Chereads / Wishing Girl 3: Pain 2 Forget / Chapter 22 - CHAPTER TWENTY-ONE

Chapter 22 - CHAPTER TWENTY-ONE

INAGAW ni Patrick ang hawak na baso ni Joshua. Sinamaan naman ito ng tingin ng binata.

"Stop drinking. Hindi kita kayang ihatid ngayong gabi. May kailangan akong gawin." Sigaw ni Patrick sa kanya.

"I don't need you to ride me home," aniya.

"Really? Sa estado mong iyan sa tingin mo makakauwi ka ng mag-isa. Makakapagmaneho ka ba sa lagay na iyan."

"Stop treating me like a kid." Pasinghal niyang sabi sa kaibigan.

"I won't treat you like a kid if you stop acting like one. Stop drinking." Hinarap ni Patrick ang bartender. "Don't give him any drink. I will fire you if you give one."

"Yes po, sir." Sagot ng bartender.

Muli siyang hinarap ni Patrick. "Don't ever tried to scared my staff. Sayo ko ipuputok ang baril ko. Umayos ka."

Tinalikuran na siya ni Patrick. Sinundan na lang niya ito ng tingin. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya at muling ibinalik ang ting sa mesa. Kinuha niya ang cell phone na nasa bulsa at tiningnan ang mga pinadalang mensahe ni Anniza.

Maraming mensahe pinadala ang dalaga at lahat iyon ay patungkol sa trabaho. Iilang araw na siyang hindi pumapasok sa opisina at madalas ay nasa branches siya para magtingnan ang mga trabaho ng staff. Alam niyang hindi iyon parte ng kanyang trabaho pero ginagawa niya iyon para maka-iwas kay Anniza. Hindi niya alam kung paano ba harapin ang babae pagkatapos niyang malaman ang totoo nitong pagkatao.

Anniza Jacinto is the sister-in-law of Kristine. Legal na asawa ni Tin ang kuya ni Anniza na si Anzer. Matagal na palang kinasal ang dalawa. At nalaman din niya na isa sa mga hiningi ni Tin noon kay Tito Shawn ay maging scholar ng kompanya si Anniza. Kung ganoon ay kasama si Anniza sa deal na ginawa ng mga ito. Kaya pala kilala ni Tito Shawn si Anniza at ganoon na lang ang reaksyon ni Shilo ng makita nito si Anniza. They know but they didn't tell him. Kahit si Shilo ay walang sinabi sa kanya.

"Sulking over something?"

Ang tanong na iyon ang siyang nagpalingon kay Joshua. Isang matangkad na babae ang nakita niyang naka-upo sa katabi niyan upuan. May mapang-akit na ngiti ang babae. Itinaas nito ang hawak na baso.

"Wanna play with me?" humarap sa kanya ang babae.

Pinasadahan ni Joshua ng tingin ang babae. Nakasuot ito ng pulang damit. Manipis at maikli ang suot ng babae. Agaw pansin ang maputi nitong mga hita. Joshua stares at those legs. When he was in college those legs are his weakness but now, Joshua doesn't feel anything. Kahit nga yata kita na ang suot na short ng babae ay wala siyang paki-alam. Iniiwas lang ni Joshua ang tingin.

"Not interested." Maikli niyang sagot.

"Ow! Are you sure?" Tumayo ang babae at lumapit sa kanya.

She about to touch his shoulder when someone stop her. Sabay silang napatingin sa taong ngayon ay nakahawak sa braso ng babae.

"Miss, he is not interested. Go away!" Galit na singhal ni Shan.

"Ow!" Tumingin ang babae sa kanya. "If he is not interested with me. Maybe you are in---"

"I'm not interest with you also. I have girlfriend." PInakawalan ni Shan ang braso ng babae.

Sumimangot ang babae at tinalikuran sila. Binigyan pa sila ng masamang tingin bago tuluyan kumayo sa kanila. Nakita niyang napa-iling na lang ang pinsan at umupo sa inuupuan kanina ng babae.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa pinsan.

Binigyan ito ng bartender ng isang basong whisky bago siya naman ang nilapagan ng isang basong blue lagoon. Nasisigurado niyang walang alak na kasama ang inumin niya dahil mahigpit iyong hinabilin ni Patrick sa tauhan nito.

"Bakit? Bawal ba akong pumunta sa bar ng kaibigan ko?"

"Hindi. Kaibigan ka din naman ni Patrick. Hindi ko lang inaasahan na pupunta ka sa lugar na ito."

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Shan. "I just want to clear my head. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Hindi ikaw ang tipo ng taong nagpapakalasing sa alak kapag may problema."

Tumingin siya kay Shan. He suddenly feels wanted to get waste. Naalala na naman niya ang kinakaharap na problema. Ang pinsan niyang ito ang punot-dulo ng lahat ng problema niya.

"Did you know about Anniza?" Tanong niya rito.

Tumingin sa kanya si Shan na may isang ngisi. "Ngayon mo lang ba nalaman ang tungkol sa ugnayan niya kay Tin?"

Napahigpit ang hawak niya sa baso. Kung ganoon ay alam din nito. Tangging siya lang pala ang hindi nakakaalam ng tungkol sa pagkatao ni Anniza. Siya na laging kasama ito ay walang kaalam-alam sa totoong pagkatao ng babaeng iniibig.

"Kailan mo nalaman?"

"Nang puntahan ko si Tin. Nagulat ako ng makita doon si Anniza. Doon ko na nalaman na kapatid pala siya ng napangasawa ni Tin."

"Kung ganoon ay alam mo na pala talaga ang lahat. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" May pagsumbat niyang tanong sa pinsan.

Tumawa ng mahina si Shan at uminum ulit. "Why should I tell you? You're crazy over her. Hindi naman ako ganoon kasama para sirain ang kaligayahan ng pinsan ko."

"Pero nagmukha akong tanga." Hindi niya napigilan na sigawan ito.

Tumalim ang mga mata ni Shan. "It's you who choose to be stupid, Joshua. Ikaw ang gumustong maging tanga."

Nagdikit ang mga labi niya. "Pero choose niyo rin sabihin sa akin ang totoo. Pinsan ko kayo ni Shilo pero hindi niyo sinabi sa akin ang totoo. Alam niyo na unti-unti na akong nahuhulog kay Anniza pero hindi niyo sinabi sa akin ang totoo."

"Why? Kapag ba sinabi namin na may kaugnayan siya sa dati kong kasintahan, pipigilan mo ba ang puso mo sa pagtibok sa kanya. Mapipigilan mo bang mahalin siya?"

Joshua didn't answer Shan question. Pinagdikit lang nito ang mga labi. Hindi alam ni Joshua kung ano ba ang isasagot sa pinsan. He knows to himself that he can't stop loving Anniza even he found out about her identity. Pagmamay-ari na nito ang kanyang puso kaya nga nasasaktan siya ng mga sandaling iyon. Maliwanag pa kasi sa sikat ng araw na walang pag-asang maging sila.

"Anniza didn't know the truth."

Salubong ang kilay ni Joshua na tumingin sa pinsan. "W-what do you mean?"

Tumaas muli ang isang sulok ng labi ni Shan. "Hindi alam ni Anniza na naging magkasintahan kami ni Tin noon. Hindi din niya alam na binayaran ng ama ko ang Ate Tin niya para layuan ako. She doesn't know everything about my past."

Nagbago ang bukas ng mukha ni Joshua. "H-How sure are you?"

Hindi nagsalita si Shan. Inisang inum lang nito ang alam sa basong hawak. Tumayo ito at hinarap siya. "Because she is confused. Gulat na gulat siyang malaman na kilala pala ako ni Tin. At saka, alam ko ang lahat ng tungkol kay Tin. I can know all in just a snap." Hinawakan ni Shan ang balikat niya at tinapik.

Iniwan na siya ng pinsan na naguguluhan ng mga sandaling iyon. Ibig bang sabihin noon ay walang kaalam-alam si Anniza sa mga nangyari noon. Hindi nito alam na minsan na nagkaroon ng ugnayan ang pamilya nito sa pamilya nila. Anniza doesn't know everything and she is innocent what happen between his cousin and Tin.

Now, what he should do? And what he should do with his heart?

NA-IINIS PA RIN si Anniza sa ginawa sa kanya ni Joshua. Napapansin niyang ilang araw na siyang iniwasan ng binata kaya hindi niya mapigilan na ma-inis dito. Hindi niya alam kung bakit siya nito iniiwasan. Peoro hindi lang iyon ang kina-iinisan niya. Na-iiinis talaga siya sa sarili niya. Paano naman kasi? Hindi niya ma-itatanggi na may nararamdaman na talaga siya sa binata.

Dahil sap ag-iwas sa kanya ni Joshua ay na-miss niya ito. Masyado na nga talaga siyang sanay na kasama ito. Hinahanap na niya ang pasensya nito. Iyong paglabas nila para kumain at gumala ay namimiss na niya.

"Annie, nagpapakalasin ka ba?" tanong ni Zendie sa kanya, kaibigan niya noong nasa kolehiyo siya.

Nasa isang club sila sa Makati. Nagkayayaan silang magkakaibigan na lumabas. Tatlo silang magkakaibigan noong nasa kolehiyo. Siya, si Zandie, Fia at Olly. Zandie at Olly are working as regular employee in Makati. Si Fia naman ay may sariling negosyo.

"Hayaan mo ako, Zandie. May gusto akong kalimutan ngayong gabi." Kinuha niya dito ang bote ng alak na inagaw nito kanina.

Inisang inum niya ang alak. Nahihilo na siya ng mga sandaling iyon ngunit wala siyang paki-alam. Ang nais lang naman niya ay malasing at makalimutan ang sakit na nadarama. Lintik naman kasing amo niya. Ang lakas makapanakit ng damdamin.

"Ano ba kasing problema, Annie? Baka gusto mong sabihin sa amin?" tanong naman ni Olly.

Tumingin siya sa mga kaibigan na nasa mesang iyon.

"Guys, may tanong ako." Napunta naman sa kanya ang atensyon ng mga kaibigan. "Hindi baa ko maganda."

Sabay-sabay na napabuntong-hininga ang mga kaibigan niya at umiwas ng tingin. Si Fia na siyang katabi niya ay hinawakan siya sa balikat.

"Annie, maganda ka pero nakakainis ka. Alam mo ba iyon? Tumigil ka na sa pag-inum. Hindi tayo nagkitang apat para maging taga-pangalaga mo."

Mas hinigpitan niya ang pagkakagawak sa bote ng alak ng kukunin sana iyon ni Fia. "Hindi ako lasing. Alam ko pa nga na nasasaktan ang puso ko. Alam ko pa nga na na-iinis ako sa amo kong isang malaking paasa."

Dahil sa nagulat sa kanyang sinabi. Lumuwang ang pagkakahawak ni Fia sa bote ng beer kaya mabilis iyong naagaw ni Anniza at inisang inum. Napangiwi na lang ang mga kasama nito. Ito kasi ang unang pagkakataon na nakita ng mga ito na naglasing ng ganoon ang dalaga. Noon pa man ay laging nasa limitasyon ng pag-inum ang babae.

"Broken-hearted ka, Annie? Kaya ka naglalasing dahil broken-hearted ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Olly.

Tumawa si Annie at itinaas ang isang kamay. Itinuro nito ang sarili. "Ako? B-broken-hearted? Paano ako magiging broken hearted kung hindi ko naman naging nobyo ang amo kong isang malaking aasa?" sumigaw na siya.

"Annie, calm down!" Hinawakan ni Fia ang dalawang balikat niya.

"Alam niyo ba? Sobrang sweet ng boss kong iyon. He even holds my hand. He even said sweet things towards me. Pero pagkatapos ng trabaho namin sa Boracay ay bigla na lang siyang lumayo at iniwasan ako." Tumawa na parang baliw si Anniza. "Hindi lang iyon. Boss ko siya pero hindi ko siya mahagilap sa opisina. Isang tanong, isang sagot din siya sa text ko. Pagkatapos niya lang makita ang babaeng iyon at ang bata ay bigla na lang nagbago ang lahat."

Hindi namalayan ni Anniza na unti-unting lumandas ang mga luha sa mukha nito. She is very frustrated. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob niya. Hindi niya kayang itago pa ang sakit na nararamdaman. She hates the pain. Ito kasi ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganoon. At dahil sa alak na iniinum ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na ilabas lahat ng sakit na itinago sa kanyang dibdib.

"Annie, lasing ka na. Ang mabuti pa ay ihatid ka na namin. Baka magalit sa amin ang Kuya Anzer mo." Lumapit na sa kanya si Zendie.

"No!" tinabig niya ang kamay ng kaibigan. "You think, I won't be happy without you. I show you. Makikita mong hayop kang Joshua Jhel Wang. Makakahanap ako ng lalaki ngayong gabi at ipapakita ko sa iyo na hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo."

"Annie, ano bang pinagsasabi mo? Come on, ihatid ka na namin."

Muli niyang tinabig ang kamay ni Zendie. Pinilit niyang tumayo kahit pa nga umiikot na ang kanyang paningin. Muntik na siyang mapa-upo sa sahig ng club kung hindi siya agad nasalo ng kaibigan.

"Anniza naman!" narinig niyang Singhal ng mga kaibigan.

"Let go of me! Ihahanap ako ng lalaking papatol sa ganda ko. Ipapakita ko sa Joshua na iyan na kaya kong din makahanap ng ibang lalaki." Pabulong na lang na sinabi iyon ni Anniza.

Unti-unti kasing nakadama ng pagbigat ng tulikap ng kanyang mga mata ang dalaga. Nakaramdaman ng anak si Anniza at pangdidilim ng kanyan paligid. Bago pa tuluyan na matumba ang dalaga ay masalo na ito ng mga kaibigan. Ma-ingat ang mga ito na ibinalik si Anniza sa pagkaka-upo at inilagay ang ulo sa mesa.

Parehong nagkatingan ang tatlo at hindi alam ang gagawin. Natatakot silang tawagan ang Kuya ni Anniza na si Anzer. Nasisigurado kasi nilang sermon ang maririnig nila sa Kuya nito dahil hinayaan ng mga itong maglasing si Anniza.

Nag-iisip ng solusyon ang tatlo ng tumunog ang phone ni Anniza na nakapatong sa mesa. Sabay-sabay tumingin ang mga ito sa aparato na ngayon ay patay-sindi. Nagdadalawang-isip ang mga ito kung sasagutin ba ang tawag ng kung sinumang tumatawag kay Anniza.

JOSHUA FEEL irritated. Tumawag siya kay Anniza dahil nais niyang maka-usap ang dalaga at linawin na rin ang lahat. For once, he wanted to be honest to her. Kung anuman kasi ang magiging reaksyon ni Anniza ay tatanggapin niya. Pero ng tumawag siya ay ibang tao ang nakasagot ng tawag niya at sinabi sa kanya na lasing nga ang dalaga.

Halos paliparin ni Joshua ang kanyang kotse marating lang ang club na kinaruruonan ng babae. Mabuti na lang talaga at nasa malapit lang siya ng mga sandaling iyon kaya mabilis niyang narating ang kinaruonan ng dalaga. Hindi na rin siya hinarang ng security ng club dahil tinawagan niya ang may-ari noon na kaibigan din niya noong nasa kolehiyo lang siya.

Sinalubong siya ng may-ari na si Mason Tharquin Velasquez. Member din ito ng banda noon, ito ang vocalist.

"Hey!" Nakipag-brother handshake it sa kanya.

"Hey!" ganti niya.

"Nasa isang sulok sila. Binabantayan sila ng isa kong tauhan." Bulong nito sa kanya.

"Salamat. I own you one."

Tumungo lang sa kanya si MT. Tinapik din nito ang kanyang balikat bago siya iniwan doon. Nilakad niya ang sinabi nitong kinaruruonan ni Anniza. Hindi naman siya nahirapan na mahanap iyon kahit na hindi siya madalas pumupunta sa lugar na iyon.

Nakita niya ang apat na babae. Ang tatlo ay nag-uusap habang ang babaeng pinuntahan niya doon ay nakahiga na sa mahabang sofa at halatang lasing na. May lalaking nakatayo malapit sa mga ito. Nasisigurado niyang isa ito sa mga bouncer ni MT. Lumapit siya sa lalaki.

"I'm Joshua Wang. Kaibigan ako ni MT. Ako ng bahala sa kanila." BUlong niya.

Tumungo ang lalaki at iniwan na nga siya doon. Huminga siya ng malalim bago nilapitan ang mga ito.

"Good evening." Isang ngiti ang ibinigay niya sa tatlong babae.

Sabay-sabay na tumingin sa kanya ang mga ito. Agad niyang nakita ang paghanga sa mga mata ng tatlong babae.

"Hi. May kailangan ka?" tanong ng babaeng naka-pink dress.

"I'm Joshua Wang. Nandito ako para sunduin si Anniza." Tumingin pa siya sa dalagang nakahiga at natutulog sa sofa.

"Ow! Ikaw pala ang boss ni Annie." Ngumiti sa kanyang ng matamis ang babae na blue naman ang suot na dress. "Kami nga pala ang mga kaibigan ni Annie noong nasa kolehiyo pa siya."

"Ah! Ganoon ba. Masaya akong makilala kayo." He doesn't want to know them especially that they are looking at him like that. Para ba kasing may alam ang mga ito na hindi niya alam.

"I'm Zendie. Sila naman si Fia at Olly. Maraming salamat sa pagpunta mo. Hindi kasi namin alam ang gagawin kay Annie.

"Hindi naman namin siya pwedeng ihatid sa kanila ng ganyan dahil siguradong pagagalitan siya ng Kuya Anzer niya. Pati kami ay madadamay." Dagdag ng babaeng nangagalang Fia.

"Hindi din siya pwede sa bahay namin dahil siguradong magagalit din ang mga magulang namin. Kaya nagpapasalamat kami at nandiyan ka." Si Olly naman ang sunod na nagsalita.

Ngumiti siya sa tatlong babae. "Don't worry. I will take care of Anniza. Salamat sa pagbantay sa kanya. If you don't mind, I will take her home now."

"Okay. Go on." Tumayo si Zendie.

Lumapit siya kay Annie. Yumuko siya para ipantay ang sarili. Gustong mapangiwi ni Joshua ng maamoy ang alak mula sa dalaga. Mukha ngang naparami ang alak na na-imun ng dalaga.

"Annie, I will take you home now. Come on." Bulong niya sa dalaga.

Hindi sumagot si Anniza. Mukhang natutulog na ito. Gusto niyang magmura ng mga sandaling iyon. She is drunk and he doesn't like to see Anniza in that kind of state. Ano ba kasing nangyari at bigla na lang naglasing ang babae?

Kapag talaga nagising ito at nawala sa impluwensya ng alak ay talagang makakatikim ito ng sermon sa kanya. Maingat niyan binuhat ang dalaga na parang bagong kasal. Lumabas sila ng bar kasama si Zendie. Hawak nito ang bag ni Anniza. Ma-ingat niya itong isinakay sa kanyang kotse.

"Please, take care of Annie," wika ni Zendie ng ma-isara niya ang pinto ng kotse.

Tumungo siya dito. "I will. Kayo, paano kayo uuwi tatlo?"

"We can manage. Magpapasundo kami sa nobyo ko."

"Ganoon ba. Sige. Paano? Aalis na ako." Umikot na siya papunta sa driver seat. Kumaway muna siya kay Zendie bago pumasok ng kanyang kotse.

Sinulyapan niya si Annie na mahimbing pa rin ang tulog bago isinuot ang seatbelt. He will make sure to punish Annie for getting drunk. Hindi niya palalampasin itong ginawa ng dalaga. Humanda ito kapag nawala na ito sa impluwensya ng alak.

Dahil sa hindi niya pwedeng iuwi si Annie sa bahay nito, dinala niya ang dalaga sa kanyang pen house. Hindi naman iyon kalayuan sa lugar na pinuntahan ni Anniza. Bagong bili lang niya ang lugar na iyon. Pareho din kasing kumuha ang dalawa niyang pinsan sa building na iyon. Pagmamay-ari ni Tita Aliya ang building kaya hindi sila nahirapan kumuha ng unit.

Inilagay niya si Anniza sa guest room. Katabi iyon ng kanyang kwarto. Mabuti na lang at pinalinis niya iyon kanina sa katulong na pinapunta niya. Kumuha siya ng basahan at maligamgam ng tubig. Ayaw niyang iwan ang dalaga ng ganoon-ganoon na lang sa kama. Hindi niya maatim na hayaan itong matulog na amoy alak.

Maingat na pinupunasan ni Joshua ang braso ni Anniza ng bigla na lang gumalaw ang dalaga dahilan para mahandad ang tiyan nito. Anniza is wearing black t-shirt at ripe jeans. Mauwag ang t-shirt na suot nito at dahil sa bigla nitong pagkilos ay hindi sinasadyang na-itaas nito ang dulong bahagi ng damit. Napalabi siya ng makita ang maputing balat nito.

Joshua as a man with needs. Naramdaman niyang nabuhay ang kaibigan niya.

'What the heck? You are going to torture me again, Annie.' Sigaw ng isipan niya.

Iniiwas niya ang tingin sa dalaga. Pinagpatuloy niya an ginagawa. Naging mabilis tuloy ang galaw niya dahil lalong nabubuhay ang kaibigan niya sa bawat hawak at haplos na ginagawa niya sa braso ng dalaga kahit pa nga hindi talaga naglalapat ang mga balat nila. Nakahinga ng maluwag si Joshua ng matapos na rin sa wakas ang paglinis niya sa katawan ng dalaga. Tatayo na sana siya ng biglang may humawak sa kanyang braso.

Nanlaki ang mga matang tumingin siya kay Anniza. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Anniza is awake and she is looking at her eyes.

"Sir Joshua?" banggit nito sa pangalan niya.

"Yes, it's me. You need to take a rest. Let's talk tomorrow," aniya sa dalaga.

Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Anniza. Gumalaw ang isang kamay nito papunta sa kanyang batok na siyang ikinagulat niya.

"Annie, what are you doing?" Biglang nagpanic ang kanyang isipan ng unti-unting inilapit ni Anniza ang mukha sa kanyang mukha.

"I been dying to try this."

Bago pa makuha ni Joshua ang ibig sabihin ni Anniza ay sinakop na ng dalaga ang kanyang labi.