Chereads / Wishing Girl 3: Pain 2 Forget / Chapter 11 - CHAPTER TEN

Chapter 11 - CHAPTER TEN

"CONGRATULATIONS, sir Joshua." Isa-isang binati ng mga kasamahan nito sa trabaho si Joshua.

Ngayong araw ang unang trabaho niya bilang head department ng Human Resources. Napangiti si Joshua ng marinig ang masayang pagbati ng mga kasama. Nakapalibot sa kanya ang lahat ng mga staff.

"Maraming Salamat, guys. Sana ay tulungan niyo akong maging mas maayos pa ang sistema ng HR department. Alam kong sanay kayo sa management ni Mrs. Solanoy pero hindi naman ako kagaya niya na mahigpit. Just do your job on time and bet the deadline, I be good leader to all of you. Let's break a leg."

Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos niyang sabihin iyon. Inikot niya ang paningin sa mga kasama ngunit nahinto iyon sa isang particular na tao. Ngumiti siya dito. Annie smile back at him. Itinaas pa nito ang isang kamay at binigyan siya ng thumb up. Tumungo siya dito.

"Okay, guys. Back to work and later, we celebrate. But this time, it's only a dinner."

"Yes!" sigaw ng ilang staff.

Tumalikod na ang ibang staff ng suminyas siya. Isa-isang bumalik ang mga ito sa kani-kanilang upuan. Napa-iling na lang siya. Hinintay niya munang maka-upo ang lahat bago siya naglakad palapit sa kay Anniza. Nagsisimula ng magtrabaho ang dalaga.

Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Nagtaas naman ito ng tingin. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Isang ngiti agad ang ibingay nito sa kanya.

"Yes, Sir."

Mas inilapit ni Joshua ang sarili kay Annie pero bago niya iyon ginawa ay tumingin muna siya sa paligid. Nang masigurado na walang nakatingin sa kanila na mga kasamahan sa trabaho ay yumuko siya ng bahagya.

"Let's eat lunch together. Hintayin kita sa parking lot mamaya." Bulong niya dito.

"B-Bakit? P-para saan?"

Napangiti siya ng manginig ang boses ng dalaga. "Let's celebrate."

"Pero ma—"

"I want us to celebrate alone. See you later." Umayos na siya ng tayo at inayos ang suot na coat bago umalis sa harap ni Annie na hindi pa rin nakapaniwala sa sinabi niya.

Hanggang sa makapasok sa kanyang opisina ay hindi mawala ang ngiti sa labi ni Joshua. Being close to Annie makes his heart wild. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya ng mga sandaling iyon. Para ngang lalabas na iyon sa kanyang katawan. Ganoon ba talaga ang reaksyon ng isang taong nagmamahal? Ganoon din ba ang nararamdaman ni Patrick kapag nasa malapit si Sasha o ang pinsan niyang si Shilo kapag nasa malapit si Carila?

This feeling is crazy. Pero hindi naman niya pinagsisihan na ganoon ang nararamdaman niya para kay Annie. Because being in-love with Anniza is the best decision his heart makes.

Natigil si Joshua sap ag-iisip ng tungkol sa kay Anniza ng tumunog ang phone niya. Kinuha niya iyon sa suot na coat. Nagsalubong ang kilay niya ng makita ang pangalan ng ama.

"Dad," aniya ng sagutin ang tawag nito.

"Nasa opisina ka na ba?" Walang bati na tanong agad ng ama niya.

Ganoon naman talaga ang ama kaya sanay na siya. Kailan ba naging maayos ang pakikitungo sa kanya ng ama? Mula pa noon at hanggang ngayon ay wala pa rin itong amor sa kanya. Mabuti pa nga sa kay Shan ay may paki-alam ito. Napa-iling na lang si Joshua at naglakad papalapit sa kanyang mesa.

"Yes, dad. Bakit po? May kailangan po kayo?" gusto na niyang tapusin ang tawag. Talking to his father is like wasting his time. Wala siyang mapapala dito. Ito lang naman ang may mapapala sa kanya.

"Narito ako ngayon sa main building ng MDHGC. Puntahan mo ako sa conference room ngayon din."

Bago pa siya makatutol ay binabaan na siya ng tawag ng ama. Napabuntong hininga na lang si Joshua. Hindi talaga marunong maki-usap ang kanyang ama. Minsan ay mas gusto pa niya na maging magulang si Tito Shawn at Tita Sheena. Pareho kasing mabait ang dalawa sa kanya. Wala siyang masabi sa kabaitan ng dalawa sa pagdating sa kanya. Kahit na may ginawang mali ang Tito Shawn niya kay Shan ay hindi noon nabawasan ang tingin niya dito. Isa ito sa mga taong umahon sa kanya mula sa madilim niyang nakaraan. Iba ang suporta na ibinigay nito sa kanya kaysa sa ama. They are brothers but they have different way to threats their children.

Tumayo si Joshua at lumabas ng kanyang opisina. Kilangan niyang puntahan ang ama kung hindi ay sisirmunan na naman siya ng ina mamaya. And he hates how his mom scolded him. Aabutin ng dalawa o tatlong oras kapag ito ang mangaral sa kanya.

Narating niya ang conference room ng walang humarang sa kanya. Agad niyang nakita ang sekretarya ng ama na nakatayo sa labas ng conference room.

"Good morning," bati niya.

"Magandang umaga din, Sir Joshua." Yumuko pa ang sekretarya ng ama.

"Dad?"

"Nasa loob po at kausap si Sir Shawn."

Tumungo siya at kumatok. Binuksan niya ang pinto. Tatlong pares ng mga mata ang agad na tumingin sa kanya. Nagtatakaman dahil nasa conference room na iyon ang tatlong mabibigat na share holder ng kompanya ay pumasok pa rin si Joshua.

"Good morning." Bati niya.

Isang masayang ngiti ang ibinigay sa kanya ni Tita Aliya. Isa ito sa pinakamalaking shareholder ng kompanya. Ito din ang pinakamayaman na babae sa buong bansa ngayon. Matagal na din na magkaibigan ang pamilya nila sa pamilya nito. Nakakalungkot lang na mag-isa na sa buhay ang Tita Aliya niya.

"Good morning, Joshua. Take a seat." Itinuro ni Tita Aliya ang upuan sa tabi ng kanyang ama.

Yumuko siya at sumunod dito. Tumingin siya sa ama na walang ngiti sa labi.

"Pinatawag niyo daw po ako."

"Well, gusto kitang eh congratulate sa promotion mo bilang head ng HR department, Joshua," wika ni Tita Aliya.

"Thank you po, Tita." Ngumiti siya sa matandang babae.

"Ang totoo niyan ay pinatawag ka talaga namin dahil sa nangyari noong nakaraang linggo. Sa farewell party ni Mrs. Solanay."

Binundol bigla siya ng kaba. Napatingin siya sa ama bago muling napatingin sa Tito Shawn niya. Seryuso ang mga mukha ng mga ito. Tumikhim siya para alisin ang bara sa kanyang lalamunan. This is not good.

"How did you know, Tito?"

Huminga ng malalim ang Tito Shawn niya. "Alam mo naman ang sagot sa tanong mong iyan, Joshua."

Napatingin siyang muli sa ama. Wala pa rin siyang nababasa sa mukha nito. Muli siyang huminga ng malalim.

"Hindi ko inaasahan ang nangyari. Nagulat din ako na sa Dark Club nila piniling pumunta. Kung alam ko agad ay hindi sana doon ang punta namin, Tito. I know, how dark that club is. I should prevent what happen that night. I'm sorry if I disappoint you." Yumuko siya.

Walang nagsalita sa mga ito. Napakuyom naman ang binata. Kahit anong gawin niya para sa kanyang ama at wala na siyang ginawang tama. He is always been a big disappointment for him. Pinagdikit niya ang mga labi.

"Joshua, alam naman namin na hindi mo ginusto ang nangyari. At nagpapasalamat kami sa inyo ni Patrick na napigilan niyo ang nangyari. This will be a big scandal and will affect the company if something bad happen to all the employee of HR department. So don't blame yourself. It's unexpected event and no one wants it." Si Tita Aliya ang bumasag ng katahimikan.

"Pero hindi mo dapat iyon inilihim sa atin. Kung hindi ko pa nakita na naglabas ka ng dalawang milyon sa bank account mo ay hindi ko pa malalaman ang lahat. Are you planning on hiding this matter to me?" Sigaw bigla ng kanyang ama.

Nagulat naman siya sa pagsigaw na iyon ng kanyang ama.

"Zhel, calm down."

"How could I calm down, Shawn? Muntik na naman mapahamak ang nag-iisang kong anak. Wala akong ka alam-alam na may nangyari na naman na ganito sa kanya."

Napayuko si Joshua. Hindi niya alam kung nag-aalala ba talaga ang ama sa kanya o talagang gusto lang siyang pinapahiya sa ibang tao. He is not a kid anymore, but he threatens him like one.

"Zhel, I think Joshua doesn't want us to worry. They handle the situation carefully. At saka, matanda na si Joshua, alam niya ang ginawa niya ng gabing iyon. Kasama naman niya si Patrick at kilala mo ang batang iyon. He will do everything to make Joshua safe." Kalmadong wika ni Tita Aliya.

Hindi na nagsalita ang kanyang ama pero nararamdaman niya ang galit nito. This won't end like this. Siguradong may part two pa ito mamaya.

"Joshua..."

Napataas ng tingin si Joshua ng marinig ang pagtawag na iyon ni Tito Shawn. Nakangiti na ito ng mga sandaling iyon.

"Don't worry. You are not here to be scolded by us. We just want to know what happen. At saka, gusto din namin na hindi na ito makarating pa sa ibang shareholder. You and Patrick did great that night. You deserve your position. About the money you pay that night, I will shoulder it. Empleyado ko ang pinag-uusapan natin dito kaya kargo ko sila. I will r-"

"Tito, don't worry. It's just a two million. I will earn it in one month." Putol niya sa ibang sasabihin nito.

Kahit noon pa man ay hindi na problema sa kanya ang pera. May mga investment siya sa iba't-ibang kompanya. Alam iyon ng kanyang magulang. He is earning by his own. Ginamit niya ang kanyang mana sa kanyang Lolo para makapapag-invest sa mga kompanya. At isa sa mga kompanyang iyon ay ang kompanya ngayon na pinagtatrabahuhan niya. Maliit lang ang investment niya sa MDHGC pero napalaki niya iyon. Maliban pa doon ay shareholder din siya sa O.Z, ang kompanya ni Patrick. Hindi naman niya kailangan ang pera ng kanyang mga magulang.

"Okay. If that's what you want." Ngumiti si Tito Shawn at may iniabot sa kanya na folder.

Nagtagpo ang kanyang mga kilay. "Ano po ito, Tito?" Kinuha niya ang folder na ibinigay nito.

"I'm retiring next year. At dalawa sa anak ko ang gusto kong pumalit sa akin. I want you to evaluate their performance and creditial."

Lalong nagtagpo ang kilay niya. "P-pero bakit ako?"

"Dahil may tiwala ako sa iyo. Magaling kang tumingin at kumilatis ng tao, Joshua."

"Pero Tito, dalawang anak niyo po ang pinag-uusapan natin dito. Shan at Shilo have different personality and ability. They also have their own straight and weakness. At kung pagbabasihan ko kung nasaan sila ngayon. Shan have more rights to be the CEO of MDHGC."

Ngumiti si Tito Shawn sa sinabi niya. "Well, kahit naman ako ay iyon din ang pananaw. Shan have more experiences that Shilo. Pero kung talino ang pag-uusapan ay mas lamang si Shilo. Shilo is more responsible than Shan. Kaya nga mas gusto ko na ikaw ang kumilatis. I don't want to be bias on them two."

"Shawn, sinabi ko naman sa iyo. Hindi mo naman kailangan pumili sa dalawang anak mo na maging CEO ng MDHCG dahil kakausapin ko si Shilo. I want him to be the CEO of The Emperial City. Siya ang napili kong pumalit sa akin. Wala akong anak para magmana ng lahat ng meron ako at tanging si Shilo lang ang nakikita kong pwedeng humawak ng kompanya ko."

Napatingin siya kay Tita Aliya. Mukhang nakapagdesisyon na talaga ito na kay Shilo iwan ang lahat ng meron ito. Well, hindi naman iyon nakakagulat. Mula pa naman noon ay tinuring na ni Tita Aliya na anak si Shilo. Hindi lang dahil sa may nakaraan ang nag-iisang anak nito na si Kaze kay Shilo kung hindi talagang malapit si Shilo kay Tita Aliya.

"And I told you so many times, Aliya. I will let Shilo, if he will accept your offer. Siya ang magdedesisyon noon at hindi tayo."

Ngumiti siya sa sinabi ni Tito Shawn. Iyon ang nagustuhan niya sa matanda. He always gives the freedom of his own child. Napakaswerte ni Shilo at Shan sa ama ng mga ito. Kung anuman ang nais ng mga ito ay ibinibigay. Isang beses lang naki-alam si Tito sa buhay ng anak nito. Kay Shan iyon, nang magmahal ito ng maling babae. Alam niya ang rason kung bakit iyon ginawa ni Tito. He is vow to protect his son.

"If that's what you want, Tito. I will ask Asher's help. I will research more about my two cousin. Ibibigay ko sa inyo ang evaluation ko kapag natapos ko na."

Tumungo si Tito Shawn. "Thank you, Joshua. I will expect your report before the year end."

Yumuko siya. Tatayo na sana siya ng magsalita ang kanyang ama.

"Sinong dalawang babae ang binayaran mo ng dalawang milyon?"

"Zhel, tapos na ang usapan na iyan?" may pagbabantang sabi ni Tito Shawn.

Napatingin siya sa ama. "Dad..."

"Tell me. They own you two million. A money that you work hard. They should pay you for that."

Napakuyom siya sa sinabi nito. "Pera lang iyon, dad. Wala akong paki-alam kung gumastos ako ng dalawang milyon para sa kaligtasan ng dalawang tao. Wala silang utang sa akin dahil ginusto kong tulungan sila."

"Tulungan? Nagbibiro ka ba? Dalawang milyon bilang tulong sa kanila. Napakabait mo naman, Joshua. May balak ka bang maging Presidente ng bansa."

"Dad..." Nagtaas baba ang dibdib ni Joshua. "Hindi mo ako maintindihan dahil ang tingin mo sa pera ang isang importanteng bagay. Pero sa akin, hindi. Kahit kailan hindi mababayaran ng pera ang buhay ng isang tao. Spending my money for the safety of someone I value is not a crime. At saka pera ko iyon. Hindi mo pera." Tumayo siya at galit na tiningnan ang ama.

Kagaya niya ay namumula din ito. Magsasalita na sana ito ng agad niyang pinangunahan.

"Hindi mo ako pwedeng diktahan kung patungkol lang naman sa pera ang pag-uusapan natin. Dahil sa pera kaya galit na galit pa rin sa akin ang pamilya ng ina dapat ng anak ko. Dahil diyan sa mababa mong paniniwala kaya hindi ko pwedeng puntahan lagi ang mag-ina ko. I want to see them more, Dad but I can't. Isang beses lang akong pinagbigyan nila at dahil iyon sa iyo." Naiiyak niyang sabi dito.

Tumalikod na siya at nilisan ang conference room. Hindi siya bumalik kahit pa natinawag na siya ng kanyang ama. Tuloy-tuloy siya hanggang sa elevator. Nang makapasok siya ay agad siyang napasandal. Tuluyang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Muli niyang naalala ang nangyari isang buwan na ang nakakaraan.

"PLEASE! Let me meet her for one last time." Nakaluhod sa gitna ng opisina ng Presidente ng Airfare Armstrong Inc. si Joshua.

It doesn't matter if someone enter and saw him like that. Ito na ang huli niyang pagkakataon para makita ang kanyang mag-ina. Kailangan niyang mapagkumbaba at maki-usap sa ama ng babaeng minsan niyang minahal. Mas mabuti na ang ganito kaysa gamitin niya ang kapangyarihan ng pangalan na meron siya.

"Hindi ko sasabihin sa iyo kung nasaan ang anak at apo ko. Kaya umalis ka na. Nagsasayang ka lang ng oras dito." Malakas na sigaw ng ama ni Jassie na si James.

"Hindi po ako aalis dito at tatayo hanggang hindi niyo po sinasabi sa akin kung nasaan ang mag-ina ko. I want to see them, Sir. Let me see them." Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya.

"Hindi kita mapagbibigyan, Wang. Umalis ka na bago pa ako tumawag ng security."

Nagtaas ng tingin si Joshua at pinakatitigan sa mga mata ang matanda. Hindi siya pwedeng umalis doon ng hindi makukuha ang gusto. Iyon lang ang huling nais niya.

"Sir, alam kung Malaki ang pagkakamali ko sa iyo. Alam ko kung saan nagmula ang galit niyo sa akin. Kahit naman ako ay galit din sa sarili ko. Sa lumipas na mga taon, kahit isang beses ay hindi ko kinalimutan ang ginawa kong pagkakamali sa inyo at sa anak niyo. I know, hindi sapat ang pagdurusang pinagdaanan ko sa pagdurusa na pinagdaanan niyo sa mga lumipas na taon. You lost a daughter and you lost a grandchild but Sir, I also lost the love of my life and I lost a child. Nawalan din po ako dahil sa katangahan ko at kung sakali man na mabigyan ako ng isa pangpagkakataon, babaguhin ko ang nakaraan.

"Iingatan ko po ang anak niyo. I'm so sorry. Sana ay mapagbigyan niyo po ako. Sobra na po ang pangungulila ko sa aking mag-ina. I want to see them. I want to be with them. Kaya sana ay pagbigyan niyo po ako."

Hindi nakapagsalita ang matandang nakatayo sa tapat niya. Walang nagbago sa mukha nito. Bakas pa rin ang galit at pagkamuhi nito sa kanya.

"Kung ayaw mong umalis. Pwes, maghintay ka dyan hanggang pumuti ang uwak." Nilampasan siya ng matanda at lumabas ito ng opisina nito.

Naiwan siya doon na umiiyak. Joshua doesn't mind being kneel alone. Hindi niya hahayaan na mawala sa kanya ang pagkakataon na iyon. Pinapasok siya ng ama ni Jassie para maka-usap kaya gagawin niya ang lahat para makuha ang pagpayag nito. Hindi niya alam kung kailan siya mabibigyan ulit ng ganoong pagkakataon kaya naman gagawin niya ang lahat kahit pa nga ang bagay na kahit isang beses sa buhay niya ay hindi niya ginawa. Kneeling and pleading is not his cup of tea. Sa buong buhay niya ay wala pa siyang niluhuran. Kahit noong umalis sa buhay niya si Andrea. Ngayon ay alam niyang hindi niya minahal si Andrea kagaya ng pagmamahal niya kay Jamie at Jassie.

Lumipas ang isang oras na hindi bumabalik si Mr. James. Nakaramdam na ng sakit sa kanyang tuhod si Joshua ngunit hindi pa rin ito tumatayo. Wala siyang balak na tumayo hanggang sa hindi sinasabi ni Mr. James kong nasaan ang kanyang mag-ina. Hindi siya susuko sa pagsuyo sa mga magulang ng taong pinag-alayan niya ng kanyang puso.

Lumipas pa ang ilang oras at pumasok ang sekretarya ni Mr. James. Nakita niya ang awa sa mukha nito. Alam niyang alam nito na kanina pa siya nakaluhod doon. Hindi na nga niya alam kung ilang oras na ba siyang nakaluhod. Nararamdaman na lang niya ang sakit sa kanyang tuhod.

Manamasahe ni Joshua ang likuran ng kanyang hita ng bumukas ang pinto ng opisina ni Mr. James at pumasok ang matanda. Lumapit ito sa kanya.

"Talaga bang gusto mong makita ang anak ko?" seryusong tanong nito.

Tumungo si Joshua bilang sagot. Alam niyang namumutla na siya ng mga sandaling iyon. Bumuntong hininga si Mr. James.

"Pagbibigyan kita ngunit ngayon lang. Isang beses mo lang pwedeng puntahan ang puntod ng anak at apo ko. Kapag nalaman ko na muli kang bumalik doon ay masisiguro kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Wala akong paki-alam sa yaman ng pamilya mo, Mr. Wang. Isampal mo ang pera ng ama mo sa kanya. Makakaasa ba ako?"

Nakakita ng liwanag si Joshua dahil sa narinig. Tumungo siya bilang sagot. Sapat na iyon sa kanya kahit pa nga hindi iyon ang nais niya pero kung iyon lang ang kayang ibigay ng ama ni Jassie ay tatanggapin niya. Mas mabuti na iyon kaya sa hindi niya makita ang kanyang mag-ina.

"Yes. Makakaasa ka na susundin ko ang nais niyo."

"Stand up and I will give you the address."

Ngumiti si Joshua at mabilis na tumayo. Muntik na siyang mapa-upo sa sahid dahil sa panginginig ng kanyang tuhod. Mabuti na lang at mabilis niyang nabalanse ang katawan. Napahawak siya sa kanyang tuhod na nanakit. Nasisihurado niyang namumula na iyon at baka nga may pasa na pero okay lang dahil nakuha naman niya ang gusto.

He can't wait to visit his daughter and the mother of his child.