#FL
_______
It was the day that i should keep my heart away from him in the first place. Hindi ko alam paano umabot sa punto na darating ang oras na ako ang maghahabol sa lalakeng minahal ko ng lubos.
What happened?
Hindi ko namalayan ay humarang sa tapatan ko sila charity at janela kasama ang mga grupo nito.
"I heard kayo na daw ni Zev?"
Hindi ko alam kung sasagutin ko siya ng totoo. Natatakot ako na baka may gawin siya sa akin ngayon, knowing she's inlove with Zev.
Ngunit nagkamali ako dahil inilahad niya ang kanang kamay niya sa akin.
"Congrats!"
Totoo ba to? Hindi ko napigilan tanggapin ang kamay niya.
"Thank you.."
Ngumiti siya sa akin at bumuntong hininga siya.
"I don't want to be rude pero kapag nalaman kong sinaktan mo siya Camille. Ako mismo makakalaban mo." Suplada na aniya.
Nakagat ko ang labi ko at umiling. Hindi iyon mangyayare. Sinagot ko si Zev dahil mahal ko siya. Napatunayan ko iyon sa sarili ko. Kahapon ko lang siya sinagot ngunit nakakagulat dahil ang dali kumalat ng balita. Gusto ko sana ng pribadong relasyon ngunit kinaumagahan ay naririto sa tapatan ko ngayon si Charity. Congratulating me about my relationship with Zev.
Pero hindi na yun mahalaga. I was happy and contented. Ilang weeks lang nanligaw si Zev sa akin at he proved it naman kung gaano niya ako kamahal. At mahal ko rin siya. Bakit ko pa papatagalin ang panliligaw niya diba? I should have known about that.
So I decided na gawin official ang relasyon namin ni Zev instead sa mga rumors na naririnig ko dito sa school. And that was the day when I accept the hands of Charity means I am in relationship with Zev Asyiano.
"Gaga ka di mo sa amin sinabi na nanligaw pala sayo si Zev!" Ani ni Boshie
Napakamot ako. Halos lahat ng nandito sa canteen ay nagnanakaw ng tingin sa direksyon ko. Siguro nalaman nila na ang tungkol sa relasyon namin ni Zev.
"Panindigan mo yan Camille." Tina' said.
"Yepp. Sobrang sakit kapag nasaktan. Sana di ka magsisi." Kumibit balikat si Dindy.
I know. Andito na ako sa relasyon na 'to. Seryosohan na 'to. Pero bakit ganito? Kapag masaya ka ba kailangan mo muna masaktan? Wala bang masaya na walang nasasaktan?
Hindi pa break time ng mga ibang college department. Mas mauuna nga lang kami matatapos kumain tuwing thursday. So ibig sabihin hindi nagmamatch ang time namin ni Zev lalo na at finals nila ngayon.
"Dito na lang kami Cams!"
Tumango nalang ako sa paalam nila at dumaan sila sa ibang direksyon. Ako naman ay derederetso ang lakad patungo sa susunod kong subject.
"Camille!"
Bigla may humarang sa akin patakbo. He handed me a bunch of foods.
"Galing kay Zev! Kainin mo daw yan!"
Hindi pa ako nakareak ay agad na siya kumiripas ng takbo. Napakurap ako at nilingon ang lalake. Wala na siya.
I knew it. Hindi makakalimot ang lalakeng iyon pagdating sa pagkain ko. Ang akala ko ay hindi siya makapagpadala ng pagkain sa akin dahil nung mga oras na nililigawan niya daw ako nun ay palagi siya nagpapadala ng pagkain.
And i am shocked right now kase hanggang ngayon na kami na ay nagpapadala pa rin siya ng mga pagkain. It is very sweet and kind.. but I don't need it naman. He should have save his money for something worth it.
Zev:
Hello baby! Natanggap mo ba ang mga pagkain na pinadala ko? Sorry kung hindi kita nasabayan kanina dahil may exam kami that time until now. Eatwell! I love you!
Pilit ko pigilan ang ngiti ko habang kunwari nakikinig sa teacher ko sa tapatan. Maingat ko tinago ang cellphone at kinagat ang labi para di ako magmukhang tanga dito habang nakangiti!
Natapos ang klase na hindi matanggal sa isipan ko ang text ni Zev. Ganito pala ang relasyon? Sobrang saya? Nakakakilig? At gusto mo sumigaw dahil ang saya saya lang.
Bago pa ako makalabas ng room ay nakita ko na agad si Zev na naghihintay sa labas ng room.
Napatingin ako kay Charity na ramdam ko ang pagdabog nito palabas ng room. Alam ko sa parte ko na hindi niya pa rin matanggap ang relasyon namin ni Zev.
Nagkatinginan ang dalawa at hindi ko na nakita nang humarang sa tapatan ko si Janela.
"Ikaw ang leader sa thesis defense natin. Sana alam mo ang gagawin mo." Malamig na sambit niya at umirap bago umalis.
Napakunot noo ako.
What?
Leader ako sa thesis namin? Ba't di ata ako aware?
Nawala lang sa utak ko ang sinabi ni Janela nang may malambot na labi lumapat sa pisnge ko.
Siya na lumigpit sa mga gamit ko.
"Zev ako na. Okay lang." pigil ko habang kinukuha ang mga libro ko.
"Nope. Ako na." Pinal na aniya.
Napanguso ako at inakbayan ako palabas ng room.
"Zev you don't have to do these. Di naman ako bata." Sabi ko rito.
"But i love what i am doing Camille."
Napailing na lang ako.
"How about the foods? Di mo na kailangan magpadala ng ganun!"
Iisipin ko palang mga pinadala niya ay maaga ata ako magkakadiabetes e. Yung iba ibinigay ko kila Tina kase baka langgamin lang ako sa dorm ko.
"Okay okay!" Natatawa na aniya at tumungo sa big bike niya.
"Ah wait lang Zev." Tumigil ako sa paglalakad para kunin ang phone ko sa bulsa. Kanina pa kase kakavibrate e.
Raven:
Where are you na Camille? Andito na ako sa exhibit ng tito ko.
Nanlaki ang mata ko. Oo nga pala! May project pala kami ni Raven at ngayon namin gagawin iyon!
Tumingin ako kay Zev na nag aayos ng upuan sa big bike niya. Bakit ko ba nakalimutan!!
"Ahm Zev.. May gagawin pala kaming project ngayon."
Tinignan niya ako.
"Sino kasama mo?"
"Raven."
Nilagay niya ang bag ko sa unahan.
"Magkapartner kayo?" Sabay tingin sa akin. Tumango ako at hinawakan siya sa braso.
"Sasama ako." Aniya at hinawakan sa bewang.
"Okay lang. Mas mabuti pa sumama ka." Ngumiti ako.
Nilalayan niya ako paupo sa bigbike niya at bago siya sumakay. Yumakap ako sakanya nang magsimula siya magmaneho.
I don't think I need a car. Zev is here and he can drive me home everywhere.
Sinabi ko sakanya ang adress na binigay sa akin ni Raven. At wala pa sa sampung minuto ay dumating na agad kami sa sinasabing exhibit ng tito niya.
Hindi ko pala inaakala na mayaman pala ang pamilya ni Raven, dahil napakalaki ng art gallery ng tito niya mula sa tinatanaw ko. Nung makapasok kami ni Zev ay natanaw ko agad siya na may kausap na lalake. I think that is his tito.
"Good morning po!" Bati ko nang makalapit kami sa kanyang tito.
"Camille!" Bati agad ni Raven ngunit nawala ngiti niya nang makita ang kasama ko.
"Oh you're my nephew's classmate?"
Tumango ako sa tito niya. Kumunot noo siya at nilahad ang kamay nito sa akin habang nakangiti.
"You seems so very familiar to me Camille!"
Nagtaka ako sa sinabi niya ngunit tinanggap ko na lang kamay niya.
"Salamat po sa pagpapasok niyo sa amin dito." I smiled at him. I didn't mind what he said kahit na alam kong may pakiramdam na ako.
Did he recognize me? My family at canada are very famous pagdating sa negosyo lalo na at si Aydin ay isang successful na businessman doon. Kaya natural na kilala siya doon. But I wasn't exposed too much there. Kaya alam kong selected lang na mga tao ang kilala talaga ako. At mas lalong walang nakakaalam na may fiancee na ako.
Hindi na nagtanong ang tito niya at umalis na. Naiwan kami ni Raven kasama si Zev.
"Simulan na natin."
Tumango ako.
Sumunod ako sa kanya habang dala dala ko ang camera niya. I took a picture with him kase yan yung pinapaproyekto sa amin. Minsan kinukuhanan ko siya ng video para sa information patungkol sa art na kinunan ko. Halos umabot kami ng isang oras dito at ieedit pa itong ginawang video.
"Ikaw naman kunan ko Camill—" naputol ang sasabihin ni Raven nang sumingit si Zev.
"No need. Ako na ang magpipicture sakanya."
Napakunot noo si Raven at natawa.
"What? Excuse me, hindi ka kasali sa project namin."
Aakmang sasagot din si Zev nang pinigilan ko siya.
"Zev.. hayaan mo na. Project din kase namin to.." Mahinang sambit ko.
Umiwas lang siya nang tingin.
Napatingin ako kay Raven na malamig ang tingin sa akin. Kanina pa malamig ang pakikitungo niya sa akin simula nung magsimula kami sa ginagawa namin.
And I don't know kung ano nagawa ko.
Hinawakan ko muli kamay ni Zev at binitawan bago sumunod kay Raven. Naiwan siya doon at umupo habang naghihintay sa akin. Halatang wala siyang interes sa mga ganitong bagay.
"Boyfriend mo na pala siya."
Tumango ako at binigay sakanya ang Dslr.
"Bakit siya pa? He's not even worth it. He's very possessive. Sana hindi ka masakal." Aniya habang inaayos ang camera nito.
Lumingon ako kay Zev. Ngumiti ito sa akin and i smiled him back. He's not very possessive. Hindi siya ganun tao.
Nagposisyon ako sa tabi ng isang malaking painting. Ngumiti ako kay Raven.
"He's more than worth it Raven. Hindi ko siya sasagutin kung hindi siya para sa akin."
Natigilan siya ngunit ngumisi sa akin.
"Really huh?"
Nagkatitigan kami. Napakunot noo na rin ako nang may kakaiba siyang tingin sa akin.
"Oh nevermind! Let's continue." Aniya habang nakapaskil pa rin ang ngisi niya sa labi niya.
May alam ba siya sa akin?