Kabanata 3
Jericho
Nag mamadali ako sa pagtakbo dahil mala-late na ako sa aking part time job sa isang club. Agad ko naman isinuot ang aking uniform sa huling pagkakataon bago ako tuloyang magpaalam sa mga katrabaho ko. Ngayon na kasi ang huling araw ko rito. Halos isang buwan na rin ako rito kaya mamimiss ko ang lugar na ito at syempre naman ang aking mga katrabaho.
Ang aking kaklase at kaibigang si David ang tumulong sa akin upang maka pasok sa Alley Cove Bar, Uncle niya kasi ang may ari. Wala akong alam sa bartending or pagiging server sa isang club pero pinatulan ko parin ang trabahong ito. Hindi nama ganoon ka laki ang sweldo pero bawi naman sa binibigay na tips ng mga customers. Kailangan ko kasi ng extra income bago magsimula ang midyear term.
Sa kasalukuyan ako ay isang 3rd year college student at nagmamajor ako ng Filipino sa Pillar University sa Manila. Ito ang isa sa pinakamatanda at mahal na university sa buong bansa. Siguro nga ay napa ka swerte ko na kahit hindi ako nagmula sa mayamang pamilya ay dito naman ako nakapag college. Isa kasi ako sa mga naka pasa sa kanilang working student program scholarship.
Sa lunes na ang simula ng midyear term kaya siguradong magiging abala na ako sa pagtulong sa mga teachers. Teacher assistant kasi ako sa Filipino department. Bukod pa don ay kailangan kung kunin ang mga subjects na hindi ko na enroll last semester. Kaya kailangan kong umalis sa trabaho ko sa club.
"Enjoy your last night." Sabi sa akin ng manager. Hindi ko akalain na may inihanda palang surprisa ang aking mga ka trabaho bago ako umalis. "You could always go back here if you need a job." Patuloy nitong sabi habang tinatapik ang aking balikat.
"Naku! Ang bunso namin aalis na. Pagbutihan mo ang pag-aaral mo ha." Mangiyak-ngiyak na sabi ni ate Jasmine na siyang pinakamatanda sa amin.
"Maraming Salamat Manager at sa inyong lahat." Nag group hug nalang kami sa huling pagkakataon. Maikli man ang aming pinagsamahan ay naging pamilya na ang turingan namin.
"That's enough! Magbubukas na tayo. Jericho pasensya na at ngayon ka namin masusurprisa. Alam mo naman weekend na bukas kaya ngayon lang tayo puweding magcelebrate. Let's all do our best in serving our customers." Ani ng manager sa akin.
Hindi ko mapigilang malungkot sa pag-alis ko. Wala man lang nagbago sa lugar na ito noong unang gabi ko rito hangang ngayon na aalis na ako.
Maingay at buhay na buhay pa rin ang bar na ito sa kailaliman ng gabi. Pinagmamasdan ko nalang ang ang mga tao sa aking paligid. Tingnan mo sila kung paano nila winawaldas ang pera nila sa mga bagay na walang kabuluhan. Minsan tuloy napapa-isip ako kung pera ba nila ang kanilang ginagasta o pera ng kanilang mga magulang.
Nakakapanghinayang na namatay si Gat Jose Rizal para sa kabataan. Kung alam niya na ganito ang mga kabataan sa henirasyong ito.
Hindi naman sa isa akong makalumang tao, pero nakainis lang kasi ang mga suot nila na labas na ang kaluluwa lalong-lalo na ang mga babae.
Ang mga lalaki naman naka porma nga pero ang lalakas ng hangin. Walang ibang ginawa kundi ipagyabang ang kayamanan ng kanilang mga magulang.
Habang nililibot ko ang aking paningin, agaw pansin naman ang isang babaeng kakapasok lang sa bar. Naglakad lang ito ng diretso pa punta sa counter at umorder ng maiinom.
Naka suot ito ng itim na deep v neck camisole at itim na leather pants. Sa balikat nito ay naka patung ang isang leather jacket. Ang kanyang itim, mahaba, at wavy na mga buhok ay napakagandang tignan. Kahit hindi siya nagpapakita ng sobrang balat gaya ng ibang customer dito ay agaw pansin parin ito. Na para bang isa siyang dyosa na na bumaba sa langit.
She may look like a conservative woman but I think she is just like other women here. Just look at how she flirts with those men, she's just playing hard to get. I should just ignore her pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na sundan ito ng tingin.
"Dude! Just look at how those hungry beasts drool at her." Narinig kung sabi ng isa kong ka trabaho. Habang nasa kusina kami at naghihintay sa inorder ng aming customer.
"Besh! Ang unfair talaga ng buhay no? Tingnan mo siya, noong nagpa-ulan ng kagandahan ang panginoon sinalo na niya ata lahat." Sagot naman ng isa pa naming katrabaho habang hila-hila ang isa pa naming katrabaho.
"Hoy! Jericho!" Pag tawag saakin ng katrabaho ko. "Aba! Ngayon lang ata kita nakitang naglalaway sa isang babae. First time mo maka kita ng magada? Grabe ha! Napaka offinsive ha."
"Anong pinagsasabi mo? Hindi ako ng lawaway." Pagtanggi ko sa kanila.
"Talaga lang ha! Bakit kanina kapa naka tingin sa kanya?" Pangungulit muli nito.
"May kakaiba lang sa kanya." Pabulong kong sabi na narinig pala nila.
"Ngayon ko lang napatunayan na lalaki ka nga." Sabi niya sabay nagtawanan silang lahat.
Totoo naman talaga, oo, sige aaminin ko maganda talaga siya. Yung tipong nakakapukaw ng pag kalalaki. Pero hindi yun eh. May kakaiba talaga sa kanya. I can't point my finger kung ano yun.
I ignore her, after all, I have nothing to do with her. I don't want to get in trouble. Inasikaso ko nalang ang iba pa naming customer.
Ngunit sa paglalim ng gabi mas lalong hindi ako mapalagay. Tila may dala itong masamang pangita-in.
Naglakad ako patungo sa counter at tinulongan ang aking ka trabaho. Nang naiwan lang ang babae mag-isa dahil sumoko na ang mga lalaking gusto sana siyang maka table. I grab the oppurtunity at sinabing "Hindi ka nabibilang rito. Gulo lamang ang dala mo." babala ko sa kanya.
Nginitian lang niya ako at nagkibit balikat sa mga sinabi ko.
Sa paglalim ng gabi hindi ko inalis ang aking mga tingin sa kanya. May kasama na siya ngayong isang babae at dalawang lalaki. Masaya itong nag tatawanan at nag iinuman. Hanggang napansin kung may ipina-inom sa kanya ang kanyang katabing lalaki. Makalipas ang ilang minuto ay nag paalam ito na pumunta sa banyo.
Pagkaalis niya ay ang paglapit at pag-upo ng apat na katao sa lamisa ng kaniyang kasama.
Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang kanilang mga mukha. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking buong katawan. Kung sa mga mata ng isang orderyong tao mukha lamang silang normal na tao. Ngunit sigurado akong hindi sila mga tao.
Nang nakabalik ang babae sa kanilang table. Nararamdaman kung hindi ito komportable sa mga bagong kasama nito.
Nag seserve ako ng mga inorder ng iba pang customer nang biglang may nabasag na baso. Nagtinginan nalang kami ng aking mga katrabaho at hinanap kung saan table ito.
Hindi ko alam kung anong mahika ang taglay ng babaeng ito. Agad akong nag lakad papunta sa kanya ng makita ko siyang biglang tumayo at namumutla sa takot. She keep on blinking and rubbing her eyes.
Don't tell me pero imposible.
Agad namang nilinis ni Ate Jasmine ang nabasag na baso. Ayaw ko ng gulo kaya tinulungan ko nalang si Ate nang biglang may humawak ng mahigpit sa mga barso ko. Paglingon ko ay hawak- hawak na ng babae sa aking braso at sabay sabing "I'm going home. Can you please help me get a cab."
Her companions insisted on taking her home but she turns them down.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at bigla ko nalang sinabing "I'll help you get home safely. Let me take you to the taxi area."
"Bunso, end na ng shift mo. Uwi kana, para masamahan mo na rin siya sa pag-aabang ng taxi." Sabi ni ate Jasmine.
Hindi talaga maiiwasan na may mga babaeng napagsasamantalahan lalong-lalo na kapag nalalasing na ito. Kaya tinutulungan nami ang aming customers kahit papano.
Hindi niya binitawan ang aking mga braso hangat hindi kami nakakalabas ng club. Hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang takot niya.
Nang maka labas na kami agad naman nitong nagpasalamat at nagsabing uuwi nalang siya mag-isa.
Mga 30 minutes rin kami naghintay ng taxi pero hindi parin kami nakasakay. Mukhang hindi naman kami sinundan ng mga kasama niya.
"Mahihirapan tayong makasakay dito. Doon nalang tayo sa Sampaguita Street mag hintay ng taxi." Mungkahi ko sa kanya.
Hindi ko alam kung papayag ba siya o hindi. Hindi na ito umiimik pa para bang may malalim na iniisip. Sabagay sino ba nga naman ako para pagkatiwalaan niya?
Tika bakit ba ako nag aantay ng sagot niya. Pwede naman siyang umuwi mag isa at kailangan ko naring umuwi at baka wala akong masakyan. Hindi ko talaga alam kung bakit nagpresenta pa akong ihatid siya.
Iniwan ko nalang siya at naglakad nalang ako papuntang sakayan. Hindi ko siya matiis, nag-iisa lamang siya at mukhang lasing na paano pag may nangyari masama sa kanya. Ngunit nagulat ako ng makita siyang nakasunod sa akin.
Kaya sabay kaming naglakad patungo sa kabilang kalye hindi ko naman akalain na walang ilaw ang mga street lights dito. Na tigilan nalang ako ng may bigla akong naramdamang kakaiba.
"Sorry, I made a wrong turn." Agad kung sabi. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kaliwang kamay at hinila siya pabalik ng pinanggalingan namin "We should hurry up." Kalmado kung sabi.
Bigla nalang may boses na nagsalita sa aming harapan. Nasundan nila kami. Hindi ko akalaing sinusundan pala nila kami.
Mas lalo akong nagulat ng biglang nagsalita ang babaeng kasama ko. Hindi ko maintindihan kung anong kanyang pinagsasabi.
"I'm just hallucinating... I took my medication this morning,.." she keeps on talking. Nang bigla nalang nitong sinabi "You might think I'm crazy but they look really terrible right now. They look scary, those wings, talons, and fangs those looks really deadly." Takot na pagkakasabi nito.
Laking gulat ko ng sinabi niya ang iyon. Pa-paanong nakikita niya ang mga ito? Paano niya nakikita ang totoong itsura ng mga ito? Bakit may kakayahan siyang makita ang mga di ingon nato? Isa din ba siyang...
Tiningnan ko nalang siya. Ngayon lang ako naka tagpo ng taong maykakayahan ring makita ng mga maligno.
"So both of you could see us then? Tingnan mo naman ang sarap ng huli natin ngayong gabi. Sigurado akong mabubusog tayo." sabi ng babeng nasa likod namin sa kasamahan nito.
Tika, kanina pa sila english ng english. Pati mga halimaw na ito nag-eenglish. Mamatay na ngalang kami kailangang english pa.
Binuksan ng babae at lalaki ang kanilang mga pakpak akmang aataki sa amin. Ang mga mata nito'y nanglilisik at ang mga mahahabang kuku ay handa ng saklawan ang aming katawan.
Nang biglang nangyari ang hindi inaasahan...
"Jericho! Hoy! Jeo! Ano kaba san ba lumilipad yang isip mo?" Pagtawag ng katabi kung babae. Nakasuot ito ng faded jeans, puting sapatos at T-shirt na may naka sulat na 'Teacher Assistant Fine Arts Department'.
"Huh?" Blankong sagot ko.
"Anong 'huh'? Kanina pa ring ng ring yung telephono. Sagotin mo na baka mapagalitan kapa." Pagsaway nito.
Agad naman akong bumalik sa katinuan at sinagot ang tawag.
"Hello, This Jericho of College of Education Filipino Department. How may I help you?" Sabi ko ng sagutin ko ang telephono. "Okay po! Sige po. Welcome po"
"Sino yun? Anong sabi?" Tanong ng ng babae.
Her name is Stella Ocampo, she's one of the working students here at Pilar University. Also, she's my childhood friend. Sabay kaming nag-apply for working student program at pareho din kaming naka pasa. We're both on our 3rd year now but we are taking different courses. She's taking up Bachelor of Fine Arts habang ako naman ay Bachelor of Secondary Education Major in Filipino.
"Dumating na daw yung supplies kaya kailangan nila ng tulong sa pagkakarga at distribute sa College of Education." Sabi ko kay Stella. Tumayo nalang ako at pumunta kabilang building.
Naka ilang balik din ako sa kabilang building bago ko makuha ang huling box ng supplies. Malalate na rin ako sa klase paghindi ako nagmadali.
Pagdating ko sa 3rd floor marami ng estudyante ang naghihintay sa labas ng kanilang classroom.
"Excuse me! Makikidaan po." Nakikipagsiksikan ako para maka daan. Agad namang tumabi ang mga estudyante para ako ay maka daan.
Bigla naman akong natigilan ng makita ko sa di kalayuan ang isang pamilyar na babae na naglalakad na may hawak na papel. Hinahanap nito ang kanyang classroom. Suot parin nito ang resting bitch face nito.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Sawakas at nakumpirma ko ring ayos lang siya.
Dalawang araw na ang lumipas mula ng mangyari ang nakakapangilabot na insidente sa bar na kung iisipin ay tila isang masamang panaginip lamang iyon. Ngunit kahit anong gawin kung pag kumbinsi sa sarili ko alam kung totoo ang lahat ng iyon.
"Jeo!" Tawag sa akin ng lalaki. My closest friends call me Jeo short for Jericho. Napalingon ako sa direksyon ng tumatawag sa akin. Nginitian ko nalang si David. At muling ibinaling ang aking paningin sa babaeng papalapit sa akin.
Agad akong na estatwa sa aking kinatatayuan. Bakas sa akin ang takot. 'A-ano ang dapat kong gawin?' Tanong ko sa aking sarili.
Bago paman ako maka makapag-isip nag lakad ako ng diritso patungon sa kanya at biglang...
Bang!
Nagkalat sa sahig ang mga gamit sa loob ng kahong aking dala-dala.
"Naku! Pasensya na hindi ko sinasadya. I'm sorry." Sabi ko babaeng naka bangga ko. Iniabot ko ang aking mga kamay pero hindi niya ito kinuha at tumayo itong mag-isa.
Lumapit naman si David at ang ibang estudyante para tulongan ako.
Habang abala ang lahat sa pagtulong at pagpulot sa mga gamit na nahulog ay nakatayo lanang ang babae sa kanyang pwesto. Lumipas ang ilang sigundo ay nag lakad ito at nilagpasan kami na wala man lang binitawang salita.
"Hey! Aren't you going to apologize? It was clearly your fault. At least help us in picking." Pagsaway ng isang babae na tumulong sa pagkuha sa mga nahulog na gamit.
Lumingon ito at tinitigan ang babae at pabalik sa akin. Ngumiti ito at ibinuka ang kanyang mga labi "Sorry." Malumanay nitong sabi. "Not sorry!" Itinaas nito ang kilay. Tumalikod at umalis nalang ito.
Ang totoo hindi niya naman talaga kasalanan. Sinadya ko talagang bungguin siya nang makita kong muli ang isang aninong nakasunod sa kanya.
Binilisan ko nalang ang paglalakad para ma hatid ang box sa office. Bigla namang nag ring ang 10am bell. Lagot! Late nako para sa unang subject at unang araw ko sa klase.
Nang matapos ko lahat ng gawain agad akong nagtungo papunta sa aking classroom.
Kumatok ako sa pintuan bago ako pumasok. "Good morning sir! Sorry I'm..." ngunit hindi ko na natapos ang aking sasabihin.
"I said don't you dare call me Mayari! My name is Celine!" Pasigaw na sabi ng isang babae.
"I'm sorry Miss Rodriguez, I'm calling you Mayari because that's your first name. Unless you change your name then I'll call you Celine or whatever name you like."
Tika ano ba ang nangyayari? Tiningnan ko nalang ang kaibigan kung si David. Kinamayan niya lang ako para maupo sa inireserve niyang upuan sa akin. Ramdam ngayon ang tensiyon sa loob ng room.
"Mayari Rodriguez! Ayaw niyang tawagin siya sa pangalan niya. Gusto niyang Celine Rodriguez ang itawag ng prof sa kanya." Pabulong na sinabi sa akin ni David.
Hindi ko akalaing magiging kaklase ko ang babaeng nakilala ko sa bar at Mayari pala ang pangalan nito. Pero bakit ayaw niyang tawagin siyang sa pangalan niyang Mayari.
"Call me Mayari again and I will make sure that this will be the last time you are going to step inside this university." Pananakot ni Mayari sa Professor.
Maslalo pa tuloy bumigat ang pakiramdam ng lahat sa sinabi niya. Si Professor Nicolas ay kilala sa pagiging strikto nito pero gayon paman siya rin ang isa sa pinaka-ipinagmamalaki ng buong unibersidad dahil sa karangalang natanggap nito sa larangan ng pagtuturo.
For her to threaten the prof she must really have lots of courage. And an outstanding family background.
"Are you threatening me Miss Rodriguez?" Pagkainis na sabi ni Prof.
Bakas sa mukha ni Mayari ang pagka-irita at pagkabagot. Kinuha niya ang cellphone na nasa bag nito pinindot ito.
Sino kaya ang tinatawagan nito?
"I want a different professor for my Rizal Class." Then she put her phone on the table at umupo.
Bago paman naka pag react si prof Nicolas bigla namang tumunog ang kanyang cellphone. Nanlaki naman ang kanyang mga mata at agad itong sinagot. "Hello, Miss Dominguez." Sabi nito bago lumabas ng classroom.
Hindi naman mapigilan ng iba naming kaklase na mag bulong-bulongan. Maliban siguro sa akin lahat sila pati si David ay nagmula sa mayayaman at kilalang pamilya.
I look at her. Nagwalang kibo lamang siya sa lahat nag bulong-bulongan sa loob ng classroom. Isa pa hindi ko mapigilang mapa-isip kung sino ba talaga ang babaeng ito. She seems different from the lady I meet last Friday.
At nagkataon lang ba ang tawag ng University Admininstrator na si Miss Roxanne Dominguez sa oras na ito.
Matapos sagutin ni Prof Nicolas ay agad itong pumasok muli at pumunta sa gitna ng platform. Tumatagaktak ang pawis nito na agad naman niya pinunasan.
Ang ikinagulat ng lahat ng bigla nalang itong nagbow at sinabing "I'm sorry Miss Rodriguez. I made a mistake. I-I will call you Celine from now on."
All the whispering suddenly stop. No one dare opened their mouth to talk. There is one thing they know for sure. She is trouble.
"Sino ka ba talaga Mayari? Hindi mali, dapat ang tamang tanong ay ano kaba talaga Mayari Rodriguez?" Tanong ko sa sarili.