Chereads / Lore of Mayari: The Cursed Moon / Chapter 4 - Fourth Moon

Chapter 4 - Fourth Moon

Kabanata 4

Jericho

Apat na araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang incidente sa club. Wala namang kakaibang nangyari mula noon. Halos balik sa normal naman ang lahat na tila walang nangyari maliban nalang sa babaeng nakilala ko noong gabing iyon. 

Five minutes na akong late sa aking second subject. Inutusan pa kasi ako ng mga teachers na mag-ayos sa stockroom dahil gagamitin na ito ng mga bagong teachers na magsisimulang magturo sa August.

Bawal tumakbo sa hallway kaya malalaking yabag ang aking ginawa makarating lang agad sa classroom. Paakyat na ako ng 5th floor nang mapahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Mayari sa may hagdanan. Nagpapanic at takot na takot ito. Liningon ko ang paligid wala namang ibang tao maliban sa kanya at wala din yung aninong sumusunod sa kanya. May kinuha siya sa kanyang bag at ininom. Pabalik-balik itong naglalakad habang tinatapik-tapik ang kanyang dibdib para pakalmahin ang sarili.

Habang pinagmasdan ko siya ay muling bumalik ang mga alaala ng mga nangyari na tila ba kahapon lang ito. Hindi ko maiwasang bagabagin at magtaka kung bakit tila hindi man lang ako natatandaan ni Mayari.

"Ayos ka lang ba?" Nilapitan ko siya at tinanong. Gusto ko sana itong dedmahin kaso hindi na kasi normal ang kilos nito.

Hindi ko mapigilang mabahala dahil huli ko siyang makitang ganito ay noong may umataki sa amin nang pauwi na kami galing ng club.

Pero sa kasamaang palad ay tiningnan niya lang ako ng masama bago huminga ng malalim.

"Hmm... Mayari naaalala mo ba ako?" sa wakas ay nagkaroon ako nang lakas ng loob na tanongin siya. Kahit naka ligtas man kami sa bingit ng kamatayan ay hindi naman maikakaila na napa ka traumatic parin ng nangyari. Gusto kung malaman kung kumusta na siya. O mas mabuting sabihin na gusto kung malaman kung ano ba talaga siya.

"Yes I do!" pagsusungit na sagot nito na mukhang kumalma na.

"So naalala mo ang nangyari sa Alley Cove..." agad kong sabi pero hindi ko na rin natapos dahil sumingit ito at sinabing "you're that stupid working student na bumangga sa akin." Inirapan niya lang ako at naglakad papunta sa pinakadulong room. Nang marating ito ay agad niyang binuksan ang pinto at pumasko.

Wala naman akong magawa kundi sundan siya dahil magkaklase din naman kami sa Filipino Literature. At dahil pareho kaming late magkatabi kaming nakaupo sa pinaka huling row.

"As to what we agreed on the first day of class, we will be having our school trip this Friday kasama ang Social Science Department. Dahil na rin hindi ito regular class kaya you are all required na sumama. After the trip, ipagpapatuloy natin ang ating aralin tungkol sa mga literatura ng ibat-ibang rehiyon sa Pilipinas. At sa finals naman ay tungkol sa Philippine Pantheon bago dumating ang mga Espanol at sakupin ang bansa." Paliwanag ng Prof namin na si Mr. Cyrus Flynn. Na mas pinagkakamalan estudyante dahil napakabata pa nito. He's around 26 years pero grabi na ang achievements sa buhay. May lahing banyaga rin kaya sikat ito sa mga babaeng estudyante.

"Also, ngayon na yung deadline ng parents consent. Kaya ipasa niyo na ang forms with your parents or guardian's signature. Pagwalang pirma hindi puweding sumama and that means no grade for you. One more thing, please work with your group. There are 7 of you so I expect the output by next week, Friday. Group leaders kumpleto naba ang forms?" Pagpapatuloy ni Prof.

"Prof, si Rodriguez po wala sign yung form niya." Sabi ng group leader namin na si Yssa. Kahit magka group kami ni Mayari ay hindi pa rin niya ako pinapansin. Haha... Oo nga pala wala naman talaga itong pinapansin o kinakausap ni sino man.

She always wears that resting bitch face at laging nagsusungit kaya no one dares to talk to her lalong-lalo na ang makipag kaibigan.

"It's okay! Your group shouldn't worry I already have her guardian's consent form with me." Kaswal na sabi ni prof. Nasorpresa naman ang lahat sa sinabi ni Prof lalong lalo na si Mayari.

"What! What are you talking about? I'm not coming." Padabog nitong sinabi sabay hampas sa mesa nito.

Nagtitinginan nalang ang aming kaklase nang marinig at makita ang inasal ni Mayari. Notorious na kasi ang pagiging maldita nito. Malamagn iniisip nilang magbabanta na naman itong paalisin si Prof gaya ng pagbabanta niya sa iba Prof namin.

"I think hindi na ako ang dapat kausapin mo regarding that matter Miss Rodriguez." Kalmado paring pagkakasabi ni Prof Cyrus. Na kaylan man ay hindi nasisindak sa lahat ng pagbabanta ni Mayari.

Magsasalita pa sana si Mayari ngunit mas minabuti nitong manahimik. Bakas parin sa mukha niya ang inis. Napansin ko rin na si Prof Cyrus lang ang nakaka control sa kanya. Sabagay iba talaga ang charm ni Prof sa mga babae.

"Group 3! Let's meet sa gazebo tomorrow before our Fil Lit class so we could talk about our designated task this Friday." Pagtawag sa amin ni Yssa ma syang group leader namin bago kami lumabas ng classroom.

Siguro ay narinig naman ito ni Mayari bago ito galit na lumabas ng classroom. Napanglingo nalang ang aming ka grupo dahil sa inasal ni Mayari. Natalo na niya ata ang pinaka brat na estudyante rito sa Pillar University.

May 15 minutes pa naman bago ang sunod kong klase maaga kasi kaming dinismiss ni Prof Flyn kaya nasa study lounge kami ni David nagkukwentohan habang naghihintay.

"Mr. Garcia" pagtawag sa akin ni Prof Flynn. "Are you busy? Puwede bang makisuyo? Kindly have this signed by the Administrator. Sabihin mo nalang ito yung pahabol na letters." Utos ni Prof Cyrus sa akin.

"Okay sir! Asap po ba o iiwan ko sa assistant?" tanong ko kay Prof. Siyempre hindi naman ako makatanggi dahil ito ang trabaho ko.

"Asap. I need the letter today kaya pakihintay." Sagot ni Prof habang inaabot ang isang puting folder.

Hindi na sumama sa akin si David nasa sa main building pa kasi yung admin office. Tinatamad daw kasi itong maglakad. Ire-reserve na lang daw niya ako ng upuan pag nalate ako. Sabagay ang laki naman kasi ng campus ng PU.

"Hi Mae, andyan ba si Miss Dominguez? May pinapahabol na letters si Prof Flynn asap daw." Sabi ko sa working student na naka assign sa Admin Office.

"Oo, yan na ba yung letter? Tinawag na ni prof Flynn kanina yan. Sige pasok ka nalang kanina pa yan hinihintay ni Miss. Muntik mo nang hindi maabotan may faculty meeting kasi ang College of Arts and Sciences." saad ni May sabay turo sa pintuan papasuk sa opisina ni Miss Dominguez.

Kumatok ako bago pumasok pero wala naman akong nakitang tao. Nasa loob siguro ng conference room o restroom. Naupo nalang muna ako sa sofa upang hintayin si Miss.

"Ayokong sumama!" Pagdadabog ng babaeng na pumasok mula sa conference room.

"Bunso! Please sumama kana kay Prof Flynn. It's a school requirement isa pa maiiwan kang mag-isa sa bahay! You know that we have school visitors coming this weekend so I have to be here. Papa Javier and Auntie Malyn naman have to fly to Singapore. At ang kambal naman ay may school orientation." Sabi ng babaeng naka sunod sa kanya. Sinusubukan nitong kumbinsihin si Mayari na sumama sa school trip.

"I'll stay at home. Kasama ko naman ang si Yaya Marta. Tsaka ang layo naman kasi ng Apayao Ate." Desididong sagot ni Mayari.

"Celine, baby you know I can't leave you alone at home. Also, it would be nice to get some fresh air, meet new people and mingle with your classmates. Please baby, for me? Ibinilin na rin naman kita kay Prof Flynn so you don't have to worry." Pangungumbinsi muli nito bago naglakad patungo sa kanyang table. Umupo ito at yumuko habang hinimas-himas ang  ulo . Hindi na niya ata alam paano kukumbinsihin si Mayari kaya mukhang sumakit ang ulo.

"Mr. Garcia, kanina kapa?" Gulat nitong sabi nang makita niya akong naka upo sa sofa. Lumingon naman si Mayari at tiningnan ako ng masama.

Hindi  na umimik si Mayari at pagdadabog niyang hinablot ang kanyang bag at umalis.

"Good Afternoon Miss Dominguez ito po yung letter na ipinapahabol ni Prof Flynn."  awkward kung sabi. Kinapalan ko nalang ang aking mukha hindi ko naman kasi aakalaing ganitong eksena ang makikita ko.

Napaisip nalang ako bigla nang makalabas ako ng admin office. 'Kaya pala ganon nalang kadali sa kanya ang manakot sa mga estudyante at propesor dito. Kaya pala ganon nalang ang takot ni Prof Nicolas matapos tumawag ni Ms. Dominguez. Kaya pala hindi ito takot na ma expel sa university. Kaya pala... Dahil apo pala ito ng may-ari ng university.'

Around 12:30 kinabukasan ng mag-abot kami ng aking mga ka grupo sa gazebo. Pinag-usapan namin anong dapat naming dalhin at gawin pagdating sa Apayao dahil kailangan din kasi naming umakyat ng bundok.

"Hindi pa rin ba tayo kompleto? Mukhang hindi na ata talaga sisipot si Mayari." Inis na sabi ni Angel habang nag susulat ito ng mga kailangang dalhin at bilhin.

"How dare you call me Mayari!" Panggagaya ni John sa laging sinasabi ni Mayari tuwing may tumatawag sa kanya gamit ang totoong pangalan niya. "Asa pa kayong sisipot yun. Ayaw nga niyang sumama diba?" muling pang-iinis ni John sa ka grupo namin.

"Hintayan na lang muna natin maaga pa naman. Tsaka malapit narin yun." Hindi ko rin alam kung bakit ko yun sinabi. Ni hindi rin ako sigurado na sisipot yun. Mukhang hindi naman naniwala ang aking mga ka grupo kaya nagtawanan nalang ang mga ito. Ako lang ata ang umaasa na sisipot Mayari.

"Hey! Wait maiba ako, have you heard of the news?" Pagbabago ni Kaye sa usapin.

Bigla namang dumating si Mayari na ikinagulat ng lahat. Nang bumalik sila sa katinuan ay pinaupo nila ito sa gitna.

"You mean the issue about party drugs that has been all over the news?" Pagpaptuloy ni Yssa upang basagin ang awkward na eksena.

"Yah, I heard about it. Diba bar na pagmamay-ari ng uncle ni David yung involve. Grabe pinagbawalan nga ako ni Mommy mag club. Buti nga raw may school trip this weekend." Wika ni Jake.

"So its true someone died? Sa Alley Cove Bar daw yung last place na pinuntahan before they check-in sa isang hotel. Overused of party drugs daw ang cause of death. See here's the picture of the girl and 2 boys involve. Sayang ang gwagwapo at ganda pa naman." Pinasa ni Kaye ang kanyang iPod upang ipakita ang larawan ng tatlong tao na naka handusay at wala nang buhay.

Tiningnan ko nalang si Mayari, tahimik lang ito at walang kibo halatang naiinip na .

Nagpapangap parin ba itong walang maalala sa nangyari sa club?

Pinasa ni John ang iPad kay Mayari, nag-alinlangan naman itong kunin pero sa huli ay kinuha niya ito upang ipasa sa iba pa naming ka grupo.

Nang bigla nanlaki ang mata nito at sumigaw sabay tapon sa iPad. Nagulat naman ang lahat sa naging reaksyon nito. Agad namang kinuha ni Jake ang iPad na nasa sahig na ngayon ay basag na ang screen. Nagalit naman si Kaye akmang sasabunotan si Mayari pero agad namang itong nakiwas.

"I... I'll replace it." Na uutal nitong sinabi sabay nagmamadaling umalis.

Maagang natapos ang aming meeting kaya agad sinundan si Mayari. Nakita ko nalang itong mag-isa sa isang sulok ng Mt. Carmel building. Bawal pumunta sa building na ito dahil ongoing yung renovation. Ngayon ko lang napagtanto na matigas rin pala ang ulo ng babaeng ito.

"Please enough! I have enough hallucinations for this week. Pinaglalaroan ka lang ng iyong utak." Narinig kung paulit-ulit nitong sabi habang hinihila-hila ang kanyang buhok. Natigil lang ito sa paghila ng may kinuha ito sa bag at inom.

"Bakit ngayon ko lang naalala na nagpunta ako sa bar na yun. At yung tatlong tao sa hotel sila yung kasama ko. Four strangers joined us after they took those party drugs, then I started having hallucinations. Those strangers... those... they tried to kill us and then the bartender... the bartender..." nakita niya ako kaya natigilan itong magsalita.

Nakipagtitigan lamang siya habang yapos nito ang sarili.

"It was just my hallucinations." Sinabi niya habang dahan-dahan pumatak ang mga luha nito.

Ngayon ay maslalo pa itong nanginig sa takot kaya agad ko itong nilapitan. Hindi ko alam anong dapat kong gawin kaya niyakap ko nalang siya habang tinatapik ang kanyang likod para pa kalmahin.

Ibig sabihin hindi niya talaga naaalala ang nangyari?

Yung larawan kanina. Nakita niya kaya ang kalunuslunus nitong itsura? Kaya ba ganon nalang ang reaksyon niya.

Ang mga larawang kuha sa hotel ay aakalain mong normal na litrato ng tatlong tao na namatay sa pag gamit ng druga. Pero ang totoo ay niloloko ka lang ng iyong paningin. Ang tatlong bangkay na nasa larawan ay may maraming kalmot at sugat sa buong katawan at mukha, at wala na rin ang puso at lamang-loob nito.

Ngunit hindi ito makita ng mga mata ng isang ordinaryong tao.

Ito ang masaklap na kamatayan...

Ang kamatayang sanhi ng mga nilalang na nais maghari sa buong sansinukob.

Ito ang mundo ng mga di ingon nato. 

Ang mundo nila na aakalain mong sa libro o palabas lang nag-eexist ay totoong totoo ngunit hindi nga lang nakikita ng isang ordinaryong mortal.

Marahil nagtataka rin kayo kung bakit o paano ako nagkaroon nang kakayahang makita ang mundo nila. Gaya ng paano nagkaroon o bukas ang 3rd-eye ang isang tao.

Madali lang naman ang kasagutan sa mga tanong na ito dahil ito ay nagmula pa sa kanunu-nunuan natin.

Ang 3rd-eye ng isang tao bukas kung ang pamilya o ninuno na kanyang pinagmulan ay binayayaan ni Bathala o sino mang dyos o dyosa maging isang Babaylan.

Bago mamatay ang aking Nanay Celeste na ikwenento niya sa akin ang tungkol dito dahil siya rin mismo ay may lahing babaylan. Isang patunay rito ay ang mga tattoo na nasa aking galanggalangan.

Nagpasalinsalin na ang kwento patungkol sa kanila. Pero ang kwento ni Nanay ay iba sa mga kwentong naririnig ko. Bago sakupin nga mga kastila ang Pilipinas ang mga babaylan ang kinikilalang isa sa pinaka maimpluwensiya at makapangyarihang tao sa sansinukob.

Ang mga baylan o shamans ay isang mortal na pinili ng mga dyos at mga dyosa upang magkaroon sila ng direktang komunikasyon sa mga tao at iba pang likha nila sa buong sansinukob. Isa itong kasunduan sa pagitan ng mga dyos at mortal na hangang sa kahulihulihang salin lahi nito daladala nila at kaylan man hindi mapuputol.

Marami ding taglay na kapangyarihan ang mga baylan tulad ng panggagamot, pagpapaanak, pakikipag usap sa kaluluwa ng mga namayapa, at pakikipagitna sa mga nilalang na hindi nakikita ng mga normal na tao.

Sa kasalukuyan bukod sa makakita ng mga maligno at protektahan ang aking sarili ay wala na akong ibang taglay na kahit anong kapangyarihan ng isang Babaylan. Ang sabi kasi ni Nanay malamang dahil wala ng sumasamba kina Bathala at iba pang dyos at dyosa simula ng sakupin ang bansa. Walang nakaka alam kung nasaan na sila ngayon ngunit hindi ito nangangahulugang wala na sila.

Araw na ngayon ng biyernes, kalalapag lang ng aming eroplano sa Tuguegarao. Mga mahigit dalawang oras pa ang byahe pa puntang Apayao at halos isang oras naman pa akyat sa bundok.

Maliban sa pamamasyal ang totoong layunin namin dito ay malaman namin ang kultura at literatura ng mga katutubong nakatira rito.

Tinignan ko ang tanawing aming nadadaanan sa bintana. Ngayon lang ulit ako naka pagbyahe ng malayo. Na afford kong sumama dahil nag sponsor ang univesity. Ito kasi ang isa sa advantage ng pagiging working scholar namin.

Nahagip din ng aking paningin ang babaeng naka upo sa aking tabi. Wala akong choice dahil nga walang makasundo si Mayari kaya ako na ang tinulak ng aming ka grupo na makatabi niya sa bus. Napalitan niya kinabukasan ang iPod ni Kaye kaya medyo peace sa ngayon ang aming grupo.

Yun na rin ang huling beses na kinausap ako ni Mayari. Kinumbinsi lang niya ako na 'wag sabihin kay Miss Dominguez ang nakita ko sa old building. Matapos noon balik ulit siya sa maldita niyang ugali.

"Mga binibini at mga ginoo, andito na tayo sa Calanasan Apayao at mula dito ay maglalakad tayo papunta sa itaas ng bundok para makilala natin ang katutubong Isnag." Pag bati ni Prof Flynn at Prof Isidro sa amin. Sa tabi nila ay tatatlong tour guide na sasama sa amin sa pag-akyat ng bundok.

Ang mga adventurous naming kaklase ay nagsipagtalon naman sa tuwa. Ngunit yung ibang kikay naman naming kasama ay nagrereklamo sa layo ng aming lalakarin.

"Sir, mukhang pagud na ang inyong mga estudyante lalong-lalo na ang mga babae. Sir, may alam po akong shortcut para mabilis tayo maka rating sa tuktok ng bundok." suhisyon ng isang tour guide habang nasa kalagitnaan kami ng pag-akyat sa bundok.

"Baka dilikado yang daang sinasabi niyo." Pag-aalinlangan ni Prof Isidro.

"Omg! Sir let's take the shortcut. Please!!!" Pagsusumamo ng mga babaeng estudyante na ngayon hunas na ang mga makeup na nasa mukha. May mangilanngilan lalaki ang sumuko na rin sa paglalakad dahil sa pagod.

"Tatawid tayo sa sapa Sir, pero haggang tuhod lang naman yung tubig kaya makakadaan po tayo ng walang problema." Sabi ng tour guide na naka suot ng puting damit at shorts.

"Tika lang Mang Cardo, pinagbabawal ni Inang ang pagdaan ngayon sa sapa." Pagwari ng batang tour guide na naka suot ng makulay na traditional na damit. Ito raw ang damit na isinusuot ng mga kalalakihan ng katutubong Isnag.

"Ipinagbabawal ang pag daan kapag mataas ang tubig pero. Hanggang tuhod lang ang tubig simula pa nang pagpasok ng buwan ng Abril dahil sa sobrang init. Dahil kasi sa Global Warming." Palusot at pangaral ng isa pang tour guide na may mahabang buhok.

Dahil na rin sa pagngungulit ng ibang estudyante ay naka pagdesisyon nina Prof na sa shortcut dumaan.

Napakalapad ng ilog at totoo ang kanilang sinasabi na hangang tuhod lang ang tubig. Upang maka siguradong ligtas duman dito ay pinauna ang tour guide na may daladalang lubig na kakapitan namin pagtawid.

Nasa pinakahulihan kami dahil na rin sa bagal at pag iinarte ng mga babaeng ka grupo ko. Habang kaming tatlong lalaki ang naatasan magdala ng mabibigat na bag kaya nasa hulihan din kami. Nasa gitna na ako ng pagtawid ko sa sapa nang napalingon ako. Nakita ko si Mayari nakatayo at naiwan mag isa sa tabi ng sapa.

Nagpatuloy ako sa aking pagtawid. Ang bigat kasi ng dala-dala naming bag. Ang iba naming kasamahan ay malayo na rin sa amin.

Nang makarating ako sa kabilang dulo ay nakita kung hindi pa rin gumagalaw sa kanyang kinatatayuan si Mayari. Bakit ba hindi pa siya tutumatawid?

Lumingon si John at sabay sigaw "Naku baka gusto ng prinsesa na buhatin siya para hindi mabasa." Nagsitawanan naman ang mga ka grupo at kaklase naming nakatawid na ng ilog nang narinig ang sinabi ni John.

Simula ng makilala ko ang  babaeng ito hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ilang sigundo pa ay muli akong tumapak sa tubig para baybayin ang ilog papunta sa kabilang dulo.

Pagdating sa dulo ay nakita ko ang isang babaeng nakatingin sa tubig na tila ba kaharap nito si kamatayan. Isang napakatapang na babae sa tuwing kaharap ang ibang tao ngunit sa tuwing nagkrukrus ang aming landas ay para itong isang babasaging baso na isang maling galaw ay puweding mabasag.

Pinunasan ko ang kanyang mga luha. Nang kumalma ito ay umupo ako sa harap niya at sinabing "Tara na!" nakangiting kung sabi sa kanya.

"Sumakay ka sa likod ko at bubuhatin kita papunta sa kabilang dulo Mayari."  Pag-anyaya ko sa kanya.