Isang linggo na ang lumipas ng nagpakilala sina Katleya at Mon sa lugar bilang apo ng mga De Francia. Maraming mga tao ang nagulat dahil di nila lubos maisip na may nagmamay-ari pala talaga ng lugar.
Bumisita naman ang ilang mga tao para magdala ng pagkain at bulaklak sa kanila bilang pagbati sa kanilang pagdating. May mga ilang matanda na napapadaan at nagkukuwento tungkol sa lugar. Natutuwa naman ang magkapatid dahil ang ilan sa mga kwento ay tungkol sa kanilang mga magulang at kung ano ang nangyari sa mga nakaraang taon.
"Ang weird ng feeling." sabi ni Katleya kay Mon na busy namang nagtatanggal ng mga damo sa bakod nila.
"Hmmm, bakit?" tanong naman ni Mon na napatigil sa pagdadamo at umupo sa tabi ng kapatid.
"Hindi ko lang maimagine na ganito nila tayo sasalubungin." sabi niya at habang inaabutan si Mon ng maiinom.
"Haaaay. Ang daming bago sa lugar no?" sabi ni Mon. Tumango naman ang kapatid.
"Maiba ako, bumisita na ba ang mga Francisco?" tanong ni Mon kay Katleya.
"Nope. Pero dumaan ang apo niya. Nag-abot ng pagkain at phone number. Tawag daw tayo." sabi ni Katleya.
"Tumawag ka na ba?" tanong naman ni Mon. Napailing naman ang ate niya. "Ate, wag kang matakot." sabay akbay sa kapatid at ginulo ang kanyang buhok.
"Ya!" pinigilan naman ni Katleya ang paggulo ni Mon sa kanyang buhok. Natawa naman si Mon at tumakbo papunta sa puno.
"Sira ulo ka talaga!" sabi ni Katleya ng mahuli ang kapatid. Tawa naman ng tawa si Mon. Nagtakbuhan at nagtwanan ang dalawa. Para silang bumalik sa pagkakabata at nageenjoy.
"Hay nako! Mag-aalas singko na. Magluluto na ako. Anong gusto mong ulam?" tanong ni Katleya.
"Gusto ko ng... Korean food." sabi ni Mon.
"Seriously?" tanong ng dalaga. Tumango naman ang lalake. "Fine." sagot nito at pumasok sa bahay.
... Samantala sa bahay nila Raza
Di siya mapakali at sobrang excited siya sa mga De Francia. Maingay ang website ng lugar dahil dito. Magkakaiba ang opinyon ng mga tao sa pagdating ng magkapatid. May mga nagulat, may mga nagtataka, may mga nagsasabi ng kabalbalan at kung anu-ano pa. Nagbabasa si Raza ng mga bagay sa comment section.
"...sino ba talaga sila? Bakit ngayon lang sila dumating? Taga dito ba talaga sila?"
"...I'm a history geek and I never saw any records of these family in the library? Can anyone confirm who they are?"
"...makikita kaya namin ang loob ng kanilang bahay? I'm curious what it looks like."
"...Hindi pala siya haunted house! Akala ko puro multo lang nakatira jan."
At kung anu-ano pang mga kwento. Nacurious din si Raza dahil nung inabot niya ang pagkain kay Katleya ay tila pamilyar ang muka nito. Hindi niya lang alam kung saan niya nakita.
"Raza. Halika na at kumain." sabi ng ama habang kumakatok.
"Opo." sabi naman ni Raza. Ilang minuto pa ay bumaba ito sa hapag-kainan. Tahimik silang kumakain ng biglang nagsalita ang lola.
"I want to hold a meeting for the town's people." ani ng matanda. Napatingin naman ang mag-asawa at si Raza sakanya.
"For what reason?" tanong ng ama ni Raza.
"Ilang araw ko ng naririnig na tampulan ng kwento at tsismis ang mga De Francia. Nakakahiya ito para sa bayan. Kararating lang nila tapos tsismis agad ang bubungad sakanila" sabi ng matanda. Conservative ang matanda at big deal sakanya ang mga ganitong bagay lalo na at damay ang pangalan ng lugar.
"Ma, hindi na ikaw ang mayor ng lugar. You should let the new mayor handle this." sabi ng ina ni Raza.
"I'm still part of the council. Besides, may go signal na ang council na iopen sa publiko ang lugar. That means people should be more responsible." punto ng matanda.
Tutol kung tutuusin ang mga matatandang miyembro ng council ngunit ang mga mas batang miyembro ay excited. Nais nilang ipakilala ang lugar sa buong Sanjati. Wala naman ng nagawa ang matanda at sa huli ay pumayag ito.
Later that night sa inuupahang lugar ni Anthony, isang tawag ang gumising sakanya.
[over the phone]
"Yes I got the deal" proud na sabi nito.
"Don't worry, everything will be okay. We'll make tons of money because of this place."
"I don't think they'd be a problem, I have a plan."
Pinatay niya ang tawag at ngumiti habang inaalala niya ang plano.