Chereads / Lore of Mayari: The Cursed Moon / Chapter 6 - Sixth Moon

Chapter 6 - Sixth Moon

Kabanata 6

Mayari

Unti-unting tumigil ang mundo ko habang hinihila ako nina Angel at Yssa papunta ng ilog.

Oo na, sige, aaminin ko maldita at suplada talaga ako. Pero hindi naman ako ganun kasama para mang bully o nanakit ng ibang tao. They just misunderstood me dahil wala naman silang alam sa tungkol sa akin.

Sa kaunting katinuan na natitira sa akin ay sinubukan kong kumawala sa kanila. However, my body betrayed me. I slowly turned into stone a soon as my body touched the water. All I could do is to desperately scream for help.

"Mayari! Mahal ko."  napatigil ako sa pagsigaw nang marinig ko ang bulong ng hangin. Nang napansin naman ni Yssa at Angel na tumigil na ako sa pag sigaw at pag pupumiglas ay bumitaw na sila sa pagkakahawak sa akin. Agad namang akong bumagsak at walang emosyon na upo nalang habang dahang-dahang nilalamon ng sarili kong mundo.

"Mayari!" narinig kong sigaw ng lalaking papalapit sa akin na syang nagwasak sa pader na pumapagitan sa mundo ko at realidad. Nang makita ko si Jericho na tumatakbo sinisigaw ang pangalan ko ay unti-unting nawala ang lahat ng takot na aking nararamdaman. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad pa punta sa kanya. Maliban kay Ate Roxy ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"Aww... ang sweet niyo naman." Pinagtatawanan nalang kami ng mga barkada ni Angel na ngayon ay masayang nagtatampisaw.

Pabalik na kami sa tabing ilog ng biglang lumiwanag ang tubig at naging kulay berde ito sa aking paningin. Liningun ko ang mga kasamahan namin pero mukhang hindi nila ito nakikita. Walang hiya minsan talaga na papa-isip din ako kung nababaliw na ba ako dahil kung ano-ano na ang nakikita ko.

"Berberoka" ito ang kaisa-isang salita na lumabas sa bibig ni Jericho. Hindi ko ma intindihan kung ano ang kanyang ibig sabihin. Bakas sa kanyang mukha ngayon ang pangamba at takot habang nakatingin sa sa gitna ng ilog.

Sinundan ko nang tingin ang direkyon ng kanyang mga mata. Muntik na akong matumba nang makita kong biglang kumulo ang tubig at may isang anino na dahan-dahang lumabas sa tubig. Kukumbinsihin ko na sana ang sarili na hindi totoo ang aking nakikita. Na pinaglalaroan lang ako ng utak at imahinasyon ko. Nang bigla niya akong hinawakan ng mahigpit.

"Bi-bilis, Mayari bilis. Umalis ka sa tubig." Na uutal na sabi ni Jericho.

Hindi ko na ma intindihan anong nangyayari. Gulong-gulo ang isip ko. Teka, sandali lang, diba nasa utak ko lang ito lahat? Pero bakit parang nakikita ni Jericho ang mga nakikita ko. 

"Umalis kayo sa tubig. Bilis umalis na kayo sa ilog." Natatarantang sigaw ni Jericho sa mga kasamahan naming nagtatampisaw pa rin sa tubig.

"What the hell is wrong with you Jericho? We already let you guys go. Gusto niyo bang hilahin namin kayo pabalik dito." Sagot ng isang lalaki na ngayon ay naka pulupot sa katawan ni Yssa.

"Mamamatay kayo pag hindi kayo umalis sa ilog. Kaya umalis na kayo." Muling sigaw ni Jericho sa kanila.

"What kind of prank are you planning to do moron? " hindi na natapos ni Angel ang sasabihin nag biglang sumigaw si Mica "Ahhh!!! Oh my god! The water is turning green!"

Nagsigawan at nagmamadaling tumakbo ang lahat pabalik ng tabing ilog nang makita nila ang pagbabago ng tubig.

"Takbo, bilisan niyo ang takbo. Andito na siya." Muling sigaw ni Jericho habang tinutulungan ang mga kasamahan namin na natalisud sa pagtakbo sa mabato na ilog. Napansin ko rin na mabilis ang pagtaas ng tubig. Napatigil ako sa pagtakbo nang makita kong naging babae ang aninong lumabas sa tubig.

Malapit na sana kami sa tabing ilog nang biglang bumulwak ng tubig ang babae dahilan para mawalan ng balanse at matumba ang iba sa amin. Sinusubukan nilang tumayo at tumakbo ulit. Ngunit patuloy ang babae sa pagbuga ng tubig kaya nawalan na rin kaming lahat ng balanse.

They all knew how to swim but the pressure of the water is taking away everyone's strength. Lolong lalo na si Jericho who was still trying to save me. Hindi na ako maka apak sa lupa sa taas ng tubig at hindi rin ako marunong lumangoy.

Nakita ko na si Yssa at isang lalaki na nasa tabing ilog na. They trying to save their friends. Nang may isa pang naka balik ng tabing ilog. He ran towards our campsite to ask for help.

Siguro ay nababaliw na ako, embis na matakot ako hindi ko mapigilang matawa. Totoo pala talaga ang sinabi ni Mayumi. Ang dahilan ng aking pagkamatay ay ang pagkalunod at kahit anong gawin ko ay hindi ako makakatakas sa aking kamatayan.

Nalilitong naka titig sa akin si Jericho. Bakas sa kanya ang pagod habang nakikipag buno sa malakas na unos ng tubig. Sa lakas ng hampas ng tubig ay nabitawan ako ni Jericho.

'Bakit nga ulit ako mamamatay?' Tanong ko sa sarili habang unti-unti akung kinakain ng tubig.

Dahil ba sa akoy isinumpa o dahil ako si Mayari?

Napatigil ako sa aking pag-iisip nang may biglang humawak sa aking mga kamay.

Nang idilat ko ang aking mga mata nakita ko si Jericho. Binuksan niya ang kanyang mga bibig pero hindi ko marinig ang kanyang sinasabi.

'Huwag kang mag-alala Mayari andito ako proprotektahan kita.' Muling nitong bigkas. 

Nang mabasa ko ang mga katagang iyon sa kanyang mga labi. Bigla nalang lumiwanag ang tattoo na nasa kanyang mga pulsuhan. Sa liwanag nito akala ko ay mabubulag na ako nangbiglang...

Bumalik sa akin ang mga alaala ng mga nangyari sa bar.

"Sorry, I made a wrong turn." Sabi ni Jericho.

We rush back to where we came from when suddenly someone spoke in front of us.

Jericho was acting as my shield trying to protect me from those creatures in front of us.

Nang makilala ko sila sa loob ng bar mukha lang silang ordinaryong tao. Pero sa paglalim ng gabi iba na ang nakikita ng aking mga mata. Mukha na itong halimaw na may pakpak, matutulis na koko at ngipin. Ang mga mata ay nanlilisik at pulang-pula. Ang mga mukha nila ay tila tinadtad ng prosthetics.

Oo, subrang nakakatakot itong tignan. Pero alam ko na lahat ng nakikita ko ay gawa lamang ng aking sakit at malikot kong imahinasyon.

Pero lahat ay nagbago nang magsalita si Jericho.

"Hindi ko akalaing, ang mga halimaw na kagaya niyo ay malayang namuhuhay kasama ng mga tao. Nagawa ninyong linlangin ang mga ordinaryong mortal." Wika nito sa kanila na para bang ang kausap ay hindi mga tao.

"Kaya pala napapadalas ang mga patayan sa mga bar dahil sa inyo. Nilalasing at pinapainom niyo ng party drugs ang inyong biktima at tsaka kakainin." Pagpapatuloy nito.

"Hey! Mister! What the hell is going on now? Bakit naman nila tayo papatayin, I mean kakainin?" Naguguluhang tanong ko kay Jericho. Hindi parin ako maka paniwalang totoo ang aking nakikita.

"Hey! We'll not gonna tell the police or the authority about your drug syndicate. Can you just let us go." Pakiusap ko sa dalawa. Hindi parin matanggap nang utak ko ang pinagsasabi ni Jericho.

Ano? Halimaw? Ano nga uli ang tawag niya sa kanila? Tama ba ang pag kakarinig ko tinawag niya silang Wakwak? At kinukuha nila ang puso at lamang loob ng tao para kainin? But ordinary mortals won't be able to see how their victims died?

Lumipad ang lalaking wakwak pa punta sa kinatatayuan namin. Sinubokan ni Jericho umiwas sa matatalim na koko ng wakwak. Sinubokan kung tumakbo nang mabitawan ako ni Jericho pero nahuli pa rin ako ng babaeng wakwak.

When she caugth me nagpumiglas ako maka alis lang sa matataas nitong koko na nakatutuk sa akin. I scream out loud to ask for help.

Then I saw Jericho was caught too...

Hindi ko na alam anong gagawin ko.

Akmang kakagatin na sana ako ng babae nang suntokin ni Jericho sa tiyan ang lalaking wakwak dahilan upang maka wala siya sa mga kamay nito.

Hindi ko alam anong nangyari dahil sa ginawa ni Jericho pati ang babaeng wakwak ay napatigil. Galit na galit na ngayon ito at ibinaling ang kanyang atensyon kay Jericho.

Tiningnan ko ang lalaking wakwak na ngayon ay naglulumpasay sa sakit ng suntok na natanggap mula kay Jericho. May lumalabas ding usok kung saan niya ito sinuntok.

Takot na takot ako. Gusto ko nang magising sa bangungut na ito. Then I saw Jericho run towards me. He held my hand and dragging me to safety.

Kaya lang naabotan nila kami.

"Alam mo bang sa lahat ng nilalang sa sansinukob ang mga babaylan ang pinakasusuklaman ko." Sabi ng babaeng wakwak. "Ikaw at mga babaylan ay hindi na dapat mabuhay sa mundo. Masyado na kayong naging paborito ng mga dyos at mga dyosa'ng inyong sinasamba." Pagpapatuloy nito.

"Nasaan na ba ang inyong mga dyos at dyosa. Hindi bat iniwan nila kayo. Hindi nila iniligtas ang mga kalahi niyo." Wika naman ng lalaking wakwak.

"Ano bang pinagsasabi nila? Sino ka ba talaga at ano naman ang Babaylan?" Nanginginig kung tanong sa kanya.

Ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Kaya mo pa bang tumakbo?" Tanong nito. Napatango naman ako kahit sa kaloob-looban ko ayaw ko nang tumakbo. Pagod na ako. Ang dami na naming kalmot at sugat.

We run as fast as we could. Pero ang daya naabotan parin nila kami dahil nakakalipad sila.

Jericho tried his best to protect me. He punches them making them tremble in pain but just like a character from a video game. Ilang minuto lang ay nakatayo na ulit ito para atakihin kami.

No! It's all over now. I give up hope. Mali ka Mayumi, hindi ako namatay dahil nalunod ako. Namatay ako sa kamay ng mga halimaw na nasa mythical books ko lang nababasa.

O sadyang lasing lang ako. Siguro kailang ko nang ipikit ang mga mata ko upang magising ako.

As soon as I closed my eyes, Jericho held my hand trying to wake me up.

"Huwag kang mag-alala andito ako proprotektahan kita ano mang mangyari." Narinig kong sabi niya.

When I opened my eyes, I was not where I was. Wala yung dalawang wakwak na humahabol sa amin at wala rin si Jericho. I realize was floating in the air looking at the entire universe below me as if I'm sightseeing at my own garden.

Nakita ko ang buwan at napakaganda nito.

Ilang sigundo ay bigla naman akong hinigop ng tubig pabalik. Then I saw Jericho and now his tattoo started to glow in gold. Bigla din namang nawala ang mga sugat namin sa katawan.

Natigilan naman bigla sa pag-ataki ang dalawan sa gulat. Nang manumbalik ito sa katinuan ay lumapit muli ang lalaking wakwak pero nang hawakan na ito ni Jericho nagpupumilit itong makawala at namimilipit sa sakit. Maka lipas ang ilang minuto ay bigla nalang ito naging abo.

Tiningnan ako ni Jericho na ngayon ay bakas sa mukha ang pagkabigla sa nangyari.

"Ikaw!" Gulat na gulat na sabi nang babaeng wakwak ngunit itoy nakatingin sa akin.

Bigla niyang itinuro ang buwan sa kalangitan.

Jericho and I hesitantly look at the moon. Ano bang meron sa buwan at itinuturo niya iyo?

She recklessly attack us again but just like what happened to her companion. Naging abo lang ito ng hawakan ni Jericho.

I confusingly stared at the man who is slowly walking towards me.

"Ayos kalang ba?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya kaya tumango nalang ako at tiningnan ang kalangitan sa langit.

"Tama siya, napakaganda ng buwan, 'di ba?" nakangiting sabi ni Jericho habang naka tingin sa akin.

"Huh? The moon is just... a moon." sagot ko sa kanya bago ako mawalan ng malay.

"Mayari!" Tawag sa akin ng Jericho. Ibinulwak ko ang nainum kong tubig sa ilog. Agad akong naupo at inikot ang aking paningin. Nasa tabing ilog na pala kami. Tumigil na rin sa buga ng tubig ang babae. Ngunit papalapit ito sa mga kasamahan naming walang malay.

Kahit pagod na ay agad tumayo si Jericho at sinabing "Kaya pala mababa ang tubig sa ilog dahil may naninirahang Berberoka dito."

"Berberoka?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Kanina pa niya ito binabanggit pero hindi ko alam kung ano ito.

"Sila ay mga engkantong naninirahan sa sapa o ilog. Hinihigop nila ang tubig para magsilbing patibong sa mga taong gustong tumawid o mangisda dito. Sa oras na makakita na ito ng bibiktimahin bigla nalang tataas ang tubig para lunurin ito. Pag nalunod na ito ay tsaka niya kakainin." Pagpapaliwanag ni Jericho sa akin.

Tinulungan ko si Jericho sa paghila kina Yssa at Angel. Wala itong malay pero humihinga naman.

"Akala mo ba mapapaalis mo ako sa aking tirahan babaylan? Ni hindi nga ako mapatay ng matandang babaylan na nakatira dito." galit na wika ng Berberoka.

I look at Jericho, so he was really a Babaylan? Teka ano ba ang Babaylan?

Muling bumulwak ng tubig ang berberoka sa deriksyon namin ni Jericho. He tried to attack it pero walang nangyayari. He punches and kicks it pero nalusaw lang ito at naging tubig.

'Paano ba mapapa-alis o mapapatay ang isang Berberoka?'

I was deep in my thought when I heard Jericho scream my name. Before I knew it I was back in the water. Hila-hila na pala ako ng tubig pabalik sa ilog. Sinubukan niya akong iligtas ngunit hindi siya maka wala sa Berberoka.

'Hindi! Hindi ako makakapayag na magkatotoo ang sumpang sinasabi mo Mayumi. Hindi ako mamatay sa ilog na ito. Hindi ako makakapayag na hangang dito nalang ang buhay ko. Ipinangalan ako alinsunod sa dyosa ng buwan ang bunsong anak ni Bathala. Ako si Mayari.' Diin ko sa aking sarili habang dahan-dahang lumulubog ang aking katawan sa ilog.

Matapos ko itong sabihin ay biglang lumiwanag ang aking mga pulsuhan at lumitaw ang mga tattoo. It was the exact tattoo na lagi kong suot sa aking panaginip. Ang akin namang mga buhok ay naging kulay pilak din.

Bigla kong napagtanto na nakatayo na ako ngayon sa tubig. Agad kong hinanap si Jericho na ngayon ay na trap sa kahon ng tubig. Bakas sa mukha niya ang gulat nang makita ako.

"Ikaw!" Gulat na wika ng Berberoka sa akin. Tumingin ito sa kalangitan bago ibaling ang kanyang buong atensyon sa akin. Pagkatapos ay nagpakawala ito ng isang malukong ngiti at sinabing "Masyadong pang matagal ang susunod na lunar eclipse kaya masmabuting sa mga kamay ko nalang ikaw mamatay." Pagpapatuloy nito.

She summons the waters with all her might. Nagsilutangan ang tubig sa ere na ngayon ay naging hugis talim na.

Ibinato nita ito sa akin. Nakaiwas naman ako. Ngunit nang sunod-sunod na nitong pinakawalan ay natamaan ang aking kanang braso. Nasugatan at nagdurugo na ito ngayon.

What should I do? She keeps on making and throwing those blades made of water.

I was too distracted, hindi ko namalayang papalapit na pala siya sa akin.

I suddenly move my hands without thinking, the next second she was trapped in a box of water.

Galit na galit ito at pilit nagpupumiglas. She tried to throw another blade pero bumalik lang ito sa kanya na para bang boomerang dahilan upang masugatan ito.

I don't know what got into me. I move my hands again as I slowly walked in the water towards her.

Lumuhod ito bigla sa aking harapan. "Patawarin mo ako Mayari. Alam kung mali ang ginawa ko. Nakikiusap ako huwag mo akong papatayin. Hindi ko na kailan man gagambalain ang mga tao rito." Pagsusumamo nito.

Bigla naman akong natigilan. Teka, why is she making those promises to me?

"Alam mo anong problema sayo Mayari? Masyado ka kasing mabait. Kaya nga madali ka niyang napatay nang paulit-ulit." She smirks at me as she summons the waters again.

Na estatwa nalang ako sa mga salitang narinig ko. Hindi ko namalayang naka wala na pala siya sa trap na ginawa ko.

She tried to stab me pero I stop her before the blade touches me.

"Hindi! Hindi ito maari." Sigaw nito habang nanlilisik ang kanyang mga mata. "Siguro nga ay matatakasan mo ang iyong kamatayan ngayon, pero hinding-hindi mo matatakasan ang iyong sumpa." Huling sinabi ng Berberoka sa akin habang ito ay dahan-dahang nalulusaw.

Hindi ko namalayang tumagos pala ang aking mga kamay sa katawan nito. Naiwan nalang ako sa mag-isa sa ibabaw ng tubig nang tuloyan na itong maglaho.

Ibibalik ko ang aking atensyon kay Jericho nang maalala kung na trap ito sa tubig. Agad naman akong naka hinga ng maluwag nang makita kong unti-unti namang nalusaw ang trap. Ngumiti siya sa akin kaya naka ngiti din akong naglakad sa tubig papunta sa kanya. Nanlaki naman ang aking mga mata nang may makita akong apoy na naka lutang malapit sa kanya.

I shouted his name and ran towards him but soon as I got there the fire vanished.

"Mayari?" Gulat niyang tanong sa akin. Agad naman akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Didn't you see it?" Pagkatarantang tanong ko sa kanya.

"Ang ginawa mong pagpatay sa Berberoka?" Nalilito nitong tanong.

"Hindi! Yung apoy! Yung apoy na papalapit sayo." Sagot ko sa kanya.

"Hindi, wala akong nakita." saad ni Jericho.

Was it just my imagination?

My hair slowly turns back to its natural black color as the spirit that seems to possess me also left my body. Wala na rin yung tattoo na nasa wrist ko.

Jericho and I didn't know what exactly happened to us particularly to me. Marami kaming tanong na gustong masagot pero hindi namin alam kong kanino ito itatanong.

"Celine! Yssa! Angel!" Narinig naming tawag ni Prof Flynn at Prof Isidro.

"Jericho! Celine! Asan kayo?" Muling tawag ni David.

"Prof andito kami!" Sagot ni Jericho.

Nang makita naman kami nina Prof at ng kasama nitong mga katutubo ay agad naman nila kaming tinulungan. Nagtataka nga lang ako kung bakit ang tagal dumating ng tulong e hindi naman ganuon kalayo ang ilog sa campsite.

Nasa campsite na kami, dahil sa nangyari ay natigil ang kasiyahan ng lahat. 

Mababaliw na siguro ako dahil hindi maalala ng mga barkada nina Yssa ang mga nangyari. Ang tanging naaalala lang nila ay biglang tumaas ang tubig sa sapa kaya muntik na kaming malunod. Galit na galit naman sina Prof Cyrus nang malaman ang pang-bubully na ginawa ng mga barkada nila Yssa at sa pagsuway sa utos nitong huwag pumunta sa ilog. 

"Hindi talaga nila maaalala ang mga nangyari." seryosong sabi ni Jericho sa akin. Matapos na gamotin ni Inang ang mga sugat namin.

"Mas mabuti na rin siguro kasi baka isipin nilang nababaliw na tayo." nakatawa kong sagot sa kanya.

"Ang seryoso ng pinag-uusapan ah? Anong meron share niyo naman." pangungulit na bungad ni David sa amin.

Naka upo kami sa naka latag na comforter sa labas ng tent habang nag sta-stargazing kaming tatlo. Kahit pagod na ay hindi parin kami dinadalaw ng antok buti nalang talaga parang puwit ng manok ang bibig ni David. At least, I could forget about what happened kahit sandali lang.

"Thank you!" sabi ko kay Jericho.

"Para saan?" tanong nito sa akin. 

Bigla namang humilik si David na nakatulog na nang mahimbing sa tabi ni Jericho. Tinamad na itong bumalik sa kanilang tent kaya dito na nahiga at natulog. Hindi naman gaano ka lamig kaya okay lang sa labas kami matulog gaya ng iba pa naming kasama. May iba namang sanay sa puyatan nagkukumpulan at masayang nagtatakutan at kwentohan.

"For saving me. Kung hindi dahil sayo at sa kapangyarihan mo baka nalunod na ako. Kaya thank you ng marami."  sagot ko sa kanya. Humiga nalang ako sa comforter at pinagmasdan ang kalangitan.

"Hmmm... dapat ako ang magpasalamat sayo. Dahil ikaw yung nagligtas saakin nang mapatay mo ang Berberoka." tugon nito.

"I guess were even? I mean you also save me sa mga Wakwak. By the way, bakit mo pala naisipang sundan ako nang makit mo akong tumatakbo papunta sa ilog." curious kung tanong sa kanya.

"So, naalala mo na ang nangyari sa bar?" tumango lang ako para sagutin ito. "Para naman sa pangalawang tanong mo, hindi ko rin alam bakit eh. Nagtataka lang siguro ako kung bakit ka mag-isang pupunta ng ilog eh takot ka naman sa tubig dahil baka malunod ka." pagpapatuloy nito.

Hindi na ako nag-salita at pinagmasdan ko lang ang kalangitan. Was it too obvious na takot ako sa tubig? Kaya siguro ay napagtripan ako nina Yssa.

"Napakaganda ng buwan, 'di ba?" saad ni Jericho habang naka tingin sa buwan nang napansin nitong hindi na ako umiimik.

"Huh? The moon is just a moon." sagot ko sa kanya bago tuloyang pumikit ang aking mga mata.

Kinabukasan, pababa na kami ng bundok ng biglang hinawakan ni Inang ang aking mga kamay at sinabing "Baguhin mo ang itinakda. Hanapin mo ang lunas sayong sumpa."