slow?" The girl beside him started complaining too.
"Can both of you please be quiet and stop complaining! Your sister is sleeping. You might wake her up if you don't tone down your voices." Pagsaway ng babae sa dalawang teenagers na naka upo sa likod ng van.
She looks into my direction and lit out a long sigh "Honey! You're awake. Were they too noisy? See you woke your sister." She raised her brow and look at them angrily.
Ang babaeng nasa tapat ko ay ang Auntie Maria Lyn. Siya ang bunsong kapatid ng aking Nanay. We call her Auntie Malyn for short. She and her husband Uncle Henry are the ones who raised me when both of my parents died when I was only 5. The twins on the back are their children and my cousins Zachary and Zoey.
I was still spacing out. 'It was just a nightmare and it didn't happen.' I reminded myself.
"Are we there yet? These annoying cars have been honking since forever." I smirk as I asked Auntie Malyn.
I'm starting to get irritated and annoyed too.
No! It wasn't because of the traffic nor the honking of the cars that got me annoyed. It's that dream again...
Ito yung unang beses na napaka out of this world ng aking panaginip. Isang lupaing lumulutang sa ere? Nababaliw na talaga siguro ako.
Yet, it's the same nightmare over and over again that has been making my life miserable. Every time I have those nightmares no matter how beautiful it starts it always ends about me out of breath, helpless, alone, and drowning.
It's been 14 years yet I haven't overcome my trauma.
Gabi na ng makarating kami sa ancestral house ng aming lolo dito sa Marikina. Ito na ang aming magiging tahanan simula ngayon. Hindi na bago sa akin ang bahay na ito. I used to live here before when both of my parents were still alive.
"Mga Apo!" agad na pagbati ng isang matandang lalaki ng kami ay naka baba sa van. Naka suot ito ng blue oxford long sleeve shirt at blue trousers. Nagmukha tuloy itong masbata sa kanyang totoong edad. Galing din ata sa opisina kaya ganyan ang suot.
"Lolo Javier!" pagtawag ng kambal sa matanda at pagkatapos ay nag mano.
Agad binigyan ng matanda ang kambal ng isang mahigpit na yakap at halik sa noo. Halatang sabik na sabik itong makitang muli ang kanyang mga apo. Pagkatapos ay tiningnan niya ang direksyon kung nasaan ako. Ibinuka niya ang kanyang dalawang braso na nagsasabing gusto niya rin ng isang yakap mula sa akin.
Naglakad ako patungo sa kanya at binigyan siya ng isang maiksing yakap. Ganon paman gaya ng kambal ay binigyan niya ako ng halik sa noo.
"Kumusta kana apo?" tanong ni lolo Javier sa akin.
"I'm okay Lolo." maiksing sagot ko sa kanya.
Si lolo Javier ay ang ama nina Nanay Caroline at Auntie Malyn. He's well known in the Philipines dahil na rin sa kontribusyon ng pamilya nila sa ekonomiya ng bansa. Masasabi kung mula kami sa isang well off na pamilya. Sila na ang nag alaga at nagpalaki sa akin. Habang ang pamilya ng aking Tatay Christopher ay nasa Spain. I visit them once or twice a year or minsan sila na yung bumibisita sa amin. Pariho kasing busy ang mga kapatid at kamag-anak ni Tatay.
"Ganon ba that's good to hear. Let's have dinner! I know you're all tired and hungry. I had your favorite food prepared." he said trying to hide the disappointment on his face.
Nagtungo kaming lahat sa kusina upang mag hapunan. Hindi pa naman ako gutom pero kailangan nasa mesa kaming lahat pag-oras ng pagkain. Ito kasi ang natutunan ng aking lolo mula sa kanyang mga magulang. Isa din daw ito sa Filipino traits na gusto niyang ipamana sa aming mga anak at apo niya. Ano nga uli an tawag niya dito?
Sa... sal... Salo-salo? Yah! Salo-solo which literally means to eat together.
"Celine, nagmano kana ba sa Lolo Javier mo?" tanong ni Auntie Malyn sa akin.
"Sorry po. Nakalimutan ko." sagot ko sa kanya. I rolled my eyes when they were not looking. Well, sa totoo lang sinadya kong kalimutan.
I don't understand why we still have to practice these old customs. Ni hindi ko nga nakikitang ginagawa ito ng ibang kakilala kong Pilipino noong nasa Canada kami. At ang malala ginagawa namin ang pagmamano gabi-gabi pagsapit ng alas sais.
"Auntie! Oh my gosh! You're finally home." pagsigaw ng isang babae na patakbong nagtungo sa kusina.
"Roxanne! Hija, kumusta kana? " agad na pagbati ni Auntie Malyn sa babae at sabay yakap dito.
"Naku Auntie sobra ko kayong namiss kahit magkasama pa tayo last Christmas at New Year." tugon nito. "Hala! Tumangkad nanam tung kambal. Naku balak niyo ata akong lagpasan." panunukso niya habang pinipisil ang pisngi ng kambal.
"At syempre naman pinaka namiss ko sa lahat ay ikaw bunso." naka ngisi nitong sabi sabay yakap sa akin. Hindi ko rin mapigilang yakapin siya ng mahigpit. Sobrang na miss ko rin si Ate Roxy.
Ate Roxanne is my grandfather's adopted daughter. At the age of 7, she became an orphan when his father died of cancer while her mother died soon after she was born. Before her parents died they used to work at my grandparents eventually Grandfather pitied her so he decided to adopt her.
Kaya ng mamatay ang aking mga magulang siya na ang naging kasakasama ko at naging magkapatid ang aming turingan. Apat na taon ang tanda niya sa akin. Mabait at masayahin si ate kaya gustong-gusto ko siya.
Noong una nakakalungkot nga lang nang nagkahiwalay kami paggraduate niya ng college upang umuwi sa Pilipinas para tulongan si Lolo Javier sa pagpapatakbo ng eskwelahan na pagmamay-ari nito. Pero masaya na rin ako kasi hindi niya ako nakakalimutang bisitahin sa Canada.
"Okay! That's enough drama I haven't had diner so please feed me. I was too busy at the office that I almost forgot the time." Agad nitong sabi upang maka upo at makipag kwentohan sa amin.
"By the way, kambal at bunso, na enroll ko na kayo for this school year. Kambal the week after next week pa simula ng secondary level. Pero ikaw bunso sa lunes na ang simula ng midyear term kaya you'll be able to catch up sa mga naiwan mong subject. Four weeks lang naman kaya hindi masyadong hassle. Para sa regular classes third-year college kana." anunsyo ni ate Roxy.
Sa buong hapunan ay masaya lang silang nag kukwentohan hindi ko nga lang maintindihan kasi hindi ko kilala ang mga pangalang binabanggit nila. Habang ang kambal ay abala sa kani-kanilang gadets.
I'm starting to get bored kaya nagpasya akong pumunta sa kwarto. "I'm tired. I'm going to my room!" I said as I finished my wine. I immediately stand and turn around.
"Mayari!" pagpigil ni lolo Javier sa akin.
I smirk before I turn my back to see their faces. Everyone on the table stopped what they were doing. How funny if only they could see the horror on their faces. I just took a deep breath and calmly said. "Celine! My name is Celine! Please don't you call me Mayari lolo."
"Celine, Papa Javier just wants to spend more time with you." malumanay na sabi ni ate Roxy na para kumbinsihin akong manatili as she also tries to smoothen the eerie atmosphere in the room.
"I'm sorry Lolo, Auntie, and Ate Roxy I just want to rest. I'm still having jet lag so I'll go to bed now. Besides, we all have the time in the world to spend more time together now. Good night!" I said sarcastically.
Ngumit nalang si lolo Javier na sinusubukan itago ang pagkadismaya at sinabing "It's okay! Let Celine rest now. Marta, ihatid mo nga si Celine sa kanyang kwarto." utos nito sa katulong.
As soon as the maid left, I couldn't control my temper anymore. I punch the wall to let out my exasperation.
"That name again! I don't want to hear that name again." I muttered as I remember what Lolo Javier called me.
'I hated that name! I don't want to hear that name ever again. I'm not Mayari! My name is not Mayari. I'm Celine, my name is Celine.' I continued to scream in my head.
I'm Mayari Rodriguez but you must not dare call me by my real name. That name always reminded me of that painful incident 14 years ago. Hindi ko nga lang mapalitan ito dahil ito nalang ang tanging ala-ala naiwan ng mga magulang ko sa akin.
I was only 5 years old, I was dress in a beautiful pink lace dress and silver shoes that my grandfather bought me. I was really excited to show them to Nanay and Tatay who are away for a week to attend a business convention in Cebu.
Matiyaga kaming naghihintay sa airport. I can't stop staring at the sky to look at the planes taking off and landing at the airport. Ang liwanag at laki din ng buwan dahil full moon.
Nang bigla nalang umiyak si Lolo at iba pang mga naghihintay sa airport. Ang sabi ni Lolo delayed ang flight ni Nanay at Tatay kaya maghintay nalang daw kami sa bahay.
At home, I saw Auntie Malyn and Uncle Henry secretly crying. I didn't understand and no one tried to explain what was going on.
Few days passed and everyone seems dejected. Maybe because they missed Nanay and Tatay. Ito kasi ang unang beses na matagal silang umuwi. I miss them too. It's just sad that they had to extend their stay in Cebu for another business meeting.
"Patay na sila." My playmate said. We were at the village park under a huge mango tree. Naglalaro ng bahay-bahayan kasama ng aking mga kaibigan.
"Who?" I curiously asked her. I couldn't help but marvel at their beauty. Kamukha kasi nila ang mga manika ko, their skin is as white as the snow, they also have gold hair, their ears are long and pointed and their eyes are green. Napakaganda din ng kanilang mga suot na damit. Mukha tuloy silang prinsesa.
"Ang iyong mga magulang Mayari. Nalunod sila noong bumagsak sa karagatan ang kanilang sinasakyang eroplano habang papauwi sila. Makinig ka Mayari, lahat sila ay mamamatay dahil sayo. Dahil ikaw si Mayari. Sa oras ng iyong kamatayan ikaw ay malulunod sa kailaliman ng tubig. Hinding hindi mo matatakasan ang iyong kamatayan. Hinding hindi mo matatakasan ang iyong sumpa. Tandaan mo, dahil ikaw si Mayari." nag-aalalang sabi ng babae sa akin.
Nakakataw nga lang, sa panahong to may naniniwala pa ba sa sumpa o kulam? Hindi ako sigurado pero ako naniniwala akong isunumpa akong tumira muli sa lumang bahay na ito.
Ancestral house man itong maituturing ngunit ang loob ay naayon sa komportableng at modernong pamumuhay. Hindi naman sa ayaw ko sa bahay na ito kaya lang naaalala ko ang lahat ng katakot-takot na pangyayari noong araw na yon.
----------
Hello folks,
Thanks for reading the first chapter of Lore of Mayari: The Curse Moon. Follow the story of Mayari as she uncovers the truth about herself and the world of Filipino gods and goddesses who were long forgotten.
Love 💖,
Miss V