Chereads / Faded Love (Tagalog) / Chapter 13 - #FL 11

Chapter 13 - #FL 11

#FL

"Pinagliban mo lang ako para pumunta dito?!" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Zev.

Nilibot ko paningin ko sa park at bumabalik lang sa akin ang alaala kung saan niya ako pinaghintay! Feeling ko talaga nanadya ang lalakeng 'to!

"Hindi ba't pinaghintay kita dito?" Tanong pa niya dahilan para mas lalo ako mainis.

So inaamin niya na rin?

"Oh tapos? Ipapamukha mo sa akin na mas inuna—"

Agad niya ako hinila at pinaupo sa mga bench.

"Ano gusto mo?"

Mas lalo ako napakunot noo. Pambihira. Anong gusto ko? Gusto niya suntukin ko siya? Akala ba niya bati kami ngayon?

"Wala! Atsaka anong makakain ko dito?" Inirapan ko siya at umiwas ng tingin.

"Baby naman.."

Bahala ka d'yan. Hindi tayo bati.

"Dinala kita dito para bumawi sa'yo.." Aniya. So inamin niya nga talaga na mas inuna niya si Charity?

Ganun?

"Mag aaway na lang ba tayo?" Tanong pa niya.

Bakit sawa na ba siya kakaaway ko sa kanya? Atsaka pinatigil ko na nga siya manligaw diba?!

Natigilan ako nang hawakan niya baba ko.

"Baby pansinin mo naman ako.." Nagtama ang mata namin.

Agad ako nanlambot ng makita ang malungkot niyang mukha. Wag kang bibigay Camille! Wag na wag.

"Anong gusto mo gawin ko para mapatawad mo ako? Hmm?"

Tinabig ko ang kamay niya. Lumalakas lang kasi kabog ng puso ko sa tuwing hinahawakan niya ako. Hindi ko siya tinignan at napatingin sa mga streetfoods.

"Gusto ko 'yun!" Turo ko sa daanan.

Napatingin si Zev at sa akin.

"Sigurado ka baby? Baka mag inarte ka d'yan?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Akala niya sa akin? Napakaarte? Hindi nga ako nakakain ng mga ganyan pero nakakita naman ako n'yan sa mga television! Hindi naman ako tagabukid para hindi ko malaman ang mga ganyan klaseng pagkain.

"Ibibili mo ako o hindi?" Malditang tanong ko.

Napanguso siya pero pinigilan niya ngumiti.

"Of course. 'Yun lang ba kailangan mo?" Tanong niya. Umiling ako.

Tumungo agad siya mga panininda at sinundan ko siya ng tingin habang bumibili. Parang sanay na sanay na siya bumili sa mga ganyan. Ni hindi ko nga alam kung ano ba lasa n'yan.

Habang hinihintay ko siya ay bahagya ako lumingon sa harapan. Hindi gaya dati noong makita ko ang kumakanta ay wala ng katao tao ngayon dito. Tanging mga bata na naghahabulan o mga iilan taong lumiligpit ng mga basura ang nandito. Napapaisip tuloy ako. Ano kaya ginagawa ni Chester dito noon? I mean bakit siya kumakanta? Trabaho ba niya 'yun? But he's still student.

"Ano 'yan?" Tanong ko agad nang dumating si Zev.

"Kwek kwek and fishball!" Masayang aniya.

Tumaas kilay ko at binigay niya sa akin ang dalawang pagkain.

"Malinis ba 'to?"

Napakamot siya.

"I'm not sure b-baby.."

Whatever. Tinikman ko ang binili sa akin ni Zev.

"Masarap?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako. Masarap naman.

Tahimik kaming kumakain ni Zev. Hindi siya nagsasalita habang ako naghihintay ako na magpaliwanag ito sa akin. Pero ang lalakeng 'to parang wala atang balak magsalita pa.

"Anong gagawin natin dito pagkatapos?" Hindi ko na napigilan ay ako na lang nagsalita.

Nagulat siya sa tanong ko.

"A-Ahm.. Ayaw mo ba dito?"

Tinignan ko siya ngunit natigilan ako nang makita ang mga mapupungay niyang mata. Oo nga pala, nakainom pala ito.

"Saan mo pa gusto pumunta?" Aniya.

Hindi na ako nagsalita. Lasing na ba 'to o hindi? Pero kung ganun naman buti hindi kami naaksidente diba?

"Bakit mo kasama si Charity?" Malamig na tanong ko. Ako na ang nag open topic about sakanila. Baka tama sila Tina, hindi natin alam na may namamagitan sa kanila.

Nagulat ako ng sumandal siya sa balikat ko.

"Hindi ko siya kasama Camille.." Mahinahon na aniya. "Mas maaga ako pumunta dito kesa sa'yo pero umalis naman agad muna ako dahil ang akala ko ay babalik lang ako ng mga ilang minuto dito dahil nagkaroon ng gulo sa pinagtatrabahuan ko."

Napatingin ako sa kanya.

"Nagtatrabaho ka?" Gulat na tanong ko.

Tumango siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Oo. At 'yung lugar na pinagtatrabahuan ko ay pagmamay ari ng pamilya ni Charity kaya siguro nakita mo akong kasama siya.."

Natahimik ako. Sakanila yung Cafe? Ibig sabihin nagtatrabaho si Zev sakanila?

Hinawakan niya pisnge ko para matignan niya ako sa mata.

"If you think that I was cheating, no I can't do that baby. Kahit wala pa tayo, hindi ko 'yun gagawin." Aniya. Napalunok ako habang nagugulat sa mga sinabi niya.

"H-Hindi ko alam sorry.."

Napayuko ako. Masyado ba akong self centered? I mean hindi ko muna pinakinggan ang paliwanag niya.

"But I was happy kasi matindi ka pala magselos." Natatawa na aniya hanggang sa mawala ito nang pinagmasdan niya ako. "Pero agad ako kinabahan nang pinatigil mo ako sa panliligaw.."

Sumandal siya sa balikat ko at niyakap sa bewang.

"Sa susunod hindi na kita paghihintayin. Nakakatakot ka magalit eh." Mahina siyang tumawa.

Nakagat ko ang labi ko habang kanina pa tumitibok ng malakas ang puso ko.

"I'm s-sorry.." Iyon na lang nasabi ko.

"No.. ako dapat nagsosorry baby.."

Niyakap ko siya pabalik. "Ikaw naman kasi eh."

Napanguso ako.

"Hmmm?"

Nanggilid ang luha ko at hinampas siya sa likod. Pakiramdam ko tuloy ako ang masama sa amin dalawa.

"Akala ko talaga iiwan mo na lang ako! Akala ko galit ka pa sa akin nang sabihin ko sayo na wala akong balak na sagutin ka kaya doon ka pumunta kay Charity!" Kumirot ang puso ko.

"Saan galing 'yan pinag iisip mo?" Hinarap niya ako.

Sinamaan ko lang siya ng tingin habang naiiyak.

"Diba kapag nag away ang magjowa maghahanap kayo ng ibang babae para makalimot kayo?"

Napakunot noo siya sa sinabi ko.

"Sino nagsabi n'yan sa'yo?"

"Basta! Aminin mo! Ganyan ang gagawin mo diba?" Tanong ko.

Napabuga siya. "What the fuck? Where did you get that?"

"Guilty ka?"

Nanlaki ang mata niya.

"Hindi! I mean! Saan mo nakuha 'yan?!"

Hindi ako nagsalita. Guilty siya? Bakit napakadefensive niya?

"Bakit? Gawain mo 'yan?" Gulat na tanong ko sa kanya.

Napaiwas siya ng tingin. Bakit hindi siya makatingin sa akin?

"Let's drop that topic please baby.." Lambing niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. No way. Kakausapin ko siya about doon.

"Nakailan girlfriend ka ba Zev?"

"Baby.." Pagod siya tumingin sa akin.

Malamig ko siya tinignan. Napabuntong hininga siya at umiwas ng tingin sa akin.

"H-Hindi ko na mabilang.."

Medyo kumirot ng bahagya ang puso ko. So ibig sabihin nun may experience na siya?

"Baby let's not talk about th—"

"Ilan ang pinakamatagal mong nakarelasyon?" Tanong ko sa kanya.

Gumapang agad sa mukha niya ang kaba. I will ask more about that Zev. Gusto ko malaman ang lahat lahat tungkol sa'yo lalo na ang mga past lovers mo.

"I-I.." Naputol ang sasabihin niya at umayos ng upo.

"Baby wag na natin 'to pag usapan.. Baka mag away lang nanaman—"

Pinutol ko muli ang sasabihin niya.

"Ayaw mo na magkabati tayo?" Mataray na tanong ko.

Ngumuso siya. "Gusto ko.."

"Ganun naman pala so sagutin mo mga tanong ko."

Napalunok siya at parang naiiyak na ito.

"So answer my question Zev!"

"4 years ang matagal.."

Natigilan ako sa biglaan na sagot niya. Napatitig ako sa kanya pero siya napaiwas lang ng tingin sa akin. 4 years? 4 freakin years?! Ang pinakamatagal na naging karelasyon niya?

Pero kahit ganun pa man para akong kinapos ng hangin. Muli kumirot ang puso ko at napaiwas ng tingin. Hindi ako makapagsalita. 4 years. Ang tagal nun. A-Ano nangyare?

"Baby.."

Hinawakan niya sa kamay ko. Bigla ako nahiya sa kanya. Bakit ko ba tinanong?! Ano ba pakealam ko sa mga ex niya? Ginagalit mo lang sarili mo Camille eh. Ang tanga mo.

"Sinabi ko na sa'yo na wag natin pag usapan 'yun diba? Ayokong mag away tayo.." Hinalikan niya kamay ko habang pagod na nakatingin sa akin.

"S-Sorry.."

Gusto ko siya tanungin sa 4 years ex niya pero parang may pumipigil lang sa akin eh. Nacucurious ako kung ano nangyare.. bakit sila naghiwalay..

Napainom ako ng tubig at tumingin kay Zev. Anyway wala naman pake doon si Zev diba? Ang importante naging honest siya sa akin ngayon. Iyon ang mahalaga. Sinabi niya pa rin sa akin kahit masyado akong nasaktan doon.

"Mamasyal tayo." Tumayo ako at hinila siya.

"You are not mad anymore?" Gulat na tanong niya sa akin.

Ikinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya. Not anymore baby. I like the way you answer my questions. Hindi ka nagsinungaling sa akin.

"Yes. Bati na tayo." Ngumiti ako sa kanya.

Siniil niya agad ako ng halik at niyakap pabalik.

"Buti naman. Dahil kung hindi. Idadaan kita sa kama." Aniya sabay halakhak.

Namula ako sa sinabi niya at sa panghahalik niya sa akin. It's my second time kiss.

"Gagawin mo 'yun sa akin?" Gulat na tanong ko.

Ngumisi siya. "Oo gusto mo?"

Hinampas ko agad siya.

"Manyak!"

Tumawa siya at hinaplos ang mukha ko.

"Just kidding. Hindi ko kayang gawin 'yun.. malaki ang respeto ko sa'yo." Aniya at hinalikan ako sa noo. "Unless kapag pumayag ka naman talaga."

Napailing ako sa kalokohan niya.

"Maghihintay ako hanggang sa maikasal ka sa akin. Tandaan mo 'yan huh?"

Tumango na lang ako habang natatawa.

"Hindi pa nga kita sinasagot. Kasal na agad ang nasa isip mo!"

Inakbayan niya ako at nagsimula maglakad.

"Bakit? Masama ba mag advance huh? Nakikita ko na kasi future natin." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.

Hindi ko malaman ang dahilan pero parang gusto ko mangyare 'yun.

"Sige hihintayin ko 'yan Zev." Sang ayon ko.