Chereads / Wishing Girl 3: Pain 2 Forget / Chapter 34 - CHAPTER THIRTY-TWO

Chapter 34 - CHAPTER THIRTY-TWO

WALA NA si Anniza sa opisina ng umakyat siya para hanapin ito. Nagulat naman siya dahil hindi niya ito napansin sa ibaba. At dahil sa may meeting pa siya ay hindi niya agad ito napuntahan sa kanila. Sinubukan ulit siyang ka-usapin ng magulang pagkatapos ng meeting ngunit mabilis siyang naka-iwas sa mga ito. Nandoon din ang dalawang pinsan niya na siyang tumulong sa kanya. Ang mga ito ang humarang sa kanyang mga magulang na balak sana siyang ka-usapin. Ngayon nga ay nasa byahe siya papunta sa bahay ng kasintahan.

Hindi siya makakapayag na maghiwalay sila. Hindi din siya makakapayag na palipasin ng isang gabi ang ayaw nilang iyon. He needs to do something. Mali naman kasi talaga ang ginawa niya. Alam niyang nasaktan niya ang kasintahan ng sobra pero hindi siya makakapayag na mawala ito sa buhay niya. Nakarating siya sa bahay ng kasintahan na malalim na ang gabi. He steps out of his car. Hindi na ganoon karami ang mga tao sa lugar na iyon. May iilan na napatingin sa kanya ngunit hindi niya pinansin. Napansin niya ang motor ng kapatid ni Anniza.

Huminga siya ng malalim ng makatayo sa pinto ng bahay ng kasintahan. Kumatok siya at humakbang ng isa. Bumukas ang pinto at iniluwa ang nakatandang kapatid ni Anniza. Bumilis ang tibok ng puso niya. May napansin siyang kakaiba sa aura ng lalaki.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi maitago ang galit sa mga mata nito.

"Pwede ko bang maka-usap si Anniza?"

"Anong sasabihin mo sa kapatid ko?"

Hindi siya nagsalita. Nakipagsukatan lang siya ng tingin dito. He needs to deal with this man. May karapatan itong magalit sa kanya dahil ito ang nakakatandang kapatid ng babaeng minamahal pero si Anniza ang kailangan niyang maka-usap.

"Kailangan kong magpaliwanag sa kanya ng tungkol sa nangyari kanina sa opisina. Hindi totoo ang lahat ng narinig niya." He has no choice but to speak to him.

"Nangyari kanina?" Nagtagpo ang kilay ng lalaki.

Nagtaka siya. Mukhang walang alam ang kapatid ng kasintahan sa nangyari kanina. Anniza didn't tell her brother?

"Sabihin mo nga sa akin, Mr. Wang. Ano ba talaga ang relasyon niyo ng kapatid ko? I don't want to jump to any conclusion. Gusto kong marinig mula sa iyo ang totoo."

Hindi siya nakapagsalita. Is he going to tell him? Dapat na ba niyang sabihin dito ang totoo? Pero dapat gayong walang pahintulot ni Anniza. Kapatid ito ng dalaga at dapat lang na ang kasintahan ang magsabi dito ng katutuhanan.

"I... I'm..." Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba dito ang totoo.

"Anong ginagawa mo dito?" galit na boses ng kasintahan ang siyang nagpalingon sa kay Anzel.

Nakatayo sa likuran ni Anzel si Anniza at galit na nakatingin sa kanya.

"Anniza..." He tried to step forward but Anzel is fast to stop him.

"Umalis ka na." sigaw ni Anniza.

"Babe, please! Let me explain. Hindi totoo lahat ng narinig mo kanina. Alam mong ika---"

"Anong tawag mo sa kapatid ko?" Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng tinulak siya ni Anzel.

Napatingin siya sa lalaking nasa harap niya ng mga sandaling iyon. Namumula ang buong mukha ng lalaki. Mabuti din kasi ito kagaya ni Anniza. Napa-atras siya kaya tuluyan silang nakalabas ng bahay.

"Anong sabing tawag mo sa kapatid ko? Tinatanong kita?"

Hindi siya nakasagot. Mabilis naman nakalapit sa kanila si Kristine at hinawakan sa braso ang asawa nito na siyang patuloy pa rin siyang tinutulak sa dibdib.

"Anzel, tumigil ka. Sabi mo haharapin mo siya ng mahinahon."

Galit na tumingin si Anzel kay Kristine. "Tinawag niya ang kapatid ko ng 'babe'. Tinatanong ko siya kanina kung ano ba talaga ang relasyon niya sa kapatid ko. Gusto kong marinig mula sa dibdib niya kung ano ba siya ng kapatid ko."

"Pero---"

"Boyfriend." Sigaw niya dito. "Nobyo ako ni Anniza. Tatlong taon na kaming magkasintahan."

Napatingin sa kanya ang mag-asawang Jacinto. Sinalubong niya ang mga mat ani Anzel. Hindi na siya natatakot dito. Alam niyang hindi ito ang tamang oras para sabihin dito ang lahat pero iyon lang ang nakikita niyang paraan para ka-usapin siya ni Anniza. He is proud to be his boyfriend. Hindi din naman na niya kayang itago sa lahat ang relasyon nila. Alam na din naman ng kanyang mga magulang ang tungkol sa kanila kaya bakit hindi sa pamilya nito. Nasisiguro niyang may hinala din naman si Anzel sa totoong relasyon nila ni Anniza.

"Anong sabi mo?" tanong ni Anzel na lalong namula sag alit.

"Magkasintahan po kami ni Anniza at tatlong taon na po ang relasyon namin." Matapang niyang sagot. Tumingin siya kay Anniza.

May dumaloy na luha sa mga mata nito. Joshua hates himself. Umiiyak na naman ang babaeng minamahal ng dahil sa kanya. Dahil malayo sa kanya ang kasintahan hindi niya malaman kung anong emosyon ba talaga ang meron sa mga mata nito. Pero sapat na ang mga luha sa mga mata nito para malaman niyang nasasaktan ang kasintahan. He wanted to run to her and hug her but he needs to face his brother first.

"Ikaw ba ang rason kung bakit umiiyak si Anniza kanina?"

Nang marinig ang tanong na iyon ay bumalik ang tingin niya sa kapatid ng kasintahan. Tumungo siya bilang sagot. Nagdikit ang mga labi ni Anzel. Akala niya ang magsasalita ito ngunit nagulat siya sa sunod nitong ginawa. Inilabas nito ang baril sa likuran ng pantalon nito. Nanlaki ang mga mata niya dahil doon.

"Gago ka! Anong karapatan mong pa-iyakin ang kapatid ko."

"Anzer!"

"Kuya!" Mabilis na lumapit si Anniza sa kapatid nito at hinawakan sa braso.

Dalawang babae na ngayon ang nakahawak kay Anzel para pigilan sa balak na pagbaril sa kanya.

"Wag niyo akong pigilan. Papatayin ko ang lalaking ito."

Bumilis ang tibok ng puso ni Joshua. Hindi niya inaasahan ang gagawin na iyon ng kapatid ni Anniza. Hindi din niya inaasahan na hawak nito ang baril nito habang kinaka-usap siya. He loves his life. Marami pa siyang gustong gawin kasama si Anniza. Sigurado siyang kapag nagsalita at may sabihin na hindi nito magustuhan ay kabaong ang bagsak niya.

"Kuya, tumigil ka." Sigaw ni Anniza.

"Hindi ako makakapayag na may taong manakit sa iyo, Anniza. Hindi kita binuhay para lang saktan ng ibang tao. At hindi ako makakapayag na isang Wang pa ang manakit sa iyo."

"I'm sorry. Hindi ko—"

Hindi niya natapos ang iba pangsasabihin ng nagpaputok sa itaas ng baril nito si Anzel. "Hindi ko kailangan ng paliwanag mo." Muli nitong ibinalik ang pagkakatutok sa kanya.

Napalunok siya. Seryuso nga talaga itong barilin siya. Ngayon ay alam na niyang hindi niya pwedeng galitan ang kapatid ni Anniza. Nakakatakot magalit si Anzel.

"Kuya!!!" Pinalo ni Anniza ang kapatid nito.

Tumingin ito sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata. May pagsusumano itong nakatingin sa kanya kaya biglang nabuhayan ang puso niya. Alam niyang hindi siya hahayaan ng kasintahan na mapahamak. Kahit nag alit ito sa kanya dahil sa ginawa niya kanina ay nasisigurado niyang hindi siya nito pababayaan sa kamay ng Kuya nito.

"Umalis ka na muna, Joshua. Kausapin mo na lang si Anniza bukas sa opisina," wika ni Kristine.

"Hindi! Hindi na babalik sa opisina nito si Anniza dahil simula sa araw na ito ay magreresign na ito sa trabaho."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Napatingin siya kay Anniza. May pagtutol sa mukha at mga mata nito.

"Kuya, tumigil ka na! Hin---"

"Tumigil ka." Sigaw ni Anzel kay Anniza.

"Hindi naman yatang sakla---"

"Tumahimik ka!" Muling pinutol ni Anzel ang iba pa niyang sasabihin.

Nakaramdaman siya ng inis sa nakakatandang kapatid ng kasintahan. It's not fair. Hindi tamang saklawan nito ang desisyon ni Anniza. Nasa tamang edad na ang kasintahan. Ang problema nila ang nangyari kanina. Hindi ito pwedeng maki-alam kahit pa nga kapatid ito ni Anniza.

"Mr. Jacinto, please! Stop pointing your gun at my friend."

Lahat sila ay natigilan ng marinig ang nagsalitang iyon. Napatingin sila sa dalawang lalaki na ngayon ay nakalabas din ang baril at nakatutok kay Anzel.

"Patrick, Asher, anong ginagawa niyo dito?" gulat niyang tanong sa kaibigan.

"Shilo called us. Sinabi nitong kailangan ka naming sundan at bantayan. Nag-aalala sa iyo ang pinsan mong iyon." Si Asher ang sumagot.

"Mr. Jacinto, ibaba mo ang baril mo. Ayaw mo naman sigurong mawalan ng license. You are pointing your gun to a civilian and unarm person." Seryusong wika ni Patrick.

Lumapit sa kanya ang dalawang kaibigan. Tumayo sa harap niya ang dalawang kaibigan. Hinawakan niya ang dalawang braso ng kaibigan.

"Ibaba niyo ang mga baril niyo, Patrick," aniya sa mga kaibigan.

"After him." Matigas na sabi ni Patrick.

Tumingin siya kay Anzel. Nakikipagsukatan ito ng tingin kay Patrick. Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa niya. Ang balak na pag-uusap sa kasintahan ay na-uwi pa sa ganito. Hindi ganito ang inaasahan niyang mangyari. Naging magulo na tuloy ang lahat. He can't get mad at his friend. Alam niyang nag-aalala lang ang mga ito at ganoon din ang pinsan pero problema niya ito. He can handle it.

"Kuya, please! Marami ng taong nanonood sa atin." Narinig niyang wika ni Anniza.

Napatingin siya sa kasintahan. Malungkot itong nakatingin sa kapatid. Kung siya ay nahihirapan sa sitwasyon nila. Paano pa kaya ito?

Ibinaba ni Anzel ang baril nito na siyang ikinahinga niya ng maluwag. Sumunod na rin ang dalawa niyang kaibigan.

"Iuwi niyo na ang kaibigan niyo. Hindi siya kaka-usapin ng kapatid ko ngayon. Umalis na kayo." Matigas na wika nito.

Tumungo si Patrick.

"No! I need to talk to Anniza. I need to explain to her." Matigas niyang wika. Hindi siya makakapayag na lumipas ang gabing iyon ng hindi sila nagkaka-ayos ng kasintahan.

"Joshua, nakikita mo ba ang sitwasyon ngayon."

"Yes! Pero---"

"Kaka-usapin kita kapag handa na ako. Umalis na muna kayo, Joshua."

Lahat sila ay napatingin kay Anniza. Malungkot ang mga mata nito pero malumamay na lang ang pagkakasalita ng dalaga. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Her eyes are begging. Muli siyang nakadama ng munting kirot dahil sa nakita. Seeing eyes like that torn his heart into pieces. Hindi niya kayang makita sa ganoong estado ang kasintahan.

"Okay. If you say so. Pero hindi ibig sabihin noon ay hinahayaan ko ng matapos ang relasyon natin sa ganitong paraan, Annie. I know what I said hurts you but I want you to know that I love you. Mahal kita at iyon ang totoo."

Hindi nagsalita si Anniza. Sinamaan siya ng tingin ng kuya nito. Hindi niya iyon pinansin. Tumingin siya sa mga kaibigan.

"Let's go," aniya sa mga ito.

Tumalikod na sila ngunit napatigil din ng magsalita si Patrick.

"Annie, I didn't know what really happen but I'm telling you. Joshua loves you. He is crazy for you. Ilang taon ka niyang hinintay bago naging kayo sana ay sapat na iyon para paniwalaan mo ang nararamdaman niya sa iyo."

Napatingin siya sa kaibigan. Seryuso ang mukha nito. Alam niyang may pinanghuhugutan si Patrick. Humarap ito at tinapik ang kanyang balikat.

"Ako na ang magmamaneho ng kotse mo, Josh," wika ni Asher at inilahad ang kamay.

Napatingin siya sa kaibigan. Tumungo siya at kinuha sa bulsa ang susi ng kanyang kotse at ibigay iyon. Mabilis iyon tinanggap ni Asher. Nilingon niya muna ang kasintahan bago sinundana ng mga kaibigan.

He will be back. Hindi niya hihintayin na lumapit sa kanya si Anniza. Kung kailangan naligawan niya ulit ang dalaga ay gagawin niya. He loves Anniza. Ito na ang buhay niya. Kagaya ng sabi ni Patrick, hinintay niya ito ng ilang taon at hindi niya iyon itatapon ng ganoon lang. Gagawin niya ang lahat para bumalik ito sa piling niya. At kapag nangyari iyon, hinding-hindi na niya ito pakakawalan pa.

TWO WEEKS AND TWO DAY. Tatlong linggo at tatlong araw na rin ang lumipas mula ng huling pag-uusap nila ni Joshua. Nag-file siya ng leave sa office. Hindi niya sinunod ang inuutos ng kuya niya na mag-resign sa trabaho. Hindi siya ganoon ka unprofessional sa trabaho.

Sa loob ng tatlong linggo at tatlong araw ay walang araw na hindi nagpapadala ng bulaklak ang binata. Ganoon din ng mensahe sa kanyang cell phone. He explain everything thru text and she doesn't know if she will believe everything. Nalaman niya din ang nangyari sa opisina. Alam na rin pala ng lahat ang tungkol sa relasyon nila. Joshua confirm their relationship in front of his parents. Muntik na nga siyang masisante sa trabaho. Mabuti na nga lang daw at nandoon si Sir Shawn at Sir Shilo.

Lalong hingaan ng lahat ang pamilya Wang dahil sa ginawang pagtatanggol ng mga ito sa kanya.

"Annie." Ang pagtawag na iyon ng Ate Kristine niya ang nagpapagising sa naglalakbay niyang isipan.

Napatingin siya sa manugang. Ngumiti ito sa kanya pero hindi umabot sa mga mata at kahit ang mga mata nito ay may lungkot na nakatingin sa kanya.

"Ano iyon, Ate?"

"May dumating ulit na bulaklak kanina." Inilahat nito ang puting rosas na alam niya ang bilang.

Napatingin siya sa hawak nito. Alam niya kung kanino iyon galing. Sino pa ba ang magpapadala noon kung hindi ang lalaking humihingi ng patawad sa kanya. Joshua doing everything for her. Wala itong ibang pinapadala kung hindi puting rosas. Mula noon hanggang ngayon ay alam nitong hindi siya tatanggap ng kahit anong materyal na bagay dahil nga sa dating relasyon ng Ate Tin niya sa pamilya nito. Ayaw niyang bumalik sa dati ang lahat.

"Salamat," aniya at tinanggap ang hawak nito.

Umupo ang Ate Tin niya sa mahabang sofa kung saan din siya naka-upo. "Hindi mo pa rin ba siya kaka-usapin?"

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya." Napatingin siya sa bulaklak na hawak.

She wanted to clear everything. Gusto din naman niyang ka-usapin ang binata ngunit hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. What he said over the phone is not enough for her to believe. Hinawakan ni Ate Tin ang kanyang kamay.

"Mahal mo pa rin ba siya?"

Ilang sandali siyang hindi nakapagsalita. "Oo." Sagot niya na may kasamang tungo.

Lumapad ang ngiti sa labi ng Ate Tin niya. "Anniza, hindi ko alam ang rason kung bakit nag-away kayo ni Joshua pero hindi kasi tamang hindi mo siya ka-usapin. Sa isang relasyon, para tumagal ay kailangan niyong pag-usapan kung anuman ang naging problema niyo. Hindi tamang takasan o pagtaguan mo siya. Kailangan niyang ayusin kung anuman ang hindi niyo pagkaka-unawaan."

Yumuko siya. Hindi pa rin niya sinasabi kahit kanino kung bakit sila nag-away ni Joshua. Kung bakit ayaw niya itong makita at maka-usap. Hindi pa rin mabura sa isipan niya ang nangyari sa coffee shop. Iyong mga sinabi niya sa harap ng babaeng iyon ay tumatak na yata sa kanyang isipan.

"Sinabi niyang hindi niya ako mahal." Pabulong niyang sabi.

"Sinabi niya iyon?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ate Tin. "Pero hindi iyon ang nakikita ko noong gabing pumunta siya dito para ka-usapin ka. Iyon iyon ang nababasa ko sa mga mata niya. Kahit maikling panahon ko lang nakilala si Joshua noon ay alam ko kung kailangan siya seryuso at hindi sa mga salita niya. Mahal ka niya, Anniza at totoo iyon."

"Ate..." Napatingin siya sa manugang.

Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. May simpatya itong nakatitig sa kanya. Sapat ba niyang paniwalaan ang sinabi nito pero hindi naman siguro magsisinungaling sa kanya ang Ate Tin niya. At saka magaling itong mag-obserba ng tao. Huminga siya ng malalim at tinitgan ito sa mga mta.

"Ate Tin, anong gagawin ko? Hindi ko din kasi alam kung paano siya kaka-usapin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang ka-usapin siya. At natatakot din akong marinig mula sa kanya na tama iyong mga narinig ko. Hindi kakayanin ng puso ko kapag naringin ko mula sa kanya na hindi na niya ako mahal." Tuluyang pumatak ang kanyang mga luha.

Nang marinig niya ang mga salitang iyon mula kay Joshua ay halos magunaw ang mundo niya. Naramdaman niya ang pagkagunaw ng kanyang mundo. Gusto niyang magwala ng araw na iyon. Sumbatan si Joshua pero hindi siya ganoong klasing tao. Oo at matapang siya. Sinasabi niya ang gusto niyang sabihin ngunit ng naduwag siya. Hindi niya alam kung paano ba haharapin ang sakit na ibinigay nito dahil iyon ang unang pagkakataon na naramdaman niya ang ganoon kasakit na bagay.

Si Joshua ang una niya sa lahat ng bagay. Ito ang unang pag-ibig niya, unang halik, unang lalaking hinayaan niyang makapasok sa buhay niya at unang lalaki na inalayan niya ng sarili. She gives everything she have to him because she loves him. Mahal na mahal niya ang binata kaya hindi niya alam kung paano ba haharapin ang sakit.

"Oh, Annie!" Niyakap siya ni Ate Tin at hinimas ang kanyang likuran.

Kaya noon sa balikat ni Ate Kristine siya umiyak. Sa kanyang best friend pa rin siya tumatakbo. Umiyak siya ng umiyak sa balikat. Hinimas lang nito ang kanyang likuran.

"Masakit marinig mula sa kanya na hindi niya ako mahal. Na okay lang na dalawa kaming babae sa buhay niya. Mahal ko siya, Ate Tin. Minahal ko siya ng higit pa sarili ko kaya hindi ko alam kung paano ba siya haharapin. Kung paano ba siya kaka-usapin ng hindi naalala ang mga sinabi niya sa akin."

"Annie..."

"Hindi ko alam, Ate Tin. Sabihin mo sa akin, paano ko siya haharapin ng hindi nararamdaman ang sakit na ibinigay niya."

Hindi nagsalita ang Ate Tin niya. Hinimas lang nito ang kanyang likuran. Patuloy siya sa pag-iyak. Nagpapasalamat siya at wala na ang kapatid. Pumasok na ito sa trabaho. Ang mga pamangkin naman niya ay pumasok na rin sa eskwelahan.

Ilang minuto din siyang umiyak. Hinayaan lang siya ng manugang hanggang sa kumalma at tumahan. Nakayakap pa rin siya dito ng may narinig silang katok sa pintuan. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Ate Tin. Nagkatinginan silang dalawa. Wala silang inaasahang bisita.

Muling may kumatakot kaya binitiwan siya nito. "Titingnan ko kung sino."

Tumungo siya. Tumayo naman si Ate Tin at lumapit sa pinto. Siya naman ay inayos ang sarili. Pinunasan niya ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Inayos niya din ang nagusot na damit. Maayos na siya ng lumapit ang Ate Tin niya.

"May gustong kuma-usap sa iyo, Anniza."

Napataas siya ng tingin. Tumabi ang Ate Tin niya para makita niya ang taong gustong kuma-usap sa kanya. Napatayo siya bigla ng makilala ang taong ngayon ay nakatingin sa kanya na walang emosyon ang mga mata.

"Sir Shilo!" gulang niyang bigkas sa pangalan nito.

"Magandang umaga sa iyo, Ms. Jacinto. Pwede ka bang maka-usap?" Malamig nitong tanong sa kanya.

Napatingin siya kay Ate Tin. Nakayuko lang ito. Muli niyang ibinalik ang tingin sa may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya.

"Tungkol po saan?"

"It's not about work. It's about my cousin. May kailangan kang malaman tungkol kay Joshua."