ANNIE can help it but to smile. Pagkatapos nilang kumain at manuod ng sine ay lumabas sila ng mall. Nagmamaneho ang binata at pasimple niyang sinusulyapan ang ito. Hindi niya alam kung saan sila papunta ng binata pero wala naman siyang paki-alam. Alam naman niyang safe siya dito. Hindi nga siya nito pinabayaan ng magkasakit siya kaya bakit hindi siya magtitiwala dito pagdating sa kaligtasan niya.
"Should we buy food first?" tanong ni Joshua.
Napatingin siya sa binata. "Para saan?"
"Hindi ka ba nagugutom? Ako kasi nagugutom na at ang alam ko wala masyadong food sa pupuntahan natin."
"Saan ba tayo pupunta?" Instead of answering his question, she asks him.
Sinulyapan siya ni Joshua at ngumiti. "You will know later. Let's buy food muna. Mag-drive tru na lang tayo."
Napasimangot siya. "Ikaw ang bahala."
Isinandal niya ang likod sa upuan at tumingin sa paligid. Nag-drive tru nga sila ni Joshua sa isang sikat na fast food chain. Marami na namang order ang binata na pagkain. Iyong binalot nilang pagkain kanina ay pinamigay nila sa mga batang kalye. Kung iuuwi niya kasi ang mga iyon ay baka panis na. Kaya nagdesisyon sila kanina ni Joshua na ipamigay na lang sa mga bata. At least, hindi na sayang ang pagkain at may nakinabang.
Nagtaka si Annie ng makita ang isang pamilyar na lugar. "Luneta Park?" Nanlalaki ang mga mata na tanong niya.
Tumingin sa kanya si Joshua at ngumiti ng matamis. Inalis nito ang seatbelt. "Yes. Matagal ko ng gustong magpicnic dito, hindi lang nabibigyan ng pagkakataon."
"Pero anong oras na?"
Magsusulyap na ang dilim. Hindi siya sinagot ni Joshua, ngumiti lang ang binata at lumabas ng kotse. Walang nagawa si Annie kung hindi sumunod sa binata. May magagawa ba siya? Nandito na sila at alam naman niya kung gaano ka weird ang boss niyang ito. Kinuha ni Joshua ang pagkain na binili nito sa backseat. Nang isara ni Joshua ang pintuan ay lumapit siya sa binata.
"Tulungan na kita." Kukunin na sana niya ang hawak nito sa kaliwang kamay ng umiwas ang binata.
"I can handle. Kunin mo na lang ang susi ng kotse sa bulsa ko sa likod at pasara ng kotse."
Napatingin siya sa bulsa ng binata. Gusto niyang mapangiwi. "Kukunin ko talaga?"
"Oo. Hindi ko masara ang kotse ko dahil marami akong hawak."
Napakagat ng labi si Annie. Nagdadalawang-isip siya kung kukunin ba ang susi sa bulsa ng binata. Paano niya gagawin iyon ng hindi nahahawakan ito?
"Annie, tatayo na lang ba tayo dito?"
Napatingin siya sa mukha ng binata. Sinamaan niya ito ng tingin. Gusto niyang sigawan ito pero pinigilan niya ang sarili. Nasa pampublikong lugar sila at ayaw niyang gumawa ng eksena. Humanda talaga ang lalaking ito kapag napag-isa sila. Hindi lang pagsigaw ang gagawin niya baka mahampas din niya ang susi dito. Humugot ng malamin na paghinga ang dalaga bago lumapit pa kay Joshua. Inihahanda niya ang kamay sa pagkuha ng tumigil siya. Hindi niya kaya. Baka iba ang mahawakan niya kapag ginawa niya iyon.
Instead of pulling out the key on his back pocket. Annie snach the paper bag that his holding. Nagulat si Joshua sa ginawa niya kaya na-agaw niya iyon.
"Kunin mo na ang susi." Tinalikuran na niya ang binata at ngumiti.
Akala ba nito ay magpapa-uto siya sa kalukuhan nito. Baka nakakalimutan ni Joshua, alam niya ang galawan nito. Ilang taon na ba niyang kilala ang binata. Alam niya kung kailan umaatake ang pagiging makulit nito. Agad naman nakasunod sa kanya ang binata.
"Why you so cruel to me, Annie?" May bahid ng lambing na tanong ni Joshua.
Sinulyapan niya ito at tinaasan lang ng kilay. Hindi napansin ni Annie na umiling si Joshua at sumilay ang isang magandang ngiti sa labi dahil agad na umiwas ng tingin ang dalaga. Joshua love teasing Annie.
Dahil maggagabi na ng mga sandaling iyon. Pinili ni Annie at Joshua na maglatag ng tela sa may damuhan. Marami pa rin tao ng mga sandaling iyon. Bukas na rin ang ilaw sa ilang poste. Agad na kinuha ni Joshua ang pagkain sa paper bag. Habang si Annie ay pina-ikot ang mga mata sa paligid. Mga pamilya ang naruruon na malapit sa kanila. May mga iilang magkasintahan din siyang nakita.
"Talaga bang ngayon ka lang nakapunta sa lugar na ito?" tanong niya kay Joshua at kinuha ang isang paper cup na may lamang coke.
Tumungo si Joshua. "Never went here."
"Kahit noong nag-aaral ka na ng kolehiyo?"
Ngumiti si Joshua. Itinukod nito ang dalawang kamay sa likuran at humilig ng bahagya. Pinakatitigan si Joshua ang dalaga.
"Hindi. Noong nagkolehiyo ako, bar at club ang tambayan namin. At saka, hindi sa ganitong lugar ko dinadala ang mga nobya ko." Tumaas ang isang sulok ng labi ng binata.
"Mga nobya?" iyon agad ang napansin ni Annie sa mga sinabi ni Joshua.
Tumawa ng mahina si Joshua. "Yap. Mga nobya."
"Proud ka pa talaga na marami kang naging nobya noong nagkolehiyo." Nakataas ang kilay na sabi ni Annie.
Nakaramdam ng inis si Annie dahil sa narinig. Iyong inis na nararamdaman niya ay hindi para kay Joshua kung hindi para sa sarili. Bakit biglang may naramdaman siyang galit sa puso niya dahil lang sa kaalaman na marami naging nobya ang binata?
Nawala ang ngiti sa labi ni Joshua. Napalitan iyon ng lungkot at nagsisisi. Nagbago bigla ang hangin na umihip sa paligid nila. Para bang may papalapit na bagyo dahil sa lamig na iyon. Hindi lang iyon ang napansin niya, kakaiba din ang emosyon sa mukha ng binata.
"Kung may bahagi man ng buhay ko na hindi ko maaring ipagmalaki ay iyon ang buhay kolehiyo ko. I'm not proud of what I did and been through, Annie. Kung sakali man na pwede kong baguhin ang bahaging iyon ng buhay ko ay babaguhin ko. I don't want to make the same mistake again. I want everyone on my life to be happy and live a life without no regrets."
Hindi nakapagsalita ng ilang sandali si Annie. Nararamdaman niya ang pagsisi sa bawat salita ni Joshua. Ngayon ay nakaramdamn siya ng pagnanais na malaman ng tungkol sa dating buhay ng binata bago niya ito nakilala. Hindi man deriktang sabihin ng binata ay alam niyang nabigat ang pinagdaanan nito noon. Annie have this feeling of protecting this man. Suddenly, she wants to see the Joshua she knows for years. Joshua that always play trick at her.
Huminga ng malamin si Anniza. "Past is past, Josh. Oo, hindi ganoon kadaling kalimutan ang lahat pero kailangan natin magpatuloy sa buhay. Wala naman kasing mangyayari sa iyo kung patuloy kang mabubuhay sa nakaraan. Hahatakin ka lang noon sa kadiliman. Moving on doesn't mean forgetting everything. Is just moving forward and leaving the past behind. Hindi masamang sumaya sa buhay. Karapatan natin iyon. Anuman ang ginawa nating pagkakamali sa nakaraan ay hindi dapat natin dalhin sa kasalukuyan. Love yourself more, Joshua. Kapag ginawa mo iyon, matatanggap mo muli ang sarili mo at matatanggap mo nakaraan na lang lahat ng kamalian mo. Forgive yourself." Hinawakan niya ang isang kamay ni Joshua at pinisil.
"Thank you." Tanging sinabi ni Joshua habang nakatitig sa kanyang mga mata.
She taps his hand and move backward. Kinuha niya ang isang burger at ibinigay sa binata.
"Kumain ka na lang. Hindi ako sanay na nagsisinti ka. Parang hindi ikaw si Joshua na kilala ko," aniya.
Ngumiti si Joshua at tinanggap ang inialok niyang pagkain. "Yes, ma'am."
Napasimangot siya sa sinabi ng binata. Inirapan niya ito at kumuha na rin ang pagkain. Annie can help it but to smile more. This moment is new to her but she like the feeling it's giving her. May humahaplos sa puso niya at may bumubukas na bagong nararamdaman.
KAKALAPAG lang ni Annie ng bag sa table niya ng mapansin ang isang pulang rosas na nakapatong sa kanyang mesa. Iniikot niya ang mga mata sa loob ng opisina para hanapin ang taong naglagay noon ngunit wala siyang napansin na kahit sino. Kinuha niya ang bulaklak at doon niya napansin ang isang maliit na papel. Dinapot niya iyon at binasa.
'Thank you for your words yesterday.'
Iyon lang ang mensahe pero isang ngiti agad ang sumilay sa labi ni Annie. May humaplos na kung ano sa kanyang dibdib. Isang simpleng mensahe lang iyon pero bakit parang may kung anong hatid iyon. Muling binasa ni Annie ang nakasulat. Inamoy niya din ang bulaklak na bigay ng binata. Nagsimula ang trabaho ni Annie na may ngiti sa labi.
"Masaya ka yata, Annie,"
Natigilan si Annie ng marinig ang tanong na iyon ni Mae. Napatingin siya sa kaibigan. Nagpapasalamat siya na okay na ito. Wala nga lang itong masyadong naalala sa mga nangyari.
"Paano mo nasabi?" aniya at sumeryuso ng mukha.
"Iba kasi ang ngiti sa labi mo. Tapos iba din ang glow ng mukha mo. Blooming ka din."
"Anong pinagsasabi mo dyan?" natatawang tanong niya sa kaibigan.
Hindi niya pinansin ang pagbago ng tingin ni Mae. Itinoon niya ang atensyon sa computer ngunit makulit talaga si Mae. Unang pagkakataon kasi nitong nakita ng ganoon si Annie.
"Sabihin mo nga sa akin. Sino ang jowa mo ngayon?"
Tumigil sa pagtipa sa keyboard si Annie at tumingin sa kaibang. "Anong pinagsasabi mong Jowa? Wala akong nobyo."
"Talaga! Bakit namumula ka?" Tinuro ni Mae ang kanyang mukha.
"Excuse me, blush on iyan." Tinaasan niya pa ng kilay ang kaibigan.
"Weh!!! Magsabi ka na kasi sa akin. Iyong lalaki ba na sumusundo at naghahatid sa iyo ang nobyo mo ngayon. Infairness, gwapo, mayaman, hot, at mukha naman mabait na tao. Pwedeng-pwede maging jowa mo."
Napa-iling nalang si Annie sa pinagsasabi ni Mae. Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito. Itinuon na lang niya muli ang sarili sa ginagawa. Titipa sana si Annie sa keyboard ng may biglang naglapag ng isang folder sa table niya.
"Ms. Marcelo, tapos ka na ba sa pinapagawa ko?" seryusong tanong ni Joshua.
Napatingala si Annie. Nagtagpo ang mga mata nila ni Joshua ngunit agad ding umiwas ng tingin ang binata. Hindi maipinta ang mukha nito. Namumula din ito ng mga sandaling iyon. Tumingin ito kay Mae at binigyan ang kaibigan niya ng masamang tingin. Napalanok siya bigla dahil sa nakikitang aura dito. Mukhang galit ang head nila ngayon? Nakakatakot ito ng mga sandaling iyon. May nagyari bang kinagagalit nito?
"Ano p-po?" hindi makasagot ng maayos si Mae. Nararamdaman din nito ang galit ng kanilang department head.
"What? May oras kang makipagbiruan sa kasamahan mo sa trabaho pero iyong pinapagawa ko ay hindi mo pa pala natatapos. The company didn't pay you for playing around. Go back to your table and work your ass off." Sigaw ni Joshua.
Hindi na nakapagsalita si Mae. Mabilis itong yumuko at bumalik sa mesa nito. Walang nagtaas ng ulo sa mga kasamahan nila pero alam niyan narinig ng mga ito ang pagsigaw ng binata. Pinakatitigan niya si Joshua. Anong nangyari dito at bigla na lang itong naninigaw ng tao? Hindi naman ito ganoon dati. Tumingin sa kanya si Joshua. Binigyan lang siya nito ng masamang tingin bago tinalikuran. Sinundan naman niya ito ng tingin. Napuno ng pagtataka si Annie.
At dahil sa nangyari biglang nawalan ng gana si Annie na magtrabaho. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya at sininulan ang kanyang trabaho kahit pa nga na wala na siyang lakas na gawin ang dapat gawin ng araw na iyon.
Pagdating nag tanghalian ay napatingin si Annie sa kanyang cellphone. She is waiting for Joshua text. Hinihintay niya ang pa-anyaya nitong kumain sa labas ngunit sampong minuto na siyang naghihintay ay wala pa rin siyang natanggap kaya nagdesisyon siyang silipin ang binata sa opisina nito. Wala na rin namang tao sa departmento nila kaya malaya siyang makalapit sa binata. Kumatok muna siya sa pinto. Hinintay niyang may sumagot ngunit wala siya narinig kahit isa.
Pipihitin na sana siya ang doorknob ng may naramdaman siyang may tumayo sa kanyang likuran. Mabilis siyang lumingon.
"Ikaw pala," aniya sa sekretarya ni Joshua.
"May kailangan ka, Ms. Jacinto?" nagtatakang tanong ng babae.
"Ahm... A-ano?" hindi niya alam kung tatanungin ba sa babae ang boss nila.
"Si Sir Joshua ba ang hinahanap mo?"
Tumungo siya. "May itatanong kasi sana ako sa kanya." Nagpapasalamat siya dahil hindi naman nagbago ang bukas ng mukha ng babae.
"Umalis si Sir Joshua. Pupunta siya ng Wangzi ngayon. Mukhang may lunch date siya kasama ang kanyang mga magulang."
"Ahh..." Nakaramdaman ng disappointment si Annie ngunit hindi niya pinahalata sa babaeng kaharap. "Ganoon ba. Sige, mamaya ko na lang siguro itatanong sa kanya. Salamat."
"Sige. Ikaw ang bahala."
"Salamat." Yumuko siya at nilampasan na ang babae.
Hindi na siya tinanong pa ng babae. Mabilis siyang naglakad palabas ng opisina. Nakasimangot siyang pumunta ng cafeteria. Naiinis siya sa binata. Hindi man lang nito sinabi na hindi pala siya nito masasamahan sa pananghalian. Kung hindi pa pala niya makaka-usap ang sekretarya nito ay hindi pa niya malalaman na may kasabay na pala itong kumain. Kahit simpleng text ay hindi man lang nito nagawa.
Mag-isang nagtanghalian si Annie. Tapos na kasi ang mga kasama ng bumaba siya sa cafeteria. Lalo lang siyang nainis kay Joshua. Kasalanan kasi nito kung bakit malungkot ang lunch niya. Bumalik din agad siya sa trabaho pagkatapos kumain. Pero imbis na ituon ang sarili sa trabaho ay inabangan niyang makabalik ng opisina ang binata ngunit kahit anino nito ay hindi nila napansin. Walang Joshua na bumalik ng opisina kaya naman nakasimangot na lumabas ng gusali ng MDHGC si Annie. Naglalakad siya sa sakayan ng bus ng may humintong kotse sa tapat niya.
"Hi Annie."
Natigilan si Annie ng makita si Brix na bumaba ng kotse nito. "Brix..."
"Going home?"
Tumungo siya sa binata. "Oo. Papunta na nga ako sa sakayan ng mga bus."
"Ganoon ba. Hatid na kita." Naglakad palapit sa kanya si Brix.
"Ahmm... Nakakahiya naman sa iyo. Baka may iba kang lakad."
"Wala naman akong ibang pupuntahan ngayon. Tara na!" Hahawakan na sana ni Brix ang braso niya ng may na una na dito.
"She is coming with me." Ma-autoridad na wika ng bagong dating.
Sabay silang napatingin ni Brix sa lalaking ngayon ay hindi maipinta ang mukha.
"Joshua..." Banggit niya sa pangalan nito.
"I will ride her home. Pwede ka ng umalis."
"Joshua..." may pagbabantang banggit niya sa pangalan ng binata.
Nagulat siya sa sinabi nito lalo na sa tuno ng boses nito. Hindi niya iyon nagustuhan dahil para nitong iniinsulto ang kaibigan niya. Ngunit hindi man lang noon na apektuhan ang kaibigan. Instead, Brix raise his hand as if he is surrendering to Joshua. May ngiti din sa labi ng binata.
"Don't worry. Hand off ako." Tumingin sa kanya si Brix. "Ingat ka, Annie. Someone is dangerous. I know the green monster he is hiding."
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya kasi ito ma-intindihan ang mga sinabi nito. Lalo siyang nagtaka ng humigpit ang pagkakahawak ni Joshua sa braso niya. Napatingin siya sa binata. Masama pa rin ang mga tingin na pinupukol nito kay Brix.
"Annie, bye. I will text you later. Ibibigay ko sa iyo ang flight details ko. Please, set me off. Okay?"
Hindi na hinintay pa ni Brix ang sagot niya. Tumalikod na ito at iniwan sila ni Joshua. Napakamot na lang ng ulo si Annie sa sinabi ng kaibigan. Brix is doing something. Ang weird kasi nito. Hindi lang ngayong gabi kung hindi pati na rin kahapon. Sinundan niya ng tingin ang papalayong kotse ng kaibigan.
"Let's go."
Natigilan si Annie ng marinig ang utos na iyon ng lalaking ngayon ay hawak pa rin ang braso niya. Muling nabuhay ang inis na naramdaman ni Annie para dito. Anong pinagsasabi nito? Hinatak niya ang kanyang braso na hawak nito at sinamaan ito ng tingin. Nagtagpo ang mga kilay ni Joshua.
"May problema ba, Annie?" tanong ni Joshua.
"I'm going home alone. Hindi mo ako kailangan ihatid," aniya at tinalikuran ang binata.
Hindi pa siya nakakalayo dito ng mabilis itong nakahabol at pinigilan siya sa braso.
"Where are you going? Sinabi kong ihahatid na kita." Sigaw ni Joshua.
Lalong na inis si Annie sa binata. Muli niyang binawi dito ang braso at hinarap ito. Hindi niya itinago dito ang galit na nararamdaman. Nagagalit siya dahil sa ginawa nito kaninang umaga. Pakiramdaman niya ay pina-asa siya ng binata.
"Sinabi ko din sa iyo na uuwi akong mag-isa. Kaya kong umuwi kaya hindi mo na ako kailangan ihatid pa. Kaya kong alagaan ang sarili ko."
"Wait! Galit ka ba sa akin?" tanong ni Joshua. "Did I do something wrong?"
"Ask yourself."
Napansin ni Annie na nakakuha na sila nang atensyon ng ibang taong dumaraan kaya naman tinalikuran na niya ang binata ngunit hindi pa siya tuluyan na nakakalayo dito ng bigla na lang may bumuhat sa kanya. Napatili siya sa ginawa ni Joshua at nailagay ang dalawang braso sa leeg nito. Joshua carry her like a bride. Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa ginawa ng binata.
"Ang ginagawa mo? Ibaba mo ako." Sigaw niya sa binata.
"We need to talk. Hindi tayo makakapag-usap kung tatalikuran mo ako at iiwan dito," snito at mabilis na naglakad.
"Joshua, ibaba mo ako. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Mahina niyang sabi sa binata.
"I don't care what they think. I need to know, why you are mad at me. I don't want you to get mad at me, Anniza."
Naramdaman niya ang mga tingin ng mga tao sa paligid nila. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaranas ng ganito. Hindi lang pang-iinit ng kanyang mukha ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon kung hindi pati na rin ang malakas ng tibok ng kanyang puso. Kaya naman isiniksik na lang niya ang mukha sa dibdib ng binata.
"I will kill you later." Bulong niya.
"Kill me with love later, Anniza. As long as we are going to be okay and settle our little issue, I don't mind if you kill me." Bulong ni Joshua na lalong nagpa-init sa kanyang mukha.
What's with Joshua words today? Bipolar ba ang binata. Kanila lang ay galit ito, ngayon naman ay binibiro siya. Mukhang kailangan nga nilang mag-usap dalawa. She needs to clear something to Joshua.