PAGKATAPOS nilang mag-usap ni Sir Shilo ay agad na nag-ayos si Anniza. Kailagan niyang maka-usap si Joshua. Hind man buo ang detalye ang paliwanag ni Shilo, isa lang ang tumatak sa kanyang isipan. Joshua loves him since the day she enters the company. Hindi man daw iyon napapansin noon ng binata pero matagal na daw ang nararamdaman nito sa kanya. Bago pa daw niya malaman ang tungkol sa manungang niya at kay Sir Shan na-amin ni Joshua ang nararamdaman nito sa kanya.
"Are you ready to talk to him?" tanong ni Sir Shilo sa kanya.
Ihahatid siya nito sa penhouse ni Joshua. Nagpapasalamat siya dahil alam niyang hindi siya makakapasok doon ng hindi malalaman ng kanyang kasintahan. Mas maganda nga na kasama niya ang pinto nito. Tumingin siya kay Shilo. Hindi pa rin siya makapaniwala na pupuntahan siya nito sa bahay.
Tumungo siya bilang sagot sa tanong nito. Nahihiya pa rin siya sa dating naging boss niya. Hindi niya makakalimutan ang galit nito noon pero nagbago na ito. Hindi na ito kagaya ng dati at lahat ng empleyado ng kompanya ay napansin iyon. Mas mabait na nga ito. Ang mas nakakagulat pa ay ang pagiging malapit nito kay Maze na siyang sekretarya ng binata.
"Thank you po sa paghatid sa akin."
Sinulyapan siya ni Shilo. "I just want my cousin to be happy. At alam ko na ikaw ang kasiyahan niya, Anniza."
Ngumiti siya dito. Nagugulat pa rin siya sa mga sinasabi nito. Hindi niya talaga akalain na tatanggapin siya nito para sa pinsan. I mean, pagkatapos ng mga ginawa ng Kuya at manugang niya sa kapatid nito ay masaya pa rin siyang tinanggap nito. Wala din halong pagpapanggap ang pinapakita nito sa kanya.
"Sir…" tawag niya kay Shilo.
Muli siya nitong sinulyapan. Walang kahit anong salitang lumabas dito. Tumingin lang talaga.
"Maari po bang magtanong?" Kinakabahang tanong niya.
"Ano iyon?"
Tumikhim siya. "Ang sabi niyo, kayo ang fiancé ng babaeng kasama ni Joshua doon sa café. Kung ganoon po ay wala kayong relasyon ni Maze?" Takot siyang itanong iyon pero kaibigan naman niya ang pinag-uusapan nila.
Napansin niyang natigilan si Sir Shilo pero agad din nitong na-itinago ang reaksyon na iyon. Tumikhim ito.
"She is my fiancé but it was before. Masyado pa akong bata ng tanungin ko siya noon at saka, marami na ang nagbago sa buhay ko. Let's say. I can't keep my promise to her. And Maze…" Sinulyapan siya ni Shilo. Isang ngiti ang sumilay sa labi nito na siyang ikinagulat nila. "Maze is very special to me. Alam mo naman siguro iyon?"
"Napansin po namin ni Joshua, Sir Shilo."
"Pero hindi ng kaibigan mo." Tumawa ng mahina si Sir Shilo.
"Wala po ba kayong balak na sabihin kay Maze?" tanong niya rito.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Shilo. "May pinagdadaanan ngayon si Maze. Ayaw ko siyang i-pressure sa nararamdaman ko."
Tumungo siya. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin nito na may pinagdaanan si Maze pero hahayaan niya muna ito. May sarili siyang problema kaya tatahimik na lang siya. Sumandal siya sa upuan at tumingin sa labas. Sobrang traffic ng mga sandaling iyon kaya mabagal ang takbo nila.
"Anniza…"
Lumingon siya kay Sir Shilo. "Ano po iyon?"
"Stop calling me 'Sir Shilo' if you we are outside the office. Shilo is fine. At saka, pamilya ka na rin ngayong kasintahan ka ng pinsan namin. Hindi ka na iba sa amin."
Nanigas siya sa kina-uupuan ng marinig ang sinabi nito. Nagulat siya sa narinig. Talaga ngang tanggap na siya ng mga ito bilang kasintahan ni Joshua. Gusto niyang ma-iyak. She never expect it from Joshua's family.
"Okay po." Sagot niya ng makabawi.
Ngumiti si Shilo. "Kapag may problema kayo ni Joshua. Lalo na kina Tito at Tita, sabihan mo alng kami ni Kuya Shan. We back you up."
Napangiti siya. "Talaga!?"
"Oo naman. Iisa lang naman ang gusto namin para kay Joshua. Ang maging masaya siya."
Lalong lumawak ang pagkakangiti niya dahil sa sinabi nito. "Salamat. Kapag kailangan mo din ng tulong kay Maze. Nandito din ako. Tutulungan kitang makuha ang matamis niyang Oo."
Tumawa si Shilo. "No need. I can make Maze fall to me."
Tumaas ang kilay niya. "I like your confident, Shilo. Kailangan mo iyan dahil may pagkamanhid si Maze." Tinapik pa niya ang balikat nito.
Umiling na lang si Shilo. Natawa na lang siya. Hindi niya akalain na makaka-usap niya ng ganoon si Shilo. Malayong-malayo na talaga ito sa dating ugali nito. At sa tingin niya ay may kinalaman si Maze sa pagbabago nito. Narating nila ang penhouse ni Joshua.
"ihahatid kita hanggang sa taas," ani Shilo at pinakita sa kanya ang card na hawak.
"Bakit mayroon ka niyan?" Nagtatakang tanong niya.
"Patrick give it to me. Hindi yata alam ni Joshua na nagpagawa ng duplicate si Patrick. Ito kasi ang madalas naghahatid kay Joshua kapag nalalasing sa bar ang huli."
Tumungo siya. Sumakay sila ng elevator. Sir Shilo swipe the card in the elevator bottom. Wala itong pinindot pero may nag-flash na number. Nasa Eight floor ang penhouse ng binata. Nang makita ang floor na aakyatan nila ay doon lang nag-sink sa isip ni Anniza na siya ang pumunta kay Joshua para makipag-usap. Ito ang unang pagkakataon na siya ang lumapit sa binata para makipag-ayos. Sa tuwina kasi ay ang binata ang gumagawa ng paraan para ma-ayos ang gusot sa relasyon nila.
Pinagdikit ni Anniza ang mga kamay para alisin ang kabang nararamdaman. Namamawis ang kamay niya at nanginginig. Malakas din ang tibok ng kanyang puso.
"Are you okay?"
Ang tanong na iyon ni Shilo ang nagpatingin sa kanya. Tumungo siya kahit hindi naman talaga iyona ang totoong nararamdaman. Shilo chuckle but didn't say anything.
"Si Joshua na ang maghahatid sa iyo mamaya. Kailangan kong puntahan si Maze ngayon."
Sa pagkarinig sa pangalan ng kaibigan ay bigla siyang nagtaka. Huwebes palang ng mga sandaling iyon kaya bakit nito pupunta sa Maze. Hindi ba at nasa opisina ang kaibigan niya.
"Pupuntahan mo si Maze? Saan?"
"Sa bahay nila. Ilang araw na itong hindi pumapasok kagaya mo. Dapat nga declare ka ng AWOL pero dahil nagfile ka ng indefinite leave at pinirmahan ni Joshua, walang nangyaring ganoon."
Napalabi siya. Alam niyang dapat na nga talagang siyang alisin sa trabaho dahil sa hindi tamang rason ng hindi niya pagpasok sa loob ng opisina. Tatlong linggo na siyang absent at malapit ng mag-iisang buwan.
"I'm sorry." Malungkot niyang sabi.
"It's okay. Nasa likod mo naman lagi si Joshua at ang ama ko." Sumandal si Shilo.
"Anong nangyari nga pala kay Maze?" tanong niya.
Hindi sumagot si Shilo. Bumukas kasi ang pinto ng elevator at bumungat sa kanila ang malawak na sala. Unang lumabas si Sir Shilo at sumunod siya. Isang malawak na sala ang sumalubong sa kanila.Napalunok siya dahil full glass ang nasa harap ng sala na may grand piano as gilid. May T.V at ilang dvd ang nandoon. Inilibot niya ang paningin sa lugar. Napansin niya ang dining area ng makalapit sila sa sala. Napansin din niya ang kitchen area. Nasa ganoon sila ng may narinig silang yapag. Sabay sila ni Shilo na napalingon.
Nakita nila si Joshua na pababa ng hagdan. Nakapajama lang ang binata. Nang magtaas ito ng paningin ay nagtagpo ang kanilang mga mata. Napatigil ito sa paghakbang at napakurap ng ilang beses.
"Hinatid ko lang dito si Anniza. May sasabihin daw siya sa iyo," wika ni Sir Shilo at naglakad palapit sa pinsan nitong tulala pa rin ng mga sandaling iyon.
Nang makalapit si Sir Shilo kay Joshua ay tinapik nito ang balikat ng kanyang kasintahan. Nakapasok na ang pinsan nito ay nasa kinatatayuan pa rin nito si Joshua at nakatulalang nakatingin sa kanya. Hindi alam ni Annzia kung matatawa ba siya sa reaksyon ng kasintahan o ma-iilang. Bumilis kasi bigla ang tibok ng kanyang puso.
Huminga siya ng malalim at tumikhim. Doon lang parang natauhan ang binata. Ilang beses ito napakurap.
"Pwede ka bang maka-usap?" siya na ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila.
"H-ha!"
"Ang sabi ko, pwede ka ba---"
"Narinig ko." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin. "Pwede naman. Upo ka." Itinuro nito ang mahabang sofa.
Ngumiti siya sa kasintahan bago umupo sa sa itim na sofa. Nakatalikod na siya sa binata at nakaharap sa full glass window nito.
"Kukuha lang ako ng ma-iinum mo. Babalik ako."
Sasabihin n asana niyang wag na itong kumuha ng kung ano ngunit mabilis na nakapunta ang kasintahan sa kusina. Tumahik na lang siya. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya. Ganoon pa rin ang epekto ng binata sa kanya kahit pa nga ilang taon na silang magkasintahan. Hindi na yata pa magbabago ang tibok ng puso niya pagdating kay Joshua.
Nang bumalik ang binata ay may dala na itong isang pitch ng pineapple juice at dalawang baso. Umupo si Joshua sa pang-isahang sofa na katapat niya. Pinagmasdan niya ang kasintahan. Mula ulo hanggang paa. May munting kirot siyang naramdaman ng makita ang kalagayan nito. Pumayat ang binata at hindi iyon ma-itatago. Malalim din ang mga mata nito, tandang wala itong sapat na tulog.
Ayon sa mga kasama niya ay pumapasok pa rin ito sa opisina. Maaga daw pumupunta sa opisina ang binata. Lagi daw itong na-uuna sa opisina at ito daw ang huling umaalis. Nag-aalala na nga daw ang mga ito para sa binata. Kaya nga tinatawagan siya ng mga ito kung kailangan saw siya babalik dahil si Sir Joshua daw ang gumagawa ng trabaho niya at tinutulungan lang daw ito ng ibang staff.
Hindi niya inaasahan na makita sa ganoong sitwasyon ang binata, kahit paano ay inaasahan niyang iniingatan nito ang sarili kahit na wala siya.
"Anong sasabihin mo sa akin? May gusto ka bang tanungin sa akin?" si Joshua na ang bumasag ng katahimikan.
Tumikhim siya at hinarap ang binata. "Shilo talked to me about Andria. Na ito talaga ang fiancé ni Shilo."
Yumuko si Joshua. "Iyon ba ang sinabi niya." Napansin niya ang mapaklang ngiti nito.
"Joshua, may dapat ba akong malaman. May hindi ba tama sa sinabi ni Sir Shilo."
Nagtaas ng tingin si Joshua. May lungkot sa mga mata nito. "If I tell you the truth you will get mad at me."
Hindi siya na kapag salita. May nabuhay na pagdududa sa puso niya. "D-did Shilo lied to me?" Gusto niyang ma-iyak ng mga sa sadaling iyon."
Tumungo si Joshua. "Hidni ko lang alam kung alam ba ni Shilo ang pinang-gagawa kong kalukuhan noon."
"Anong ibig mong sabihin?"
Tumikhim si Joshua at tinitigan siya sa mga mata. "Ako talaga ang totoong finance ni Andria."
Natigilan si Anniza. Parang may bombang sumabog sa harap ni Anniza ng marinig ang sinabi ng binata.
"Ako ang nangako ng kasal kay Andria noon. I was thirteen and crazy in-love with her. Bata pa lang kami ay gusto ko na si Andria at nakikita ko noon ang sarili ko na pinipakasalan siya pero nagbago ang lahat. Nagbago ang nararamdaman ko ng makilala ko si Jassie."
Upon hearing Joshua's ex-girlfriend makes her more feel in pain. May patalim siyang naramdaman na tumarak sa kanyang puso. Yumuko siya para itago ang pamamasa ng kanyang mga mata. Akala niya ay handa na siyang harapin ang binata pero hindi pala talaga siya handang marinig mula dito ang nararamdaman sa mga babaeng unang dumating sa buhay nito.
"I'm sorry if I didn't tell you but one thing I know. I love you. I really love you and I can't leave without you."
Tuluyang pumatak ang mga luha ni Anniza ng marinig ang mga katagang iyon. Humikbi siya at pinunasan ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi.
"T-tell me, ano bang n-nangyari noon?" Basag ang boses na tanong niya sa lalaki.
Hindi nagsalita si Joshua kaya nagtaas siya ng tingin. Nagtagpo ang mga tingin nila. May lungkot sa mga mata nito. Siya ang unang umiwas.
"I'm sorry." tanging narinig niya sa binata.
"Sabihin mo sa akin lahat, Joshua. Gusto kong malaman kung ano bang nangyari sa iyo noon. Para alam ko ang gagawin ko sa relasyon natin," aniya sa lalaking minamahal.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ng binata.
NAGLALAKAD papunta sa parking area si Joshua. katatapos lang nilang maglaro ng basketball. Kasama niya ang mga kaibigan na si Asher, Liam at Patrick. Maliban kasi sa pagbabanda ay libangan din nila ang paglalaro ng basketball.
Natigil sa paghakbang si Joshua ng makita ang babaeng nakatayo sa tabi ng kotse. Iniiwasan na niya ang babae pero patuloy pa rin ito sa paghabol sa kanya. Huminga ng malalim si Joshua at pinagpatuloy ang paglalakad. Agad naman siyang napansin ng babae.
"JJ..." tawag nito sa palayaw niya na siyang tanging tumatawag.
"Why are you here? Malalim na ang gabi." Malamig niyang sabi dito.
"G-gusto lang kitang maka-usap." na iiyak nitong sabi sa kanya.
Tumingin siya sa mga mata nito. Jassie eyes are about to cry. "Tungkol saan?"
"Tungkol sa atin. Bakit iniiwasan mo ako? Hindi mo rin sinasagot ang tawag at text ko. May problema ba tayo."
"Busy ako."
"Busy ka? Pero may oras kang makipaglaro sa mga kaibigan mo." may halong sumbat ang boses nito.
Biglang nabuhay ang inis niya sa babaeng kaharap.
"Ano ngayon kung mas inuuna ko ang barkada ko kaysa sa iyo?" sigaw niya. "Tandaan mo ito, Jassie. Girlfriend ang kita. Wala kang nakarapatan na tanungin ang mga ginagawa ko sa buhay."
Tinulak niya ito para maka-alis sa pagkakasandal sa kanyang kotse. Narinig niya ang malakas na paghikbi nito.
"JJ, hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Bakit kasi bigla ka na lang nawalan ng oras para sa akin? Kahit isa---"
"Jassie, pwede ba tigilan mo ako sa mga tanong mong iyan? Pagod ako sa paglalaro ng basketball. Pwede na ba akong umuwi at magpahinga?" Putol niya sa iba pangsasabihin ni Jassie.
Naiirita siya sa mga tanong nito. Ayaw niya ng ganoong eksena. Kapag nilayuan niya ang isang babae alam na agad dapat nito ang ibig niyang sabihin. He no longer interested with her. maswerte pa nga si Jassie. Sa lahat ng naging kasintahan nito ay ito ang tumagal. He is having with her. Masarap naman kasing kasama ito pero nitong huli ay nawalan siya ng interest. At saka, nasa bansa ulit si Andria, ang babaeng siyang talagang nilalaman ng kanyang puso. Plano niyang ligawan ang babae. Dito niya balak magseryuso.
He is about to put his key to his car when Jassie drop the bomb.
"Buntis ako, JJ. At alam natin pareho na ikaw ang ama."
"What?" Napatingin siya kay Jassie.
Puno ng luha ang mukha ng babae. Patuloy sa pag-ayos ang mga luha nito. Hindi niya alam pero may munting kirot siyang naramdaman sa kanyang puso.
"Buntis ako at ikaw ang ama." sigaw nito.
"Imposible iyon. I used condom when we had sex. At gumagamit ka din ng pills."
"I didn't drink my pills that time. Nakakaligtaan ko lagi."
"Sh**!" Mura niya. Napahawak siya sa sariling buhok. "How could you be so stupid, Jassie?"
"Hindi ko din naman ito inaasahan, JJ. Kahit ako hindi ko din naman gustong mabuntis. Papatayin ako ng magulang ko kapag naman nila ito. I need you, JJ."
Hindi siya nakapagsalita. Naiinis siya sa narinig. How could this woman so stupid not to drink her own pills? Ilang beses niya itong sinabihan na uminum dahil wala siyang tiwala sa rubber. Napahawak siya sariling buhok. Malaking problema itong pinasukan nila.
Jassie come near to him and tried to hold his hand but he immediately pull back.
"Wag mo akong hahawakan." sigaw niya.
"J..." Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.
"You are so stupid, Jassie. Marami pa akong plano sa buhay ko pero kasama doon ang maging isang ama."
Humikbi ang dalaga. "Kung ganoon ay anong gagawin natin? Lumalaki ang tiyan ko. Malalaman din ito ng magulang ko."
Pinagsikit niya ang mga labi. She is mad. Naiinis siya dahil wala siyang ma-iisip na paraan hanggang sa isang idea ang pumasok sa kanyang isip.
"Get rid of that thing."
"What?"
"Ipalaglag mo ang batang iyan."
"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ng babae. Nanlalaki ang mga mata nito.
"Narinig mo ang sinabi ko. Ipalaglag mo ang batang iyan. Ayaw mong malaman ng magulang mo. Ayaw ko din maging ama. So, get rid of that child. Para tapos ang prob---"
Hindi niya natapos ang sasabihin ng isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ni Jassie.
"How could you say that to our child? Paano mo nasabing ipalaglag siya, Joshua?"
Hinawakan niya ang nasaktang pisngi. Namamanhid ang kaliwa niyang pisngi sa sobrang lakas ng pagkakasampal ni Jassie sa kanya. Galit niyang hinarap ang babae.
"Hindi ko pa gustong maging ama at lalong ayaw kong magkaroon ng anak sa isang tulad mo." Sigaw niya.
"What? anong ibig mong sabihin?"
"Kung hindi mo ipalaglag ang batang iyan. Wag ka ng magpakita sa akin. Buhayin mo siya ng mag-isa dahil ayaw ko sa kanya. Let's end this relationship now, Jassie."
Tinalikuran na niya ang babae at binukasan ang kotse. Papasok na sana siya ng hawakan ni Jassie ang kanyang braso.
"J, please! Wag mo naman gawin sa akin ito. Kailangan kita ngayon." Jassie is begging to him.
Hinila niya ang kamay dito. "Maghiwalay na tayo, Jassie."
"No!"
Hinarap niya ang babae. "I said let's break up."
Umiling ang babae. "Kailangan ka namin ngayon, Jj. magkaka-anak na tayo kaya wag mo akong iwan. Let's do this to ou---"
"Sinabi ko na sa iyo. Ayaw ko pang magka-anak. At saka, ikaw ang may kasalanan kung bakit buntis ka ngayon. Kung hindi ka ba naman tanga at kinalimutan mong inumin ang pills mo, hindi ka sana buntis ngayon."
Hindi nagsalita si Jassie. Umiyak lang ito ng umiyak. Tinalikuran na niya ito at binuksan ang pinto ng kotse. Papasok na sana siya ng may naalala.
"Oh! By the way, tinatanong mo ako kung sino ang babaeng kasama ko noong isang araw. Siya nga pala ang babaeng nilalaman ng puso ko at siya lang ang babaeng makakasalan ko."
After he said those he ride his car and get way from there. tiningnan pa niya ang babae sa review mirror. Iniwan niya doon si Jassie na umiiyak. But he doesn't care. He needs to get rid of her and their child.
Lumipas ang ilang araw ay hindi na muling lumapit sa kanya si Jassie. No text, No call and no sign of her. Mukha ngang sinunod siya ng babae na wag magpakita kung hindi nito tatanggalin ang bata sa sinapupunan nito.
"Hoy! Alam mo ba ang balita tungkol kay Jassie."
Natigilan si Joshua sa pagbabasa ng libro ng marinig ang pangalan na binanggit ng babae na nasa likuran niya.
"Ha! Sinong Jassie?"
"Si Jassie, iyong nanalo sa Math quiz bee noong nakaraang taon. Iyong maraming lalaking naghahabol."
"Ahhh!!! anong tungkol sa kanya?"
"Wala na pala siya."
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Joshua dahil sa narinig.
"What did you say?"
Napalingon siya ng marinig ang boses ng nagtanong. Nakita niyang nakatayo sa harap ng mga ito si Patrick.
"Anong sinabi niyo tungkol kay Jassie?"
Nakita niyang nahintakutan ang mga babae sa taas ng boses nito.
"Narinig ko lang mula sa kaklase ng kapatid niya. Patay na si Jassie." Natatakot na sagot ng babae.
"What happen to her?"
Napalunok ang babae. "Ang sabi namatay siya dahil pinalaglag niya ang bata na dinadala niya."
Nanlaki ang mga mata ni Joshua at parang sinabugan ng bomba ang binata. What just happen?