Chereads / Wishing Girl 3: Pain 2 Forget / Chapter 16 - CHAPTER FIFTEEN

Chapter 16 - CHAPTER FIFTEEN

NAKA-UPO SA BUHANGIN si Anniza. Nakatingala siya ng mga sandaling iyon sa kalangitan na puno ng bituin. Nagpapasalamat siya na maaliwalas ang kalangitan ng mga sandaling iyon. Masarap kasing pagmasdan ang langit kapag ganoon ang nakikita niya. Iyong nagkikislapang bituin ay nagbibigay ng saya sa kanyang puso.

Natigilan si Anniza ng may malamig na bagay na tumikit sa kanyang pisngi. Napatingala siya ng wala sa oras. Isang nakangiting lalaki ang nakita niyang nakatingin din sa kanya.

"What a drink?" tanong ni Joshua.

Ngumiti si Anniza at tinanggap ang hawak nitong isang bote ng softdrinks na siyang inilapat nito kanina sa pisngi niya. Umupo sa tabi niya si Joshua pagkatapos niyang tanggapin ang iniabot nitong inumin.

"Bakit mag-isa ka lang dito?" tanong ni Joshua sa kanya.

"Pumunta sila sa malapit na club. I don't feel like going there kaya dito na lang ako sa dalampasigan pumunta." Sagot niya.

Tumungo si Joshua. Nasa Subic sila ng mga sandaling iyon. Team building ng kompanya at katatapos lang ng k

hapunan nila. Hindi sila magkasama ni Joshua sa mesa kanina. Kasama nito sa mesa ang pinsan nitong si Shilo Chaozuo Wang na siyang Vice President ng kompanya at ang Tito Shawn Wang nito na siya naman CEO ng kompanya. Kapag nasa ganoong company event ay laging kasama si Joshua sa table ng Tito nito kahit noong HR staff pa lang ito. Tinatawag talaga ito ng Tito nito. Ganoon din si Sir Shilo noong nasa accounting department ito. Kaya nga alam talaga ng lahat na hindi lang isang simpleng empleyado ang dalawa. Kahit naman na magaling makibagay ang dalawa ay hindi noon matatanggi na malaki ang agwat sa buhay ng mga ito sa kanila.

"Inaalala mo pa rin ba iyong nangyari sa club ni Patrick?"

"Hindi." Mabilis niyang sagot dito. "Hindi ko lang talaga gustong pumunta doon. Mas gusto ko ng katahimikan ngayon."

Tumungo-tungo si Joshua. "So, ginugulo kita ngayon?"

"Ha! Hindi. Nag-uusap lang naman tayo. Hindi mo naman ako ginugulo."

Tumawa si Joshua. "I'm just kidding, Annie. Wala akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko."

"Gago ka talaga." Hinampas niya ito sa braso.

Tumawa lang ng malakas si Joshua at uminom ng soft drinks na hawak. Ganoon din ang ginawa niya. Sabay silang tumingin ni Joshua sa kalangitan.

"Ang ganda ng langit, ano?" anito.

"Oo nga eh. Kanina ng umalis tayo ng Manila ay parang uulan. Mabuti na lang at maaliwas na ngayon. Napakagandang pagmasdan ng mga bituin."

"Do you love star?" Tumingin sa kanya si Joshua.

Napatingin din dito si Annie. Tumungo siya. "Bata palang ako mahilig na akong tumingin sa langit. Alam mo bang gusto kong maging bituin noon? Para kasing napakaganda ng posisyon nila. Nakikita nila at napagmamasdan tayo. Nagbago lang iyon ng malaman ko na mga bato pala sila sa kalawakan." Tumawa siya ng mahina.

"Gusto mo bang lumipad at mapagmasdan ang mga tao habang nasa langit ka?"

"Ha!" Nagsalubong ang kilay ni Anniza dahil sa tanong na iyon ni Joshua.

Tumayo ang binata at inilahad ang kamay. "Common! I show you something."

Nagtataka man ay tinanggap niya ang kamay ng binata. Magkahawak-kamay sila ni Joshua naglakad papunta sa hotel. Tuloy-tuloy sila sa loob ng hotel hanggang sa elevator. Wala siyang ibang napapansin kung hindi ang kamay nilang magkahawak ni Joshua at ang masaya nitong mukha. Kahit nasa loob na sila ng elevator ay hindi binitiwan ni Joshua ang kamay nila. Joshua hit the roof top bottom. Hindi naman siya nagsalita pa.

May tiwala naman siya sa binata. Alam niyang hindi siya nito ipapahawak. Kung may isang ugali man siyang nagustuhan kay Joshua ay iyong pagiging gentleman nito. Iyong nangyari sa kanya ay siyang nagpabago sa kanya ng tingin sa binata.

Pagkabukas ng elevator ay agad siyang hinila ni Joshua. Bumungad sa kanya ang magandang set up ng mga mesa. Meron din siyang napansin na pool doon. Hindi lang pala simpleng rooftop iyon. May mga beach bed at umbrella siyang nakita. Walang tao doon pero bukas ang ilaw. Hinila siyang muli ni Joshua pa-akyat sa hagdan na may limang hakbang. Maraming mesa at upuan doon. Para iyong mini restaurant. May mini bar din sa gilid. Sa dulong bahagi siya hinila ni Joshua, para iyong may balcony. Hindi kasi masyadong mataas ang harang tapos may nakita siyang pod lock sa gilid. May upuan din doon. Umupo sila doon ni Joshua.

"Tingnan mo iyon."

Sinundan niya ang tinuro ng binata. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang mga taong nagsasayawan sa beach. Kitang-kita sa pwesto nila ang ilang bahagi ng beach. Nakikita din doon ang ilang taong naglalakad sa buhangin.

"Ilang floor tayo?" gulat niyang tanong.

Hindi kasi ganoon kataas ang floor na kinalalagyan nila ngunit hindi niya mahulaan kung ilang floor ba iyon. Tumingin siya kay Joshua na nakatingin din pala sa kanya ng mga sandaling iyon.

"We are in Fifth floor," sagot ni Joshua.

"Wow!" hindi naman pala sila nasa gaanong kataas na lugar.

Muli siyang napatingn sa baba ng hotel. Napangiti siya at napasandal sa upuan. Kitang-kita niya ang saya sa mukhang ng bawat tayo. Nagsasaya ang mga ito.

"Do you want to drink something, Annie?"

Tanong ni Joshua na siyang nagpalingon sa kanya dito. Inikot niya ang paningin sa paligid. Tanging sila lang ang nasa lugar na iyon.

"Iiwan mo akong mag-isa dito?"

Napatingin din sa paligid si Joshua. "Doon lang naman ako pupunta sa mini bar. Ang alam ko ay may inumin na nakalagay doon."

"Ow! Alak?"

Tumawa ng mahina si Joshua at napa-iling. "No! Hindi kita hahayaan na uminum. I look for a decent drink and food."

Tumayo na si Joshua at pumunta sa may mini bar. Sinundan na lang niya ng tingin ang binata. Mukhang manghahagilap din ito ng pagkain nila. Ibinalik niya ang tingin sa ibaba ng hotel. She really enjoy this moment. Napakagandang pagmasdan ang saya at ngiti ng mga tao. Buhay na buhay kasi iyon at nagbibigay iyon ng kasayahan sa kanya. Seeing people smiles makes her feel alive. Iyong saya ng mga taong alam niyang ini-enjoy ang buhay kagaya niya. Nang inoperahan siya, halos gumunaw ang buhay niya. Alam niya naman na hindi pa nakakamatay ang bukol sa braso niya noon pero nakaramdaman siya ng takot. She is just a high school student that time and she wanted to do more. Kaya nga ng maging maayos ang operasyon niya ay halos pasalamanat niya ang mga taong tumulong para mabuhay siya. At natuto siyang pahalagahan ang ngiti at saya ng isang tao.

"Napakalalim yata ng iniisip mo, Annie."

Napatingin siya kay Joshua ng umupo ito sa upuan na halos katabi lang niya. May mesa kasing nakapagitna sa kanilang dalawa ngunit maliit lang iyon. Ipinatong doon ni Joshua ang dalawang can ng pineapple Juice.

"May naalala lang ako," aniya rito.

Ngumiti si Joshua sa kanya. "Care to share?"

Umiling siya. She is not ready to tell everyone about her past. She is not like everyone who is really to open herself and her past. Mukha naman nirerespeto ni Joshua ang desisyon niyang wag sabihin dito ang ilang bagay patungkol sa kanya.

"Okay. Here." Inilahad ni Joshua ang isang pack ng isang kilalang chips.

Kinuha niya iyon. "Thank you." Binuksan niya iyon at sinimulan kainin.

Walang nagsalita sa kanilang dalawa ni Joshua. Nakatingin lang sila sa mga taong nagsasaya sa ibaba ng hotel. Mamaya pa ay nagsawa na si Annie sa ginagawa. Isinadal niya ang katawan sa upuan at tumingala. Now, she is watching the star above. Napakagandang pagmasdan ang mga bituin habang kumakain ng chips.

"Annie..." tawag ni Joshua.

"Oh!" sagot niya. Hindi na niyang nilingon ang binata.

"Do you like someone right now?"

Natigilan si Anniza sa tanong na iyon ni Shan. Huminto ang kamay niya sa pagsubo sana ng chips. Nanatili lang siyang nakatingala sa kalangitan ng mga sandaling iyon. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba ang binata. Paano niya sasabihin dito na ang taong gusto niya ay ito? Alam naman kasi niya sa sarili niya na may nararamdaman na siya kay Joshua. It's not love but like. Gusto niya ang binata. Gusto niya ang pakikitungo nito sa kanya.

"I... I like someone right now." Sagot niya. Kahit na malamig sa kina-uupuan nila ay naramdaman pa rin ni Anniza ang pang-iinit ng kanyang pisngi.

"Who?"

Doon na napatingin si Anniza kay Joshua. Nakatingala ang binata sa kalangitan at kagaya niya ay kumakain din ito ng chips. Hindi sumagot si Anniza. Muli lang siyang sumandal sa upuan at tumingala. Nagdedebate ang isip at puso niya kung sasabihin ba sa binata ang totoo.

"Can I not name him? I don't want to tell you who he is." She chooses to be a Filipina woman.

Narinig niyang mahinang tumawa si Joshua. "What a lucky man?"

Sinulyapan niya ang binata. May ngiti na naglalaro sa labi nito. Hindi niya alam kung para saan ba ang ngiting iyon. Tumikhim siya.

"You think, he is a lucky man?"

"Oh! Dahil nagustuhan siya ng isang kagaya mo."

"Talaga?"

Lumingon sa kanya si Joshua. "Oo nga. Napakaswerte niya at nagustuhan siya ng isang tomboy na tulad mo."

"Gago!" sigaw niya sa binata. Binato niya ito ng chips na kinakain.

Tumawa lang si Joshua sa ginawa niya. Bigla yatang uminit ang tainga niya sa sinabi nito. Anong tomboy na pinagsasabi nito? Siya isang tomboy? Not that she is against when gender qualification but how could he say those things about her? Mukha ba siyang ganoon sa paningin ng binata. And here she is having a like to this ma, and that's what he thinks of her.

"I'm just kidding," anito.

Inirapan niya ang binata. Hindi pa rin nawawala ang inis na nabuhay sa puso niya. Biro lang iyon pero hindi niya nagustuhan. May kung anong bigat na dumagan sa puso niya. Kung ganoon ang tingin sa kanya ni Joshua, paano pa siya nito magugustuhan di ba? It's not like she is expecting for him to like her back but still she feels disappointed and hurt.

"Hey, Anniza. I said I just kidding."

Hindi niya pinansin ang binata. Tumitig lang siya sa kalangitan. Nawalan na siya ng ganang makipag-usap dito. Gusto pa niyang pagtuunan ng pansin ang nasaktang puso. Nakakainis kasi itong si Joshua, hindi man lang namili ng ibibiro.

"Annie... I'm sorry."

Lalong hindi pinansin ni Anniza si Joshua. She just continues eating the chips she holding. Bahala itong mag-isip ng kung ano. Pero Joshua is Joshua.

"I'm sorry if I offended you. I didn't mean to hurt you with my joke. Wag ka ng magalit sa akin. Okay? I won't say it again. Hindi ko na sabihing mukha kang tomboy."

Upon hearing those words again. She turns herself to him. Sinamaan niya ulit ng tingin ang binata. "Iyon ba talaga ang tingin mo sa akin?" Hindi niya maitago dito ang irritasyon na nadarama.

Napako si Joshua sa kina-upuan nito. Ilang sandali itong nakatitig lang sa kanya. Mamaya pa ay kumurap ito at ngumiti.

"I know how sadist you are to me sometimes but it doesn't mean that you are homosexual in my eyes. You are a beautiful lady in my eyes, Annie. At para sa akin, babae ka na mukhang amazona."

Napasimangot siya sa huling sinabi nito. Okay na sana ang sinabi nito tapos dinagdagan pa. Nakaka-init talaga ng ulo ang lalaking ito.

"Iwan ko sa iyo. Kausapin mo ang sarili mo." Inirapan niya ang binata.

Tumawa lang si Joshua. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Umupo ito sa sahig at tumingala sa kalangitan.

"No kidding, Annie..." Tumingin sa kanya si Joshua. "You are beautiful. At sa loob ng ilang taon natin pagiging magkatrabaho, kahit isang beses ay hindi kita nakikitang isang tomboy. You are a woman and a lady for me. Nasisigurado kong kapag nag-ayos ka ay maraming manliligaw sa iyo pero kung ako ang tatanungin. I want you to be who you are right now. You are beautiful being yourself. So don't change."

Annie feels something touch her heart. Umabot hanggang sa puso niya ang mga sinabi ng binata. She can saw sincerity at his eyes. Bawat salita na lumabas sa labi nito ay alam niyang totoo at walang halong biro. Minsan lang niyang makitang seryuso si Joshua at isa ang gabing iyong sa mga pagkakataon. Ngumiti siya at iniwas ang mga mata dito. Unti-unti kasing niyang nararamdaman ang pamumula ng kanyang pisngi. Here we go again. Nakakaramdaman na naman siya ng hiya dahil sa mga sinasabi nito. Mabilis na mabilis din kasi ang tibok ng kanyang puso at parang may naglalaro na kung ano sa kanyang tiyan.

Tumikhim siya para pakalmahin ang sarili. "Boliro ka talaga. Bumalik ka na nga sa upuan mo. Malamig ang sahid."

Joshua just chuckle and follow her order. Bumalik ito sa kina-uupuan at muling tumingala sa mga butuin. Ganoon lang sila ni Joshua buong magdamag. Watching the stars, eating, and drinking. No one dares to speak. All they hear is the loud music down stair. Annie feels like she is at peace at the moment. Kahit pa nga naririnig niya ang ingay sa ibaba ay wala siyang paki-alam. This moment matters to her. Being with Joshua is like a dream that started to life. Napangiti si Anniza. She closes her eyes.

'I wish this moment last forever. I love the feeling he giving to me and if this feeling grows. Please! Don't let me hurt. Guide me to be happy until the end. I want to be happy and contented with Joshua until the day I won't feel something special to him anymore.' She alters in her mind.

"Hey! Annie, are you sleepy?" tanong ni Joshua na siyang nagpamulat sa kanya.

Tumingin siya sa binata. "Hindi naman."

"Okay. Gusto mo na bang bumaba? Maaga pa tayo bukas. Iikot pa daw ang lahat sa market para bumili ng pasulubong."

"Oh! Okay." She feels little disappointment. Ayaw pa niyang matapos ang sandali pero ayaw naman niyang may mapansin sa kanya si Joshua. Tumayo na siya.

Sumunod naman si Joshua. Sabay silang naglakad papunta sa elevator. Habang naglalakad ay hindi mapigilan ni Annie na sulyapan si Joshua.

'I wish upon the star that we will have a moment like this again," aniya sa isipan.

She really wanted that moment to happen again. Masarap sa pakiramdan na may ganoong silang pagkataon ni Joshua. Na may memories silang napakaganda. Annie will treasure those little moment at her heart.

"SO, how's the team building?" tanong ni Liam sa kanya.

Nasa bar sila ni Patrick ng mga sandaling iyon. Okopado nila ang isa sa mga VIP room sa itaas ng bar. Wala si Patrick. Inaasikaso nito ang mga kaaway-kaibigan nito sa ibaba. Alam niyang mamaya lang ay aakyat na ito. Sinisigurado lang nito na walang mangyayari mayayang problema. Patrick tried to avoid any problem down stair. Mabuti na lang talaga at pumunta ng gabing iyon si Liam. Nagtataka nga siya at biglang nagka-oras ang kaibigan nilang iyon.

"It was fine. Masaya," aniya habang nakatingin sa suot na bracelet.

Binili iyon ni Annie kanina habang bumibili sila ng mga pasalubong. Kung totoosin ay wala naman special sa bracelet na iyon dahil lahat sila sa HR department ay binigyan nito ngunit kapag na iiisip niya na bigay iyon ni Anniza ay napapasaya siya. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagbigay ng isang bagay sa kanya ang dalaga. Gusto niya sanang bilhan din ito ngunit baka makapansin ang mga kasamahan nila na kasama nilang namili kanina. Kung may bagay man siyang ayaw ngayon ay iyong maging uncomfortable si Annie sa relasyon na meron sila. Magkaibigan ang turingan nila ni Annie at nais niyang maging ganoon muna sila. Saka na siguro niya liligawan ang dalaga kapag sigurado na siyang may nararamdaman din ito sa kanya.

"Masaya? Mukha nga." Mapanuksong sabi nito.

Napatingin siya kay Liam. Nakangisi ito sa kanya. Itinaas lang niya ang isang kamay at ipinakita dito ang gitnang daliri.

"Alam kong iniisip mo. I not like that," aniya.

"Wala naman akong sinabi."

Umiling na lang siya. Mukhang gumaganti sa kanya ang kaibigan. "Sige. Biruin lang ako ngayon pero kapag ikaw na inlove kagaya ko. Humanda ka talaga sa akin."

Mahinang tumawa lang ang kaibigan. Uminum ito ng alak na nakahain sa mesa nila. "It will never happen to me. Paano ako ma iinlove kung sobrang busy ko sa kompanya ng pamilya namin. Marami akong responsibilidad. Love is not my priority, right now."

Itinaas niya ang isang sulok ng kanyang labi. "Nasasabi mo lang iyan ngayon dahil hindi mo pa nakikilala ang babaeng para sa iyo. Let's see if you meet her. Tingnan lang natin kung hindi ka din mabaliw sa kanya. Kapag naramdaman mo na ang love, magiging kagaya ka din sa akin na seloso, possessive at parang tutang gustong sunod-sunod sa kanya."

Umiling si Liam. "Nakakatakot naman magmahal, Joshua. So not gonna happen to me. Hindi ako magiging kagaya niyo. Hindi ako magiging seloso, possessive at parang tutang sunod ng sunod sa isang babae. Wala pang babae ang magpapahawak sa leeg ko at kahit kailan hindi iyon mangyayari."

"Naku! Wag kang magsabi ng tapos Liam. Naalala ko na ganyan din magsalita dati si Kuya Shan pero tingnan mo nga ang nangyari sa kanya ng mahalin niya si Kristine. Di ba, para siyang tutang sunod ng sunod dito. Baka kainin mo din ang mga sinabi mo ngayon." Babala niya sa kaibigan.

"Hindi ako kagaya niyong mga Wang, Joshua. Baka nakakalimutan mo. Isa akong Tolentino at kaming mga Tolentino hindi magpapahawak kahit kanino."

Hindi na nagsalita pa si Joshua. Gusto pa niyang asarin si Liam ngunit ayaw na niya. Ganoon talaga mag-isip itong si Liam. Hindi talaga ito naniniwala sa love kahit anong gawin nila. Hihintayin na lang niya na ma-inlove it at sabihin na 'I told you so'. At hindi na siya makapaghintay na mangyari iyon.

Tahimik na silang umiinom ni Liam ng pumasok si Patrick na hindi ma-ipinta ang mukha. Agad na nagsalubong ang kilay niya.

"May problema ba? May nangyari na naman ba?" tanong niya agad.

"You should see this." May iniabot itong brown envelop.

Tinanggap niya iyon at kinuha ang nilalaman. Nagsalubong ang kilay niya ng mabasa ang nakasulat sa report. May kasamang larawan din iyon. Nanlalaki ang mga mata na tumingin siya kay Patrick na naka-upo sa katapat niyang upuan.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong niya.

"Ang taong nagpapadala sa iyo ng mensahe ay hindi si Jassie na kagaya ng na iniisip mo. Si Jackie ang nagpapadala noon. Isa sa agent ko ang pinag-imbestiga ko at iyan ang nakuha niyang information. Nahirapan ang agent ko na alamin dahil nasa Singapore siya ngayon. At kagaya ng sabi mo, hindi niya sinasagot ang tawag mo dahil maaring kakilala natin ang nagpapadala ng mensahe. Jackie started to send the message to you the day she went to Singapore."

Nagtaas baba ang dibdib niya dahil sa nalaman. Why Jackie did those things to him? Nagtataka siya sa kinikilos ng babae. Hindi ba at galit ito sa kanya.

"Anong gagawin mo ngayon, Joshua?" tanong ni Liam.

Nataas siya ng tingin at tumingin kay Patrick. "Let's go to Singapore. Gamitin natin ang private plane ko. I need to talk to her and ask her why she did those things to me."

Nakita niyang tumingin si Patrick kay Liam bago siya sinagot. "Okay. Sasamahan kita. Hindi kita pwedeng pabayaan."

Muli siyang napatingin sa ibinigay na impormasyon ni Patrick. Hindi siya makapaniwala na nagawa iyon sa kanya ni Jackie.