NAKANGITING naghahanap ng damit nito si Anniza. Sabado ng araw na iyon at ang balak niya ay pumunta ng palengke para magluto para sa kanyang mga pamangkin. Siya lang ang tao sa bahay ng mga sandaling iyon. Pumunta sa mall ang Kuya at Ate Tin niya kasama ang mga bata pero mamaya ay nandito ang mga ito. Ilang linggo na siyang hindi nagluluto ng pagkain para sa mga ito dahil sa sobrang busy sa trabaho. Alam niyang nagtatampo na ang mga pamangkin niya dahil bonding nila ang kumain ng mga pagkain na luto niya kapag wala siyang trabaho sa opisina.
Simula kasi ng maging head nila si Joshua ay nadagdagan ang trabaho sa department nila. Nag-expand pa kasi lalo ang kompanya at halos lahat ng kailangan ng mga empleyado ay sila ang umaasikaso. Madalas na nga silang overtime. Nagpapasalamat na lang siya dahil hinahatid siya lagi ni Joshua. May bahay kasi ang binata sa Novaliches kaya naman dinadaanan na lang siya nito. Hindi naman siya out of the way kaya okay lang sa kanya.
Nang makapili ng damit ay agad na naligo si Anniza. Tinutuyo ni Annie ang kanyang buhok gamit ang tuwalya ng makita ang cellphone na nakapatong sa mesa na malapit sa kanyang kama na umiilaw. Nagsalubong ang kilay niya. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganoong araw?
Kinuha niya ang phone niya at lalong nagtapo ang kilay niya ng makita ang pangalan ni Joshua. Nagtatakaman ay sinagot niya pa rin ang tawag nito.
"Hello!"
"Good morning, Annie."
"May kailangan ka?" Umupo siya sa kama at pinagpatuloy ang pagpunas ng kanyang buhol.
"Well... I-I'm outside your house."
"Ha!" napatayo siya ng marinig ang sinabi ito. Mabilis siyang sumilip sa bintana ng kanyang kwarto.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Joshua na nakatayo sa labas ng bahay niya. Nakasandal ito sa kotse nito.
"A-anong ginagawa mo dito?" Hindi napigilan ni Annie na manginig ang boses dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.
"Well, yayain sana kitang kumain sa labas. Kung okay lang sa iyo?"
Napako sa kinatatayuan nito si Annie. Para siyang tinuklaw ng ahas na hindi makapagsalita. Tama ba ang pagkakarinig niya? Niyaya siya ni Joshua na kumain sa labas. Hindi ba siya nagkamali ng dinig. Annie step away from the window. Naglakad siya papunta sa salamin na hindi alam ang gagawin.
"Annie..."
Ang pagtawag na iyon ni Joshua ang biglang nagpabalik sa natatarantang braincells niya. Tumigil si Annie sa paglalakad sa loob ng kanyang kwarto. TUmingin siya sa salamin. Namumula ang maputi niyang mukha. Hindi lang iyon, pati tainga niya ay namumula.
"Yes..." sagot niya.
"Really? Sasamahan mo akong kumain sa labas." Kahit na nasa telephone lang niya narinig ang boses ni Joshua, hindi makakaila ang saya sa boses nito.
"Ya! Mag-aayos lang ako." Sagot niya bago pinatay ang tawag.
Wala sa sariling nayakap ni Annie ang hawak na telephone. Ito ang unang pagkakataon na may lalaking nagyaya sa kanya na kumain sa labas. Aaminin niya na lagi na silang magkasamang kumain sa labas ni Joshua pero hindi naman ganoon ang epekto niyon. Bakit parang mas special ang araw na iyon? Dahil ba na wala sila sa opisina? She doesn't know but she feels happy and she likes the feeling.
Mabilis na nag-ayos si Annie. Nahihiya siyang pahintayin ang boss niya. At saka nasisigurado niyang pinagtitinginan na ito ng ibang tayo. Sinipat ni Annie ang suot na damit. Maong pants na kulay blue at white t-shirt na may print name na 'Queen' na suot niya. Pinatungan niya ang t-shirt ng strip polo shirt at sky blue rubber shoes naman ang suot niya sa paa. Maliit na sling bag ang dala niya. May suot din siyang black cap na may print name na 'Saint'. Huminga ng malalim si Annie. So far ay gusto niya ang ayos. Simple but comfortable.
Nang sa tingin niya ay okay na siya ay lumabas siya ng bahay. She looks the door before walking near to Joshua. Nakasandal pa rin ang binata sa kotse nito pero sa pagkakataong iyon ay may ka-usap na itong isang matangkad na lalaki. Nagtagpo ang kanyang mga kilay. Unang nakapansin sa kanya ay si Joshua. Itinuro siya nito sa ka-usap. Nagulat naman siya ng humarap ang kausap ni Joshua.
"Brix..." Banggit niya sa pangalan ng kaibigan.
"Good morning, Annie." Nakangiting bati sa kanya ng kaibigan.
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ay umalis ka na ng bansa?"
"Well, umuwi ako saglit. Bukas babalik na ako ng U.S. Naisip kong bisitahin ka." Sumulyap ito kay Joshua na nakamasid lang sa kanila. "Pero mali yata ang punta ko dahil aalis ka."
Bigla siyang nahiya sa sinabi ng kaibigan. Napatingin siya kay Joshua bago ibinalik ang tingin sa kaibigan. "Ahmm... Biglaan lang din. Gusto mo bang sumama?"
Nahiya siya bigla sa kaibigan. Pumunta pa talaga ito tapos hindi man lang niya maasikaso. Hindi niya din kasi alam na umuwi pala ito ng bansa. Akala nga niya ay hindi na ito uuwi dahil nga nasa U.S naman ang babaeng sinisinta nito.
"It's okay. May pupuntahan din naman ako." Lumapit pa lalo sa kanya ang kaibigan.
"Enjoy your lunch date."
Pagkatapos na ibulong iyon ni Brix ay humakbang ito palayo sa kanya. Napalabi naman siya. Naramdaman niya ang pangangapal ng kanyang pisngi. Kailangan ba talagang sabihin iyon ni Brix. Napatingin siya kay Joshua. Napalunok siya ng makita ang mukha nitong hindi maipinta.
Anong nangyari dito? Bakit bigla na lang naging ganito ito?
Ibinalik na lang niya ang tingin kay Brix. Natatakot kasi siya sa tingin ni Joshua. Ngayon niya lang nakita na ganoon ang binata.
"Are you sure?"
"I can manage." Tumingin ito kay Joshua. "Take care of Annie."
Tumungo lang si Joshua bilang tugon. Ganoon pa rin ang bukas ng mukha nito. Napalabi na lang siya. Hindi niya alam kung ano ang problema ng lalaki. Mamaya na lang niya tatangunin. Parang kanila lang ay masaya pa ito.
"Bye, Annie." Humalik muna sa pisngi niya si Brix bago tumalikod.
Sinundan niya ito ng tingin. Lumapit ito sa kotse nitong nakaparada katabi ng kotse ni Joshua. Kumaway muna si Brix sa kanya bago pumasok ng kotse nito. Gumanti naman siya sa kaibigan. Hinintay niya muna na makaalis ang kaibigan bago hinarap ang boss niya.
Binigyan lang siya ni Joshua ng masamang tingin bago pumasok ng kotse. Naiwan naman sa labas si Annie na binabalot ng katanungin. Pero isang tanong lang naman ang nangingibabaw.
'Anong nangyari doon?'
Umikot si Annie sa may front seat. Pagkapasok niya ng kotse ni Joshua ay napatingin agad siya sa binata ngunit sa labas ng kotse ang mga mata nito. Napasimangot si Annie. Ano ba talagang problema ng binata? Instead of asking Joshua. Isinuot na lang ni Annie ang seatbelt.
Mina-obra naman ni Joshua ang kotse ng hindi nagsasalita. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila at hindi iyon ang nakasanayan ni Annie.
"Josh, saan tayo kakain?" tanong niya.
Hindi sumagot ang binata. Patuloy lang ito sa pagmamaneho. May nabuhay na inis sa puso ni Annie pero pinatili niyang maging mahinahon. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Ilang beses pang nagbuntong-hinga si Annie para lang pakalmahin ang sarili.
"Hindi mo ba ako kakausapin?" tanong niya.
Sinulyapan siya ni Joshua pero wala naman itong sinabi. Doon na tuluyan na inis si Anniza.
"Kung hindi mo naman pala ako kikibuin ay mabuti pang-ibaba mo ako diyan sa kanto at uuwi na lang ako." Inis niyang sigaw.
Muli siyang tiningnan ni Joshua. "No! kakain tayo kagaya ng sinabi ko kanina."
"Pero ayaw mo naman akong kausapin. Ano ba kasing problema mo? Ha?"
Hindi nakasagot si Joshua sa tanong niya. Huminga lang ito ng malalim. Inihinto nito ang kotse sa gilid ng kalsada at hinarap siya.
"Nothing. May nakita lang akong hindi ko nagustuhan. Don't be mad at me, Annie."
Joshua eyes suddenly chance. Para iyong aso na nakatingin sa kanya. Annie doesn't know why her heart suddenly melt because of those eyes. Naglaho bigla na parang walang bula ang inis na nararamdaman niya para dito ngunit ayaw niyang malaman nito ang nararamdaman kaya pinatili niya ang mataray na mukha.
Inirapan niya si Joshua bago sumagot. "Let's grab some eat. Siguraduhin mo lang na masarap ang ipapakain mo sa akin dahil kung hindi ay ito na ang huling sasama ako sa iyo kumain sa labas."
"Yes, ma'am." Muling pina-usad ni Joshua ang sasakyan.
Sa isang seafood restaurant sa Cubao siya dinala ni Joshua. Walang masyadong tao sa restaurant na iyon kaya hindi nakaramdam ng pagka-ilang si Anniza. Halata kasing social ang restaurant na iyon tapos iyon ang suot niya. Inalalayan siya ni Joshua na makapa-upo. Ang binata na din ang nagsabi ng order. Pinanlakihan niya ang binata ng mapansin kung gaano karami ang binili nitong pagkain.
"Pangsampong tao ba ang pakakainin mo?" tanong niya kay Joshua ng makaalis ang waiter.
Ngumiti ang binata sa kanya. "Gusto kong matikman mo lahat ng specialty nila. At saka, pwede naman natin ipabalot ang iba mamaya."
Napasimangot siya sa sinabi nito. "Wala ka talagang paki-alam sa pera, ano? Nagtatapon ka lang porket mayaman ka."
Nagbalot ng pagtataka ang mukha ni Joshua. "Hindi sa ganoon iyon, Annie. Gusto ko lang---"
"One or two dishes is enough for me. Hindi mo kailangan bumili ng walong ulam tapos dalawa lang tayong kakain. Ano akala mo sa akin patay-gutom?"
Sobrang na-iirita talaga siya kay Joshua ng mga sandaling iyon. Hindi niya kasi makuha ang gusto nitong sabihin. Walong ulam para sa dalawang tao. Hindi lang iyon, parehong pangmaramihan ang order nito. One big fish, half crab, half shrimp, and half kilo squid. May gulay din itong inorder at baboy. Iba-ibang luto pa ang mga iyon. O di ba, para lang silang patay-gutom. Paano nila uubusin ang mga iyon gayong dalawa lang naman silang kakain ng binata. Nag-aaksaya ito ng pagkain gayong maraming bata ngayon ang nagugutom.
"Alam ko naman iyon. Ipapabalot na lang natin ang sobra tapos iuwi mo mamaya. Hindi ba at may mga pamangkin ka? Ibigay mo sa kanila." Ngumiti ang binata sa kanya pero lalo lang siyang nainis sa sinabi nito.
Huminga ng malalim si Annie. "Joshua, alam kong only child ka at nasusunod lahat ng gusto mo pero hindi iyon dahilan para lumostay ka ng pera. At saka, kaya kong pakainin ang mga pamangkin ko. Hindi ko kailangan ng limos mo."
Tatayo na sana siya ng mabilis na napigilan ng binata ang kanyang isang braso. Napatingin siya kay Joshua. Hindi pa rin maipinta ang kanyang mukha. Naiinis pa rin siya ng mga sandaling iyon. Wala ba talagang matinong gagawin ang binata.
"I'm sorry, okay. I didn't mean to hurt you. Pasensya na talaga."
Hindi nakapagsalita si Anniza. Pinakatitigan lang niya sa mga mata si Joshua. Ilang sandali din silang nagtitigan bago niya binawi ang kamay na hawak nito. Bumalik siya sa pagkaka-upo.
"Wag mo na itong uulitin ulit. Hindi siya magandang tingnan, Joshua."
Sumilay ang isang ngiti sa labi ni Joshua. "Okay. Basta ikaw ang nagsabi susundin ko agad."
Hindi na siya nagsalita pa. Yumuko na lang siya para itago ang pamumula ng kanyang mukha. Kailangan ba talagang sabihin iyon ng binata. Gusto man niyang singhalan ang binata ngunit hindi niya magawa dahil baka makita ni Joshua ang pamumula ng kanyang mukha.
"Saan mo gustong pumunta pagkatapos natin kumain?" tanong ni Joshua pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.
Nagtaas siya ng tingin at tumitig sa mukha ng binata. "M-may gusto ka pa bang puntahan?"
"Oh!" Napahawak si Joshua sa batok nito. "Well, yayain sana kitang manood ng sine."
Natigilan si Anniza sa sinabi ni Joshua. "Manood ng sine?"
Tumungo ang binata. Kinuha nito ang cellphone sa likod ng pantalon. May hinanap ito sa cellphone at ng makita ay agad na pinakita sa kanya.
Napataas ang kilay niya ng makita ang movie na gusto nitong nanoorin.
"Iyan talaga ang gusto mong panoorin natin?" Hindi niya mapigilan na ngumiwi.
"Oh!" Tumungo pa si Joshua at ibinalik ang cellphone sa bulsa. "Maganda ang movie na ito. Napanood ko na siya noong isang araw pero gusto ko ulit panuorin."
Ngumiti si Anniza ngunit naging pilit iyon. Sino ba kasing tao ang hindi mapangiwi kung ganoon ang gustong panoorin ng tao?
"The Panti Sister talaga ang gusto mong panoorin?"
Tumaas ang isang kilay ni Joshua. "May mali ba sa gusto kong panoorin?"
"Well, wala naman kaso alam mong gay movie ang sinasabi mo, di ba?"
Ngumiti lang ang binata sa kanya. There's nothing wrong watching a movie like this. At saka, nakakatawa ang movie na iyan. Let's watch it."
Tumaas lang ang kilay ni Annie. "Fine. Sinabi mo eh. Hindi ko din naman gusto ang romantic movie. Masyadong cliché."
Tumawa ng mahina si Joshua. Sakto naman na dumating ang pagkain nila. Tahimik lang silang dalawa ni Joshua. May pagkakataon na nilalagyan ni Joshua ng pagkain ang plano niya at binibigyan niya ito ng masamang tingin pero kahit ganoon ay natutuwa ang puso niya sa simpleng gesture na iyon.
"Kailan pala team building natin?" tanong niya.
Napatigil sa pagkain si Joshua. "Wala pang napag-uusapan pero baka sa Monday pag-usapan na ng mga head. I will keep you update. Mas lalo tayong maging busy noon."
"May suggestion ka na ba kung saan gaganapin?"
"Well, may hotel ang kompanya sa Bataan baka doon gaganapin. Malapit iyon sa dagat at malaki ang hotel. They can accommodate us all. Hindi ko lang alam kung papayagan ng management na eh cater tayo dahil baka fully book sila."
Kapag talaga trabaho ang pinag-uusapan nila ay nag-iiba si Joshua. He is serious and well-behave. Isa iyon sa mga hinahangan niya sa binata. Marunong itong makisama at ginagamit nito ang pagiging makulit para mapalapit sa kanila. Hindi din ito namimili ng kakaibiganin. Kaya nga kahit na sobrang busy ng department nila ay masaya pa rin. Ibang-iba si Joshua sa dati nilang head na masasakal ka sa sobrang strikto.
"Kung ganoon ay kailangan mo ng alternative?"
Tumungo si Joshua. Iniisiip ko iyong nasa Pangasinan na Hotel ng kompanya pero wala pa talagang concrete plan. Mas gusto ko kasi talaga iyong hotel sa Bataan ganapin ang team building natin. Malaki ang lugar at sakto talaga sa atin."
Ngumiti siya. "Let's hope for it."
Ngumiti din si Joshua. Bumalik sila sa pagkain dalawa. Wala na ulit nagsalita sa kanila. Pinapabalot na nila ang mga natirang pagkain ng may taong lumapit sa table nila. Napataas ang kilay niya na isang sexy na babae iyon. Matangkad ang babae. Nakasuot ito ng crop-top na kulay itim at putting maong short. Maikli ang suot nitong short, napapansin na kasi ang itim na hiking short nito. Gustong tumaas ng kilay niya pero pinigilan niya lang ang sarili.
"Hi." Malamyos ang boses na bati ng babae kay Joshua.
"Yes Miss." Ngumiti si Joshua sa babae.
"I'm Prem. Nakita ka namin ng kaibigan ko at gusto sana naming hingin ang number at pangalan mo." Inilahad ng babae ang isang kamay.
Tumingin siya kay Joshua. Nakatingala ito sa babae at may isang ngiti sa labi nito. Napasimangot siya. Wow! Nakakita lang ng maganda at sexy na babae ay masayang-masaya na ang lalaki. Napakuyom ang isang kamay ni Annie. Pinigilan niya ang sarili na hawakan ang juice na nasa harap at ibuhos kay Joshua. Nakaka-inis lang na ganoon ang reaksyon nito sa ibang babae habang kasama siya. Hello! May kasama kang babae.
'Bakit Annie? Ano ba kayo ni Joshua para ma-inis ka sa kanya?' kistigo ng kanyang isipan.
Napahinga ng malalim si Annie. Bakit nga ba?
"Sorry, Miss pero hindi kasi ako basta namimigay ng pangalan kahit kanino. Magagalit kasi ang nobya ko." Tumingin sa kanya si Joshua ng sabihin nito ang huling salita.
Nanlaki ang mga mata ni Annie. Bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso. Isang ngiti naman ang sumilay sa labi ni Joshua bago muling ibinalik ang mga mata sa babaeng nakatayo.
"Hope you understand. Ayaw kong bigyan ng dahilan ang nobya ko na iwan ako. Mahal na mahal ko siya." Nang sabihin ni Joshua ang salitang mahal ay tumingin ito sa kanyang mga mata.
Agad naman nag-iwas ng tingin si Annie. Pwede bang magtago sa ilalim ng mesa? Nang iinit ng mga sandaling iyon ang kanyang pisngi. Hindi lang iyon, pati na rin ang kanyang tainga at dibdib. Malakas na malakas din ang tibok ng kanyang puso.
"I understand." Nakita niyang humakbang ang babae. "What a lucky girl." Narinig niyang sabi ng babae bago umalis sa harap nila.
Nanatiling nakayuko si Annie kahit pa nga umalis na ang babaeng iyon. Hindi pa rin kasi humuhupa ang pang-iinit ng kanyang mukha.
"Are you okay, Annie? Pasensya ka na kung iyon ang nasabi ko."
Narinig niyang wika ni Joshua. Umiling siya bilang pagtutol. Wala naman sinabi ang binata na dapat niyang ikagalit. Well, hindi naman direktang sinabi nito na siya ang sinasabi nitong nobya. Kaya wala silang karapatan na magalit dito.
Huminga ng malalim si Annie at nagtaas ng tingin. "It's okay. Iba kasi talaga paggwapo, ano? Habulin ng babae."
"Sinasabi mo bang gwapo ako." Nagningning ang mga mata ni Joshua at hindi iyon nakaligtas sa kanyang mga mata.
Natigilan naman si Annie. Iniiwas niya ang mga mata sa binata. "Ya. Totoo naman kasi."
Tumungo-tungo si Joshua. "Akala ko kasi hindi ako gwapo sa paningin mo, Annie."
"May sinabi ba akong hindi ka gwapo. Ang alam ko lang nainiis ako sa iyo dati dahil sobrang kulit mo."
Tumawa ng mahina si Joshua at sumandal sa upuan. "Well, alam ko naman na madalas kitang inisin noon. I'm sorry but I be a good boy now. I want us to be friend."
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Nanatili lang siyang nakatitig sa mga mata ng binata. Umayos ng upo si Joshua at nakipagsukatan ng tingin sa kanya.
"Can we be friend, Annie?"
Napalunok si Annie. Bakit parang iba ang ibig sabihin ng tanong ni Joshua? Bakit iba ang pinapahiwatig ng tanong nito sa kanya? Ang puso niyang napakalma na niya ay muling nagwala. Nais na naman kumawala sa kanyang dibdib.
"Are you accepting my friendship, Annie?" Muling tanong ni Joshua.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Annie. "Aren't we friends now?"
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi ni Joshua. Ang maningning nitong mata ay lalo pang nagningning.
"I settle for that now." Narinig niyang bulong ni Joshua.
Magtatanong sana siya kung anong ibig sabihin nito ng dumating ang waiter para ibiigay ang pinabalot nilang pagkain. Nawalan na siya ng pagkakataon na magtanong dito tungkol sa sinabi nito.