Chereads / Wishing Girl 3: Pain 2 Forget / Chapter 17 - CHAPTER SIXTEEN

Chapter 17 - CHAPTER SIXTEEN

NAGSALUBONG ang kilay ni Anniza ng makitang nakatayo sa labas ng kotse nito si Joshua. Para itong modelo sa pagkakasandal sa kotse nito. Simpleng dark blue t-shirt at ripe jeans na pinaresan ng puting rubber shoes lang ang suot nito. Ang gwapo ng binata. Hindi na nakakapagtaka na napapatingin at napapalingon dito ang mga babaeng dumaraan. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin sa isang Joshua Wang. Gwapo, matipuno, at mayaman. Lahat ng hanap ng isang babae ay nandito lang.

'At isa ka sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya.' Sigaw ng kanyang isipan.

Hindi naman niya iyon matatanggi. But she likes Joshua not because of his face and status on the community. She likes Joshua because of who he is. Nakilala niya ang totoong ugali ng binata dahil sa lagi silang magkasama. It really refreshing to her. Her feeling to this man is very new to her. From hate to like. At kapag napunta iyon sa love ay hindi na nakakapagtaka. Who won't fall to a man like Joshua. Walang dull moment kasama ito.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya ng makalapit dito.

Inikot niya ang paningin sa paligid. Pinagtitinginan sila ng mga kapit bahay niya na lahat halos ay nasa labas para lang alamin kung sino ba ang lalaking nakatayo ngayon sa harap niya. Hindi naman kasi ma-ipakakaila na mayaman ang binata. Kotse pa lang nitong. BMW 6 Series Gran Turismo ba naman ang sasakyan na gamit ng binata. Iyon din naman ang madalas na gamit ni Joshua kapag hinahatid siya ngunit madalas kasi ay gabi na siya nakaka-uwi kaya hindi nakikita ng mga chismosa niyang kapit-bahay.

"Hi, Annie." Inalis ni Joshua ang suot nitong salamin sa mata.

"Anong Hi? Ano bang ginagawa mo dito? Sunday ngayon at day-off ko sa trabaho." Mataray niyang sabi dito.

Naiinis kasi siya. Bakit kasi ang gwapo nito ng mga sandaling iyon? Maraming babae na naman ang magkaka-interest dito.

"I know. Yayain sana kitang samahan ako pumunta ng Tagaytay."

"Anong gagawin natin doon?"

Ngumiti si Joshua. "Unwild."

Tumaas ang dalawang kilay niya. "Unwild? At talagang sa Tagaytay pa. Alam mo ba kong anong oras na? Magtatanghalian na, Joshua. Anong oras tayo makakarating ng Tagaytay kapag umalis tayo ng ganitong oras. At siguradong pagdating natin ng Sta. Rosa, Laguna ay sobrang traffic na. Ayoko nga." Pinag-cross niya ang dalawang braso sa kanyang dibdib.

Wala siyang planong pagurin ang sarili ng araw na iyon. Isang araw na ngalang ang off niya ay ibibigay niya pa sa binata. At saka, hindi nga siya sumama sa kanyang Kuya kanina na pumunta ng MOA dahil gusto niyang magpahinga. Tapos sasama siya dito para lang mag-unwild.

Tumawa lang ng mahina si Joshua. "Trust me. If you come to me, you won't deal on the traffic. So let's go."

Nagsalubong ang kilay ni Anniza. "Paano?"

"Just come with me." Inilahad ni Joshua ang isang kamay sa harap niya.

Bumaba ang tingin niya sa kamay nito at ibinalik din ang tingin sa mukha nito. "Kapag talaga napagod ako sa gagawin natin sa Tagaytay, wag mong babawasan ang sweldo ko dahil hindi ako makakapasok kinabukasan."

"Yes, boss." Sumaludo pa ang binata sa kanya.

Sinamaan lang niya ng tingin ito. "Magbibihis lang ako. Diyan ka lang. Hindi kita pwedeng papasukin sa loob ng bahay dahil mag-isa lang ako ngayon. Baka ano pa isipin ng mga chismosa kong kapit-bahay."

Kumislap ang kapilyuhan sa mga mat ani Joshua. Yumuko ito at inilapit ang labi sa kanyang tainga. "Ano naman ang iisipin nila? We won't do nasty thing, baby."

Tumayo ang mga balahibo sa katawan ni Anniza dahil sa ginawa ni Joshua. Naramdaman niya kasi ang init na lumabas sa labi nito sa kanyang batok. Nakikita kasi ang balikat niya sa suot na sando. Tinulak niya ang binata. Nagtaas-baba ang dibdib niya. Nagwawala na naman ang kanyang puso. Hindi lang iyon, may gumapang na mainit na bagay mula sa kanyang puso papunta sa kanyang puson.

"Wag mo ng gagawin iyon." Sigaw niya at tumingin sa paligid.

Nasisigurado niyang nakita iyon ng kanyang mga kapit-bahay dahil mabilis na nagsi-iwas ng tingin ang mga ito ng tumingin siya. Sinamaan niya ng tingin si Joshua na may ngiti sa labi. Alam niyang sinadya nito ang ginawa kanina. Kaya walang pagdalawang isip na sinuntok niya ito sa sikmura. Hindi naka-iwas ang binata dahil hindi nito inaasahan ang ginawa niya. Napahawak si Joshua sa nasaktang bahagi ng katawan. Inirapan niya lang ang binata at bumalik na sa loob ng bahay. Wala siyang paki-alam kung nasaktan ito sa ginawa. Alam na nitong pinagtitinginan na sila ng mga tao tapos ganoon pa ang gagawin. Baliw lang talaga.

NAPANGITI na lang si Joshua ng sinundan ng tingin si Anniza na palayo sa kanya. Hindi niya inaasahan ang ginawa nitong pagsuntok sa kanyang sikmura. Sadista talaga minsan si Anniza pero kahit ganoon ay ito pa rin ang nilalaman ng kanyang puso. Kung si Anniza lang naman ang susuntok sa kanya ay okay lang. Napahawak si Joshua sa nasaktan na sikmura. Malakas din pala sumuntok ang dalaga. Hindi pala talaga niya dapat binibiro ng ganoon si Anniza.

Tumingin siya sa paligid. Nakita niyang nakatingin sa kanya ang mga kapit-bahay nito. Gusto niyang mapa-iling pero hindi niya itinuloy. Pumasok na lang siya sa loob ng kanyang kotse. Doon na lang niya hihintayin ang dalaga. At habang hinihintay si Anniza ay may tinawagan si Joshua.

"Problem?" bungad agad ng pinsan niya na pinaglihi sa sama ng loob.

"Need the private chopper of the family. Pwede ko bang hiramin?" tanong niya kay Shilo.

"Bakit hindi private chopper mo ang gamitin mo?" Na-iinis na tanong ni Shilo.

"Nasa Wangzi Tower ang private chopper ko at ayaw kong gamitin. Please! Do me a favor?"

Alam niyang ang chopper lang ng pamilya ang pwede niyang gamitin. Ayaw niyang pumunta ng Wangzi dahil kapag ginawa niya iyon ay malalaman ng kanyang ama ang ginagawa niyang paglapit kay Anniza. Wala siyang balak ipaalam sa ama ang pagtingin niya sa dalaga. Baka kagaya ni Shan ay mawala din sa kanya ang babaeng minamahal. He remembers how much his father hate the woman Shan dated. They are thinking that Kristine only wants money from Shan. Natatakot siya na baka iyon din ang isipin ng ama niya kapag nalaman nito ang paglabas niya kasama si Anniza.

"Fine! Pero sino ang piloto niyo? Naka-off din ang piloto ng pamilya."

"I have a friend who can be my pilot." Sagot niya.

All he needs is a chopper to use. May kilala siyang hindi siya matatanggihan kapag naki-usap siya.

"Okay. I text you if the chopper is ready. Also text me the name of your pilot."

"Thank you, Cousin."

"Shut up!" ani Shilo at binabaan na siya ng tawag.

Kahit kailan ay ganoon talaga si Shilo. Hindi pa rin talaga nagbabago ang pinsan niyang iyon. Mabait lang ito sa loob ng opisina pero ang hindi alam ng iba na ma-initin ang ulo ng pinsan niyang iyon. He wonders how his secretary last his attitude. Well, kung nagpapanggap na mabait sa loob ng opisina si Shilo ay nasisigurado niyang maayos naman ang trabaho ng mga ito. Ganoon din naman sila ni Anniza. Madalas pa rin silang magsagutan pero hindi noon na-aapektuhan ang trabaho nila. Anniza keeps her professionalism inside the office.

Tinawagan niya ang isa pangtao na nasisiguradong mumurahin siya ng araw na iyon.

"Need something." Bungad agad sa kanya ni Liam. Mukhang busy na naman ang isang ito.

"Can you be my pilot today? I need someone to ride us to Tagaytay."

"What did you say?"

"I ask Anniza to come to me in Tagaytay but it's already to late. Ma-iipit kami sa traffic kapag nag-drive ako kaya naman na-isip ko na gamitin ang chopper ng pamilya kaso naka-day off ang piloto."

"Kaya ako ang iniisturbo mo? Joshua, if you want to date your woman don't involve me. I have a lot of things to do. I have a report to submit this Monday to the Board of Directors. I don't have a secretary because I fired her. I can—"

"Okay, okay. Fine. Can you recommend me of someone who can be my pilot today? I need it, right now." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin.

Kahit kailan talaga ay ganoon si Liam. Kapag sinabi nitong hindi ay hindi. At kapag trabaho ang pinag-uusapan ay hindi nila ito pwedeng isturbuhin. Hindi na yata talaga magbabago ang kaibigan niyang ito.

"I tried. Bakit kasi nagplano ka ng date niyo ng hindi naman agad inaayos ang kailangan ayusin? Mang-iis-"

"Liam, I know it's my mistake. Biglaan lang talaga ang lahat. Alam mo naman na lilipad ako papuntang Singapore ngayong Wednesday para ka-usapin si Jackie. I want to date my woman before I go."

"Iwan ko sa iyo," wika na lang ni Liam at pinatayan na siya ng tawag.

Napa-ilang na lang siya. Binuksan na lang ni Joshua ang radio ng kotse. Mamaya pa ay nagtext na si Liam sa kanya at sinabing may nahanap itong piloto para sa kanya kaso ang mahal ng charge nito para sa dalawang ride. Ayon kay Liam ay nasisigurado nitong safe sila ni Anniza sa pilotong nakuha nito. May tiwala naman siya sa kaibigan. Ibinigay niya ang address ng building ng MDHGC. Tinext niya din si Asher na may pupuntang lalaking na ang pangalan ay Daniel Renzo Madrigal at ito ang magiging piloto ng araw na iyon. Asher just text him 'noted'. Mukhang busy nga talaga ang mga kaibigan niya.

Mabuti na lang talaga at HR manager siya. Dahil kung siya ang Presidente ngayon ng Wangzi baka nga busy din siya kagaya ng mga ito.

Natigilan si Joshua ng may kumatok sa bintana ng kanyang kotse. Lumingon siya at nakitang nakatayo sa labas ng kotse niya si Anniza. Binuksan niya ang pinto ng kotse at bumaba. Natigilan siya ng makita ang ayos ni Anniza. Nakasuot ito ng dark blue t-shirt at rip jeans habang black rubber shoes naman ang suot nito sa paa. May bitbit itong maliit na sling bag. May suot din itong pulang cap na may print naman ng Trigon. Nakalugay lang ang mahaba nitong buhok. Napangiti siya sa ayos ng dalaga. Hindi nga kita ang kurte ng katawan ni Anniza pero natutuwa pa rin siya sa ayos nito. They look like a couple. Parehong-pareho kasi ang suot nilang damit. Iyong print lang yata ng damit ang magkaiba at ang suot nitong sapatos.

"You look beautiful." He complement her.

Inirapan lang siya ng dalaga. Umikot ito sa kabilang bahagi ng kotse para sumakay. Hindi man lang nito hinintay na pagbuksan niya ito ng pinto. Well, Anniza is Anniza. She is independent woman.

Nang makasakay ng kotse niya ang dalaga ay sumunod siya. Nakasuot na ito ng seatbelt at inaayos ang buhok sa salamin. Hindi niya tuloy mapigilan na titigan ito. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang naglugay ng buhok ang dalaga. Palagi kasing nakatali ang buhok nito. Mukhang napansin ni Anniza ang ginawa niyang pagtitig kaya tumingin ito sa kanya.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Ha! Ano bang tingin ang ginagawa ko?" patay malisya niyang tanong.

Iniikot ni Anniza ang eyeball nito na siyang ikinangiti niya.

"Ayaw kong makipagtalo sa iyo kaya magmaneho ka na. Baka mamaya ay gabihin tayo sa daan. My brother said that I need to be home before Eight o'clock."

"What? Bakit eight? Ano ka si Marie Clara?"

Sinamaan siya ng tingin ni Anniza. "Bakit may problema ba sa ibinigay sa iyong oras ni Kuya?"

Hindi siya nakapagsalita. Sumimangot siya at binuhay na lang ang makina ng kotse. Hindi siya makapaniwala na may oras ang pag-uwi nito. Balak pa naman niyang magbook ng hotel para yayain mag-star grazer ang dalaga. Tagaytay is the perfect spot for it but it's look like his plan is ruin.

Naiinis pa rin siyang nagmaneho at mukhang napansin iyon ni Anniza.

"Kung magiging ganyan ka lang din ay ibalik mo na ako sa bahay." Inis na wika ng dalaga.

Sinulyapan niya ito. "Annie..." He growls in annoyance.

"Alam mo, Joshua. Biglaan itong lakad natin tapos day off ko pa. Alam kong nasa tamang edad na ako pero nasa poder pa rin ako ng Kuya ko at batas niya ang masusunod sa loob ng bahay. Respect my brother's rules. Okay?"

Napahigpit ang hawak niya sa manubela. Ano pa ba ang magagawa niya? "Fine. Eight o'clock."

Ngumiti si Anniza at isinandal ang katawan sa kotse. Huminga na lang siya ng malalim. Wala na. Sira na talaga ang plano niya ng araw na iyon. Ipinarada niya ang kotse sa parking area ng MDHGC. Sabay silang lumabas ni Anniza sa sasakyan.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ni Anniza.

"Ang sabi mo kanina ay ayaw mong mapagod. So, here we are. Our ride is up stair." Nilapitan niya ang dalaga at hinawakan sa braso.

Hinila niya ito papunta sa elevator. Sumaludo na lang ang security guard ng building at hinayaan silang makasakay ng elevator. He hits the roof top bottom. Hindi nagsasalita si Anniza kaya sinulyapan niya ito. Napansin niya ang discomfort sa mukha nito.

"May problema ba, Annie?" Nag-aalalang tanong niya.

Tumingin sa kanya si Anniza. Kitang-kita sa mukha nito ang takot. Biglang nagpanic ang brain cells niya. Hinarap niya ang dalaga sa kanya at hinawakan sa magkabilang braso.

"May masakit ba sa iyo?"

Umiling si Anniza. "Chopper ba ang sasakyan natin?"

"Yes. Iyon lang ang sa tingin ko ang mabilis na transformation papuntang Tagaytay. Mabilis din tayong makakabalik ng Maynila kapag iyon ang gamit natin. Bakit? May problema ba?"

Napalunok si Anniza. "I never tried to ride one. Natatakot akong sumakay, Josh."

Napatayo ng maayos si Joshua. Hindi niya naisip iyon. Anniza is strong and independent woman. Alam niyang mani lang nito ang pagsakay ng chopper pero habang nakatingin sa mga mata nito nasisigurado niyang totoo ang takot na naruruon. Ngumiti siya sa dalaga.

"Don't worry. Hindi naman ganoon nakakatakot ang sasakyan natin. At saka, hindi kagaya ng mga military chopper ang gagamitin natin kung hindi ang private chopper ng kompanya. Wala kang dapat aalalahanin dahil ang chopper na nakikita mo sa Korean drama ay kagaya ng sasakyan natin."

He wanted her to clam. Ngunit mukhang di nakatulong ang sinabi niya. Nakarehistro pa rin ang takot sa mukha at mata nito. Huminga siya ng malalim. Ibinaba niya ang kamay na nakahawak sa magkabilang braso nito. Inilakbay niya iyon papunta sa kamay nito. He holds Anniza's hand tight.

"I won't let things bad happen to you, Anniza. Trust me that you will be okay. Hindi-hinding kita ipapahamak. I won't let go of your hands while we are riding the chopper. I will be at your side in this whole right," aniya habang hindi inaalis ang mga mata sa mga mata nito.

He wants to assure Anniza that he will be there for him. Kung bago man dito ang lahat ay nandiyan siya sa tabi nito para alagaan ito. Hindi niya hahayaan na mapahamak ito. Na nasa tabi lang siya nito para alagaan at protektahan.

Tumungo si Anniza at ngumiti ng maliit. Napangiti siya dahil sa sagot ng dalaga. Pinisil niyang muli ang kamay nito. Sakto naman na bumukas ang elevator. Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Anniza. Magkahawak kamay silang lumabas ng elevator. Sinalubong agad sila ng isang staff.

"Sir Joshua, the chopper is ready. Nasa pilot seat na po ang piloto."

Tumungo siya at hinarap si Anniza. Hinahawakan nito ang buhok na nililipad. Nakatingin ito sa chopper na gagamitin nila. Napangiti siya ng makita ang pagkamangha sa mukha nito. Kinuha niya ang hawak nitong cap. Tumayo sa tapat nito kaya napatingin ang dalaga sa kanya. Itinipon niya ang lahat ng buhok nito at ipinasok sa butos na nasa likod ng cap. Isinuot niya ang cap nito. Inayos niya iyong mabuti para hindi liparin kapag lumapit na sila sa chopper.

Bumaba ang tingin niya sa mukha ng dalaga pagkatapos ayusin ang cap nito. Ngumiti siya ng makita ang gulat na gulat nitong mukha. Inilahad niya ang kamay sa dalaga. Tumingin doon si Anniza. Ilang sandali din nakatitig doon ang dalaga bago tinanggap ang kamay niya. Magkahawak kamay silang lumapit sa chopper. Naka-alalay sa kanila ang staff ng kompanya. Pinagbuksan sila nito ng pinto.

Inalalayan niyang makasakay si Anniza bago siya sumunod ito. Nang ma-isara ang pinto ng chopper ay nawala ang ingay mula sa labas. Tumingin siya sa piloto nila.

"Good morning." Bati nito sa kanila.

"Good morning. I'm Joshua Wang and she's Anniza Jacinto. Thank you for accepting my short notice."

"It's okay. Si Liam naman ang naki-usap sa akin kaya okay lang. I'm Daniel Renzo Madrigal. Buckle up and I take you to your distination."

Napangiti siya sa sinabi nito. Mukha ngang hindi nagkamali ng nirecommenda ang kaibigan. Una niyang sinuotan ng seatbelt si Anniza bago naman ang sarili niya. Bago umangat ang chopper ay mabilis niyang hinagilap ang kamay ni Anniza at hinawakan ng mahigpit.

Naramdaman niya ang panginginig ni Anniza. She is really scared and that's the first time he saw her like that. Kung pwede lang siguro kuhaan ito ng larawan ay ginawa na niya. Pinisil na lang niya ang kamay nitong hawak. Tumingin sa kanya si Anniza. Binigyan niya ito ng ngiti. Gumanti din naman ng ngiti ang dalaga ngunit hindi iyon umabot ng tainga. Huminga siya ng malalim. Natutuwa man siyang makita ang ganoong emosyon sa dalaga ay ayaw naman niyang maging ganoon ito sa buong durasyon ng ride nila. Kinabig niya ang dalaga at iniyakap.

"You will be alright. I'm here, Anniza. Wag kang matakot dahil nandito lang ako. Hindi kita iiwan."

He has double meaning on what he whispers. Hindi lang ang ride nilang iyon ang tinutukoy niya kung hindi pati na rin ang sa susunod na kabanata ng buhay nito. Wala siyang balak na iwan ito. Sisiguraduhin niya na kasama siya nito sa bawat oras. Masaya man o mahirap ang pagdadaanan ni Anniza ay hindi niya ito iiwan. Hindi man niya masabi ngayon dito pero magiging parte siya ng buhay nito hanggang sa huling hininga nito. Dahil sinisigurado niya na siya ang makakasama ni Anniza hanggang sa pagtanda nito. He is waiting for the perfect time to make Anniza his. Walang ibang lalaki na nararapat dito kung hindi siya. Ito at ito lang din ang babaeng para sa kanya.