"RECORD everything we need, Annie," ani ni Joshua.
Nasa Boracay sila ng mga sandaling iyon. Katatapos lang gawin ang bagong hotel ng kompanya at kailangan nilang mag-hire ng bagong empleyado. Napag-usapan ng management na kumuha ng ilang local residence. May iilan din silang kukuning empleyado sa ibang branch para maging head pero bago iyon ay kailangan nilang alamin kung ilang tao ba ang kailangan ng hotel na iyon.
"Na-record ko na. Kailangan na ba nating mag-post ng announcement para sa hiring?" Nasa café sila malapit sa hotel.
Hawak ni Annie ang ipad nito at nirerecord ang bawat sabihin niya. Na-iikot na nila ang buong hotel kanina at tiningan ang buong building. Maraming staff ang kailangan nila sa bagong hotel ng kompanya at mukhang madagdagan na naman ang kanilang trabaho. Hindi lang iyon, dahil siya ang head manager ng HR department kailangan niyang manatili doon ng ilang linggo para sa pag-hired ng mga tao. May tatlong buwan pa sila bago ang grand opening. Pero kailangan na nilang mag-hire dalawang buwan bago ang event. They need to train them for two months. Hindi basta-basta ang training sa Mie Hotel.
May iniingatang pangalan ang kompanya kaya kailangan magagaling at desiplinado ang magiging staff.
"We better start now. Mas mabuti na iyong mag-aanounce tayo. Mas maganda kapag maraming mag-aapply para mas makapili tayo." Sagot niya habang tinitingnan ang mga larawan na kuha niya kanina sa loob ng hotel.
"Okay. I will ask our IT department later. I send you the details before I send to them."
Tumungo siya. "Please! Do that, Annie."
Naging tahimik ang lahat sa pagitan nila ni Anniza. Pareho na silang nakatutok sa trabaho. Isa sa mga rason kung bakit naging maayos ang trabaho nila ni Anniza kahit na madalas silang nag-aaway ay dahil pareho silang seryuso kapag trabaho na ang usapan. Marunong silang gumalang sa oras ng trabaho. Professionalism is both on them. Nagpapasalamat siya na ganoon din si Anniza.
"What do you think about this?"
Napatingin si Joshua kay Annie. Itinulak nito ang ipad na nakapatong sa mesa. Joshua look at the layout of the hiring advertising that Annie made. Binasa niya ang nakasulat doon.
"Change this one. Gusto ko ilagay mo na mas may advantage kapag talaga Aklan. At mas ganda na kumuha tayo ng local residence. Mas may alam sila dito kaysa sa atin," wika niya.
Tumungo si Annie at kinuha ang ipad. Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa kanina. Ganoon sila ni Annie hanggang sa sumapit ang paglubog ng araw. Namalayan lang nila iyon ni Annie ng makita ang mapupulang langit. Napangiti si Joshua ng makita ang magandang tanawin. Tumingin siya kay Annie na busy pa rin sa ginagawa nito.
"Annie, I think we need to stop."
Nagulat si Annie at napataas ng tingin. Salubong ang kilay na tumingin sa kanya ang dalaga. "Why? Hindi pa ako tapos sa ginagawa kong report."
Napangiti siya sa sinabi ng dalaga. Itinuro niya ang magandang tanawin na nasa harap nila. Sinundan iyon ng tingin ng dalaga. Narinig niya ang malakas nitong pagsinghap. Alam niyang magugulat ito kaya lalo siyang napangiti.
"Let's stop and walk."
Tumingin sa kanya ang dalaga at tumungo. Inayos nito ang gamit. Inilagay nito sa dalang bag ang ipad at ilang papeles na nakapatong sa mesa. Tumayo naman siya at hinintay itong matapos. Nang makitang tapos nang ma-ilagay ni Annie ang gamit nito ay agad niyang inagaw ang bag dito.
"I carry it for you." Ngumiti si Joshua at inilahad ang kamay sa dalaga.
Napatingin doon si Annie pero ilang sandali lang. Tinanggap din naman iyon ng dalaga ng hindi nagsasalita. Lihim na nagbunyi ang kanyang puso dahil sa ginawa nito. Hinila na niya ang dalaga papunta sa dalampasigan. Marami na rin mga taong naglalakad doon. Iba ay naliligo at naglalaro sa tubig. Naka- Hawaiian short at blue t-shirt siya. Si Annie naman ay naka-maong short, hanggang tuhod iyon kaya ayos lang sa kanya. Malaking puting t-shirt naman ang damit nito. Nakatali ang buhok ng dalaga kaya malaya niyang napagmamasdan ang mukha nito.
Annie is beautiful. Kahit wala itong suot na make up ng mga sandaling iyon ay napakaganda pa rin nito. Kapag nasa opisina kasi ang dalaga ay naglalagay ito ng manipis na make-up. Mabibilang lang yata sa daliri ang wala itong make-up kapag pumapasok.
Inalis nila ni Annie ang suot na sapin sa paa ng maglakad sila malapit sa dagat. Paminsan-minsan ay tumatama sa paa nila ang tubig. Hindi mapigilan ni Joshua na mapangiti. Napakasimpleng sandali lang niyon pero napupuno ang puso niya ng saya. Holding Annie's hand while walking at the beach is really one of his dream. Kung maari lang na manatili silang ganoon ay hihilingin niya. He wanted to be with her until the rest of his life. Ngunit hanggang ng mga sandaling iyon ay natatakot pa rin siyang sabihin sa dalaga ang nararamdaman.
Pagdating kasi kay Annie ay hindi siya sigurado. Lagi na lang siyang nauunahan ng takot. Takot na wala talagang nararamdaman sa kanya ang dalaga. Dati lagi siyang sigurado na may nararamdaman sa kanya ang isang babae pero pagdating kay Annie ay hindi. Binabalot lagi ang puso niya ng takot kaya hindi niya ma-umpisahan ang panliligaw dito.
"Ngayon ko na iintindihan kung bakit maraming tao ang Boracay."
Napatingin siya kay Annie. Nakatingin ito sa unahan nila. "Dahil sa maputi niyang buhangin?"
Sinulyapan siya ng binata. "Oo pero hindi lang iyon. Iba kasi ang dating ng lugar na ito sa mga taong nagbabakasyon. Dito mo kasi mararamdaman na talagang nababakasyon ka. Those activities they offer, the accommodation and the atmosphere. Napakagaan ng lugar at parang ang slow ng oras dito. Hindi siya kagaya kapag nasa Maynila tayo. Parang may hinahabol tayong oras. Dito hindi ko talaga namalayan na gabi na kung hindi pa lulubog ang araw."
Akala niya ay siya din ang nakapansin noon. Tama ang sinabi nito. Sa lugar na iyon ay parang napakabagal ng oras. Kanina habang nagtatrabaho sila ni Annie ay parang tumigil sa pag-ikot ang kanyang mundo. Hindi niya nga alam kung ilang beses niyang sinulyapan si Anniza habang nagtatrabaho sila.
"Tama ka." Pinisil niya ang kamay nito na hawak niya.
"Parang gusto ko tuloy pumunta dito kasama ang Kuya, Ate at pamangkin ko."
Nagsalubong ang kilay niya. "Dalawa lang ba kayo ng Kuya mo sa buhay?"
"Oh! Nasa high school ako parehong namatay ang magulang namin. Simula noon, si Kuya na ang tumayong ama't-ina ko. Kung hindi dahil kay Kuya, wala ako ngayon sa kinalalagyan ko. Utang ko talaga sa kanila ni Ate ang lahat ng meron ako ngayon."
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang dalaga. "I'm sorry about your parents. I didn't know you lo-"
"It's okay. Wala naman talaga kasi akong pinagsasabihan ng tungkol sa kanila."
"But still. I know the pain. I also lost someone. Alam ko kung paano mawalan ng taong minamahal, Annie. Pero masaya ako at nariyan ang Kuya at Ate mo. I wanted to meet them."
"Gusto mong makilala ang Kuya ko?" Natatawang tanong ni Annie.
"Oh! Gusto kong makilala ang taong naging sandalan mo noong nasasaktan ka sa pagkawala ng mga magulang mo."
Ngumiti si Annie. "Malabong mangyari iyon dahil hindi ka pa pumapasok sa loob ng bahay namin ay naka-abang na ang baril niya."
Nagsabulong ang kilay niya. "Pulis ang Kuya mo?"
Tumungo si Annie. "Ilang taon na rin. Ngayon nga ay hepe na siya sa lugar namin. Mabilis ang promosyon niya dahil magaling siya sa trabaho. Kaya nga sobrang proud ako sa Kuya kong iyon."
Napangiti din si Joshua. Seeing Annie's eyes spark makes him happy too. Mukha ngang malapit ang magkapatid. Ngayon ay lalo lumaki ang kagustuhan niyang makilala ang Kuya nito. Alam niyang kailangan niyang kunin ang kiliti ng nakakatandang kapatid ni Annie. He will meet her brother soon.
"Hindi naman niya siguro ako sasaktan kapag nalaman niyang boss mo ako?"
Umiling si Annie. "Kahit kaibigan pa kita, siguradong hindi ka hahayaan ni Kuya na tumapak sa bahay. Sa totoo lang isa-isang lalaki pa lang ang nakakatapak sa bahay namin."
Nagtagpo ang kanyang kilay. May lalaking gusto ang Kuya nito para kay Annie. "Si Brix ba?"
Tumawa si Annie. Umiling ito. "Kahit si Brix ay hindi pa nakakalusot kay Kuya."
"Kung ganoon ay sino?"
"Si Sir Shan."
"Shan? Ang pinsan kong si Shan Wang?"
Tumungo si Annie. "Kilala pala siya ng Ate ko. Ang sabi dati daw niyang boss si Sir Shan kaso parang galit si Sir Shan kay Ate. May hindi lang daw sila pagkakaunawan ni Sir Shan?"
Natigilan si Joshua. Biglang binundol ng kaba ang puso niya. Bakit parang iba ang kutob niya sa mga sinasabi ni Anniza? May dapat ba siyang malaman.
"Pero mukhang okay naman sila. Wala na rin naman akong narinig na kahit ano kay Ate. Nang magtanong ako ay may hindi lang daw pagka-unawan sila ni Sir Shan noon?"
"Anong hindi nila pinagka-unawaan? Paano naging magkakilala ang Ate mo at si Shan?" Lalong nabuhay ang kaba sa puso niya. Sana ay mali ang hinalang nabubuo sa isipan niya.
"Dating katulong si Ate ng mga Wang at naging staff sa furniture shop si Ate. Ang sabi pinagbintangan ni Kuya Shan si Ate na nagnakaw sa mansyon. Kaya siya nalipat sa pagiging staff ng furniture dahil doon." Paliwanag ni Anniza.
Para naman nabunutan ng tinik si Joshua sa narinig. Akala niya ay si Kristina ang sinasabi nito. Ang alam niya kasi nang tinanggap ni Kristine ang pera ay tuluyan na itong nawalan ng koneksyon sa pamilya nila. Tuluyan na itong nagpakalayo-layo. Wala na rin sila naging balita at wala silang balak na makipagbalita dito. Mukha na rin naman okay ngayon si Kuya Shan o baka nga hindi.
Alam niya ang totoong na mamagitan dito at ni Carila pero ayaw niyang maki-alam. May alam din naman si Kuya Shan sa nakaraan niya. Hindi nga lang nito alam na walang kinalaman si Andria Lee sa kalukuhan niya noon dahil kapag nalaman ng ama, siguradong pakiki-alaman nito ang buhay pag-ibig niya. Andria is a good catch for his father. Mayaman at ma-impluwensya ang pamilya ng babae sa China.
"Mabuti naman kung ganoon. Staff pa rin ba ang Ate mo ng kompanya?"
Umiling si Anniza. "Nang maging pulis si Kuya ay tuluyan ng nagresign si Ate para alagaan ang mga pamangkin ko. Sa bahay na lang siya ngayon."
Tumungo si Joshua. "Kung ganoon, siya ang kasama mo lagi sa bahay?"
"Oo. Tinutulungan ko siyang mag-alaga sa mga pamangkin ko kaya nga siguro malapit kami sa isa't-isa. Mabait din kasi si Ate. Hindi pa sila kasal ni Kuya ay inalagaan na niya kami."
Ngumiti si Joshua at mas lumapit pa sa kanya. "Pwede bang... alagaan din kita, Annie?"
Hindi nakapagsalita si Annie. Nakatitig lang ito kay Joshua. Paano siya makapagsalita kung ganitong kay bilis ng tibok ng kanyang puso at may nagrarambulang daga sa kanyang diyan? Kay lapit ng mukha nito sa kanyang mukha. Hindi lang iyon, ang mga mata nitong may kakaibang ningning ay lalong nagbigay sa kanya ng damdamin na hindi niya mapangalan.
Nakita niyang pumaba ang tingin ni Joshua sa kanyang labi. Annie can't think clear anymore. Umangat ang kamay ni Joshua at humaplos sa kabilang bahagi ng kanyang pisngi. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Joshua.
"I just kidding." Ang kamay nitong humaplos sa kanyang pisngi ay biglang pumitik sa kanyang noo.
Nawala ang mahika na bumabalot kay Annie. Napahawak siya sa nasaktang noo. Isang Napasimangot si Annie at tinabig ang kamay ni Joshua ng balak nitong guluhin ang buhok niyo.
"Hindi ka nakakatuwa, gago."
Tumawa lang si Joshua. "Let's go. Nagugutom na ako." Hahawakan san nito ang kamay niya ng umuwas siya.
"Kaya kong maglakad. Lead the way." Mataray pa rin niyang sabi.
Bakit ba kasi paasa itong boss niya? Naiinis siya dito. Okay na sana, iyon na sana. Maganda na ang moment pero sinira naman nito. Nadadala na siya pero nagpapasalamat na rin siya. Wala kasi siyang mukhang ihaharap dito kapag talagang hinalikan siya nito.
Naglalakad sila sa D'mall, iyong bilihan ng mga souvenir sa Boracay, ng may nahagip ang kanyang mga mata. Huminto siya at nilapitan ang isang souvenir shop. Sumunod sa kanya si Anniza dahil hawak pa rin niya ang kamay nito.
"Anong gagawin mo?" tanong ng dalaga sa kanya.
"May gusto lang akong bilhin." Sagot niya.
Isang silver necklace na may gumamela pendat ang agad niyang napansin. Maganda ang pagkakagawa ng pendat kaya talagang nakaka-agaw pansin iyon sa kanya. Tumingin siya sa loob ng shop. Hinahanap niya ang sales lady. Mukhang napansin naman siya ng bantay kaya lumapit ito.
"Yes, Sir. Do you need anything?"
Napangiti siya. Siguradong pinagkamalaman siya ng babae na foreigner. Marami kasing Korean at Chinese ang pumupunta ng Boracay. At dahil may dugong Chinese siya ay talagang mapagkakamalan siya. His eyes are small like Korean.
"How much is this?" tinuro niya ang nakitang kwentas.
Napatingin doon ang babae. Nakita niyang nagsalubong ang kilay nito. "Ha! Kanino ito?"
"Hindi niyo iyan binibinta?"
Tumingin sa kanya ang babae. "Naku, Sir. Hindi po sa amin ito. Baka po naiwan ng ibang costumer namin." Kinuha ng babae ang kwentas.
Nalungkot siya bigla. He loves the necklace. Kaka-iba kasi ang dating noon sa kanya. Akala niya talaga ay binibinta ng mga ito. Gusto niya sana iyon bilhin para ibigay sa babaeng kasama niya ng mga sandaling iyon. Nasisigurado niya kasing maganda at magugustuhan iyon ni Anniza. He likes unique thing and giving it to someone special to him.
"Ganoon ba. Sige baka balikan iyan ng may-ari. Salamat na lang." Tumalikod na lang siya.
Napatingin siya sa gilid niya ngunit hindi niya makita ang babaeng kasama kanina. Iniwan ba siya ni Anniza sa lugar na iyon. Iniikot pa niya ang tingin hanggang sa nakita niya ang dalaga di kalayuan sa kinatatayuan niya na may ka-usap na isang bata. Naglakad siya palapit dito.
"Gusto mo ng ice cream?" tanong ni Anniza sa bata.
Umiling lang ang bata dito. Huminto si Joshua sa paglapit sa dalawang tao. Pinagmasdan niya si Anniza at ang batang babae.
"Ayaw mo. Kung ganoon, anong gusto mo?" Napangiti siya ng marinig ang malambing na boses ni Anniza.
"I want my mommy." Umiiyak na wika ng bata.
Nawala ang ngiti sa labi ni Annie. Pinunasan nito ang mga luhang dumaloy sa pisngi ng bata. Masuyo ang pagkakahawak ni Annie. May humaplos sa puso niya ng makita ng eksena na iyon. He never saw this soft side of Anniza. Sanay siyang nakikita itong matapang.
"Let's find your mommy. Pwede mo bang ibigay sa akin ang pangalan mo?"
"Jamie Uy." Sagot ng bata.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Joshua ng marinig ang sagot ng bata. Nawala ang ngiti sa labi niya at habol ang hininga na pinagmasdan ang bata. Bumilis din ang tibok ng kanyang puso at nanginig ang kanyang tuhod.
"Jamie, what are you doing?" Ang galit na boses na iyon ang umagaw sa humintong mundo ni Joshua.
May babaeng lumapit kay Annie at sa batang nangangalang Jamie. Matangkad ang babae at mahaba ang buhok. Hindi niya makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa kanya. Pero kahit ganoon ay kilala niya pa rin kung sino. Namutla si Joshua at napako sa kinatatayuan. Gusto niyang ihakbang ang mga paa at lapitan ang mga ito ngunit hindi niya magawa. Nanghihina din kasi ng mga sandaling iyon ang kanyang tuhod.
"Tita Jackie!" Niyakap ng bata ang bagong dating.
Mabilis na binuhat ng babae na tinawag na Tita Jackie ng bata. Dahil sa ginawa nitong pagtayo ay nakita niya ang mukha nito. Napa-atras si Joshua ng makomperma ang hinala. Ang babaeng may buhat ngayon sa bata ay walang iba kung hindi si Jackie Uy, ang kapatid ng dating kasintahan na si Jassie.
"Pasensya ka na at maraming salamat sa pagtingin sa pamangkin ko," narinig niyang wika ni Jackie.
"I-it's okay. Pamangkin mo siya?" tanong ni Anniza.
Tumungo ang babae at maliit na ngiti ang sumilay sa labi nito. Hindi maitago ang pagka-ilang sa mukha ni Jackie. "Salamat ulit."
"Walang anuman." Ngumiti si Anniza sa mga ito.
Yumuko lang si Jackie at humakbang na paalis. Sinundan niya lang ng tingin ang mga ito. At dahil na katalikod sa kanya si Jackie ay nakita niya ang mukha ng bata. Napasinghap siya ng magtagpo ang kanilang mga mata. The kids look like the woman he loves before. Para itong pinagbiyak na bunga ni Jassie.
Bumuka ang labi ni Joshua para tawagin si Jackie at tanungin patungkol sa bata ngunit walang lumabas na boses sa labi ni Joshua. Nagugulat pa rin ito sa nasaksihan.
Anong ibig sabihin ng nakita niya? Sino ang batang iyon? At kaninong anak ang bata kung pamangkin ito ni Jackie? Iisang tao lang naman ang alam niyang pwedeng maging ina ng bata ngunit patay na ito. Pinuntahan pa nga niya ang puntod nito. Puntod nito at ng anak nila. Kaya paano nagkaroon ng pamangkin si Jackie? Dalawa lang naman ang mga ito na magkapatid, si Jackie at Jassie.
Hindi lang iyon. Bakit kamukhang-kamukha ni Jamie si Jassie? At bakit magkatulad sila ng pangalan ng anak niyang hindi niya nasilayan?
May itinatago ba ang pamilya Uy sa kanya? May dapat ba siyang matuklasan?