Kabanata 7
Jericho
Maliban sa mga sugat at pasa na aming tinamo, lahat kami ay matiwasay at ligtas na naka uwi ng Manila kahapon. Gusto ko sanang sabihing bumalik na sa normal ang lahat matapos ang mga nangyari ngunit alam kong isa itong malaking kasinungalingan dahil ang buhay namin ay kailan man hindi na babalik sa normal.
Nasa study lounge ako ngayon nakatambay habang naghihintay mag-end ang aking shift. Wala nang katao-tao sa building dahil maagang nagsiuwian ang mga estudyante. Nagpatawag kasi ng faculty meeting ang administrator kaya maagang natapos ang aming klase.
Mga 30 minutes pa bago mag 5:00 PM, tapos na ako sa aking mga gawain sa opisina kaya sinagotan ko nalang ang mga gawaing iniwan ng aming propesor na kailangan ipasa bukas.
'Sumpa at kamatayan' napatigil naman ako sa ginagawa nang maalala ko ang mga sinabi ni Inang. Paulit-ulit itong tumatakbo sa aking isipan mula nang makababa kami sa bundok ng Canlasan, Apayao.
Sa simula pa lang ay isang nang malaking palaisipan sa akin ang totoong pagkatao ni Mayari. Marami akong katanongan na nais masagot ngunit embes na magkaroon ng linaw ang lahat dahil sa mga natuklasan ko, ngayon ay lalo pa itong gumulo.
"Hey Jeo! Where are you?" seryosong tanong sa akin ni David. Hindi ko naman ma intindihan kung ano ang kanyang ibig sabihin dahil magkasama kaming gumagawa ng assignment. "Kanina pa kasi kami ni Stella nasa study lounge e ikaw saan na nakarating ang isip mo?" pagpapatuloy nito habang binigyan niya ako ng isang malukong ngiti upang inisin ako.
Hindi ko namalayang naka tingin pala ako sa kawalan habang naaalala ko ang mga nangyari sa amin ni Mayari. Nang makita ko ang pilyong tingin at ngiti ni David alam ko na agad saan papunta ang usapan kaya hindi ko nalang ito pinansin.
Ayaw pang umuwi nito kaya nagpresenta itong samahan muna ako. Mababagot lamang daw siya pag umuwi siya ng maaga, pareho kasing nasa Singapore ang mga magulang nito. Ngunit ang totoo mangungulit lang ito at makikipag chikahan kay Stella upang ibalita ang nangyari sa amin sa Apayao. Gaya nga ng sabi ni Mayari ang bibig ni David ay parang puwet ng manok dahil hinding-hindi ito nauubusan ng sasabihin.
"Jeo, ayus ka lang ba?" Pag-aalalang tanong ni Stella sa akin while she snap her fingers upang kunin ang aking atensyon. "Na pasukan ba ng tubig ang utak mo? Kanina ka pa hindi namin maka-usap nang matino." nililitong ngunit pilyang tanong muli nito.
Agad akong matauhan nang magsalita si Stella. Tumango ako bago ko siya nginitian upang ipahiwatig na ayos lang ako at walang dapat ipag-alala. Kanina pa tapos ang kanyang shift ngunit hindi ito maka uwi dahil kinorner na ito ni David upang makinig sa kanyang kwento. Wala din namang magagawa si Stella kundi maupo nalang sa aming tabi at makinig sa walang katapusang kwento ni David. Okay na rin siguro yun atleast may kasabay na akong umuwi.
Tinignan ko nalang ng masama si David upang magsilbing babala na tigilan na niya kung ano ang kanyang binabalak bago ko ibinaling ulit ang aking atensyon sa aking ginagawa. Makalipas ang ilang minuto ay napansin ko na hindi pa rin inaalis ni David ang kanyang malukong tingin sa akin.
"O ano na naman? Bakit ganyan ka maka tingingin sa akin?" medyo na iinis kong tanong sa kanya. Na ngayon ako naman ang nalilito sa kinikilos ni David.
Napalingon naman ako sa paligid, kaming tatlo nalang pala ang naiwan sa study lounge.
"Grabe ka naman, parang kahapon lang magkasama kayo. Na miss mo na agad?" patango-tangong tanong ni David before he sneer at me in disgust. Minsan talaga hindi ko maintindihan ano ba ang tumatakbo sa utak nito. Hindi ko na sana ito uli papansinin dahil alam kong mangungulit lamang ito tunkol kay Mayari at sa relasyon naming dalawa.
Ipinaliwanag ko na kay David na magkaibigan lang kami ni Mayari kahit na hindi ako siguradong ganon din ba ang tingin at turing nito sa akin. Ngunit away pa rin akong paniwalaan at tantanan nito. Isa pa maging ako ay hindi alam ang sagot, ang ibig kong sabihin ay maliban sa kakayahan naming taglay na siyang nagkukunekta sa aming dalawa wala na akong iba pang maisip na magiging relasyon naming dalawa.
"Alam mo kaninang umaga ka pa. Puwede ba tigilan mo na yang pangungulit mo sa akin." hinampas ko sa kanya ang hawak-hawak kong notebook. Ngunit embes na sumagot ay ibinaling nito ang kanyang atensyon kay Stella upang lolo akong inisin.
"Alam mo Stella please kung kaibigan mo talaga ako paki inform ako pag may nagpapatibok na niyang puso mo ha. Hindi tulad ng iba dyan na kinalimutan e-inform yung bestfriend nila." Pagpaparinig ni David sabay kuha sa notebook na ihinampas ko sa kanya upang tingnan kung pareho ba ang sagot namin sa assignment na ginagawa namin.
First year, second semester palang ay magkakilala at magkaibigan na kami ni David. Kaya naman nasanay nako sa kakulitan nito. Isang taon lang ang tanda niya sa akin. Bago siya lumipat sa College of Education nagpalipat-lipat muna ito ng ibat-ibang course kisyo hindi niya gusto yung course o talagang hindi niya maabot ang cut-off na GPA.
"Tika, may hindi ba ako alam?" Nagtatakang tanong ni Stella na ngayon ay napatigil na rin sa kanyang ginagawa.
Parehong alam nina David at Stella ang kakayahan kung makakita ng maligno kaya syempre ikwenento ko sa kanila ang mga nangyari sa ilog maliban nalang sa ginawa ni Mayari. Masyadong magulo noong gabing iyon kaya hindi ko alam paano ko ipapaliwanag sa kanila ang totoong nangyari. Ang buong akala ni Stella ay iniligtas ko si Mayari kaya palagi itong bukang bibig ni David. Kahit ang totoo si Mayari talaga ang naglistas sa amin.
"Naku Stella, absent kasi si Mayari kaya parang wala sa sarili itong si Jeo." pambubulabog muli nito. Bakas naman sa mukha ni Stella ang gulat nang marinig ang sinabi ni David. Sa gulat nito ay hindi ito agad naka pag salita. Nang makabawi ito sa pagkabigla humalakhak ito ng napakalakas. Kinuha ko naman ang aking notebook na hawak-hawak ni David at hinampas ko ulit sa kanya.
"Wow! Naku ha buong akala ko torpe itong kaibigan ko hindi ako na inform na luma-love life na pala." Panunukso ni Stella nang napagtanto nito ang ibig sabihin ni David. Kahit alam nitong walang malisya sa pagitan namin ni Mayari.
Hindi ko na talaga alam anong gagawin ko sa dalawang ito. Pagdating kasi sa kalukuhan ay mabilis talaga itong nagkakasundo. "Wait, tika lang, diba ikaw na rin ang nagsabi David na masama ang ugali non. E bakit itinutulak mo na si Jeo sa kanya?" hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa na ngayon ay naiiwak na habang hawak-hawak ang tiyan nito.
"Okay lang yun no. Pariho naman kasi silang masama ang ugali." Pagdidiin nito bago ako tiningnan ng masama.
Alam kong talo na ako sa kakulitan at panunukso ng dalawang kaya pinabayaan ko nalang ang mga ito. Sige na kasalanan ko na kung bakit buong araw akong hindi tinatantanan ni David ngayon. Gusto lang nitong maka ganti sa ginawa kong pang-iiwan sa kanya sa Apayao. Nang magising kasi ito kinabukasan ay wala na kami ni Mayari sa tabi niya. Kaya ayan nagtatampo pa rin dahil lang hindi namin siya ginising at sinama.
Buti na lang at absent ngayon si Mayari kundi baka pareho na kaming nasapak ngayon ni David. Hindi ko naman maiwasang mag-alala sa kanya.
Teka, baka kaya hindi ito pumasok ngayon dahil may masamang nangyari sa kanya. O di kaya ayaw niya akong makita dahil baka na trauma na ito sa nangyari sa Apayao lalo pa at naaalala na nito ang nangyaring pag-ataki ng mga Wakwak.
"Masyado pang matagal ang susunod na lunar eclipse kaya mas mabuting sa mga kamay ko nalang ikaw mamatay." bigla ko namang nabitawan ang hawak-hawak kong ballpen nang biglang kong maalala ang sinabi ng Berberoka kay Mayari.
"Kailan ang susunod na lunar eclipse?" seryosong tanong ko sa dalawa na ngayon ay napatigil sa panunukso sa akin. Dahil sa pagkabigla ay tinitigan nalang ako ng dalawa na para bang nag-sasabing 'na babaliw na ata ang kaibigan ko'.
Kahit hindi nila ako maintindihan ay agad naman kinuha ni Stella ang cellphone niya upang i-google ito. "Well, base on timeanddate.com, we just had a lunar eclipse this month June 4 and 5, next one will be next month July 4-5 and then last one this year will be on Nov 29-30. Oh wait, there's more, there will be a solar eclipse this June 21" saad ni Stella bago ito tumingin at ngumiti sa akin.
"Oh! That's two weeks from now." hindi na natapos ni David ang gusto pa nitong sabihin dahil agad akong napatayo sa aking kinauupuan. Nabigla naman ang dalawa sa ginawa ko at si David ay muntik namang mahulog sa kinauupuan. "Anak ng baka naman Jeo, ano bang problema mo?"
"Bakit ayaw niyo bang umuwi?" palusot ko sa kanila nang makita ko ang malaking wall clock sa kaliwa ko.
Nasa parking lot na kami ngayon, may dalang sasakyan si David kaya nag volunter itong ihatid kami ni Stella dahil on the way naman pauwi sa kanila. Malapit na sana kami sa sasakyan nito nang bigla itong napatigil sa paglalakad at hinila niya kami upang magtago sa isa pang kotse na naka parada.
"David!" Pasigaw na saway ni Stella dahil sa gulat. Agad namang tinakpan ni David ang bibig nito upang patahimikin. Magsasalita na sana ako nang biglang itinuro ni David ang kanyang mga daliri sa kanan namin. Sempre wala naman kaming magawa kundi tingnan ang tinuturo nito.
Sa bandang kanan namin ay nakatayo ang isang babae at isang lalaki. Kung hindi mo sila kilala aakalain mong may relasyon ang dalawa dahil na rin sa matatamis na ngiti ng babae at kumikislap na mga mata ng lalaki.
"I guess the rumors are true." naka ngising sabi ni David.
Hindi ko alam kong saan or paano nito nakukuang mga balita o chismis na katulad nito but he always has all the means to get information. Hindi ko naman sinasabing may pagka chismoso itong si David, pero parang ganon na nga. Pero di nga, I admit that he really lives up to their family business. Anak lang naman kasi ito ng may-ari ng pinaka malaking telecommunication company sa buong Pilipinas.
"Anong rumors? At saan mo naman iyan narinig." pagtatakang tanong ko sa kanaya. Ngunit embes si David ang sumagot si Stella ang nag-salita. "Na may relasyon sina Miss Roxy at Prof Cyrus. Teka lang hindi ata kakayanin ng puso ko." malungkot nitong sabi habang tinatapik-tapik ang dibdib nito.
Well, kung totoo ito marami talagang girls at girls at heart ang mabro-broken-hearted pag nalaman nilang ang number 1 heart-throb ng Pillar University ay taken na.
"Do you think kaya hindi natanggal sina Prof Flynn at Prof Isidro despite sa nangyari sa Apayao dahil sa relasyon ni Prof Flynn at Miss Roxy. They used Prof Isidro to cover it up." Mausisang tanong ni David. Minsa talaga napaka-imaginative din ito kay hindi rin namin alam kung ano ang isasagot sa tanong nito.
I wonder if alam kaya ni Mayari ang tungkol dito? Napansin ko kasing malapit ito kay Miss Roxy.
Sina Yssa naman at mga barkada nito ay muntik ding ma expel.
Kakalabas ko lang ng banyo matapos maligo. Mga 7:30 na ng gabi nang marinig kung tinatawag ako ng aking kapatid na si Laiza, upang mag hapunan. Naging kaugalian na nang aming pamilya ang kumain ng sabay-sabay kaya agad naman akong bumaba pakatapos kong magbihis. Nang matapos ang hapunan ay nanood kami ng paboritong Teleserye ng kambal kong kapatid na sina Laiza at Liezel.
Ngunit wala sa aming pinapanuod ang aking buong atensyon.
"Oh! That's two weeks from now." naalala ko na naman ang sinabi ni David at Stella.
Dalawang linggo na lang bago mag lunar eclipse ibig sabihin ba nito dalawang linggo na lang din ang natitira kay Mayari bago masakatuparan ang sumpa? Naguguluhan tanong ko sa sarili.
Hindi naman nagulat si Mayari sa mga sinabi ni Inang tungkol sa sumpa it turns out that she already heard about it mula sa isang diwata nagngangalang Mayumi. Base na rin sa kwento niya ipinakita daw ng diwata ang pagkalunod niya na magiging sanhi ng kanyang kamatayan. Kaya pala ganon nalang ang takot nito sa tubig.
Other than that wala na siyang alam tungkol sa sumpa. Lalo na kung bakit o paano ito nagsimula. Ayaw din naman sabihin ni Inang ang buong kwento dahil sa takot na maulit muli ang isang malaking trahedya.
Sa lahat nangyari sa loob ng dalawang linggo mula nang makilala ko si Mayari at sa lahat ng natuklasan ko tungkol sa kanya, nagkataon lang bang kami ay pinagtagpo? Hindi ko mapigilang itanong ito sa sarili.
Sa kagustohan kung masagot ang mga tanong na bumabagabag sa aking isipan. Tumayo ako at nagtungo sa isang kwarto malapit sa kusina na ginawa naming tambakan.
"Oh, kuya anong ginagawa mo rito may hinahanap kaba? Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ng babaeng nasa early fourties. Pumasok ito sa kwarto nang makita nitong bukas ang pintuan ng storage room. Mahinhin itong kumilos at napa ka soft spoken.
"Naku, hindi na po kailangan. Mahahanap ko rin po yun." Nakangiti kong sagot sa kanya. Alam kong buong araw na itong pagod sa trabaho kaya ayaw ko na itong estorbohin. At sa totoo lang ay hindi rin ako sigurado anong hinahanap ko sa kwartong ito.
Akala ko ay umalis na ito kaya nagpatuloy naman ako sa paghahalungkat. Agad naman ako napatigil sa aking ginagawa upang magbigay ng isang matamis na ngiti sa kanya nang makita kong nasa loob pa rin ito ng kwarto. "Nako, kuya pasensya na. Sige ituloy mo na yang ginagawa mo." saad nito nang mapansin niya napa tigil ako sa aking ginagawa.
Akmang aalis na sana ito nang nilapitan ko siya at niyakap. "Baka wala po rito yung hinahanap ko." sabay halik sa kanyang noo. Inalalayan ko nalang ito sa paglabas nang bila itong tumigil sa paglalakad at sinabing "Hinahanap mo ba ang mga naiwang gamit ng iyong Nanay Celeste?"
Hindi ko naman alam paano sasagutin ang tanong ni Inay Marichu. Hindi ko alam bakit pumasok sa aking isip na nandito pa ang mga gamit nang yumaong kong ina na si Nanay Celeste. "Pasensya na po Nay Ichu. May hinahanap lang po ako baka maka tulong sa kaibigan ko." Pagpapaliwanag ko sa kanya, baka kasi masamain nito ang aking ginawa na alam kong hindi naman nito gagawin.
Si Inay Marichu ay ang pangalawang asawa ng aking Tatay Rodrigo at matalik din itong kaibigan ng aking Nanay Celeste. Nang mamatay kasi si Nanay ay si Inay Ichu na ang tumulong sa amin ni Tatay hangang sa nahulog nga ang loob nila sa isa't isa. Ayos lang din naman sa akin ang muling pagpapakasal ni Tatay dahil napakabait at mapagmahal ni Inay Ichu. At kung hindi sila nahulog sa isa't isa edi wala din akong magaganda at mababait na kapatid.
"Alam kong darating ang araw na ito." binigyan niya ako ng isang mapagmahal na tingin. Agad itong nagtungo sa cabinet malapit sa bintana at binuksan ito. Sa loob ay kinuha niya ang isang kahon na gawa sa abaca. Medyo may kalumaan na ito ngunit matibay pa rin. "Talagang itinago ko ito para sayo." saad nito habang iniaabot ang kahon sa akin.
Sa loob ng kahon ay may photo album, mga sulat, mga libro at isang diary. Agad naman akong nagpasalamat kay Inay Ichu at nagtungo sa aking kwarto. Hindi ko alam kung may matutuklasan ba ako tungkol sa aming mga kalahi ang ibig kung sabihin ay tungkol sa mga Babaylan na maaaring maka tulong kay Mayari ngunit nasasabik akong malaman ano ang aking matutuklasan.
Masaya ko sanang ibabalita kay Mayari ang tungkol doon sa mga naiwang gamit ni Nanay Celeste na maaring makatulong sa kanya. Kaya lang...
"Nako, Jeo malala nayan." Panimula ni David. Nag lu-lunch kami ngayon sa isang karenderya malapit sa campus. Medyo mahal kasi ang pagkain sa cafeteria kaya nadalas sa labas kami kumakain. Nasanay na rin si David sa pagkain dito dahil lagi itong sumasama sa amin ni Stella kahit afford nito ang pagkain sa cafeteria.
"Hindi na naman ba pumasok ngayon si Mayari?" Tanong ni Stella. Sabi ko na sa inyo pagdating sa kalukuhan ay mabilis magkasundo ang dalawa. "Bat di mo tawagan o e txt. Message mo sa messenger." Mungkahi ni to.
"Done that, pero ayaw mag reply o sagutin ang tawag ko. Hindi ko naman mahanap ang FB or social media account nito." Dismayadong sagot ni David.
Hindi nalang ako umimik dahil baka buong araw na naman akong tuksuhin ng dalawa.
"Ngapala Jeo, ano nga pala yung binabasa mo kanina?" Pagbabago ni Stella sa usapin.
Ang tinutukoy nito ay ang diary ni Nanay Celeste na kasama sa mga naiwang gamit ni Nanay.
Kagabi ko pa ito sinusubukang basahin ngunit hindi ko ito mabasa. Nakasulat kasi ito sa Baybayin o ang sinaunang pamamaraan ng pagsusulat ng mga Pilipino bago dumating ang mga mananakop at pinalitan ito. Hindi ko namang akalaing marunong pala si Nanay nito. Matagal na kasi itong nabura sa kultura ng Pilipinas kaya sa mga libro ng kasaysayan nalang ito makikita.
"Bat di ka manghiram sa library baka may libro sila tungkol sa Baybayin o di kaya sa National Library. Tutal walking distance lang naman ito." Saad ni Stella.
Dahil sa diary ay babaling na sa iba ang atensyon ng dalawa at tumigil na sa pangungulit.
Pinatawag si Prof Flynn sa Deans office kay mahaba-haba ang aming free time. Binigyan niya lang uli kami ng assignment.
"David, gusto mo bang sumama?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi magtampo na naman ito pag bigla akong mawala.
Naisipan kung pumunta ng National Library habang may free time pa ako bago ang last subject.
Tumangi naman itong sumama na ngayon ay abala sa paglalaro ng Mobile Legends kasama ang iba pa naming kaklase.
Napaka laki ng National Library kaya hindi ako sigurado kung saan ako mag-uumpisang maghanap ng libro tungkol sa Baybayin.
"May maitutulong ba ako, hijo?" tanong ng isang lalaki nasa likuran ko. Hindi ko man lang napansin ang paglapit nito.
Kanina pa ako nasa Filipiniana section ng library pero hindi ko pa rin makita ang libro tungkol sa baybayin. "Ako pala si Dr. Hugo Salvador. Ako ang encharge ng Filipiniana Section." Pagpapakilala nito.
"Magandang hapon po, kanina pa ako naghahanap ng libro tungkol sa sinaunang Baybayin. Puwede niyo po ba akong tulungan?" saad ko sa kanya.
"Ah...Mga libro tungkol sa Baybayin ba kamo. Ano naman ang dahilan at interesado kang matuto ng Baybayin? Bihira nalang kasi ang mga kabataang gustong matuto nito." tanong nito habang naglalakad kami papunta sa isang sulok ng library.
"Ano po kasi, nakita ko yung lumang diary ng Nanay ko gusto ko po sanang basahin kaya lang..." sagot ko sa kanya kaya lang hindi ko narin natapos ang aking sasabihin.
"Naka sulat ito sa Baybayin" pagdugtong niya sa aking sasabihin.
Tumango nalang ako sabay kuha sa inabot nitong manipis na libro.
"Nakakatuwa lang isipin na isang kagaya mo ang gusto itong matutuhan. Alam mo marunong akong magsulat at magbasa ng Baybayin kaya hijo sayo nalang itong librong ko." naka ngisi nitong sabi.
Sa sobrang bait nito hindi ko inakalang bibigyan niya akong ng libro tungkol sa Baybayin at Pre-colonial Philippines. Gusto ko pa sanang makipag kwentohan sa kanya kasi para itong walking encyclopedia sa dami ng alam kaso late na ako sa klase. Muli akong nagpasalamat sa kanya at nagpaalam.
"Walang ano man Hijo, huwag mong kalimutang bumalik dito. Maari kitang matulungan sa paghahanap mo ng kasagutan sa iyong mga katanongan." Saad nito sa akin bago tuluyang magpaalam. "Naway matulongan at mailigtas mo ang iyong kaibigan bago mahuli ang lahat."