Chereads / Wishing Girl 3: Pain 2 Forget / Chapter 38 - CHAPTER THIRTY-SIX

Chapter 38 - CHAPTER THIRTY-SIX

NAKATINGIN SA result ng test niya si Dr. Cathness Del Rio. Tapos na siyang i-test. Mula sa urine test at blood test. Napatingin siya sa Ate Tin niya na tahimik lang mula pa kanina. Napansin niyang wala itong kibo mula pa kanina at kapag nagsasalita si Dr. Del Rio ay umiiwas ito ng tingin na siyang ipinagtataka niya. Nasisigurado niyang kilala ng Ate niya si Cathness. Maaring isa si Cathness sa noon pangkaibigan ni Sir Shan pero bakit hindi yata niya ito nakita noong kasal ng isa.

"Okay. Mukhang maayos naman lahat ng test mo, Ms. Jacinto." Inilapag nito ang hawak na papel sa mesa at tumingin sa kanya.

"Kung ganoon ay bakit nahihilo ako sa umaga?" tanong niya rito.

"It's normal to feel dizzy when your pregnant."

"What?"

"Ano?"

Sabay pa sila ni Ate Tin nagtanong noon kay Dr. Cathness. Ngumiti ang dalagang doktora at ipinakita sa kanya ang result ng lab test niya. Nanginginig ang kamay na kinuha niya iyon at tiningnan.

"You are one month pregnant, Ms. Jacinto. So, congratulations! I give you some vi----"

"Saglit lang." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Hindi pa rin yatang tanggapin ng kanyang isipan na buntis siya ng mga sandaling iyon.

Aamin niya na may nangyayari sa kanila ni Joshua ngunit bilang iyon sa kanyang daliri. At sa tuwinang may nangyayari sa kanila ay may proteksyon na ginagamit ang binata. Kaya paanong mabuntis siya. Unti-unting pumatak ang mga luha niya. What she supposed to feel, right now?

"Annie..."

Ang pagtawag na iyon ang siyang gumising sa natutulog niyang diwa. Tumingin siya sa manugang. Nabakasan ng pag-aalala ang mukha nito. Hinawakan ni Ate Tin ang kamay niya at pinisil.

"Magiging okay din ang lahat, Annie." Bulong nito at ito na ang humarap kay Dra. Cathness. "Sa akin mo na lang ibigay ang mga resita, Cathness."

Hindi agad nagsalita ang Doktora. Sa kanya pa rin ito nakatitig at nararamdaman niya iyon. Yumuko lang siya. She doesn't know how to react. Ayaw tanggapin ng isipan niya nabuntis siya ng mga sandaling iyon. Ano na lang ang sasabihin ng Kuya Anzer niya? At anong magiging reaksyon ni Joshua kapag nalaman nito ang kalagayan niya ng mga sandaling iyon?

Kahit isang beses ay hindi nila napag-usapan ang tungkol sa bata. Ganoon din ang kasal o pagkakaroon ng pamilya. Sa tingin din naman kasi niya ay hindi pa iyon ang tamang panahon para bumuo sila ni Joshua ng pamilya. Masyado pa silang bata pareho.

Pagkatapos ibigay ni Dr. Del Rio ang resita nitong vitamins para sa kanya ay inalalayan siya ni Ate Tin na tumayo. Nagpasalamat ang manugang sa doktora. Nasa pinto na sila ng tinawag sila nito.

"Alam kong nag-aalala ka dahil hindi pa kayo kasal ni Joshua pero isa lang ang masasabi ko. Joshua suffer before. Sana isipin mo ang nakaraan niya bago ka gumawa ng isang desisyon."

Lumingin siya sa kay Cathness. Isang malungkot na ngiti ang ibinigay nito. Kung ganoon ay alam din nito ang tungkol sa nakaraan ni Joshua. Alam din nito ang paghihirap ng kasintahan. Huminga siya ng malalim at hinarap ito ng maayos.

"Thank you. Wag kang mag-alala. Hindi na muling mangyayari pa ang nakaraan. Sisiguraduhin ko na sa pagkakataong ito ay magiging masaya si Joshua sa piling naming mag-ina." Matapang niyang sabi.

Nawala ang lungkot sa mga mat ani Cathness at napalitaan ng magaang ngiti ang labi nito. "I hold on to that."

Tumungo lang siya at hinarap ang Ate Tin niya na binigyan siya ng nagtatanung na tingin. Ngumiti lang siya dito at hinawakan ito sa braso. Lumabas sila ng opisina ni Cathness.

"Anong sinasabi niyang nakaraan ni Joshua, Annie?" tanong ni Ate Tin habang naglalakad sila sa paselyo ng ospital.

Nilingon niya ang katabi. "It was Joshua's dark past, Ate Tin. He once lost his child."

Isang malakas na pagsinghap ang naringin niya. Yumuko siya at patuloy pa rin sa paglalakad.

"I don't want him to suffer again for same reason." Inilagay niya ang kamay sa tiyan na wala pang umbok. "Sisiguraduhin ko na makikita ni Joshua ang batang ito na nasa sinapupunan ko. Siya ang bubuo sa buhay namin."

Alam niyang magiging masaya si Joshua kapag naman nitong magkaka-anak na sila. Hindi man nila napag-usapan ng kasintahan ang tungkol sa pagkakaroon ng anak ay alam niya agad na matatanggap ni Joshua ang bata. He learns from his past. Alam niya iyon at iyon ang pinanghahawakan niya.

Pagkatapos nilang pumunta sa pharmacy para bilhin ang mga gamot na pinapabili ng doktora ay sinabi niya sa Ate Tin niya na pupunta siya ng opisina para daanan ang nobyo. Gusto na rin kasi niyang sabihin dito ang magandang balita. Pumayag ang Ate Tin niya.

Nagtaxi na lang siya para mas mabilis siyang makarating. Pagdating niya sa building ay masaya siyang binati ng guard. Naglalakad na siya papunta sa elevator ng makasalubong niya ang hindi niya inaasahang tao. Napatigil siya sa paglalakad. Nagtagpo ang mga mata nila ng babae. Naningkit ang mga mata nito ng tuluyang nakalapit sa kanya. Tumaas pa ang isang sulok ng labi nito.

"Looks who's here. Hindi ko akalain na makikita kita ngayong araw. Hindi mo yata kasama ang anak ko. Tapos na ba siyang paglaruan ka kaya hindi ka na niya binabantayan."

Napayukom ng kamao si Anniza. Iniisip talaga nito na isa lang siyang babae ni Joshua. She hates the words she trowing at her but she needs to be patients. Kahit na hindi niya gusto ang sinabi nito ay kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Ina pa rin ni Joshua ang babae. Kailangan niya parin itong respetuhin. Ito ang naglabas ng kanyang kasintahan sa mundong ito.

"Magandang umaga po." Bati niya at yumuko pa siya.

Tumawa lang ang matanda sa ginawa niya. "Wag kang magpanggap na mabait sa harap ko. At kahit anong gawin mo, hindi kita gusto para sa anak ko. Iniisip mo ba na nakabingwit ka na ng isang matabang isda dahil nobyo mo ang anak ko. Nagkakamali ka, hija. Hindi ko hahayaan ang nag-iisa kong anak na mapunta sa iyo."

Pinatili niya ang ulong nakayuko. Alam niyang nakaka-agaw na sila ng pansin dahil malakas ang boses ng ina ni Joshua. Nahihiya siya dahil siguradong pag-uusapan siya ng mga kasamahan sa trahabaho. Huminga siya ng malalim. "Tita, hin----"

"Don't called me like that. Hindi mo ba ako narinig. I don't like you for my son. So you don't have the rights to called me like that. Ipasok mo sa matigas mong kokote na hindi kita matatanggap bilang kasintahan ng anak ko." Sigaw nito.

Anniza wanted to push the hands of the woman who pointed at her but she stops herself. Hindi magandang patulan niya ang matanda.

'He is Joshua's mother, Anniza. Calm down yourself.' Paalala niya ng paulit-ulit sa sarili.

"What are you doing, Mom?" isang malakas na sigaw ang narinig nila.

Nagtaas ng tingin si Anniza. Nasa kaliwang bahagi nila si Joshua. Kasama nito si Sir Shilo at Ate Carila. Namumula ang mukha ni Joshua. Mabilis itong lumapit at agad na pumagitna sa kanila ng ina nito.

"Anong ginagawa mo kay Anniza?" Singhal ni Joshua.

Mabilis naman niyang hinawakan ang braso ng kasintahan para patigilin ito. Ina nito ang kaharap at hindi dapat nito sinisigawan nga ganoon. At lalong ayaw niyang mag-away ang mag-ina ng dahil sa kanya.

"I didn't do anything to her. I just tell her the truth." Galit na singhal ng ina ni Joshua.

"I know you, Mom. Sinabihan ko na kayo ni Dad. Wag na wag niyong gagalawin si Anniza."

"You are really protecting her from us. After everything we did for you."

Inalis ni Joshua ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. Hinawakan nito ang kamay niya at mahigpit iyong hinawakan.

"You didn't do anything to me, Mom. You just raise me because I'm your son. And you raise me because you need heirs to your empire but I'm not your puppet. I will choose who will I love. At si Anniza iyon. Tanggapin niyo man o hindi ang relasyon namin, wala kayong magagawa dahil siya ang nilalaman ng puso ko."

Pagkatapos sabihin iyon ay hinila na siya ni Joshua papunta sa elevator.

"Joshua, wait! Slow it down." Sigaw niya sa kasintahan.

Hindi siya pwedeng maglakad ng mabilis dahil sa kalagayan niyang iyon. Nagpapasalamat siya dahil nakasapatos siya ng mga sandaling iyon. Hindi siya nahirapang sundan ang nobyo.

Tumingil lang si Joshua sa paghila sa kanya ng makapasok sila ng elevator.

"Joshua, hindi mo da---"

"Why shouldn't I? Nakita ko kung paano ka dinuro ng ina ko." Galit na sigaw ni Joshua.

Namumula ang mukha nito pati na rina ng leeg. Nakakuyom din ang kamao nito. Mabilis ang paghinga nito at lapat na lapat ang mga labi nito. He is facing her. Nakikita niya ang galit ng kasintahan sa ginawa sa kanya ng magulang nito. Huminga siya ng malalim at nilapitan ang nobyo. Out of no where, she hugs her boyfriend.

Naramdaman niyang nanigas sa kinatatayuan nito si Joshua. Hindi ito nakagalaw. Napangiti siya sa reaksyon ng kasintahan. Alam niyang ito ang unang pakakataon na gumalaw para maging intimate sila sa isa't-isa. Madalas kasi ay ito ang unang gumagawa ng paraan. Joshua is a sweet and clingy boyfriend.

"I love you. Hindi ako pwedeng lumaban sa magulang mo dahil ayaw kong magalit sila sa atin lalo. Alam ko naman na hindi nila ako tanggap na maging kasintahan mo kaya ayaw kong dagdagan ang galit nila. Mahal kita pero ayaw kong magkasiraan kayo ng magulang mo ng dahil lang sa relasyon natin."

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Joshua. "Kahit naman na hindi naging tayo ay sira na ang relasyon namin ng magulang ko. The moment they tried to bought Jassie's parents I already mad at them. Sa lahat ng tao na naiiisip ko nagagawin iyon ay sila pa. Akala ko ay naiintindihan nila ang sitwsyon ko dahil sa nawalan ako ng anak kahit pa nga ako ang nag-utos kay Jassie na ipalaglag ang bata. Pero hindi. Masaya pa nga sila na nawala ang bata at tama lang ang ginawa kong desisyon. Kasirahan ang pagkakaroon ko ng anak sa murang edad.

I get mad at them but I more mad at myself. Anak nga talaga nila ako dahil parehas kaming mag-isip. Ngayon, lahat ng bagay ay pinag-iisipan ko bago ko pagdesisyonan. Pero ikaw ang tanging desisyon na ginawa ko ng hindi ko pinag-isipan ng mabuti. I love you so much, Annie. Hindi kita pakakawalan kahit anong mangyari."

Dumaloy ang mga luha sa pisngi ni Anniza ng marinig ang sinabi ng kasintahan. Joshua really knows how to touch her heart. He knows how to melt her. Kahit naman hindi sabihin ng binata. Alam niya na sobrang mahal siya nito. Sa tatlong taong relasyon nilang dalawa, walang araw na hindi pinadama ni Joshua kung gagaano siya nito kamahal.

"I love you too, Joshua. Hinding-hindi din kita pakakawalan. Lalo pa nga at may darating ng angel sa pagitan natin."

Kumalas sa pagkakayakap niya si Joshua at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa kanya.

"A-anong sabi mo?"

Ngumiti siya ng matamis sa kasintahan. "Oh!" hinawakan niya ang isang kamay nito at ipatong sa kanyang tiyan. "Let's will come her or him soon."

Kung may ilalaki lang ang singkit na mga mata nito ay nangyari na ng mga sandaling iyon. Joshua standing there like a standee is a priceless reaction for Anniza. Hindi kasi iyon ang inaasahan niyang reaksyon mula dito pero ayos na rin. Nakita niya ang side ni Joshua na sobrang cute. If she can't take out her phone and capture that moment she will do that.

"A-are you sure?" tanong nito pagkalipas ng ilang minuto.

Tumawa siya ng bahagya at tumungo. "Oo. Ang dahilan na pagkahilo ko sa umaga dahil sa buntis ako. You can called Dra. Del Rio to confirm it."

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Joshua. Pinakawalan nito ang kamay niya at hinawakan ang kanyang baywang.

"Magiging daddy na ako?" Lumuhod ito at ipinantay sa kanyang baywang. "Hello, little angel. Are you okay there?"

Tumawa siya dahil sa ginawa ni Joshua. Hinawakan niya ang braso nito. "Tumayo ka nga. Tuldok pa lang siya kaya hindi mo pa siya pwedeng ka-usapin."

Tumawa na din si Joshua. Tumayo ito at agad siyang niyakap. Nagulat naman siya sa ginawa ng kasintahan.

"Thank you. Thank you so much."

Napangiti siya. Inihilig niya ang ulo sa balikat ni Joshua at gumanti na rin ng yakap dito. "You're welcome. I know you will love this news. Kaya nga pumunta agad ako dito para ibalita sa iyo."

"You make me the happiest man on earth, Anniza."

Anniza didn't speak. She just wanted to feel that moment. She will treasure that moment. Building a family with Joshua is the best thing happen to her life.

NAKA-UPO SA MAHABANG sofa ang magkasintahang Anniza at Joshua. Nasa katapat naman nilang upuan ang kapatid ng dalaga na si Anzel at asawa nitong si Kristine.

"Anong sasabihin niyo sa akin?" Ma-authoridad na tanong ni Anzer.

Nagkatingin ang dalawa bago muling hinarap ang mag-asawa. Hinagilap ni Joshua ang kamay ng kasintahan. Pinsil niya iyon para doon kumuha ng lakas.

"Sir, saan po nakatago ang baril niyo?" tanong niya na siyang umani ng malakas na pisil kay Anniza.

Nagsalubong ang kilay ni Anzer. Itinaas nito ang damit na suot at ipinakita ang baril na nakasugbit sa baywang nito. Napalunok siya ng wala sa oras. Patay siya kapag pumutok iyon sa ulo niya.

"Anzer, ilagay mo nga iyang baril mo sa lagayan mo." Utos ni Ate Tin. Hinampas pa nito sa braso ang asawa.

"Hindi ko itatabi itong baril ko habang nandito pa ang lalaking iyan. Kaya sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin bago ko pa bunutin itong baril ko at iputok diyan sa ulo mo."

Muli siyang napalunok dahil sa banta nito. Kung alam lang talaga niya na nasa baywang nito ang baril nito, di sana ay naghanda na siya ng last well of testament niya. Hindi na siya makakalabas ng bahay na iyon ng buhay dahil sigurado siyang lalabas siyang malamig na bangkay kapag nalaman nito ang ginawa niya sa kapatid nito.

"Kuya, pwede bang huminahon ka," wika ni Anniza.

"Sabihin niyo kasi kung anong sasabihin niyo." Sigaw nito habang masamang nakatingin sa kanya.

Nilingon niya ang kasintahan bago ibinalik ang tingin sa kapatid nito.

"Buntis po si Anniza at ako ang ama."

Tumaas lang ang kilay ng kapatid ni anniza at sumandal sa upuan. "anong plano niyo ngayon?"

Nagkatingin sila ni Anniza. Hindi sila agad nakapagsalita dahil sa tanong na iyon ng Kuya nito. Pero ang mas hindi nila inaasahan ay ang reaksyon nito. Kalmado lang kasi ito at parang wala lang dito ang binanggit niyang balita.

"N-narinig niyo po ba ang sinabi ko?"

"Ya! Buntis ang kapatid kaya tinatanong kita kung ano ang plano niyo?" Seryusong tanong nito.

Namayani ang katahimikan sa paligid. Walang nagsalita kahit isa sa kanila. Nakatitig lang sila sa kapatid ni Anniza na wala pa ring emosyon ang mukha.

"Annie..." Si Ate Tin na ang bumasag ng katahimikan. "May plano na ba kayo ni Joshua sa bata? Sa relasyon niyong dalawa?"

Humigpit ang pagkakahawak ni Anniza sa kamay niya. Hindi nila iyon pinag-usapan kanina. Basta nagdesisyon silang ka-usapin ang Kuya nito. Kailangan nilang harapin ang importanting tao sa buhay ni Anniza.

"Balak kong bumili ng bahay para sa amin ni Anniza. Gusto namin lumaki sa maayos na tahanan ang anak namin." Sagot niya.

Tumungo si Anzer. "Okay! Paano naman kayong dalawa?"

"B-balak namin magsama sa iisang bubong, Kuya. Kung okay lang sa iyo na kapag nakabili na ng bahay si Joshua ay doon ako lilipat."

Huminga si Anzel at umayos ng upo. "Okay lang sa akin kung gusto mo ng bumungod, Anniza. Pero isang tanong lang ang gusto kong sagutin niyo ngayon."

"A-ano po iyon, Kuya?"

"May balak ba kayong magpakasal dalawa?"

Pareho silang nagkatinginan ni Anniza. Kita niya ang pamumutla nito. Ngumiti lang siya sa kasintahan at pinisil ang kamay nitong nanlamig. Humarap siyang muli sa Kuya nito. Tinitigan niya ito sa mga mata.

"Yes. May balak akong pakasalan si Anniza. Kung hindi mo tutulan gusto ko sana ay sa huwes muna ang kasal namin at pagnakapanganak na siya ay sa simbahan." Sagot niya dito.

Ilang sandaling hindi sumagot ang kapatid ni Anniza. Nakatitig lang ito sa mga mata niya. Naramdaman niya ang paghigpit ni Anniza ng pagkakahawak sa kamay niya. Alam niya kung anong iniisip ng kasintahan. Nag-aalala ito na baka hindi pumayag ang Kuya nito sa gusto niya.

"Hindi ako tututol sa plano niyo. Pero paano ang mga magulang mo? Alam natin na ayaw nito sa kapatid ko. At saka, kilala na ba niya talaga si Anniza? Alam niya ba ang nakaraan namin sa pamilya niyo?"

"Hindi pa nila alam ang tungkol sa nakaraan niyo sa pamilya namin at kahit pa na hindi sila pumayag sa pagpapakasal ko kay Anniza. Wala silang magagawa pa. Buhay ko ito at gagawin ko ang gusto ko. Hindi ko pakakawalan si Anniza ng dahil lang sa magulang ko. Si Anniza lang ang nakikita kong makakasama ko sa habang buhay." Tapat niyang wika dito.

Ilang sandaling hindi kumibo ang kapatid ni Anniza. Mamaya pa ay ngumiti ito na siyang ikinatigil niya. Ito ang unang pagkakataon na ngumiti ang kapatid ng kasintahan sa kanya. Sinundan niya ito ng tingin ng tumayo ito sa harap niya. Inilahad nito ang kamay.

"Ingatan mo sana ang kapatid ko, Mr. Wang. Iyan lang ang hihilingin ko sa iyo. Kasi si Annie, siya ang angel ko. Mahal na mahal ko ang kapatid ko at gagawin ko ang lahat para sa kanya. Handa akong pumatay ng tao para sa kanya. Maasahan ko ba na iingatan mo siya?"

Ngumiti siya rito. Tumayo na rin siya at tinanggap ang kamay nitong nakalahad. "Asahan mong iingatan ko siya. Siya ang magiging reyna ng buhay ko. Sa kanila ng anak namin iikot ang buhay ko. Tutumbasan ko ang pagmamahal mo na ibinigay sa kanya."

Tumungo sa kanya ang kapatid nito. "Sana ay hindi mo baliin ang mga sinabi mo, Mr. Wang."

Ngumiti siya at tumingin sa kasintahan na nakikinig lang sa kanila. Naka-upo pa rin ito sa mahabang sofa. "She is my life saver; I will do everything not to lose her. She completes me." Humarap siyang muli sa kapatid ni Anniza. "I can't lose her."