Chereads / Lore of Mayari: The Cursed Moon / Chapter 5 - Fifth Moon

Chapter 5 - Fifth Moon

Kabanata 5

Mayari

"Handa kana ba?" naka ngiting tanong ng isang babae habang iniaabot sa akin ang isang mahabang single-edged sword at shield na gawa sa matigas na kahoy. Ang  hawakan ng espada ay may disenyo ng  tubig at buwan. Habang ang dulo naman nito ay napakalapad.

"Kailan ba ako hindi naging handa." Nakangiting sagot ko sa kanya.

It was her again, the woman I was dancing with under the bright moonlight in my dreams. Naka suot ito ng matching two-piece dress na kulay burgundy. Naka kabit sa kanyang damit ang mga gintong aksesorya. At tulad ko ay wala rin itong mga sapin sa paa. Sa kanyang braso ay may kulay gintong tattoo na nagmukhang mga tala sa kalangitan. Sa kanyang leeg ay gintong kwintas na may palawit na hugis star. Ang kanyang mga galanggalangan at mga paa ay may gintong pulseras din.

Matapos niyang iabot ang kampilan at kalasag ay niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ako sigurado kong ano ang dapat kung maramdaman sa mga oras na iyo. But I just melted in her arms and hug her back tightly. I don't know who she was but I badly missed those warm hugs.

"Haha... ibig mo sigurong sabihin ay handa kanang matalo." Sigaw ng lalaking nasa kabilang dulo. May dala rin itong kampilan at kalasag. Sa likod niya ay isang babae naka suot ng kulay dilaw na damit. Habang ang lalaki ay naka suot ng turban sa ulo, dilaw na bahag at kanyang katawan ay puno ng tattoo.

It was him the man during the banquet. It still bothers me, kung bakit alam niya ang pangalan ko. 

Nakangiti itong naka tingin sa akin. "Tatalunin kita sa pagkakataong ito."  Paghahamon nito sa akin.

"Sinabi mo rin yan nong huli tayong naglaban." Panunukso ko sa kanya.

Agad siyang tumakbo sa gitna at itinutok ang kanyang kampilan upang muli akong hamunin. Tumatawa naman akong pumunta sa gitna.

I could somehow see their faces now, unlike the first time I saw them. Pero malabo parin.

Walang kapagudpagud kaming nagsagupaan ng lalaki. Nangbiglang tumilapon ang kanyang kampilan.

"Sana ay tanggapin mo na ang iyong pagkatalo." natatawa kong sabi ko sa kanya. Pariho na kaming pawis na pawis at hinihingal.

Akmang itututok ko na sa kanya ang ang aking kampilan ng biglang itong nagsalita. "Sanay magustohan mo ang aking regalo mahal ko."

I got distracted. What the fudge did he just call me? Then all of a sudden a glow of lights was floating on the air. It formed into unfamiliar symbols.

ᜉᜆᜏᜇ᜔ ᜋᜑᜎ᜔ ᜃᜓ.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong simbolo pero paanong nangyaring nababasa ko ito. 

Muli ko itong tiningnan upang maka sigurado ako sa aking nababasa. "Patawad Mahal Ko."

Na estatwa nalang ako sa aking kinatatayuan. Ba-bakit Mahal ang tawag niya sa akin?

Before I could process what is going on he ran to get his sword then towards me. Before I could react he was already pointing his sword to me so I accidentally stumble.

"Paano ba yan nanalo ako." Pagyayabang nito.

Nangayon ko lang din namalayan na kulay pilak ang aking mga buhok ng maputol ang aking panali.

"Tika! Ang daya naman." Inis kong sigaw sa kanya dahil hindi ko matanggap ang pagkatalo ko. "Sa-Sasusunod hindi na ako papayag na dayain mo." Pagpapatuloy ko habang tumatawa na ngayon.

After the fight, I started to get frustrated because I can't hear them anymore. The three of them were just giggling and teasing each other. Then suddenly someone interrupted. I couldn't hear what he saying but the three of them run towards him and give him a hug. Then I heard him call my name. I don't know why but it made me happy.

I step forward then started running towards him.

And then...

Everything went dark. I desperately stretch my arms and run as fast as I could but I was not able to reach him.

I couldn't see anything. 

Where am I? 

I- I can't breathe. 

Somebody, please help me... 

Please I'm drowning...

"Mayari!... Mayari!" I saw a man who keeps on calling my name before I lost consciousness.

June 13, 2020

Apayao, Cordillera Administrative Region

"Mayari! Mayari! Mayari!" Narinig kung tawag sa akin. Agad naman akong bumangon at ibinaon ang aking mukha sa dibdib ng lalaking nakaupo sa aking tabi. He caress me until I calm down. "Nananaginip kalang Mayari. Panaginip lang yun."

I was dripping in sweat pero hindi ako umalis sa pagkakayapos ni Jericho sa akin. Hindi ko alam anong dapat kong gawin dahil sa takot. Dati rati ang napapanaginipan ko ay ang paulit-ulit kong pagkalunod. Pero simula ng umiwi kami sa Pilipinas. Lagi kong napapanaginipan ang mga taong iyun. Sino sila? Why do I feel like I know them at lahat ng nangyari sa aking panaginip ay totoo. Na para bang isang alaala na nabura sa aking utak.

"Oh shit! I'm so sorry I didn't mean to disturb you two." Pagpapanic ng isang lalaki na nakayuko sa pintuan ng tent. Na agad namang tumayo at tumalikod. He keeps on cursing and apologizing.

Wait, asan ba ako? Tanong ko sa sarili.

"Ahem! Tawag na tayo ni Prof Cyrus. Sabay-sabay daw tayong magbre-breakfast kasama ang mga katutubong Isnag." Wika ulit ni David habang naka tayo sa labas ng tent.

It took me a while to process what just happened. Nangbumalik ako sa katinuan. Fudge! Magkayakap pa rin kami ni Jericho. This is really embarrassing. 

I was the first one to let go pero hindi ko parin inaalis ang mga mata ko sa kanya.

Tsaka ko lang naalala na nasa Apayao kami. Pero tika, what is he doing inside my tent? 

"Magbihis kana, basang-basa ka ng pawis baka magkasakit ka. Nauna na ang ating ibang kaklase. Hihintayin ka namin ni David sa labas para sabay na tayong pumunta sa baryo ng mga Katutubong Isnag." Sabi ni Jericho while he gently patted my head before he went out.

I created this strong persona in front of others yet why does he always see me in my weakest points.

Tulad nalang ng nangyari sa bar. Kung hindi ko pa nakita ang walang buhay na katawan nina Justine, Nicole at Gabe na puro kalmut at sugat ang katawan at wala nang puso at lamang loob ay hindi ko maaalala na nagpununta ako sa bar at muntik nang mamatay. 

But I still couldn't remember what happened after the two strangers appeared in front of Jericho and me. Hindi ko naman siya matanong baka kasi it was just all in my head.

"Ano yun! Ang sabi mo gigisingin mo lang siya. Bakit may payakap pa?" Pang-iintrigang tanong ni David kay Jericho na syang bumasag sa aking malalim na iniisip.

"Ano bang pinagsasabi mo? Napansin ko kasing binabangungut siya kaya pumasok ako sa tent niya." Depensa ni Jericho.

"Ano bang relasyon meron talaga kayo ng babaeng yan? Am I really your bestfriend?" tanong nito na kulang nalang ay maglumpasay sa selos. "Ahhh... wait lang wag muna lang sagutin yung huling tanong." Agad naman niyang sinabi. Takot sigurong ipagkanulo ng kaibigan.

"Ano bang pinagsasabi mo David! Tinutulongan ko lang ang ating kaklase at ka grupo ko." Pagsaway at paliwanag ni Jericho.

Sa laki ba naman ng bunganga ni David of course I could clearly hear what he was saying. Buti nalang at kami nalang ata ang natira sa campsite.

I was changing my clothes. When I heard a long silence. Tapos na siguro magtalo ang dalawa. Lalabas na sana ako ng tent ng muling nagsalita si David.

"Hindi ko alam anong relasyon meron kayo. Pero napansin kong kakaiba ang ikinikilos mo pag si Celine na ang pinag-uusapan. Kahapon nga kahit pagud na pagud kana ay bumalik ka sa dulo at pinasan mo siya sa iyong likod makatawid lang ito ng sapa." Seryoso nitong sabi. "Sana huwag mong kalimutang magkaibigan tayo." Nagseselos paring sabi ni David.

Kaya ayaw kung suma-sama sa outing kasi hindi ko alam kung kailan ulit ako susumpungin ng sakit ko. Only my family knows about my illness. At sa pagkaka-alam nila ay magaling na ako.

Ayaw ko ring makipag kaibigan dahil magiging pabigat lang ako sa kanila. Kagaya nang nagyari kahapon kung hindi ako tinulungan ni Jericho sa pagtawid ay wala sana ako ngayon sa kinatatayuan ko. Kung hindi niya ako binalikan at binuhat patungo sa kabilang dulo ng sapa malamang nandon parin ako umiiyak sa takot.

Maliban kasi sa mga bangungut ko at hallucinations, naging aquaphobic din ako. Hindi narin ako natutung lumangoy. Takot kasi akong malunod gaya ng lagi kong nakita sa mga panaginip ko. Kahit hangang tuhod pa ang tubig hindi ko mapigilang matakot.

Iniwasan ko nalang ang dalawa ng makarating kami sa village ng mga katutubong Isnag. Pero sa tuwing nagkakasalubong ang aming paningin ni David ay tinitignan niya ako ng masama. In return I just rolled my eyes to tease him.

This trip is a collaboration between the Filipino department and Social Studies department. So we are task to know the culture, lifestyle, and literature of the ethnic tribe of Isnag.

Isnag people are an Austronesian ethnic group native to Apayao Province in the Philippines' Cordillera Administrative Region. Their native language is Isneg also called Isnag, although most Isnag also speaks Ilokano.

Sinimulan namin ang aming araw sa pagtulong sa pagtatanim. Sa tanghalian ay naghanda ang mga katutubo ng kanilang tradisyonal na pagkain. Syempre naman ay tumulong kami. Ay sila lang kasi hindi ako marunong magluto at hindi rin ako interesado maki paghalubilo sa mga kaklase ko.

They were using bamboo as a cooking utensils. They prepared Sinursur, a dish made of catfish and eel on bamboo with chili; Abraw, a dish made of freshwater crabs with coconut and chili; and Sinapan, which looks like smoked meat. Not my typical food but nakakagutom paring tignan.

"O sa walang ginagawa pakihugasan naman niyo nga ang mga ito." Utos ng isa naming kaklase. She glances at me, obviously, she was referring to me.

"Tara na!" Narinig kung sabi sa akin ni Jericho na nasa likod ko. May hawak-hawak itong basket at ibinigay sa akin. Akala ko ay mabigat ang laman noon kaya ayaw ko sanang kunin pero magaan lang pala ito.

Kumuha pa siya ng isa pangbasket na kanyang binitbit. Naglakad kami patungo sa ilog kasama ang iba pa naming kaklase. I put down the basket as soon as we reached the river and I did not dare help them in washing.

Bakas sa mukha ng mga kaklasi ko ang inis.

"Sumama kapa e hindi ka man pala tutulong?" pagpaparinig ni Angel sa akin.

"Ayos lang Angel, ako na. Diyan kanalang Mayari." Wika ni Jericho sabay kuha sa basket na dala ko at hinugasan ito.

Mas lalong hindi ito nagustohan ni Angel. Magsasalita pa sana ito ng biglang may isang lalaki na galit na galit na sumugod sa amin.

May sinasabi ito gamit ang kanilang katutubong wika pero hindi namin ito maintindihan. Hindi na sana namin ito papansinin nang bigla naman nitong itinaas ang dalang sibat kaya nagsigawan at nagtakbuhan ang lahat sa takot. Muntik naman nadapa ang iba naming kasama dahil sa pagpapanic.

Agad naman itong pinigilan ng mga katutubo. Hindi naman namin maintindihan ang kanilang pinagtatalunan. He keep on pointing at the river where we came from. Nangkumalma na ito, inihatid nila ito sa kabilang village saan ito nakatira.

Ang sabi ng aming guide ay nagalit lang daw ito dahil hindi ito sanay na may turista. Inakala niya na inaangkin namin ang ilog. Kumalma lang daw ito ng nangako itong hindi na kami pupunta sa ilog.

I look at the river and the guide. Yun lang ba talaga ang dahilan kung bakit ito nagalit at hinabol kami nang may dalang sibat?

Nagalit naman bigla ang batang tour guide na naka suot ng tradisyonal na damit ng katutubong Isnag. "Sinabi ko na sa inyo na hindi muna dapat palapitin ang mga turista sa sapa. Mahigpit na ipinagbabawal ni Inang dahil sunod-sunod na ang nalulunod dito."

"Pano naman malulunod ang isang tao e hanggang tuhod lang naman ang tubig." Pilosopong sabi ng isa naming kasamahan. Hindi ko ito kilala sa Soc Scie department ata ito.

Sa huli pinagbawalan kaming pumunta sa ilog. Cancelled din ang plano ng gustong magtampisaw sa ilog.

Ilang minuto lang ay balik na sa dati ang lahat. Nabusog kami sa pagkaing inihanda nila para sa amin. Ang iba ay bored na kasi wala din namang signal.

Dapit hapon na at naghahanda na ang lahat sa campfire gusto nilang lubos-lubosin ang huling gabi namin bago kami bumaba ng bundok bukas ng hapon. Nakaupo lang ako sa isang lantay na nasa ilalim ng puno ng acacia. Nang may biglang humawak sa kamay ko. Akalo ko si Jericho o David, sila lang naman kasi ay may lakas ng loob mang buwesit sa akin. Ngunit paglingon ko ay walang tao. Pinagwalang bahala ko lang ang nangyari guniguni ko lang siguro yun.

Tatayo na sana ako nang biglang kong makita...

Ang mga anino naglalakad at nagtatakbuhan. Kinusot ko ang aking mga mata ngunit hindi parin ito umaalis.

"I'm hallucinating again." Pagpapanic ko dahil na rin sa layo pa ng tent ko to get my medicine. Paulit-ulit kong kinusot ang aking mga mata nang makita ko si Jericho na nakatingin sa akin. Was it just my imagination? He smiled at me as if saying everything is going to be okay.

I took a deep breath to calm myself and slowly walk towards our tent to get my medicine. Nagulat naman ako nang paglabas ko ng tent ay makita ko si David na nag-aabang sa akin.

"Tulungan mo akong mag-ihaw." Bungad nitong sabi.

"What? Why would I do that?" Inirapan ko nalang ito at iniwan.

"Madali lang naman mag ihaw. Marinated na yun so we just have to grill it. Oh, sige para di ka mapagod ikaw nalang mag maypay ako ang maggrigrill." Muling pangumgumbinsi nito. Pero tinanggihan ko lang muli ito.

"Bahala ka, kahit anong gawin mong pagtanggi kukulitin parin kita. Sabi kasi ni Jericho pilitin kita at wag iiwang mag-isa." Agad naman itong napatigil nang napagtanto niya ang kanyang sinabi.

Pati ako ay napatigil dahil sa sinabi niya. At bakit naman naisip ni Jericho hindi ako dapat maiwang mag-isa? Nilingon ko si Jericho na ngayon ay abala sa pangunguha ng kahoy na gagamitin sa campfire.

Ginusot kong muli ang aking mga mata hindi parin kasi umiipikto ang mga gamot ko. Nakita ko naman na may aninong papalapit kay Jericho nang biglang siyang tumigil sa paglalakad na para bang pinagbigyan niya itong makadaan at sabay ngumiti rito. 

Was it my imagination again?

Yung nangyari sa bar, yung mga larawang nakita ko sa iPod ni Kaye, at yung mga anino, diba it was just all inside my head? Pero bakit parang nakikita rin ito ni Jericho.

Sino ka ba talaga Jericho Garcia?

Dahil sa pangungulit ni David ay sumama ako sa kanya pero siya lang din ang gumawa ng lahat. Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking parang puwet ng manok ang bibig. Nagkwento lang ito nang kung ano-ano pati na yung babaeng nagngangalang Stella. It was really erritating at first pero natawa na rin ako to how he make fool of himself.

Hindi ko namalayan na marami na palang matang naka tingin sa amin. Lalong lalo na ang barkada ni Angel na sadly groupmates ko. I just also find out that Angel has a crush on David. Pero hindi ito gusto ni David. Tinignan ko nalang sila mula ulo hanggan paa and I sneer at them to make them even more jealous.

Nang matapos ni Jericho ang kanilang ginagawa ay lumapit ito sa amin para tulongan si David.

"Hindi ka parin tapos?" Biro ni Jericho.

"Kung sana tinutulungan ako ng isa dyan. Sana po ay tapos na ako." Sarkastiko tumawa si David na sa sobrang lakas ay nagsitinginan ang lahat. Tuloy pinagsabihan kami ni Prof Flynn.

Sabi ng mga katutubo ay dapat hindi kami masyadong mag-ingay baka ma distorbo namin ang mga di ingon nato naninirahan dito. Grabe naniniwala parin sila sa mga maligno?

Napansin naman namin ang pagdating ng isang matandang babae na may kasamang dalawang dalaga at isang bata. Ang sabi ng guide namin iyon si Inang ang pinuno ng mga katutubo.

Dedma ko nalang ang lamig ng simoy ng hangin. Na miss ko yung lamig ng Canada kaya nagsuot ako ng shorts at tank top exposing my birthmark on my left shoulder na hugis crescent moon. Naka ponytail ang aking buhok at sa mga kamay ko ay isang baso ng kape. Masmasaya sana kung wine or beer kaso bawal.

Kahit hindi ko na sila pinapansin kasama ko buong gabi sina Jericho at David. I didn't dare to use my phone since wala din namang signal.

I went back to my tent to take my medicine again kasi kahit gabi na nakikita ko parin yung mga anino.

"Omg! Celine, pinapatawag ka ni Prof Cyrus. Pumunta ka daw sa may ilog." Bungad ni Yssa paglabas ko ng tent.

"Bakit naman ako pupunta don? Diba nga bawal." Maangas kong sagot sa kanya.

"It's a phone call from your guardian daw eh. Mukhang emergency. Sa may bandang ilog lang daw may signal." Nag-aalalang sabi nito.

Bago paman ako makapag-isip tumakbo ako papunta ng ilog. Ano kayang nangyari kay Ate Roxy?

I look for Prof Flynn, pero hindi ko siya makita. I took a few more steps nang biglang may humawak sa kaliwang barso ko. Napasigaw naman ako sa gulat at takot.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Jericho sa akin.

"I-I'm looking for Prof Flynn." Nauutal kung sagot sa kanya. Nagsimula namang pumatak ang mga luha ko ng hindi ko makita si Prof Flynn. I'm worried baka anong nang nangyari sa bahay.

"What do you mean?" Iniabot naman nito ang kanyang panyo. "Nasa campsite lang si Prof Flynn kausap si Inang nang makita kitang tumatakbo papuntang dito."

Bago paman ako makasagot bigla nalang nagsalita si Yssa na hindi ko namalayang naka sunod pala sa akin. "Jericho, kanina kapa ha. Ang KJ-KJ mo. You're ruining the fun."

Lumabas din sa pinagtataguan ang dalawang lalaki na nasa likod ng mga bato at 3 pang katao nasa sa ilog. I took me a while to realize who are they ang dilim kasi.

"Fuck! Jericho since your ruining our fun. Why don't you join us. Ang OA kasi ng babaeng yan. Ni ayaw tumapak sa tubig ng sapa." Sabi ni Angel.

"You should take your revenge. I'm sure she threaten to expel you kaya mo siya binuhat makatawid lang ng sapa." Sabi ni Mica.

"Ano bang pinagsasabi niyo? Magkaklase at magkakagrupo tayo. Dapat ay nagtutulungan tayo." Depensa ni Jericho na hinila ako upang bumalik sa campsite.

Kaya lang hinabol at hinawakan ng dalawang lalaki si Jericho while Angel and Yssa drag me towards the river. I strated to panic as my fear for waters was taking over me. Nakiusap ako sa kanila na bitawan nila ako at ibalik sa tabing ilog but they did not listen.

Sa pagpupumiglas ni Jericho ay nakawala ito sa kamay ng dalawang lalaki. He quickly went to the waters and grab me. Binitawan naman ako ni Yssa at Mica.

Nasa ilog na kaming lahat ngayon. Mahigpit naman ang pagkakahawak ni Jericho sa akin habang pinapakalma ako.

"Guys!" Sabi ni Mica. "Is it just me or tumataas ang tubig."

"So what? Edi much better makakalangoy na tayo." Sagot ng kasamang lalaki nito.

As they were happily splashing in the water while Jericho and I were trying to go back to river bank.

The water started to glow in a greenish color at bigla nalang may lumabas na babae sa tubig.

"Berberoka" ito ang isang salita lumabas sa bibig ni Jericho. Nabakas sa kanyang mukha ang gulat at takot.