Chereads / Wishing Girl 3: Pain 2 Forget / Chapter 27 - CHAPTER TWENTY-SIX

Chapter 27 - CHAPTER TWENTY-SIX

KAGAYA ng inaasahan niya ay sa isang private resort ni Patrick idinaos ang kaarawan ng kaibigan. Iilang lang sila ang nandoon. Ang malalapit lang sa buhay ng kaibigan. Si Liam, Asher, MT (Mason Tharquin), Quinn, at ang kakabalik lang mula sa Thailand na si Mark Wilsy.  Wala ang dalawa nilang kaibigan na dating kabanda ni MT at Quinn. Parehong nasa ibang bansa at abala sa kani-kanilang negosyo. Si Grey na alam nilang abala sa paghahanap ng gamot para sa mga HIV positive.  Nakakilala ang barkada ng maging mahigpit silang kalaban sa isang band competition. Noong nasa kolehiyo sila ay sana isang banda sila. Sa grupo nila si Kuya Shan lang ang wala. Kasama nito ngayon si Carila at pumunta ang mga ito sa Bohol para magbakasyon.

Si Shan ang vocalist ng banda, siya naman sa organ, si Liam ang guitarist, si Asher ang drummer at si Patrick sa bass guitar. Sa grupo ni MT naman ay ito ang vocalist at leader, si Quinn na isa ng doctor ay ang guitarist, si Mark Wilsy na may-ari ng The Great S ay ang drummer habang si Grey Thec na isang Scientist ay ang dating bass guitar ng banda. Ang isa pang-membro ng mga ito ay nasa Spain ngayon, anak ng isang loyalty. Prince is a real Prince.

Tanging sila lang ni Patrick ang may kasamang babae. Nagpapasalamat siya at nandiyan si Sasha. Hindi nakaramdaman ng pagka-ilang si Anniza lalo na ang halos lahat sila ay lalaki. Nasa labas sila ng resort at iniikutan ang bonfire na ginawa nila kanina. Katabi niya si Anniza at Liam. Nagkakatuwaan silang lahat. May dalang gitara si MT, Quinn at Mark.

"Sandali lang. Sino-sino sa inyo ang may mga jowa na?" tanong ni Mark.

Ito ang makulit at kalog sa grupo ni MT. Lahat yata ng kalukuhan ay nandito. Napangiti siya sa tanong nito at napatingin kay Anniza. Nakatingin din ito sa kaibigan niya.

"Taas ang paa iyong may jowa." Sigaw naman ni Patrick.

"Gago. Hindi ko itataas ang paa ko." Ganting sigaw ni Liam at binato ng maliit na bato si Patrick.

Tumawa lang ang kaibigan nila na mabilis na naka-iwas.

"Kung ganoon ay may nobya ka na Liam? Seryuso ka ba sa kanya?" si MT ang nagtanong.

Lahat sila ay napatingin kay Liam. Gusto din niyang malaman kung talaga bang seryuso ito kay Jas. Ngumiti si Liam na hindi nila inakala. Liam never smile like that.

"She will be here if I'm not serious with her." Sagot nito na umani ng malakas na ungol.

"Kahit kailan talaga ay over protective ka sa babae mo, Liam," wika ni MT.

"Bakit MT? Ikaw ba hindi?" si Mark ang nagtanong na iyon.

Lahat sila ay napatingin kay MT ng marinig ang tanong na iyon ni Mark. Nanlaki ang mga mata ni MT. Mukhang hindi nito inaasahan na iyon ang sasabihin ni Mark dito.

"May nobya ka MT?" si Patrick ang nagtanong para sa kanila.

Galit na binalingan ni MT si Mark na katabi lang nito. "Gago ka!"

"So, may nobya ka? Akala ko ba wala kang hilig sa babae?" tanong niya sa kaibigan.

Kilala niya si MT. Hindi ito interesado sa babae kahit noong nasa kolehiyo sila. Kapag nasa isang bar sila at may lumalapit na babae dito ay mabilis nitong pinapaalis. Ang dahilan hindi ito interesado sa kahit kanino. MT only care is his career and studies. Para itong si Liam sa grupo nila.

"Nagkaroon ako ng nobya noon, Joshua. Pero ngayon…" Sumeryuso ang mukha ni MT. "My lover is… a guy."

Napasinghap sila ng marinig ang sinabi nito. Nanlaki ang mga mata nilang lahat maliban kay Mark at Quinn. Mukhang alam ng mga ito na lalaki ang nobyo ng kaibigan. Hindi nila iyon inaasahan mula sa lalaki na kung mangdamit ay mas lalaki pa sa kanila.

"Y-you are g-gay?" si Sasha ang unang nakabawi sa kanila.

"You can say that. Pero hindi naman kasi ako nagkakagusto sa ibang lalaki. Sa kanya lang talaga ako nakadama ng ganito. At saka, nagkanobya na din naman ako noon. So, maybe I'm bisexual." MT said as if it's nothing.

Lahat sila ay napakurap sa sagot nito. Huminga siya ng malalim.

"Pwede ba ang ganoon? I mean, mahulog ang loob mo sa kanya kahit lalaki siya?"

"Josh, love is love. You can't define it in any word. Ikaw ba, paano mo masasabihing mahal mo ang isang tao?"

Tumingin siya kay Anniza. Nagtago ang kanilang mga mata. Bumilis ang puso niya ng makita ang ningning sa mga mata nito. Napangiti siya ng wala sa oras.

"I don't know either. Basta nagising na lang ako isang araw na tumitibok ang puso ko para sa taong mahal ko." Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon ay hindi niya inaalis ang mga tingin kay Anniza.

Namayani ang katahimikan sa grupo. Para siyang nasa isang magandang paraiso lalo na ng ngumiti ang babaeng minamahal. He doesn't mind about the people around him anymore. Naputol lang ang lahat ng may naramdaman siyang matigas na bagay na tumama sa kanyang balikat. Galit niyang nilingon ang bumato sa kanya.

"Hello, people. Nandito kami," ani Mark.

Pinanlakihan niya ng mga mata ang kaibigan. Panira ng moment kahit kailan. Iniiwas lang ni Mark ang mga mata at hindi pinansin ang galit niya.

"Ang totoo niyan hindi lang si MT ang bisexuaal sa banda. Me too." Pang-amin nito na siyang ikinangiwi nila.

Nawala ang ngiti sa labi ni Mark. "Mga gago! Bakit ganyan ang reaksyon niyo?"

"Seryuso ka ba sa sinabi mo, Mark?" tanong niya dito.

Well, paano nila paniniwalaan na bisexual ito kung noong nagbabanda sila ay kabila-kabila ang nobya ng kaibigan. Kung gaano ito kabilis magpalit ng underwear ay ganoon din ito kabilis magpalit ng nobya. Si Mark kasi ang playboy ng banda ng mga ito.

"Oo." Kinuha nito ang cell phone sa bulsa at may tiningnan. Nang mahanap ang hinahanap ay pinakita sa kanila ang isang larawan. "Meet my very handsome boyfriend Veelrich."

Dahil si Patrick ang pinakamalapit dito ay ito ang kumuha ng cellphone ng kaibigan. Nakita nila ang panlalaki ng mga mata ng kaibigan.

"Seryuso ka ba, Mark? Nobyo mo si Veelrich Fan? Ang CEO ng PerTech ComSech."

Lalong lumawak ang pagkakangiti ng kaibigan dahil sa tanong na iyon ni Patrick. Kahit siya ay nagulat sa nalaman. Veelrich Yi Tao Fan is the famous CEO of PerTech Comsech, isang kilalang kompanya sa China. Ang kompanya na gumagawa ng mga computer at binibinta hindi lang sa bansang China kung hindi pati na rin sa ibang bansa. Hindi lang iyon, noong nakaraang taon lang ay nagbukas ito ng isa pang kompanya na siyang gumagawa ng mga software. Veelrich is rich. Mas mayaman pa nito sa pamilya ni Liam. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang pangatlo sa pinakamayaman na tao sa Asia.

"So, Veelrich is gay?" wika ni Sasha sa tonong disappointed.

Napatingin sila sa kay Sasha.

"Bakit? May gusto ka sa kanya?" may himig ng selos na tanong ni Patrick.

Sinamaan ito ng tingin ng babae at tinampal sa pisngi. "Hindi porket disappointed ako ay may gusto na ako sa tao. Maraming may gusto kay Veelrich at maraming gusto siyang maging nobyo. Pero ang kaibigan mo ang nakasalo. Siguradong maraming babae ang iiyak nito."

Napangiti siya sa sinabi ni Sasha. Nasisigurado niya na marami nga ang masasaktan kapag nalaman iyon. Hindi lang ang mga babaeng nagkakagusto kay Veelrich kung hindi na rin ang mga babaeng nagkakagusto kay Mark. Hanggang ngayon ay marami pa rin naman ang humahabol dito. Kung yaman din naman ang pag-uusapan. Mayaman din naman si Mark Wilsy Yang. Ito ang CEO ng The Great S, isang kompanya na nagbibinta ng iba't-ibang uri ng kontruksyon material. Hindi lang dito sa bansa mabibili ang produkto ng kompanya nito kung hindi pati na rin sa ibang bansa.

"Well, sorry na lang sila. Veelrich is head-over-hell in-love with me. He is cr-"

"Hindi ako naniniwala." Putol ni Liam sa iba pang sasabihin ni Mark. Ang kanina pangtahimik nilang kaibigan.

"Bakit?"

"I once meet Veelrich. Lalaking-lalaki ang tao at noong nakaraang linggo ko lang siya nakilala. Kung kayo talaga hindi siya aalis doon kasama ang isang babae. That girl even kiss Veelrich on lips. I saw it with my two eyes."

Nakita nilang nagbago ang emosyon sa mukha ni Mark. Hinawakan ni Patrick sa braso si Liam ng magsasalita sana ulit ito. Iba na kasi ang nakikita nila sa mukha ng kaibigan. Nakakuyom na ang kamao nito.

"F*** you, Veel." Tumayo si Mark at inagaw ang cellphone na hawak ni Patrick.

Galit na galit itong umalis habang may tinatawagan.

"You shouldn't say those to Mark, Liam. Totoong may relasyon sila ni Veel. Mark introduce him to me and Grey Thec," wika ni MT.

"What? Mali ba ang ginawa ko, MT? Kailangan naman talagang malaman ni Mark na pinagtataksilan siya ng nobyo niya."

"A-alam mo na may n-nobyo si Mark?"

"Sa tingin mo ba hindi namin malalaman ni Asher? Dalawa sa kaibigan mo ang nasa security agency ang negosyo. Of course, I will know. Minsan ko ng nakita si Mark na kasama si Veel. Doon palang ay naghinala na ako. At ako ang tipo ng kaibigan na hindi hahayaan na masaktan ang kaibigan ko. I found out everything. You, Mark at Grey Thec. Three of you are in relationship with man."

Lahat sila ay napasinghap dahil sa narinig.

"I don't mind if the three of you is gay or bisexual. Kaibigan ko pa rin naman kayo. Walang nagbago doon, MT. Pero hindi ibig sabihin noon ay hahayaan ko na lang na saktan ng mga lalaking iyon ang mga kaibigan ko. I don't like Veel and Magus for Mark and Grey Thec. They don't deserve my friends." Tumayo na si Liam. "I need to go. Kailangan ko ng balikan si Jas. My girlfriend is waiting for me."

Nang maka-alis si Liam ay naiwan silang tahimik doon. Unang nakabawi si MT. Tumingin ito kay Patrick.

"I'm sorry for ruing your birthday party." Tumayo na si MT at tinahak ang daan papunta kay Mark.

"I'm sorry for what happen, Patrick." Malungkot na wika ni Quinn.

"It's nothing." Nag-aalalang tumingin si Patrick sa direksyon ni Mark. "Magiging okay lang ba si Mark?"

Umiling si Quinn. "Ito ang unang pagkakataon na may narinig siyang ganoon patungkol kay Veel. Well, may naririnig na siya pero hindi siya naniniwala pero dahil narinig niya iyon mula talaga sa isang kaibigan sigurado akong malaki ang epekto sa kanya. Kilala niyo naman si Mark."

"I'm sorry for rudeness of Liam."

"

It's okay, Shan. Sa tingin ko din naman ay tama ang ginawa ni Liam. Kahit ako ay ganoon din ang gagawin kapag nalaman ko ang totoo. Tatawagan ko si Grey Thec at Prince kahit papaano ay sa kanila nakikinig si Mark." Tumayo na si Quinn.

Tumungo sila. Patrick pat Quinn hands. Tinahak naman ni Quinn ang daan papunta sa dalawang kaibigan. Si Asher ang unang bumasag ng katahimikan ng umalis si Quinn.

"Pat, I think we need to do something for Mark and Grey Thec. Hindi ako matatahimik, knowing na sinasaktan nila ang dalawa nating kaibigan."

Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng dalawa. Sabay naman na tumingin ang mga ito sa kanya. "I think, me and Anniza need to sleep. Iwan muna namin kayo." Tumayo siya.

Tumungo si Patrick at Asher. Ngumiti siya at hinarap ang babaeng minamahal. Inilahad niya ang kamay dito. "Let's go."

Dahil gulat pa rin ang dalaga sa mga nalaman ay naging sunod-sunuran ito sa kanya. Tinanggap nito ang kamay niyang nakalahad. Tinahak nila ang daan papunta sa resort.

"Josh…" tawag ni Anniza sa kanya.

Tumingin siya sa babae. "Huh?"

"A-anong gagawin ni Asher at Patrick?"

Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa kay Anniza. Akala niya ay hindi nito napansin ang sinabi ng kaibigan pero mukhang nagkamali siya. Nakalimutan niyang si Anniza nga pala ang babaeng minamahal. She is smart. Huminga siya ng malalim.

"They pay for what they did. At dahil lalaki sila, ibang klasi gumante ang dalawang iyon. Buti nga at umalis na si Liam. Dahil kapag ang isang iyon ang mag-isip, hindi ko lang alam kung anong mangyayari sa nobyo ang dalawa naming barkada."

"P-pero hindi iyon tama. At saka, wala kayong karapatan na manghimasok sa relasyon ng mga ito. Problema nila iyon."

"We all know." Hinila na niya ang dalaga.

"Josh!" sigaw ni Anniza pero patuloy pa rin naman sa pagsunod sa kanya.

"Don't think about them, Anniza. Wag ka rin mag-alala. Hindi naman illegal ang gagawin nila."

"Ano ba kasing gagawin nila? Sabihin mo sa akin?"

Nasa tapat na sila ng pinto ng resort ng tumigil siya at muling hinarap ang dalaga. "Last time, Liam kidnap Jas. May ginawa kasi si Jas sa kompanya ni Liam. Someone tried to touch Sasha, and Patrick almost kill that guy. Mark Wilsy was shot during our college day; MT took the revenge together with Prince. At ang taong nag-utos noon ay lumubog ang negosyo. We work as one. That's how we get even."

Napatutop ng labi si Anniza. Alam niyang nakakagulat ang mga nalaman nito. Kung tutuusin ay mga simpleng bagay lang ang mga sinabi niya. Hindi pa kasama ang muntik na nilang gawin sa Kuya nito. Kung hindi lang talaga sila hinarangan ni Tito Shawn ay baka natuloy ang plano nila. Doon nila nalaman ang totoong rason kung bakit nagawa iyon ni Tin at Anzer. Hindi nga lang nila alam na noon ang mukha ni Anniza dahil protektado ito ni Tito Shawn.

"Kung ganoon ay gumaganti kayo sa mga taong nanakit sa grupo niya. Noong si Sir Shan ang nasaktan, binalak niyo din ba?"

Yumuko siya. Ito na nga ang kinakatakot niya kapag nalaman ni Anniza ang tungkol sa nakaraan ng barkada. Ma-uungkat at ma-uungkat ang nakaraan. Ayaw niyang dagdagan ang sakit na nararamdaman nito.

"We are not like that, Anniza."

Napatingin sila ni Anniza sa taong nagsalita. Asher is standing near at them. Wala siyang nababasang emosyon sa mukha at mga mata nito.

"Alam namin na mas masasaktan si Kuya Shan kapag sinaktan namin si Tin. Kaya hindi namin iyon magagawa. I assure you. We didn't plan to revenge on Tin." Tumingin sa kanya si Asher bago pumasok sa loob ng bahay.

Para naman nabunutan ng tinik si Joshua. Niligtas siya nito sa pagsagot sa tanong na iyon ng dalaga. Hindi niya kayang magsinungaling kay Anniza pero ayaw din naman niyang sabihin dito ang totoo.

Tumingin siya sa babae. Yumuko ito kaya hinawakan niya sa balikat. "No one can harm you, Annie. Nandito ako para protektahan ka."

Ngumiti si Anniza. "Thank you."

Ngumiti din siya sa dalaga. "Let's go."

Papasok na sana siya ng hawakan ni Anniza ang kanyang kaliwang braso. Napatingin siya sa dalaga. Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin.

"A-alam ba nila na kapatid ako ni Kuya at sister-in-law ni Ate Tin?"

Tumungo siya bilang sagot dito. Wala siyang balak na itago iyon sa babae. "They didn't mind, Annie. Alam nilang labas ka sa issue ng dalawa at saka matagal na din nangyari ang lahat. Kuya Shan already move on. Alam namin na masaya na siya kay Carila ngayon."

Nagtaas ng tingin si Anniza. May lungkot pa rin sa mga mata nito kaya naman hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. "Stop thinking about what people said. Di ba iyon naman ang dating Anniza."

"Pero iba ngayon. Iba naman itong sit---"

Inilagay niya ang isang daliri sa labi nito. "I want my Anniza back. I want the old Anniza back. I want you to stop minding about what people said. Wala silang magagawa para baguhin ang nakaraan mo pero ikaw, may magagawa ka para mabago iyon. Ibalik mo ang dating ikaw, Anniza. Ang dating ikaw na siyang hinahangan ni Tito Shawn. You… being you is what Tito Shawn want."

"Josh…" unti-unting pumatak ang mga luha ni Anniza. Kinabig ni Joshua ang dalaga para sa isang mahigpit na yakap.

"I'm here for you, Anniza. I'm here."

Umiyak ng malakas si Anniza kaya mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap dito. Akala niya ay maayos na ito dahil ilang buwan na rin naman ang lumipas at saka naka-usap na ito ni Kuya Shan pero sadya nga talagang mahirap kalimutan ang mga nangyari. Malaki ang epekto ng lahat kay Anniza.

"Thank you for being my shoulder, Joshua." Narinig niyang bulong ni Anniza.

Ngumiti siya. "I'm happy to do this for you, Anniza."

Kumalas sa pagkakayakap niya si Anniza. Pinunasan nito ang mga luhang pumatak. "Pwede mo ba akong samahan?"

"Saan?"

"I want to forget, Josh. Kahit ngayong gabi lang."

Nagsalubong ang kilay niya. "What do you mean?"

"ANNIE, YOU are drunk." Inagaw ni Joshua ang hawak na bote ni Anniza.

Nasa mini bar sila ng resort ni Patrick. Wala siyang nagawa ng sabihin ni Anniza na nais nitong magpakalasing para kalimutan ang mga nangyari kahit sandali lang. Kaya naman sinamahan niya ang dalaga. Mas mabuti na iyon kaysa na mag-isa doon ang dalaga at kung ano pa ang mangyari dito. Hindi nga lang niya masabayan ang paglalasing nito dahil walang aalalay dito pagkatapos. Mas malakas pa ang alcohol tolerance ni Anniza kaysa sa kanya.

"I'm not drunk. I even know you." Tumatawang wika ni Anniza.

"You are," aniya at inilayo na ng tuluyan ang inumin na hawak kanina.

"Akala ko ba ay sasamahan mo akong uminum. Bakit pinipigilan mo ako ngayon?" parang batang wika nito.

He finds her cute but he needs to stop her. Hindi magandang makitang lasing si Anniza. Mayayari siya sa Kuya nito kapag nalaman ang ginawa ng dalaga. Ma-ayos niya itong pina-alam kanina tapos ito ang mangyayari.

"Pero lasing ka na, Annie. Kailangan mo ng itulog ang kalasingan mo."

Hindi nagsalita si Anniza. Tumigil lang ito sa pag-abot ng inumin. Tinitigan siya nito sa mga mata na siyang ipinagtaka niya. Mamaya pa ay ngumiti ang dalaga at hinawakan siya sa pisngi.

"Alam mo, Joshua. Nagugulat pa rin ako sa mga nalalaman ko tungkol sa iyo."

"Anong nakakagulat pagtungkol sa akin?"

Tumawa ang dalaga at itinukod ang isang siko sa mesa. Inilagay ang isang kamay sa baba nito. "Hindi ka umiinum. At ang sabi ni Sasha, ilang taon ka na ding walang nobya. Na pagkatapos ni Jassie ay hindi ka na ulit nakipagrelasyon sa iba. Tapos… ayaw mo din daw maging CEO ng Wangzi. At alam mo kung anong mas nakakagulat…" humagikgik si Anniza na siyang ikinalukso ng puso niya. "Ang sabi sa akin ni Sasha, sa lahat ng mga kabanda mo…"

Anniza touch his face, his noise, his eyes, his eyebrow and lastly his lips. "They said that you are the good kisser among them."

"Annie!" nagulat si Joshua sa narinig. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng dalaga na nakahawak sa kanyang labi.

Napalunok siya ng makita ang kaka-ibang kislap sa mga mata nito. Hindi ito maganda. Lasing na nga talaga ang dalaga at kung anu-ano na ang pumasok sa isipan nito.

"I find it funny; you know. Pero…"

Anniza tried to touch his lips again but he stops her. "Anniza stop."

"What?!" muling tumawa ng mahina si Anniza. "Wala naman akong ginagawa."

"You are looking for trouble, Annie. Stop touching my lips." Sinubukan niyang hawakan sa braso ang dalaga.

"I just want to know what it tastes." Sigaw nito.

Lalong nagpanik ang brain cell niya dahil sa sinabi nito. Mali talaga itong nangyayari. Mali itong pagpayag niyang samahan itong uminum.

"Not now. Not with this kind of state. Come on! Sasamahan na kita sa kwarto mo." Tumayo siya at inalalayan ang dalaga.

Dahil na rin siguro sa kalasingan kaya nagpadala na lang sa kanya si Anniza. Wala siyang narinig na kahit anong pagtutol mula dito ng inalalayan na niya ito papunta sa kwartong ibinigay rito ni Patrick. Nagpapasalamat siya at sa ground floor ito inilagay dahil hindi na siya mahihirapan. Ma-ingat niyang inihiga ang dalaga sa kama ng kwarto nito.

Nakapikit na si Anniza ng ma-ihiga niya. Mabuti na lang at mukhang nakatulog na ito. Kung patuloy itong umasta kagaya kanina ay hindi niya alam kung makakaya pa ba niyang pigilan ang sarili. Umupo siya sa kama at pinagmasdan ang dalaga.

'I love you, Annie. Gustuhin ko man na halikan ka ay hindi pwede. Ayaw kong samantalahin ang kahinaan mo. Wala ka sa tamang pag-iisip. Nasa impluwensya ka ng alak.' Isang malalim na paghinga ang ginawa niya.

Hinawakan niya ang buhok ng dalaga. Iniayos niya din ang buhok nitong tumakip sa maganda nitong mukha.

"I love you, Anniza Jacinto." Yumuko siya at binigyan ng halik ang dalaga sa noo.

Pagmulat ng kanyang mga mata ay nagtagpo ang kanilang mga mata. Nanlaki ang mga mata ni Joshua at ilalayo na sana ang sarili dito ng mabilis na inilagay ni Anniza ang dalawang braso sa kanyang leeg.

"I love you too, Joshua Jhel Wang."

Bago pa siya makabawi sa mga narinig ay hinila na siya ni Anniza para maglapat ang kanilang mga labi.