PAPUNTA sa President office si Anniza. May kailangan kasi siyang ibigay na papeles para sa big boss. Wala si Joshua ng araw na iyon dahil may kailangan ayusin sa hotel nila sa Baguio. Kaya naman siya ang kailangan umakyat ng mga papeles na madalas ay si Joshua ang nagbibigay sa pinsan nito. Napangiti si Anniza ng makita si Carila na busy sa trabaho nito.
"Hi, Rila." Masayang bati niya sa kaibigan.
"Hi, Anny. May kailangan ka?" gumanti ng ngiti sa kanya ang babae.
"Rila, it's Annie with I E not Anny." Pagtatama niya.
Tumawa si Carila. "Parehas lang naman. At saka mas gusto namin ang Anny kaysa sa Annie."
Napasimangot siya. Hindi na yata talaga magbabago ang pagtawag ng mga ito sa kanya. Huminga siya ng malalim. Ayaw na niyang patulan ang kaibigan.
"I'm here to hand this document to the big boss. Nandyan ba siya?"
"His inside but I suggest that you shouldn't distorb him." Napansin niya ang pagbabago sa mukha nito.
"Bakit?" Napatingin siya sa pinto ng opisina ng Presidente ng kompanya.
"Shilo is inside. May pinag-uusapan yata silang importante."
Namutla siya ng marinig ang pangalan ng dati niyang boss. Hindi niya yata makakalimutan ang ginawa nito sa gamit niya. Nang binalikan niya kasi noon ang gamit niya ay marami ang nasira at nabasag. Hindi niya lubos ma-iisip na ganoon ang gagawin nito sa gamit niya. Nagpapasalamat na lang siya at wala siya ng magwala ito ng tuluyan at saka kinabukasan kasi noon ay balik HR department siya.
"Oh! Nandiyan pala siya. Kanina pa ba?"
Tumungo si Carila. "Pero mukhang maayos naman ang pag-uusap ng dalawa. Wala pa naman kaming naririnig na pagwawala mula sa loob."
Hindi siya nagsalita. Nagdadalawang isip siya kung papasok ba siya sa loob. Baka nagtatalo ang dalawa at siya ang pagbuntunan ng mga ito. Nakakatakot pa naman si Sir Shilo, lalo na kapag si Sir Shan ang kaharap nito. Tumikhim siya at ngumiti ng mapakla kay Carila. Anong gagawin niya ngayon? Kailangan niyang mapapirmahan agad ang dukomentong hawak.
"Pwede ko ba silang esturbuhin, Rila?" tanong niya sa kaibigan.
Tumingin si Rila sa pinto bago ibinalik ang tingin sa kanya. Tumungo ito sa kanya. "Mukhang pwede naman."
"Sigurado ka? Baka kasi pagalitan ako ni Sir Shilo."
Tumawa ng mahina si Carila. "Hindi iyon. Sige na,"
Huminga siya ng malalim. Sana nga ay okay lang talaga na esturbuhin niya ang magkapatid sa loob. Ayaw niyang mapagalitan na naman. Baka tuluyan na siyang mapag-iyak. Nagkatruma yata siya kay Sir Shilo. Hindi nga niya alam kung paano nakakatagal dito si Mazelyn Reyes. Ang tanging sekretarya ni Sir Shilo na tumagal dito. Iilang buwan na bang sekretarya ng Vice President si Maze. Noong una ay naawa sila dito dahil madalas itong pagalitan pero nitong huling buwan ay napalitan iyon ng paghanga. She is very brave to be Shilo's secretary for that long.
Naglakad na siya palapit sa pinto. Kakatok na sana siya ng makitang may maliit na siwang ang pinto ng opisina ni Sir Shan kaya naririnig niya ang pinag-uusapan ng dalawa sa loob.
"Pinuntahan mo si Tin?" tanong iyon ni Sir Shilo.
"Yes. May problema ba?" Matapang na tanong ni Sir Shan.
"Meron. May pag-ibig ka pa rin ba sa kanya?"
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Sir Shan. Iyong ang unang pagkakataon na nakita niyang ganoon ang reaksyon nito. Tumindig ang balahibo niya sa batok. Why she feels something evil?
"Ano ngayon kung meron, Shilo?"
Napakuyom ang dalawang kamao ni Sir Shilo. "Paano si Carila? If you still have feeling for Kristine then let go of Carila."
Tumawa ng mahina si Sir Shan. Napako siya sa kinatatayuan ng marinig ang isang pamilyar na pangalan.
"Let go of Carila? Para ano, Shilo? Para mapunta siya sa iyo?"
Hindi nagsalita si Sir Shilo. Tumawa ng mapang-insulto si Sir Shan. "Sad to say but I will keep her. Hindi ko pakakawalan si Carila para hayaan kang maging masaya, Shilo. You make me suffer for how many years because of what you did to me and Kristine."
"Well, you are the first one who hurt me. Kung hindi mo pinabayaan ng gabing iyon si Kaze, hindi sana ganito ang lahat sa buhay ko. Hinayaan mo si Kaze na kunin sa amin ni Tita Aliya."
Nagbago ang emosyon sa mukha ni Shan. "I didn't know. Hindi ko alam na itatakas pala ng katulong na iyon nang gabing iyon si Kaze. I didn't know, Shilo. Sana naintindihan mo iyon. Pero hindi..." Sinalubong ni Sir Shan ang galit na titig ni Sir Shilo. "Hindi mo ako inunawa bugkos ay gumanti ka pa. Sinabi mo kay Daddy ang tungkol sa relasyon namin ni Kristine dahilan para paghiwalayin kami noon ni Dad. It's all your fault."
"I didn't tell, Dad. Si Dad ang kusang nalaman ang sekreto mong relasyon kay Tin. Wala akong kinalaman sa paghihiwalay niyo. At hindi din kasalanan ni Daddy kung mas pinili ni Kristine ang pera at pag-aaral ni Anniza."
Nanlaki ang mga mata ni Anniza ng marinig ang pagbanggit ni Sir Shilo sa pangalan niya. Pinako siya sa kinatatayuan. Suddenly her mind went black.
"Kristine choose Anzer and Anniza over you. Sila talaga ang mahal ni Kristine at hindi ikaw. Bakit hindi mo tanggapin na ginamit ka lang ni Kristine noon dahil sa pera? She needs money for Anniza and she used your feeling to---"
Hindi na natapos ni Sir Shilo ang iba pa nitong sasabihin ng marinig ng mga ito ang pagbagsak ng mga dukomento na hawak niya. Sabay na napatingin ang magkapatid sa kanya. Sabay din nanlaki ang maliit na mga mata ng mga ito.
"Anniza..." tawag ni Sir Shan sa kanya.
Itinaas niya ang isang kamay at tinuro si Sir Shan. "I-ikaw at s-si A-ate T-Tin... may r-relasyon ka...yo... no..." She can't finish her sentence.
Biglang nanikip ang kanyang dibdib. Napatutop siya at napa-atras. Now, she understands everything. The money on Ate Tin's back account. Nagulat siya ng makita iyon. Hindi iyon basta mapupulot at kikitain ng kapatid sa trabaho. Kung ganoon ay bayad iyon mula sa mga Wang. Bayad para lumayo si Ate Tin.
"Anniza..." Tawag ni Sir Shilo sa kanya.
Hindi na niya pa hinintay na makalapit sa kanya si Sir Shilo. Mabilis siyang tumakbo. Kahit ang pagtawag sa kanya ni Carila ay hindi niya nilingon. She runs away like someone is after her. She wanted to runaway from all the thing she heard.
Nakarating siya sa rooftop ng building. Doon ay hinayaan niya ang sarili na umiyak ng umiyak. She can't take what she heard earlier. Kaya ba galit na galit si Sir Shan kay Ate Tin ng minsan itong pumunta sa bahay nila. They used to be lover. Naging nobyo ni Ate Tin si Sir Shan. At kung tama ang pagkakarinig niya ay ginamit ni Ate Tin si Sir Shan.
Hindi lang iyon. Ngayon lang niya lubos ma-isip na maaring may kinalaman ang mga Wang sa panandalian nilang karangyaan noon. Aaminin niya na hindi sila nahirapan noong nag-aaral siya ng kolehiyo kahit pa nga na sabay sila halos ng Kuya niya. Akala lang niya ay dahil sa may scholarship siya sa MDHGC. Maliban kasi sa tuition niya ay may natatanggap din siyang monthly allowance. Everything is easy for her. Ngayon niya lubos na na-isip na dahil iyon sa may dating relasyon si Ate Tin at sir Shan.
Anniza can't take everything. Hindi pala talaga dapat siya pumasok ng MDH. Ang kapal niyang magtrabaho doon gayong may ganoon palang issue. She doesn't deserve to be part of that company. Ngayon ay pinagsisihan niya ang ginawang pagpasok doon.
"WHAT?" gulat na napatayo si Joshua.
"You heard it right. Alam na ni Anniza ang tungkol sa dati naming relasyon ni Tin." Seryusong sabi ni Shan.
"Paanong nangyari iyon? Sinabi mo ba sa kanya." Nabuhay ang inis niya sa pinsan.
He doesn't want Anniza to know about Shan's past. Lalo na ang pagtanggap ni Tin ng pera para sa pagpapagamot dito. Sigurado kasi siyang maapektuhan noon ang dalaga.
"Narinig niya ang pagtatalo namin ni Shilo kanina. Shilo tried to follow her but she is fast. I'm sorry, cous." Tinapik ni Shan ang balikat niya.
Tinabig niya at sinamaan ng tingin ang pinsan. "Hindi talaga kayo nag-iingat ni Shilo. Bakit ba kasi ang hilig niyong mangdamay ng ibang tao sa problema niyo."
Nawala ang simpatya sa mukha ni Shan. Pinagdikit nito ang labi at kinuha ang isang baso ng alak na nakapatong sa mesa.
"Hindi namin intensyon ni Shilo na iparinig iyon kay Anniza. I don't know that my brother was stupid not to close the door at my office. Don't shout at me, Joshua. Mas matanda pa rin ako sa iyo at ako ang boss mo." May diin ang huling sinabi nito.
"Wala akong paki-alam kung ikaw ang big boss ng kompanya at mas matanda ka. Alam niyo dapat ni Shilo kung saan ang tamang lugar na pag-usapan ang nakaraan mo."
Tumawa ng mapakla si Shan. "So kasalanan ko pa ngayon kung narinig ng hilaw mong nobya ang totoo. Is it better? Hindi ka na mahirapan magpaliwanag sa kanya ng tungkol sa nakaraan namin ni Tin."
Napakuyom si Joshua at biglang hinawakan sa kwelyo ang pinsan. Nagtaas-baba ang dibdib niya sa inis sa pinsan.
"Kung sa tingin mo ay nakakabuti iyon, sa akin hindi. I care for Anniza's feeling. Hindi ako makakapayag na masaktan siya. Kung dapat man niyang malaman ang tungkol sa nakaraan niyo ni Ate Tin ay dapat mula iyon kay Tin at hindi sa iyo. You have twisted mind, Shan. Galit ang meron diyan sa puso mo." Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kwelyo nito.
Instead of getting mad for what he doing. Shan just laughs like a crazy man. Umiling pa ito.
"Twisted mind. Hindi ba tama naman ang lahat ng alam ko kay Tin. She accepted the money because my father offered it to her. Kung may pagpipilian lang siya ay hindi niya tatanggapin ang pera ng ama ko. She loves me. She su---"
"She doesn't love you. She used you." Matigas niyang sabi dito.
Nandilim ang mukha ni Shan sa narinig. "Bawiin mo ang sinabi mo."
"I won't. Hindi ko babawiin dahil iyon ang totoo. Hindi ka minahal ni Tin kahit isang beses. Ginamit ka niya para maging maayos ang buhay niya at buhay ni Anniza. Iyon ang totoo, Shan." Binitiwan niya ang kwelyo ng pinsan.
"Hindi ko gustong malaman iyon ni Anniza. Alam ko kung gaano niya hinahangan si Kristine. Ayaw kong masaktan si Anniza sa ganitong paraan. Hindi ko gusto marinig niya ang lahat sa ibang tao dahil kung may tao man na dapat na magsabi dito ng totoo ay dapat si Kristine iyon. Parte na si Tin ng pamilya ni Anniza kaya dapat lang na dito niya malaman ang totoo pero dahil sa katahangan niyo magkapatid. Nalaman niya pa ng hindi pa dapat. If I saw Anniza cried. I make sure I hit you two hard."
Tinalikuran na niya ang pinsan at nilisan ang VIP room ng club ni Patrick. Bumaba siya ng second floor. Hindi na siya nagpaalam pa kay Patrick. Sumakay siya sa kanyang kotse at minaneho ng mabilis. Kailangan makarating agad siya ng Novaliches. Gusto niyang maka-usap si Anniza.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng huminto siya sa isang stop light. He tried to called the woman he loves but she didn't pick up. Lalo siyang kinabahan. Natatakot siya na baka pati siya ay iwasan nito. Nakarating siya ng Novaliches na pilit pa rin tinatawagan ang dalaga. Huminto siya sa harap ng bahay ng mga Jacinto. Bukas pa ang ilaw kaya alam niyang gising pa ang mga tao doon.
Sinubukan niyang tawagan muli ang dalaga ngunit kagaya kanina ay hindi nito sinasagot ang tawag niya. Napabuntonghininga si Joshua. Mukhang pati siya ay iniiwasan na rin ng dalaga. Isinandal niya ang katawan sa kotse at nagpadala ng mensahe sa dalaga.
Ilang oras din siyang nakatayo doon ng makitang bumukas ang pinto ng bahay ni Anniza at lumabas ang dalaga na nakadamit pantulog na. Naglakad ito palapit sa kanya. At habang naglalakad ito ay tinitigan niya sa mga mata. Hindi maitago ang sakit sa mga mata nito.
Napabuntonghininga siya. Sa lahat ng ayaw niya ay makitang ganoon ang dalaga. Nang tuluyan itong makalapit ay agad niyang kinabig ito at ikinulong sa mga bisig.
"Cry on my shoulder, Annie. Nandito lang ako." Bulong niya.
Naramdaman niyang unti-unting gumalaw ang balikat ni Anniza. Hindi lang iyon, naramdaman din niya ang pagkabasa ng kanyang damit. May munting hikbi siyang narinig mula dito. Niyakap na lang ni Joshua ng mahigpit si Anniza. He wanted to tell her that everything will be alright but he knows it's not the right time. Nasasaktan ang dalaga dahil sa katutuhanan tungkol sa sister-in-law nito.
Naramdaman niyang gumanti ng yakap si Anniza. Hinayaan niya lang itong nakayakap sa kanya habang umiiyak. Hinagod na lang niya ang likuran nito. He knows what she feels like. Feeling betray by the people around her. Hindi niya alam kung ilang minuto pa sila ni Anniza sa ganoong sitwasyon. Naramdanan na lang niyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya. Mamaya pa ay tuluyan ng kumawala sa kanya ang dalaga. Nakayukong tumayo sa harap niya. Nakahawak ito sa kanyang damit.
Ini-angat niya ang kamay at hinawakan ang pisngi nito. Iniharap niya ito. Sumalubong sa kanya ang mapula nitong mga mata at ilong. She really cried hard. Pinunasan niya ang luhang dumaloy sa maputi nitong pisngi. Isang matipid na ngiti ang sumilay sa labi niya.
"Alam mo ang tungkol kay Ate Tin at kay Sir Shan?" iyon ang unang tanong ni Anniza pagkatapos niyang punasan ang mga luha nito.
Yumuko siya at hindi ito sinagot. He is afraid to saw the pain in her eyes but he can't lie to her. Anniza deserves the honesty from him. At kung maari ay nais niyang maging totoo dito.
"Bakit di mo sinasabi sa akin?" Mukha naman nakuha ni Anniza ang sagot sa kanyang pananahimik.
Huminga siya ng malalim at sinalubong ang mga mata nito. Pain, betrayal, and madness. Iyon ang nakikita niyang emosyon sa mga mata nito. He can't bear it but he needs too.
"I'm sorry. Alam kung hindi sapat ang I'm sorry para mapatawad mo ako sa ginawa kong paglilihim sa iyo. Nagawa ko lang iyon dahil ayaw kong masaktan ka. At saka, wala akong karapatan na sabihin sa iyo ang lahat. Dahil kung meron man na dapat magsabi sa iyo ng lahat ay ang Ate Tin mo. Ayaw kong mahimasok sa isang sitwasyon na alam kong wala akong kinalaman."
Hindi nagsalita si Anniza. Yumuko lang ito at umiyak ng umiyak. Isang malalim ulit na paghinga ang ginawa niya. He holds her shoulder.
"Alam kong nasasaktan ka ngayon, Annie. Alam ko na nahihirapan ka ngayon pero isa lang ang sasabihin ko sa iyo. Talk to her. Pakinggan mo ang side ni Tin. Ayaw kong magkaroon ng lamat ang relasyon niyo magkapatid dahil lang sa nakaraan na dapat ng kalimutan."
Nagtaas ng tingin si Anniza. "Kalimutan? Josh, hindi ko yata kayang kalimutan ang ganitong bagay. May niluko si Ate Tin ng dahil sa akin. Nasaktan si Sir Shan ng dahil sa amin. Nagkaroon ng lamat ang relasyon ng magkapatid ng dahil sa amin. At lahat iyon ay dahil sa akin. Dahil sa akin, Josh." Anniza start to cry hard again.
"Annie..." He feels her pain and he hate to see her like that.
Kinabig niya ang dalaga at niyakap muli ng mahigpit. Gusto niyang kunin lahat ng sakit na nararamdaman nito. "It's not your fault. Hindi mo alam ang lahat. Pinili nilang gawin iyon. At lalong hindi ikaw ang sumira sa relasyon ng magkapatid. Matagal ng ganoon ang relasyon ng dalawa. Noon pa bago dumating si Tin sa buhay nila. So, stop blaming yourself, Anniza."
Hindi na nagsalita pa si Anniza. Patuloy lang ito sa pag-iyak. Hinagod niya ang likuran nito. Nagpapasalamat siya t malalim na ang gabi. Walang taong dumaraan at nakikita sila sa ganoong ayos. Kung may isang bagay man na iniingat si Joshua ay iyong reputasyon ni Anniza. Ayaw niyang may masabing masama ang mga tao dito.
"I'm telling you now. Stop thinking it was your fault. Talk to your Ate Tin. Pakinggan mo ang rason niya. Wag mong isipin ang mga pinsan ko. Matanda na sila at alam nila ang ginagawa nila. Shan already move on. Mahal na niya ngayon ni Carila. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Everything have a reason. Every person comes to our life have a reason. They come to stay or be a temporary person in our life. So stop thinking about everything, Anniza. Stop blaming yourself for what happen before."
Wala siyang narinig na kahit ano mula sa dalaga. Hinagod lang niya ang likuran nito. Nasa ganoon silang sitwasyon ng may narinig silang paparating na motor. Mabilis na kumalas sa kanya si Anniza ng huminto iyon sa dapat ng bahay. Napatingin silang dalawa sa bagong dating.
"Anniza?" Banggit ng bagong dating nang matanggal nito ang suot na helmet.
"K-Kuya..." Basag ang boses na banggit ni Anniza.
Nagsalubong ang kilay ng lalaking bagong dating.
"Anong ginawa mo sa kapatid ko?" bago pa sila nakapagsalita ni Anniza ay mabilis na bumaba ng motor si Anzer at nilapitan siya.
Agad siya nitong hinawakan sa magkabilang kwelyo. Napa-atras naman si Anniza.
"Kuya!" sigaw ni Anniza.
"Anong ginawa mo sa kapatid ko? Bakit siya umiiyak?" Galit na sigaw ni Anzer.
Instead of feeling fear. He dares to look at Anzer's eyes. Hindi siya natatakot dito. Oo at Kuya ito ni Anniza pero wala naman siyang ginagawang masama. He is comforting Anniza. At wala siyang nakikitang mali doon.
"Kuya, ano ba? Wala siyang ginagawang masama." Sigaw ni Anniza at pilit na tinatanggal ang dalawang kamay ng Kuya nito sa kwelyo niya.
"Anong hindi? Umiiyak ka habang nakayakap sa kanya. Anong ibig sabihin noon?"
"I didn't hurt, Anniza. I'm comforting her because she is hurt by someone dearly to her." Matapang niyang sagot sa tanong nito.
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Anzer. "Talagang sumagot ka. Gusto mo bang pasabugin ko iyang bibig mo?"
"Kuya!!!" Galit na nasigaw ni Anniza.
"Anzer!!!"
Lahat sila ay natigilan ng marinig ang sigaw na iyon mula sa pinto ng bahay. Sabay-sabay silang napatingin sa babaeng sumigaw. Namumula sa galit ang maybahay ni Anzer ngunit ng tumingin ito sa kanya at nagtagpo ang kanilang mga mata ay nagbago bigla ang emosyon sa mukha nito.
"Joshua?" Narinig nilang banggit nito sa pangalan niya.
"Kilala mo siya, Tin?"
Tumingin si Kristine sa asawa nito. May lungkot sa mga mata ng babae. "S-siya ang tanging pinsan ni S-Shan."
Naramdaman niyang lumuwag ang pagkakahawak ni Anzer sa kanyang kwelyo. Hindi pala talaga siya kilala ng Kuya ni Anniza. Huminga siya ng malalim ng tuluyan siyang binitiwan ni Anzer.
"I think, we need to talk."