PAPUNTA SA opisina ng kanyang pinsan si Joshua. May kailangan kasi siyang ibigay sa pinsan. Ayaw niyang umakyat ang kasintahan dahil may inaasikaso itong list ng mga applicant. Paglabas niya ng elevator ay nagsalubong ang kilay niya ng makita ang babaeng nakatayo sa table ni Maze. Kahit malayo pa lang ay kitang-kita na niya ang mukha ng babae. Nanindig ang balahibo niya ng makita ito. Anong ginagawa ng babaeng ito sa opisina ng pinsan?
Huminga siya ng malalim. Naglakad siya habang nakatingin sa papeles na hawak. Nagkonwari ay abala siya sa binabasang papeles.
"I'm sorry, ma'am but I don't know you."
"Then, remember my name. I'm Franz Andria Lee and I will be your next boss."
Narinig niya ang pag-uusap ng dalawa. Andria never changes. Ganoon pa rin ito makitungo sa ibang tao.
"Maze, nandiyan na ba si Shilo?" tanong niya ng hindi nakatingin dito.
"He won't be here today." Narinig niyang sagot ni Maze.
"Bakit? May meeting kami ma...." Nagtaas siya ng tingin at nagtagpo ang kanilang mga mata ng babae. Nagkunwari siyang nagulat ng makita ito. "A-Andria!"
"Hi, Joshua. How are you?" Nakangiting tanong ng babae.
"Anong ginagawa mo dito?" Pinagpatuloy niya ang pagkukunwaring nagulat na makita ito.
"Anong klasing tanong iyan, Josh? Hindi ka ba natutuwang makita ako? Kailan ba tayo huling nagkita, four years ago?" Andria still used that tone. A friendly tone to someone she used to be closed.
"Four years. Apat na taon kang nawala at hindi nagpakita sa lahat. Anong ginagawa mo dito sa opisina ni Shilo?"
Umikot ang paningin nito sa loob ng opisina at tumigil kay Maze. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng dating kaibigan. May disgustong nakarehistro doon at nais niyang mainis. Bakit ba parang minamata ni Andria si Maze. Kung may tao siyang gusto para sa pinsan, si Maze na iyon. Hindi sa ayaw niya kay Andria pero ibang-iba kasi si Maze. She is amazing and perfect for his cousin, who never smile to anyone.
"Narito ako para dalawin ang fiancé ko. Namimiss ko na siya."
Namutla siya ng marinig ang sinabi nito. May naalala siyang gabi dahil sa pagbanggit nitong iyon. Hindi pa rin pala talaga nakakalimutan ni Andria ang gabing iyon. Hanggang ngayon ay pinanghahawakan pa rin nito ang pangakong iyon na kung tutuusin ay hindi si Shilo ang gumawa. Tumingin siya kay Maze. Lalo siyang natakot. May lungkot at sakit na nakarehistro sa mga mata nito. This is not good. Baka magkaproblema pa ang pinsan sa love life nito.
Ibinalik niya ang tingin kay Andria. Tumawa siya ng bahagya kahit pekeng tawa iyon. "Fiancé? Sino si Shan?"
"Si Shan? Nandito na ulit siya?"
"Oo, at matagal na siyang kinasal..."
"Alam mong hindi si Shan ang tinutukoy ko." Na-iinis na wika ni Andria sa kanya. Alam naman kasi niya kung sino ang tinutukoy nito. Hindi naman kasi linggid sa kaalaman nilang lahat na si Shilo ang taong noon pa nito minamahal.
Tumingin siya kay Maze bago muling ibinalik kay Andria.
"Let's go near the coffee shop. We need to talk." Seryusong sabi nito.
"Why? I need to talk to my fiancé. I need to talk to Shilo. Wait..." Hinila na niya si Andria kahit nagsasalita pa ito. Kailangan niyang ilayo ito kay Maze at baka maputol pa ang nagsisimulang love life ng kanyang pinsan.
Nahila niya hanggang sa may elevator si Andria. Nagpapasalamat siya at hindi na nagreklamo pa ang babae dahil kung mangyayari iyon ay makakakuha sila ang atensyon sa ibang empleyado. Ang masama pa noon ay baka makarating pa sa kasintahan niya. Kung may bagay man siyang huling gagawin para sa babaeng minamahal ay ang saktan ito. Hindi niya kayang makitang umiiyak si Anniza ng dahil sa kanya.
"What do you think your doing, Joshua?" tanong ni Andria. May pagkamataray ang tanong nito sa kanya.
"I need to tell you something but not here. Maraming mata ang opisina at hindi pwedeng masira ang pangalan ni Shilo. Andria, pinaghirapan ni Shilo ang posisyon niya ngayon," aniya.
Inirapan lang siya ni Andria at hindi siya pinansin. Bumuntong-hininga siya at kinuha ang cellphone sa bulsa. He dials Anniza's number. Naka-ilang ring palang ay may sumagot na sa kabilang linya.
"Yes! Tumawag ka." Mataray na sagot ng kasintahan.
Napangita siya. Ganoon na ganoon sumagot lagi sa kanya ang dalaga. "I be out. Babalik at mamaya para ihatid ka, babe."
"Saan ka naman pupunta? Hindi ba at may meeting kayo mamaya with other heads." Anniza know his schedule kaya wala siyang takas sa kasintahan.
"May kaibigan akong galing China na dinalaw si Shilo. Wala ang pinsan ko kaya ako na lang ang sasama sa kanya."
"Oh! Babae o lalaki?"
Nahimigan niya ng selos ang boses ng nobya. Napasandal siya sa elevator. "Babae."
Hindi nagsalita ang kasintahan sa kabilang linya. Alam na agad niya ang iniisip nito. Ngumiti siya dahil siguradong umuusok na naman ang ilong nito pero hindi siya pwede hindi magpaliwanag dito. May gira kapag hinayaan niya ang inis nito.
"She is a friend. Her name is Andria. Don't be jealous."
"Wala akong sinabi, Joshua."
Lumawak pa lalo ang pagkakangiti niya. "Okay. See you later. I miss you, babe. I love you."
Isang malalim na paghinga ang ginawa ng kasintahan. "I love you too."
Si Anniza na ang pumutol ng tawag. Nasisigurado niyang namumula ang mukha nito ng mga sandaling iyon. Masarap tuksuhin ang kasintahan dahil lagi siyang may nakikitang kaka-ibang emosyon sa mukha nito.
"Girlfriend?"
Napatingin siya sa kasama sa elevator. Bumalik sa kanya na dapat niya palang ka-usapin ang babaeng ito. Ang babaeng nagmamay-ari dati ng bata niyang puso. Huminga siya ng malalim at tumungo dito.
"Mukhang seryuso ka sa kanya? You look so in-love with her." Nakasandal sa elevator si Andria at naka-krus ang braso sa dibdib.
"I'm in-love with her. At matagal na akong nagseryuso sa buhay."
Tumaas ang kilay ni Andria. "Really? That's new. The last time we saw each other you used me to get ried of someone. Kamusta na nga pala siya? Malaki na ba ang anak niyo?"
Nakaramdam siya ng inis sa babaeng kaharap. Alam niyang sinisisi siya ni Andria sa naputol na sana'y relasyon nito kay Shilo. Malapit kasi naman talaga kay Shilo si Andrea. They are always and he is jealous. Na-isip niya noon na gusto niya ang dalaga kaya siya nagseselos sa pinsan. Noon pa naman kasi ay may paghanga na siyang nararamdaman sa babae pero hanggang doon lang pala iyon. He falls to Jassie without realizing it.
"She is no longer with us. They are both died years ago, Andria." Malamig niyang wika sa babae.
Nagbago ang bukas ng mukha ng babae. "I'm sorry. I didn't know." Mabilis nitong wika.
Umiling siya. "Don't be." Iyon lang at tumigin na siya sa pinto ng elevator.
Namayani ang katahimikan sa kanila hanggang sa basagin ulit iyon ng babae. "Did she know about her?"
Napatingin siya sa kay Andria. Guilt is written at her face. Hindi naman talaga ganoon kasama si Andria. Mabait at maasahan itong kaibigan. May pagkamaldita lang talaga ito minsan.
"Who?" salubong ang kilay na tanong niya.
Magsasalita na sana ang babae ng bumukas ang elevator. Lumabas silang dalawa at naglakad sa lobby ng opisina. Napansin niya ang paghabol ng tingin ng mga tanong nandoon. Siguradong nagtataka ang mga ito kung sino ang kasama niya. He didn't hold Andria's hand. Hindi niya pwedeng gawin iyon dahil baka makarating iyon kay Anniza. Kung maari ay nag-iingat siya sa mga kilos niya. Sa katapat na coffee shop niya dinala si Andria.
He orders dark coffee while Andria order strawberry shake.
"Anong sasabihin mo sa akin?" Si Andria ang nagbukas ng usapan.
Huminga siya ng malalim. "Leave my cousin alone, Andria. We all know that he is not your fiancé."
Biglang sumeryuso ang mukha ni Andria. "He promises to me that he will marry me. At iyon ang pinanghahawakan ko."
"But he already loves someone. May nagmamay-ari na ng kanyang puso at hindi ikaw iyon."
"Who? I can get rid of her."
Napakuyom siya sa ilalim ng mesa. Ito ang ayaw niya sa babae. She is presistance. At kapag gusto nito ay gusto nito. Huminga ulit siya ng malalim.
"Look, Andria. Alam natin na batang pangako lang ang binitawan sa iyo ng pinsan ko. Maraming nagbago sa buhay niya. Hindi ka nga niya madalaw sa bahay niyo sa China kapag nandoon siya. Andria, you better stop this. Sasaktan mo lang ang pinsan ko at ang sarili mo kapag ipipilit mo ang gusto mo."
Hindi nagsalita si Andria. Pinakatitigan lang siya nito. Mamaya pa ay tumaas ang sulok ng labi nito. "May gusto ka pa rin ba sa akin?"
Natigilan siya sa tanong nito. Bakit doon napunta ang usapan nila? Bakit nito natanong ang bagay na iyon.
"Tell me, Joshua. Hindi ba kaya mo ako ginamit noon ay dahil talagang may gusto ka sa akin. You won't used me if it's not true. Kaya tatanungin kita ngayon, gusto mo pa rin ba ako?"
Andria is playing with him again. Sumandal siya sa upuan. "Paano mo naman nasabi iyon?"
"Well, someone told me that you like me. Na dapat kitang tulungan dahil ako naman talaga ang gusto mo. So, tell me, do you still love me?"
Ngumiti siya sa dalaga. "Paano kung sabihin mong 'Oo' titigilan mo ba ang pinsan ko at ako ang pagtutuunan ng pansin?"
Tumawa si Andria. "So, ako pa rin pala ang gusto mo. Paano naman ang kasintahan mo? Akala ko ba ay mahal mo siya."
"I love her. Pero pwede naman dalawa kayo sa buhay ko."
"Ow!!! Ayaw ko ng kahati sa boyfriend, Joshua. Kaya nga gusto ko si Shilo dahil alam kung loyal siya sa karelasyon niya. I don't want a playboy."
Tumaas ang kilay niya. "Ayaw mo ng kahati sa boyfriend pero alam mong may ibang babaeng nagugustuhan si Shilo. Pa---" hindi niya natapos ang sasabihin ng may malamig na bagay na bumuhos sa kanya.
Nanlalaki ang mga matang tiningnan ang sariling damit. Basang-basa siya. Galit niyang nilingon ang taong may kagagawan ng nangyari sa kanya pero agad din namutla ng makilala ang babaeng ngayon ay umaayos sa galit na nakatingin sa kanya.
"You love her than me. Then fine, magsama kayong dalawa." Sigaw ni Anniza.
Galit itong tumingin kay Andria. Galit nitong nilapag ang basong hawak at mabilis siyang tinalikuran. Nagpanic ang brain cell niya. Mabilis siyang tumayo at sinundan ang kasintahan.
"Annie! Wait! Let me explain!" sigaw niya.
'Bull***!!! Why I didn't think that Annie will go there. You are so stupid, Joshua." Pangaral niya sa sarili.
Nagpapasalamat siya at walang masyadong dumadaan na sasakyan dahil tuloy-tuloy ang pagtawid ng kasintahan papunta sa building ng opisina. He hates himself for hurting Annie. Basta na lang siya gumalaw ng hindi na-iisip ang maaring mangyari kapag ginawa niya ang bagay na iyon.
Naabutan niya ang kasintahan sa lobby ng opisina. Nahawakan niya ito sa braso. "Annie!"
Hindi siya hinarap ng kasintahan. "Let go of me."
"Let me explain. Hayaan mo akong magpaliwanag." Nagsusumamo ang boses niya.
"Ano pang-ipapaliwanag mo? Narinig ko lahat. Narinig ko ang mga sinabi mo sa kanya kaya para saan pa ang paliwanag na ibibigay mo." Galit na sigaw ni Anniza.
Hinarap siya nito. May libo-libong patalim na tumarak sa kanyang dibdib ng makita ang mukha ng kasintahan. Dumadaloy ang luha sa maputi nitong pisngi. Nasa mga mata nito ang sakit ng ginawa niya kanina. Now, he wanted to hit himself for making Anniza cry. Hindi ba at pinangako niya sa sarili na hindi ito pa-iiyakin kaya ano itong ginawa niya.
"Babe, I'm sorry. It's not what you think. Sinabi ko lang naman iyon para tigilan niya si Shilo. Alam mo naman di ba na para lang kay Ma---"
"At sinabi ko din sa iyo na wag kang maki-alam sa relasyon ng pinsan mo." Hinila ni Anniza ang kamay nito at tinalikuran siya.
Muli sana niyang hahawakan ang kamay nito ng may tumawag sa kanya. Napalingon siya at nakita ang mga magulang na palapit sa kanila.
"What are doing in the lobby?" tanong ng ama sa seryusong boses.
Wrong timing ang kanyang mga magulang. Huminga siya ng malalim at nilingon ang kasintahan ngunit wala na ito sa kintatayuan nito. Napapikit siya ng mariin at hinarap ang mga magulang na tuluyan ng nakalapit sa kanya.
"I need to go, Dad, Mom. See you later." Tinalikuran na niya ang mga magulang para sundan ang kasintahan.
Ngunit hindi pa siya nakakahakbang ng magsalita ang ina.
"I saw Andria outside. Did you see each other?"
Nagtaas-baba ang dibdib niya. Hinarap niya muli ang mga magulang. Wala siyang nababasang emosyon sa mukha ng ama habang ang ina ay nakangiti. Huminga siya ng malalim.
"Yes! Nagkita kami kanina at nagka-usap," sagot niya.
"Ow! That's nice. I invited her to have dinner with us and she said yes. Sumama ka mamaya sa amin pagkatapos ng meeting."
Nagsalubong ang kilay niya. Heto na naman ang ina sa paninipula ng kanyang buhay pag-ibig.
"I'm sorry, Mom. May lakad ako mamaya. Kayo na lang po."
Nagbago ang expression ng mukha ng ama habang ang ina ay binalot ng lungkot. "Saan ka pupunta? Change your plan. Kailangan mo kaming samahan sa dinner mamaya."
Napakuyom siya sa sinabi ng ama. "I'm sorry, Dad pero mas importante ang pupuntahan ko. Kaligayahan ko ang nakataya sa lakad ko mamaya."
Tatalikuran na sana niya ang mga ito ng galit na sumigaw ang ina.
"Are you dating that woman?"
Napatingin sa kanila ang mga empleyadong nasa lobby ng mga sandaling iyon. Nakita niyang hinawakan ng kanyang ama sa braso ang kanyang ina ngunit pumiksi ang ina. Nababalot na ng galit ang mukha nito.
"Don't stop me, Zhel. I want to heard from you the truth, Joshua. Are you dating that woman?"
"Who are you talking, Mom?"
Wala na din siyang paki-alam sa mga taong nakapaligid sa kanila. For once, he wanted them to know that Anniza is his girlfriend. That he loves her dearly. Gusto niyang ipagsigawan na mahal niya ito. That Anniza already own him.
"You're secretary. Are you dating your secretary?" Sigaw ng kanyang ina na siguradong narinig ng lahat.
"Do you want to know the truth, Mom?"
"Yes!"
"Princess, stop it. Maraming taong nakatingin." Paalala ng kanyang ama.
"I don't care. They tried to gossip us. I will fire them, one by one and make sure that they won't be hire to any company they will apply."
Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. His mother will never change.
"You want to know the truth. Fine, Mom!" iniikot niya ang mga mata sa paligid. Hindi man nakatingin sa kanila ang mga tao ay alam niyang nakikinig ang mga ito.
"Yes, Mom. I'm dating my secretary. May relasyon kami at matagal ko na siyang kasintahan. Now, you know. Are you happy?"
Nagdikit ang mga labi ng ina. Namula ang mukha nito. Ang sunod nitong ginawa ay hindi niya inaasahan mula sa ina. She snaps her hard. Namanhid ang kanyang pisngi at napatingin siya sa kaliwang bahagi. Napahawak siya sa nasaktang pisngi.
"You are stupid child. Anong pumasok sa kukote mo at niligawan mo ang sekretarya mo? Sumunod ka pa talaga sa yapak ng pinsan mong isa din tanga." Sigaw ng kanyang ina.
Joshua feel the pain inside his hurt. Nasaktan siya hindi para sarili kung hindi para din sa pinsan. Alam naman niyang hindi nagustuhan ng magulang ang ginawang pagpapakasal ni Kuya Shan kay Carila pero dahil nakasuporta si Tito Shawn kahit pa nga ayaw nitong makasal si Shan kay Carila ay walang nagawa ang kanyagn mga magulang. Si Tito Shawn pa rin ang ama ni Kuya at walang karapatan ang mga magulang niya na maki-alam sa buhay nito.
Sinalubong niya ang galit na mga mata ng ina. "What wrong with my decision, mom? Mahal ko si Anniza at siya ang nilalaman ng puso ko. Mali bang sundin ko ang puso ko na alam ko na kanya ako sasaya."
"Sasaya? Alam mo ba kung anong pinagsasabi mo? Paano ka sasaya kung ganyan ang estado niya sa buhay. Hindi natin siya kapantay, Joshua. Si Andria ang babaeng nararapatan sa iyo. Kaya hiwalayan mo ang babaeng iyon at paalisin mo siya sa kompanyang ito."
"I won't do that, Mom. I'm sorry pero hindi ko kayo masusunod."
Lalong umusok sa galit ang ina dahil sa sinabi niya.
"You---"
"Princess, Zhel!" ang sigaw na iyon ang nagpatigil sa ina.
Lahat sila ay sabay na napatingin sa deriksyon ng taong nagsalita. Tito Shawn with Shilo is walking towards them. Seryuso ang mukha ni Tito Shawn habang si Shilo ay walang emosyon ang mukha. Napatingin siya sa kamay ng pinsan at nakakuyom iyon. He is mad.
"Great! You are here. I want you to fired his secretary. They are dating and they shouldn't do that. Alisin mo ang malanding babaeng iyon sa buhay ng anak ko, Shawn."
Galit siyang napatingin sa ina. What she called to Anniza is not acceptable to him. Sisinghalan na sana niya ang ina ng magsalita si Shilo.
"It's not appropriate to call our employee in that way, Tita. And also, we have law to follow. Hindi tamang tanggalin namin ang isang efficient person ng dahil lang sa may relasyon sila ng kanyang boss. Wala din akong nakikitang problema sa trabaho niya kahit pa nga may relasyon sila ng pinsan ko."
Hindi nagustuhan ng kanyang magulang ang sinabi ng kanyang pinsan.
"Wag kang sumagot sa usapan ng matatanda, Shilo. Kahit ikaw na ang CEO ng kompanya ay wala ka pa rin karapatan na umasta na akala mo ay magaling kang leader ng kompanya. Kami pa rin ang may karapatan dahil kami ang naglagay sa iyo sa posisyon na iyan.
Tumaas ang isang sulok ng labi ng pinsan. "Ow! Kayo po ba? I remember that my father and Tita Aliya vote for me to be in my position, right now. You didn't vote for me, Tito."
"That's enough." Awat ni Tito Shawn ng balak sanang magsalita ng kanyang ama.
Napatingin silang lahat dito. Seryusong tumingin si Tito Shawn sa kanyang mga magulang.
"I can't fire Miss Jacinto for that reason, Zhel. Magaling na sekretarya si Anniza. Walang conflict na nangyayari sa department nila kahit pa nga may relasyon ang dalawa. At saka, wala akong nakikitang mali kung may relasyon man si Anniza at Joshua. Labas ang kompanya sa personal na buhay ng pamangkin ko at ni Anniza." Naglakad palapit si Tito Shawn sa kanyang mga magulang. "Wala akong paki-alam kung anuman ang tingin niyo sa ibang tao pero wag niyong iinsultuhin ang mga tauhan ko sa loob ng kompanya ko, Princess. Tandaan niyo, ako ang may-ari ng kompanyang ito."
Nakita niya kung paano namula sa galit ang mga mata ng kanyang ama. Ganoon din ang kanyang ina. Tumingin sa kanya si Tito Shawn.
"I don't want this to happen again, Joshua. Fix your own mess. At wag kayong magkalat na pamilya dito sa kompanya ko." Pagkatapos sabihin iyon ni Tito Shawn at tumalikod na ito.
Naiwan sila sa lobby apat. Tito Shawn knows how to make his parents quiet. Mas matanda pa rin kasi ito. Dalawang lang na magkapatid si Tito Shawn at ang ama niya. Ipinamana ng kanyang lolo ang kompanya sa kay Tito Shawn dahil ito lang naman ang nagpakita ng interest sa kompanya noon. Binigyan ng Lolo niya ng ilang porsyentong share ang ama niya. Ang Wangzi ang ipinamana ng kanyang Lolo sa kanyang ama ngunit hindi iyon kasing laki ng MDHGC.
"Tita Princess, sana po ay ito ang huling beses niyong iinsultuhin si Anniza at ganoon din si Carila. My brother marries his secretary because he loves her. Matitino at mababait silang tao. Hindi tamang insultuhin niyo sila dahil lang sa nagmahal sila ng taong mas mataas ang antas sa buhay." Tumalikod na rin si Shilo.
Siya naman ang humarap sa kanyang mga magulang. Galit niyang tiningnan ang ina.
"Mom, ako ang humabol kay Anniza. Ako ang lumandi sa kanya at hindi siya," aniya sa magulang bago tinalikuran ang mga ito.
He needs to deal with Anniza. May hindi pa sila pagkaka-unawaan at hindi niya gustong matapos ang araw ng hindi iyon naayos.