NAPANGITI si Annie ng makita ang magandang tanawin sa harap niya. Nasa isang restaurant sila ni Joshua at tanaw na tanaw niya ang magandang tanawin ng bulkan. Hindi lang iyon, masarap din ang dampi ng malamig na hangin sa kanyang mukha. Inalis niya ang suot na cap at hinayaan na liparin ang kanyang buhok.
"You look great at your hairstyle."
Napatingin siya sa kaharap na lalaki. Nakatitig sa kanya si Joshua. Kahit na malamig sa lugar na kinaruruonan nila ay naramdaman pa rin ni Annie ang init sa kanyang mukha. Dinampot niya ang tissue sa harap niya at binilog iyon para ibato sa lalaking walang kurap na nakatingin sa kanya.
"Mangbubula." Mataray niyang wika.
Ngumiti lang si Joshua. "Hindi naman kita binubola. Hindi naman kasi ako marunong maglaro ng basketball."
Tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi nito. Tumawa siya ng walang lasa. "Funny!"
Lalo lang lumawak ang pagkakangiti ni Joshua. Nagkibit-balikat lang ang binata. Sakto naman kasi na dumating ang order nila ng binata. Napatingin si Anniza sa mga pagkain na isa-isang inilapag ng waiter. Naglaway ang baga ni Anniza ng makita ang pagkain sa harap nito. Filipino foods ang restaurant na pinasukan nila ni Joshua kaya talagang nakakatakam. Menudo, adobong atay, pansit, may inihaw na bangus, at tinolang manok. Coconut juice naman ang inumin na inihain sa kanila.
"Let's eat."
Tumungo siya sa binata. Kakalapag lang niya ng kanin ng tumayo si Joshua at nilagyan ng adobong atay ang kanyang plato. Napatingin siya sa binata na seryuso sa ginagawa. Hindi agad siya naka-react sa ginawa nito.
"Masarap ang pagkain nila dito. Siguradong magugustuhan mo."
Umupo na si Joshua pagkatapos lagyan ng ulam ang kanyang plato. Sinundan lang ito ni Anniza ng tingin. Ito ang unang pagkakataon na may gumawa ng ganoon sa kanya. Nagsalubong ang kilay ni Joshua ng makita ang kanyang mukha
"May problema ba, Annie? Hindi mo ba gusto ang ulam?"
Hindi pa rin nakasagot si Anniza. Nakatitig lang ito kay Joshua at pinag-aaralan ang bawat sulok ng mukha nito. Some question running to her mind. Bakit ba kasi ganoon ang galaw ng binata? Why her heart flitch because of his sudden move? Alam niyang iyon ang unang pagkakataon na may lalaking gumawa noon sa kanya at bago sa kanya ang reaksyon ng kanyang puso pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na niya alam ang ibig sabihin noon.
"Annie..."
Napakurap si Anniza ng marinig ang pagsigaw ni Joshua sa pangalan iyan. "Ha?"
"Okay ka lang ba? Bakit nakatulala ka? May dumi ba ako sa mukha para titigan mo ng ganya?" Nagtataka talaga ang binata sa kilos niya.
Natauhan naman si Anniza sa ginawa. Napayuko ang dalaga at biglang napa-isip kung anong idadahilan sa binata. Bakit ba kasi napatulala siya sa ginawa nito? Bakit ba kasi ganoon ang galawan ng isang Joshua Wang?
"Ano? May naalala lang ako." Nagtaas siya ng tingin. "Naalala ko lang iyong kapit-bahay naming na si Cardo."
Nagsalubong ang kilay ni Joshua. Nag-iba din ang aura ng mukha nito. "Your thinking about other guy?"
"Well, totoong lalaki si Cardo pero mas maganda pa siya kaysa sa akin kapag nag-ayos."
Nakita niyang napangiwi si Joshua ng makuha ang ibig sabihin ng sinabi niya. Gustong tumawa ni Anniza sa reaksyon ng binata. Nakalusot siya sa kanyang ginawang pagkatulala kanina.
"Naalala mo ang kapit-bahay mo habang nakatingin sa akin? Annie, mukha ba akong bakla sa paningin mo?"
Lihim na tumatawa sa kanyang isipan si Anniza. Kung may photographer na nakakita kay Joshua ng mga sandaling iyon ay siguradong hindi ito kukuhaan ng larawan.
"Wala akong sinabing ganoon, Mr. Wang. Ang sabi ko lang ay naalala ko sa iyo ang kapit-bahay namin na si Cardo. Ay! Carla pala." Ngumisi siya sa lalaki.
Sumimangot ang binata. "Gumaganti ka ba sa akin, Annie?"
"Anong pinagsasabi mo diyan? Anong gumaganti?" Patay-malisya niyang tanong.
Hindi naman kasi talaga siya gumaganti dito. Gusto niya lang alisin sa isipan nito ang kaninang eksena. At nagpapasalamat siya na nakalusot siya dito. She doesn't want him to know her feelings. Not now that she doesn't know what it really means. Alam niya ngunit hindi siya nakakigurado.
"Palulusutin kita ngayon," wika ni Joshua.
Tumawa lang ng mahina si Annie at nagsimula ng kumain. Habang kumakain ay sinusulyapan niya ang binata. Kinuha ni Joshua ang mangkok na nasa harap niya at nilagyan ng tinolang manok. Napangiti siya sa ginawa ng binata.
"Thank you," aniya.
Ngumiti naman ang binata sa kanya at nagsimulang kumain. Naging tahimik ang buong mesa at tanging kalansing lang ng mga kutsara't tinidor ang naririnig niya. Para silang hindi pinakain ng isang araw ni Joshua. They both love the food they eating. Hindi naman talaga Filipino food ang paburito ni Anniza. Mas gusto niyang kumain ng Thai food pero kapag kasama niya si Joshua ay talagang na-eenjoy niya ang ganoong pagkain. Napapansin niya kasi na iyon ang mas gustong pagkain ng binata. At siya naman ng tipo ng tao na walang pinipiling pagkain.
Pagkatapos nilang kumain ni Joshua ay umikot pa sila ng binata sa Tagaytay. Joy ride lang ang ginawa nila doon. Hindi sila pumasok ng amusement park o kahit anong park dahil pareho na silang nakapasok doon. Gusto naman daw ni Joshua na ma-iba kaya naman inikot lang nila ng binata ang Tagaytay. Natawa lang siya sa sinabi ng binata. Iba talaga ang trip nito sa buhay.
Iyong dinala lang siya doon para lang umikot gamit ang isang rental car. Gumastos ito para lang sa ganoon. Gumamit pa talaga ito ng chopper para lang maka-ikot sila. Nang may nadaanan silang souvenir stores ay huminto sila ng binata.
Ipinarada ni Joshua ang kotse. Inayos naman niya ang suot na cap ng makababa ng sasakyan. Nang makalapit sa kanya si Joshua ay agad nitong hinawakan ang kamay niya. Nagulat naman siya sa ginawa nito. May dumaloy na kuryente sa kanyang braso. Instead of pulling her hand back, Anniza let Joshua hold her. Hinila siya ng binata papunta sa unang store. Mga t-shirt at bag ang una nilang napasokan ng lalaki at pareho silang walang nagustuhan kaya lumabas na lang sila.
Pangalawang store na pinuntahan nila ay mga necklace, bracelet, keychain at iba pang accessories na siyang regular na ginagawang pasalubong. Nakatingin si Anniza sa mga key chain habang si Joshua ay nasa kabilang panig ng store. Magaganda ang mga design na nakikita niya kaso wala naman siyang na-isip na pagbigyan. Wala siyang balak na sabihin sa office na pumunta siya ng Tagaytay kasama ang binata. Itinigil ni Anniza ang ginagawang pagtingin sa mga keychain. Lumapit siya sa baliw niyang boss. Nakatingin pala ito sa mga kwentas na gawa sa isang tali tapos ang pendat ay isang letra na gawa sa epoxy. Para ngang DIY lang ang kwentas na binibinta ng mga ito.
"Bibili ka ba?" tanong ni Anniza.
Sinulyapan siya ni Joshua. "Yes kaso wala akong makitang letter A."
Nagsalubong ang kilay niya. "Let me help you." Tinulak niya ng marahan ang binata.
Umatras ng bahagya si Joshua. Isa-isa niyang tiningnan ang mga letrang naka-display doon. Napangiti siya ng makita ang hinahanap.
"I found one," aniya. Kinuha niya iyon at ibinigay sa binata.
"Thank you." Tinanggap iyon ni Joshua. "I pay for this. Pwede mo ba akong hintayin sa labas?"
Tumungo siya at sinunod ang gusto ito. Sa labas nga ng store niya hinintay ang binata. Hindi naman ito nagtagal. Paglabas nito ay napansin niyang wala itong hawak na kahit anong plastic.
"Nasaan na iyong binili mo?" tanong niya.
Ngumiti si Joshua. "Nasa bulsa ko. Sayang ang plastic kung pwede ko naman ilagay sa bulsa ko, di ba? At saka nakatulong pa ako sa kalikasan."
Napa-iling na lang si Anniza. "Iwan ko sa iyo. Tara, samahan mo akong bumili ng pagkain para pasalubong ko sa dalawang pamangkin ko."
Tinalikuran na niya ito. Nagulat na lang si Anniza ng may humawak sa kanyang kamay ng nakadalawang hakbang pa lang siya. Napatingin siya sa kamay nilang nakalapat ni Joshua. Mahigpit na nakahawak doon ang lalaki. Napalabi siya. Bakit parang napakagandang pagmasdan ang mga kamay nilang magkadikit? Kung pwede lang kunan ng larawan ay ginawa na niya kaso baka magtaka ang binata. Nagtaas siya ng tingin at ngumiti. Hinila na siya ni Joshua sa mga pagkain na pwede niyang ipasalubong sa mga pamangkin. Pagkatapos nilang mamili ay bumalik sila ng kotse.
"Saan tayo?" tanong niya habang sinusuot ang seatbelt.
"I have a place that you going to like." Tumingin si Joshua sa suot na relo. "Tama lang kung pupunta tayo doon ngayon. Tapos kain tayo ng hapunan sa isang restaurant na alam ko. Pakakainin muna kita bago kita ibalik sa Kuya mo."
Inirapan lang ni Anniza si Joshua. Hindi na niya kinubuan ang binata. Hindi na rin nagsalita si Joshua. Hindi naman kalayuan sa pinuntahan nilang lugar ang sinasabi ng binata. Sa isang mataas na gate inihinto ni Joshua ang kotse nito. Kinuha muna nito ang phone sa bulsa at may kina-usap na tao.
Basi sa pakikinig niya ay si Patrick ang ka-usap nito. Ito ang kaibigan ng binata na siyang nakilala niya ng muntik na siyang mapahamak. Pumayag kasi siyang magpakuha ng dugo para sa ginagawang imbestigasyon ng mga ito. She is happy to help. Gusto niyang makatulong para mapuksa ang masasamang tao na gumagawa ng immoral sa kapwa nito. Nakilala niya din si Sasha o Ocean. Ito ang doctor na kumuha ng kanyang dugo.
Pagkababa ni Joshua ng phone nito ay bumukas ang malaking gate na siyang ikinagulat niya. Napatingin siya doon at hinanap ang taong nagbukas pero wala siyang nakita. Ipinasok naman ni Joshua ang kotse sa loob. Nagtataka pa rin siya hanggang sa makababa ng kotse. Wala talaga siyang nakikitang tao doon.
"Sinong nagbukas ng gate?" tanong niya kay Joshua.
Sasagot na sana ang binata ng muling sumara ang gate. Muntik na siyang mapatili dahil wala namang taong nagtutulak noon. Napatingin siya kay Joshua ng tumawa ito.
"This place is controlled by the system. Si Patrick ang nagbukas para sa atin." Sagot ni Joshua.
"What? What do you mean?"
Lumapit sa kanya si Joshua. "This house is full of security cameras and control by the system. Naka-upo lang si Patrick sa computer pero kaya na niyang kontrolin ang bahay na ito." Nagtaas ng tingin si Joshua.
Sinundan naman niya iyon ng tingin. May nakita siyang CCTV camera sa may gilid ng bahay. Itinaas ni Joshua ang isang kamay nito at ipinakita ang gitnang daliri. Ngumiti lang ang binata pagkatapos at hinarap siya.
"Let's go. May ipapakita ako sa iyo." Hinawakan ni Joshua ang kamay niya at hinila siya sa likurang bahagi ng bahay.
Doon ay may nakita siyang hagdan. Inakyat nila iyon ni Joshua at bumungad sa kanila ang isang malawak na teresa. May mesa at sofa doon. May bubong ang kinaruroonan ng dalawang pulang sofa para hindi ito mabasa kapag ma-ulan. Lumapit sila doon ni Joshua at umupo.
"Look at the view," wika ni Joshua at may itinuro.
Sinundan iyon ng tingin ni Anniza at napasinghap siya ng makita ang magandang tanawin. Kung sa restaurant kanina ay kitang-kita ang bulkan. Ganoon din sa lugar na iyon ngunit mas maganda ang tanawin sa kinaruruonan nila. Hindi lang kasi ang bulkan ang makikita niya kung hindi na rin ang bundok sa likuran na lalong nagpaganda dito. Pansin na pansin din ang ganda ng tubig na natatamaan ng araw. The view is breath taking. Sakto lang na hapon nila nakita ang tanawin na iyon.
Masarap ang ihip ng hangin at hindi din kasi masakit sa balat ang init. Napasandal siya habang nakatingin sa malawak na tubig. It was amazing. Mas lalo lang naging maganda ang tagpong iyon dahil silang dalawa lang ni Joshua ang nasa lugar ng mga sandaling iyon. Walang ingay na nagmumula sa ibang tao. They are sharing the moment together.
Mamaya pa ay sumandal na rin si Joshua sa sofa. Naramdaman niyang hinawakan ni Joshua ang kamay niya. Napababa siya ng tingin. Joshua intervene their fingers. May bumalot na mainit na bagay sa puso niya. Tumingin siya sa binata. Wala sa kamay nila ang atensyon nito kung hindi sa tanawin. Wala siyang nababasa na kahit ano sa mukha nito.
Umayos ng upo si Anniza. Hindi niya hinila ang kamay na hawak ng binata. Instead, she put her head at Joshua's shoulder. She also closes her eyes and saves the moment. She loves this moment. Hindi niya yata makakalimutan ang mga sandaling iyon. Being near to Joshua and lying to his shoulder makes her heart filled with contentment.
'I wish this moment last,' aniya sa isipan.
Hindi alam ni Anniza kung ilang minuto silang ganoon ni Joshua hanggang sa naramdaman iyang gumalaw ang binata. Binitiwan na ito ang kamay niya at parang may inaayos sa leeg niya. Hindi namalayan ni Anniza na naka-iglip pala siya habang nakasandal sa binata. Inimulat ni Anniza ang mga mata at umayos ng upo.
Tumingin siya sa kasama na ngayon ay may naglalarong ngiti sa labi.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa inaantok na boses.
Ngumusi ang binata. Para itong may tinuturo gamit ang labi nito. Sinundan niya ng tingin ang tinuturo nito. Nagtagpo ang dalawang kilay niya ng makita ang suot na kwentas. Hindi na iyon kagaya ng nakita niya sa souvenir store. Gawa na sa silver ang lace pero ang pendat ay ganoon pa rin. Kinuha niya iyon. Letter 'J' ang suot niya kaya lalong nagtagpo ang kilay niya.
"Bakit 'J'?" Tumingin siya kay Joshua.
"J... para kapag tinitigan o suot mo iyang kwentas ay maalala mong galing sa akin." Tumaas-baba pa ang kilay ng binata.
Lalo siyang nagtaka sa sinabi nito. Well, ano bang maasahan niya sa isang tulad ni Joshua. "Ang weird mo talaga pero thank you. Nagustuhan ko siya."
Ngumiti si Joshua at hinawakan ang kwentas. "Please! Take care of it!"
Natigilan siya sa sinabi nito. May pagsusumamo kasi ang pagkakasabi nito noon. Bakit parang may iba pang-ibig sabihin ang paki-usap nito? Tinitigan niya ang mga mata ni Joshua. His eyes are begging and asking her to say 'yes'. And who she is to decline, right?
Ngumiti siya kay Joshua. "Of course, I will take care of it."
Nagningning ang mga mata ni Joshua. Ngumiti ang binata at muling hinawakan ang kanyang mga kamay. Napakagat na lang ng labi si Anniza. This is all new to her and Joshua is the reason of everything.
"HE IS HERE." Natigilan si Joshua sa pagtipa ng mensahe ng marinig ang sinabing iyon ng kaibigan.
"Who?" tanong niya kay Liam.
Tumingin sa kanya ang kaibigan at ibinaba ang hawak na baso. "Shan. Shan Jammiel Wang is back, Joshua."
Muntik na niyang mabitiwan ang hawak ang cellphone ng marinig ang sinabi ng kaibigan.
"Bumalik na ang pinsan mo, Joshua. Hindi mo ba alam?" Si Patrick naman ang nagsalita.
Umiling siya. "No one told me. Kahit si Daddy walang sinabi sa akin. Bakit nandito siya?"
"Sinabi niya sa akin sa text na siya na ang magiging CEO ng MDHGC. Sa kanya daw ibibigay ang posisyon na iyon kaya siya umuwi." Si Liam ang sumagot sa tanong niya.
Mas malapit si Liam kay Shan. Hindi nga niya alam kung paano naging malapit na kaibigan ang dalawa gayong dalawang taon ang agwat ng kanilang edad. Nang umalis ng bansa si Kuya Shan ay hindi na naging madalas ang pagsasama sa kanila ni Liam. Malapit kasi talaga ang dalawa sa isa't-isa.
"Paanong mangyayari iyon? Nandiyan si Shilo na isa din sa magiging CEO ng kompanya."
Ang alam niya ay si Shilo ang magiging bagong CEO ng MDHCG. Nakapagdesisyon na din kasi ang board na dito ibigay ang posisyon dahil ito naman ang nasa bansa ngunit kung totoo na nasa bansa na si Shan ay nasisigurado niyang gulo ang mangyayari. Hindi magkasundo kahit noon pa ang dalawa.
"Pinuntahan daw siya ng ama niya sa China para personal na pa-uwiin para maging CEO ng MDH. At ang gago natin kaibigan. Pumayag siya sa gusto ng kanyang ama. Alam nito na manipulative si Tito Shawn pero hinayaan niya. Hindi ko ma-intindihan si Shan." Halatang tutol si Liam sa pag-uwi ni Kuya Shan sa bansa at pagpasok nito sa kompanya ng ama.
"Sigurado akong may binabalak iyang si Shan. Kilala niyo naman ang isang iyon. Hindi iyon basta-basta nagdedesisyon lang." Tumingin sa kanya si Patrick. "Ihanda mo na agad ang nurse at doctor ng MDH dahil siguradong gulo ang hatid ng pagbabalik ni Shan."
Tumawa si Liam na siyang ikinatingin nila. "Kung may dapat mang humanda sa pagbabalik ni Shan. Si Shilo na iyon. Alam natin kung gaano kalaki ang galit ni Shan sa kapatid niyang iyon. Sinusumpa niya ang nakakabatang kapatid niya dahil ito ang dahilan ng pagkawala ni Kristine sa buhay niya."
Napa-iling na lang siya. Mukha nga magiging masilamuot ang buhay ng mga empleyado ng MDH. Sana ay hindi maging dahilan ang pagdating ni Shan para lumabas ang sungay ni Shilo. Nakakatakot pa naman magalit ang isang ni Shilo Wang.
Naku! Tulungan na sana siya ng lahat ng santo kapag dumating na sa kompanya ang panganay ng mga Wang.
Si Kuya Shan na siyang tinaguriang playboy ng grupo. He will surely going to experiences hell soon.