"SAAN BA TAYO PUPUNTA?" tanong ni Anniza sa kasintahan.
Linggo ng araw na iyon at niyaya siya ng nobyo na lumabas para kumain. Ipinagpaalam na agad siya nito sa Kuya niya kagabi. Simula ng magka-usap ang dalawa noong isang araw ay naging malapit na ang binata sa kanyang Kuya na siyang ikinasiya niya. Madalas na rin ang binata sa bahay nila. Kulang na nga lang ay doon matulog ang binata.
Ngumiti si Joshua at ginagap ang kamay niya. "You will see."
Hindi na siya nagsalita at inirapan lang ito. Tumingin siya sa dinadaanan nila. Nasa Edsa sila kaya wala talaga siyang idea kung saan sila pupunta. Nagtagpo ang kilay niya ng pumasok sila sa may Ortigas Ave tapos sa isang subdivision.
"Sir, check lang po ng I.D?" tanong ng guard doon.
Kinuha ni Joshua ang I.D nito sa wallet na nasa harapan at ibigay sa guard. Lumapit ulit ang guard sa guard house at may tiningnan. Bumalik din agad ang guard at ibingay ang I.D ni Joshua.
"Pasensya na po, Sir. Pwede na po kayong tumuloy."
"It's okay." Tumungo lang si Joshua at isinara na ang salamin ng kotse.
"Anong gagawin natin dito?" tanong niya sa kasintahan ng magsimula na itong magmaneho.
Sinulyapan lang siya nito at pinagpatuloy na ang pagmamaneho. Umikot sila sa loob ng subdivision hanggang sa huminto sa dalawang palapag na bagay na may maroon gate. Nagtagpo ang kilay niya na sinulyapan ang kasintahan.
"I'm promise your brother. And I want us to start a new life with our new home."
Napangiti siya sa sinabi nito. Unang lumabas ng kotse si Joshua. Pinagbukasan siya nito ng pinto at inalalayan na lumabas. Pinagsalikop ni Joshua ang kamay nilang dalawa at naglakad papunta sa gate ng malaking bahay. Hindi naman kataasan ang taas ng pader. Nakikita pa nga mula sa kinatatayuan nila ang pinto ng bahay. Sumilip siya. Marami siyang nakitang mga halaman at may pathway papunta sa main door. Pansin din ang garden seat sa loob. Dirty-white ang kulay ng bahay at hanggang dalawang palapag. Pansin din ang dalawang teresa sa itaas.
Hindi niya mapigilan na mamangha sa ganda ng bahay. Binuksan ni Joshua ang maliit na gate sa gilid. Unang pumasok si Joshua. Tinahak nila ang pathway papunta sa main door ng bahay. At gamit ang isang kamay nito ay binuksan nito ang pinto ng main door. Sumalubong sa kanila ang amoy-pintura ng bahay. Halatang kakatapos lang ng bahay na iyon. Pumasok silang dalawa ni Joshua. Wala siyang nakitang gamit. It was an empty house.
"Wala pa akong biniling gamit dahil balak kong bumili kasama ka. Gusto ko na ikaw ang pumili ng gamit natin para sa bahay," anito.
Napatingin siya sa kasintahan. He always consider what she likes and what she wants. Inikot niya ang paningin sa paligid. Malawak ang sala ng bahay. Sa gilid nito ay may hagdan papunta sa second floor. Binitiwan niya ang kamay ng binata. Naglakad pa siya papunta sa malawak na sala. Nang tumingin siya sa gilid, sa ilalim ng hagdan ay may sliding door. Lumapit siya doon at sumilip. Napangiti siya ng makita ang malawak na harden at sa gilid noon ay may swimming pool. Binuksan niya ang sliding door at lumabas. Lalo siyang napangiti ng makita ang swing na nasa tabi lang ng mga tanim na halaman. Lumingon siya. Ang matamis na ngiti ni Joshua ang sumalubong sa kanya. Nakasandal ito sa hamba ng pinto.
"Do you like it?" Malambing nitong tanong.
"Oo. Napakamaliwalas. Ito ang magiging paborito kong spot dito sa loob ng bahay."
Umayos ng tayo si Joshua at hinawakan siya sa balikat. Pinatalikod siya nito bago niyakap sa kanyang baywang. Ipinatong din nito ang ulo sa kanyang balikat. Napangiti siya sa posisyon nilang dalawa.
"Thank you for coming to my life, hon."
Ginulo niya ang buhok nito ngumit wala siyang narinig na reklamo sa binata. "You are always welcome, Airen. Thank you also for loving me. For fighting for us."
Humigpit lang ang pagkakayakap ng binata sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang binata na kayakapin siya ng ganoon. She wanted him to know that she will always be there for him. Na hindi lang ito ang lalaban sa kanilang pagmamahalan kung hindi pati na rin siya.
Pagkatapos nilang ikutin ang buong bahay ay pumunta sila sa pinakamalapit na mall. Titingin sila ng mga gamit na ipapasok sa loob ng bahay. Iyong mga furniture ay titingin sila sa catalog ng kompanya pero iyong mga appliances ay ngayon nila titingnan.
"Gusto mo bang door na refrigerator ang ilagay natin sa kusina?" tanong ni Joshua habang masusing binubusisi ang bibilhin nilang gamit.
May nakasunod sa kanilang sales lady at kanina pa niya napapansin na panay ang tingin sa kanyang kasintahan. Hindi naman makakaila na agaw pansinin ang kasintahan niya dahil gwapo ito pero hindi niya gusto ang ginagawa ng babae. Alam nito na kasintahan siya ng binata dahil kanina pa siya tinatawag ni Joshua na 'hon' pero hindi pa rin tumitigil ang babae. Inilagay niya ang dalawang kamay sa braso nito. Nakuha niya ang atensyon ng babae. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Mas mabuti na iyong dalawang pinto. Gusto kitang ipagluto ng gusto mong pagkain, Airen." Pinalambing niya ang boses na siyang umani ng salubong na kilay sa kasintahan.
"Okay. I love your cook." Pinisil ni Joshua ang baba niya.
Tumingin siya muli sa babae at tinitigan ito. Gusto niyang iparating dito na sa kanya ang binata at hindi nito pwedeng agawin.
Isang irap ang ginawa ng babae na siyang ikinangiti niya. Hindi nito maagaw sa kanya ang nobyo kung iyon ang inisip nito. Pinagpatuloy na nila ni Joshua ang tingin ng mga appliances. Hindi na rin sinubukan ng babae na tumingin kay Joshua. Nang matapos sila at sinabi ni Joshua na i-deliver ang mga pinamili nila bukas sa bagong bahay nila ay pumunta sila sa isang Japanese restaurant para kumakain.
"Ano kaya magiging reaksyon nina Carila at Maze kapag nalaman nilang magpapakasal tayo?" tanong niya sa nobyo.
Noong nakaraang linggo lang ay sinabi nilang buntis siya. Hindi iyon sinasadyang malaman ng mga kaibigan. Nadulas ang binata kaya nalaman ng mga ito pero okay na rin. At least, wala silang nililihim dalawa. Hindi pa nga lang nila sinasabi na balak nilang magpakasal ni Joshua sa huwes. At saka ikakasal din kasi ang pinsan nitong si Shilo. Nagulat sila sa nalaman. Shilo at Kaze is engage. Lalo pa silang nagulat ng malaman nilang magkasintahan na pala ang dalawa. Wala kasi silang napapansin pero okay na din iyon. Kaze love Shilo for so long. At ganoon din naman si Shilo.
"Siguradong magugulat." Natatawang wika ni Joshua.
"Okay lang ba na sabay tayong ikasal sa kanila ngayong taon?" tanong niya.
"Wala naman problema. At saka, iilan lang naman ang pupunta sa kasal natin. I want our wedding to be private. Okay na sa akin na ang pamilya mo at malalapit kong kaibigan ang pupunta. At saka, hindi pa naman kasal sa simbahan ang gagawin natin."
Tumungo siya. Napagkasunduan nila na sa huwes muna sila magpapakasal dalawa. Nais na agad kasi ni Joshua na makasal sila. Kapag kasal kasi sa simbahan ay matagal pa. Ayaw din nitong pabilis ang process ng church wedding nila. Hindi daw iyon ang pangarap nito para sa kanilang dalawa. Joshua wants their church wedding to be perfect. Kaya mas mabuti na iyong sa huwes muna ang kasal nila.
"Sino bang balak mong dumalo sa kasal natin sa side mo?"
"Patrick, Asher, Liam, Kuya Shan, Shilo at Kaze. Sila lang ang balak kung sumaksi sa kasal natin. Kaka-usapin ko si Shilo at Kaze bukas. Ganoon din si Tito Shawn at Tita Sheena."
Natigilan siya. Yumuko siya at huminga ng malalim. "W-wala ka bang balak na sabihin sa mga magulang mo?"
Nagtaas ng tingin si Joshua. "No. Nasisigurado akong pipigilan nila ang kasal natin. Lalo na kapag nakita nila ang Kuya at Ate mo. I don't want our wedding to be ruin by them."
May naramdaman siyang kirot sa puso niya. Alam niyang hindi siya matatanggap ng mga magulang ni Joshua kahit kailan. Kahit anong gawin niya ay nakikita na niya ang mangyayari. At dahil sa pagpapakasal niya dito ay nasisigurado niyang masisira niya ng tuluyan ang relasyon ng pamilya nito.
"Hon, don't mind them. Please! Let's focus ourselves on each other."
"Pero magulang mo pa rin sila. Kara---"
"Karapatan ko din na pumili ng taong mamahalin." Iniabot ni Joshua ang kamay niya at pinisil. "Let's be selfish. Not only for ours but also for our baby. Para lang sa anak natin, Annie."
Upon hearing their child, she agrees to him. Hindi na pala dapat niya isipin ang tungkol sa magulang nito. Magkaka-anak na sila ni Joshua at ito dapat ang unahin niya. Ngumiti si Joshua.
"Don't worry about them. Let focus on our future with our child. Hindi ang magulang ko ang pakakasalan mo kung hindi ako. Hindi sa kanila ka matatali kung hindi sa amin ng anak natin."
Tumungo siya sa kasintahan.
"ARE YOU OKAY?" ang tanong na iyon ni Kaze ang siyang nagpalingon kay Anniza.
Nasa bagong bahay nilang dalawa ni Joshua sila ng mga sandaling iyon. Kasama niya sa kwarto si Kaze at Carila. Nakalabas na kanina pa ang make-up artist na kinuha ni Joshua at ganoon din ang kinuha nitong taga-ayos ng kanyang buhok.
"I'm fine." Sagot niya kahit pa nga hindi naman talaga iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Nagkatinginan ang dalawa bago lumapit sa kanya. Unang humawak ng kanyang kamay ay si Carila.
"Alam ko ang pakiramdam, Annie. Ganyan din ako noong ikinasal ako kay Shan pero kapag nandoon ka na wala ng ibang papasok sa isip mo kung hindi ang taong naghihintay sa iyo sa harap ng altar."
Napangiti siya sa sinabi ni Carila. "Rila, hindi naman ako ikakasal sa simbahan kung hindi sa huwes. Sa apat na sulok lang ng opisina ng judge."
Narinig niyang tumawa ng mahina si Kaze. Sabay silang napatingin dito ni Carila. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Tinatawa mo diyan? Tandaan mo ikaw ang susunod na ikakasal sa atin tatlo. Malapit na rin ang kasal niyo ni Shilo," aniya sa kaibigan.
Nawala ang ngiti sa labi ni Kaze at napalitan ng lungkot. Nakaramdam siya ng lungkot para dito. Nalaman niya mula kay Joshua ang totoong dahilan ng pagpapakasal ng dalawa. Talaga palang mahal na mahal ni Kaze si Shilo na kahit sa isang pagpapanggap lang ay maging pagmamay-ari nito ang binata. Masasabi niyang maswerte siya dahil naging sila talaga ni Joshua. Pinapanalangin niya na lang ngayon na sana ay magkaroon ng lakas na loob si Shilo na sabihin kay Kaze ang totoong nararamdaman nito.
"Yes! Sa wakas ikakasal na din ako kay Shilo." Mahina ang boses na sabi ni Kaze.
Nagkatinginan silang dalawa ni Ate Carila. Pareho silang nakikisimpatya sa kaibigan. Huminga siya ng malalim at tumayo sa harap ni Kaze. Hinawakan niya ang kamay nito.
"Shilo love you, Kaze. Iyon sana ang panghawakan mo. Darating din ang time na marerealize niya ang nararamdaman niya. Panghawakan mo ang mga sinasabi ko."
Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa labi nito. Napasimangot siya dahil sa ginawa ng kaibigan.
"Kaze, kasal ko ngayon at ayaw ko ng malungkot."
"I'm sorry," anito at niyakap siya.
Kaze didn't change. Kahit na pumalike ito sa poder ng totoong ina nito at ito ang pinakamayamang babae sa Asia ay hindi pa rin nito kinakalimutan ang pinanggalingan nito. Kung ano ito bago nakilala ang totoong ina. Mabait, simple at baliw pa rin kay Shilo ang kaibigan. Kaya nga kahit na hindi na parte ng MDHGC si Kaze ay nakakasama pa rin ito sa bonding ng mga dating empleyado.
"Hay! Ang drama niyong dalawa. Tara na at naghihintay na sa baba ang driver na hahatid sa atin sa opisina ng judge." Putol ni Ate Carila sa momento nila ng kaibigan.
Nagkatinginan lang sila ni Kaze at tumawa. Tinulungan siya ng dalawa na makalabas ng bahay. Nagpapasalamat siya at hindi pa malaki ang kanyang tiyan. Dalawang buwan palang naman ang dinadala niya kaya masusuot pa naman niya ang piniling damit pangkasal.
Napangiti siya ng makita si Asher. Ito ang maghahatid sa kanila papunta sa opisina ng judge. Wala na doon ang Ate Tin at Kuya Anzer niya. Na-una na ang mga ito kasama ang dalawang pamangkin niya.
Nagkita na rin kanina si Ate Tin at Sir Shan. Walang kibuan ang dalawa at hindi umaalis sa tabi ni Ate Carila si Sir Shan. Para itong asong nakabuntot kay Ate carila kanina. Kung hindi pa ito hinila ni Sir Shilo at Patrick ay baka nanatili pa ang asawa ng kaibigan. Doon niya rin napatunayan na talagang mahal na mahal ni Sir Shan si Ate Carila.
Kasama niya sa sasakyan si Ate Carila habang si Kaze ay sa sariling kotse nito. Nakasunod lang ito sa kanila. Nang marating nila ang opisina ng judge ay sinalubong sila ni MT, Wilsy, Grey Thec, at Prince. Mga kaibigan ni Joshua na dumalo kahit na hindi sinabihan ni Joshua.
"Hello, Mrs. Wang." Bati ni Wilsy sa kanya.
"Wil, tatlo iyang Mrs. Wang na nasa harap mo." Biro ni Prince.
Pinakilala ito ni Joshua noong isang araw sa kanya. Prince is a real Prince in Spain. Mahilig lang itong pumunta ng Pilipinas dahil na rin sa anking ganda noon.
Tumingin ang mga lalaking nandoon sa kanilang tatlo.
"Oww!!! Nandito pala ang tatlong Mrs. Wang. The real Mrs. Wang, the bride Mrs. Wang and the future Mrs. Wang." Isa-isa silang tinuro ni Wilsy.
Nakita niyang umiling si MT. Kung hindi niya kilala itong si Wilsy ay baka masabi niyang maluwag na turnilyo nito sa ulo.
"Guys, come on. Naghihintay na ang groom sa itaas. Inutusan lang niya tayong, salubungin ang future wife niya." Si GT (Grey Thec) ang pumutol sa kakulitan ni Wilsy.
Napangiti lang siya dahil sa sinabi nito. Inalalayan na siya ng mga ito. Nasa second floor kasi ang opisina ng judge. At dahil kasal niya, mas pinili niyang magsuot ng half inches pointed slipper. Pinayagan naman siya ni Cathness. Basta daw pagkatapos ng kasal niya ay huhubarin din niya. Si Kaze at Ate Carila ang umalalay sa kanya pa-akyat. Habang ang mga lalaking inutusan ng kanyang groom ay nasa likuran at naka-alalay. Sina MT at Grey Thec ang nasa unahan nila. Si Asher ay nasa likuran kasama si Wilsy at Prince.
Huminto sila sa dalawang pinto. Inayos muna ni Asher at Prince ang damit niya. Sina MT, at Wilsy ay nakahawak sa may pinto.
"Are you ready?" tanong ni MT.
Tumungo siya bilang sagot. Naging hudyat naman ang sagot niya para buksan nito ang pinto ng opisina. Paghakbang niya papasok ay isang kanta ang kanyang narinig. Nagulat pa siya dahil hindi naman ganoon kapag ikakasal sa huwes. MT gives her the bouget of white roses. Humakbang siya at nakita ang loob ng kwarto. Napangiti siya dahil hindi lang isang simpleng kasal sa huwes ang mangyayari sa pagitan nila ni Joshua. Lalo siyang napangiti ng makilala ang kantang naririnig nila.
(I think I love you – Tagalog version by Marianne Topacio)
Hindi maaring ako'y umiibig sa'yo
Ang isipa'y di makapaniwala dito
Marahil nga'y nalilito
At nalulungkot lamang ako
Pero pilit mang tanggihan at kalimutan
Sadyang 'di mapigilan
Slowly, Anniza walk towards Joshua. Nakatitig siya sa mga mata nito. Those eyes that she loves. Those eyes that looking at her with so much love. Alam niyang sa pagpapakasal dito ay hinahayaan niya ang sarili na baguhin nito. Well, simula naman na pumasok ang binata sa buhay niya ay nagbago na ang lahat. And she going to marry the man who complete her life.
I think I love you,
Marahil tama 'cause I miss you,
Walang kayang gawin kung ikaw ay wala
Sa 'king isipan ika'y laging nagdaraan
I'm fallin' for you
Ngayon lang nalaman
I need you
Sa aking puso nga'y
Mayron kang puwang
Tanging ikaw lang
Tibok nito'y para sa'yo lamang...
Gusto niyang matawa. Ginawa kasing mini-church ang opisina ng judge. Nasisigurado niyang kilala ng binata ang magkakasal sa kanila dahil pumayag itong gawin iyon. Ang kasal na yata niya ang kakaibang kasal sa huwes. May mga bulaklak kasi sa loob ng opisina. White roses are everywhere. Akala niya ay simpleng kasal lang ang magaganap. Iyong kasal na kasama lang nila ang mga taong importante sa buhay nila. Ngunit Joshua is Joshua.
Hindi tinadhana ang ating mga landas
'Di rin nababagay para sa isa't-isa
Ngunit magmamaang-maangan ba
Kung ang pusong ito'y hanap ka?
Kaya't di na tatanggihan ang nararamdaman
Pagtingin sa 'yo'y ilalaan
Tumingin siya sa kaliwang bahagi at doon niya nakita ang Kuya Anzer at Ate Tin niya. Kasama ng mga ito ang dalawa niyang pamangkin. Napangiti siya ng makita ang na-iiyak na Kuya niya. Na-iintindihan niya kung bakit ganoon ang reaksyon nito. Her brother stands as her father for so long. Ito na ang tumayong ama at kuya sa kanya. He sacrifices everything for her.
'I love you' she said without a tone.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa lalaking pakakasalan. Nakasuot ito ng puting three pieces suit. May puting rosas sa bulsa ng suot nitong suit. Ang gwapo ito. Joshua not usually wear like that. Madalas ay simpleng polo shirt lang talaga ito sa loob ng opisina. Kapag may meeting lang talaga ito nagsusuot ng ganyan.
Ba't ngayon lang nalamang ikaw pala?
Ba't ngayon ko lamang napansin?
'Di ko inakalang ikaw lang pala ang siyang hanap
Ngayon ang puso'y handa nan gang magmahal...
As she stands in front of Joshua, she saw that his eyes are about to cry. This man is emotional at that moment. She realizes that this man truly loves her. For the past three years of their relationship Joshua never fail to amaze her. He opens himself to her. Nakilala niya ito ng lubusan ng maging sila at hindi siya nagsisi na minahal ito. Tama nga ang sabi nila na kapag hinintay mo ang tamang tao na para sa iyo ay ibibigay iyon sa tamang oras.
"I love you." Joshua whisper to her.
"I love you too. Thank you for being here with me." Basag ang boses na wika niya niya. Kahit siya ay hindi napigilan na maging emosyonal.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng binata. "I'm also thankful that you come to my life and save me from my dark."
Hinawakan ni Joshua ang kamay niya at sabay nilang hinarap ang judge na magkakasal sa kanila. As they face the judge, they also face their future together while holding their hands together.