Chereads / Wishing Girl 3: Pain 2 Forget / Chapter 7 - CHAPTER SIX

Chapter 7 - CHAPTER SIX

NAPATINGIN si Annie kay Joshua ng dumaan ito sa harap niya. Nasa Mei Hotel, Pasay branch sila ng mga sandaling iyon. Bukas na ang grand opening ng hotel at ngayong araw nga ang briefing, at introduction ng mga bagong hired na staff ng hotel. Tatlo silang HR staff ang nandoon para mag-briefing sa mga bagong staff. Kasama nilang nakatayo ng mga sandaling iyon ang Presidente at CEO ng kompanya na walang iba kung hindi si Shawn Wang at ang bagong Vice President ng kompanya na si Shilo Chauzo Wang. Sinundan ni Annie ng tingin si Joshua ng lumapit ito sa isa sa mga staff na hiniram nila sa isa pang-branch ng hotel. Ang mga ito ang magtuturo sa mga bagong hire na mga staff.

"Okay ka lang, Ms. Jacinto?" tanong ng head nila.

Napatingin siya dito. Seryuso at tutok na tutok ang tingin nito sa kanya ng mga sandaling iyon. Huminga siya ng malalim at ngumiti sa dito.

"Okay lang po ako." Umiwas siya ng tingin. Itinutok niya ang paningin sa stage kung saan nagsasalita ang CEO ng kompanya.

Pagkatapos magsalita ng CEO ay pinag-grupo na ang lahat ng empleyado para ipakita ang lugar kung saan ang assignment ng mga ito at ibigay na din ang work schedule ng mga ito. Tumutulong siya sa pagbibigay ng work schedule ng lumapit sa kanya ang sekretarya ng CEO.

"The big boss wants to talk to you."

Nagsalubong ang kilay niya. "Tungkol saan?"

"I don't know. Sumunod ka na lang sa akin." Tumalikod na ang babae.

Napatingin siya sa mga kasamahan na nandoon. Huminga ng malalim si Annie bago lumapit kay Joshua na siyang kasama niyang nagbibigay ng papel sa mga empleyado.

"Joshua," tawag niya dito.

Napahinto si Joshua sa ginagawa at napatingin sa kanya. Napa-atras si Annie ng makita kung gaano kalamig ang mga mata ng binata. Bigla siyang nakadama ng pagka-ilang. May kung ano din na dumagan sa puso niya. Tumikhim siya para alisin ang bara sa kanyang lalamunan.

"Pwede bang ikaw na muna ang magpatuloy nito? Big boss is calling me."

Napatinign si Joshua sa hawak niyang papel na inilahad dito. Tumungo ito at kinuha sa kanya ang papel. "Sige," anito at tinalikuran na siya.

Natigilan si Annie sa ginawa ni Joshua. May munting kirot siyang naramdaman sa kanyang puso dahil sa ginawa ng lalaki. May problema ba ito? Bakit bigla yatang nagbago ang pakikitungo nito?

Bakit kay lamig ng pakikitungo sa kanya ng lalaki? Napakuyom si Annie. Hahakbang na sana siya para lapitan si Joshua at ka-usapin ito patungkol sa inaasta ng may humawak sa kanyang braso.

"Ms. Jacinto."

Napalingon siya sa babae. Nakataas ang kilay nito ngunit binaliwala na lang niya. Tumungo siya. Sinulyapan niya muna si Joshua bago sumunod sa sekretarya ng Big Boss. Sa conference hall sila pumunta ng babae. Doon ay nakita niya ang mag-amang Wang. Nakatayo ang mga ito at nakatingin sa kanya.

Huminga ng malalim si Annie bago tuluyang lumapit sa mga ito.

"Mr. Wang," Yumuko ng bahagya ang sekretarya ng big boss.

"You can leave us now." Walang emosyong wika ng Big Boss.

"Yes, Sir." Tumalikod na ang babae pero bago ito tuluyang iniwan siya ay tinaasan siya niya nito ng kilay.

"How are you, Ms. Jacinto?" tanong ni Sir Shawn ng tuluyang makalabas ng conference hall ang sekretarya nito.

"I'm doing good, Sir," sagot niya.

"I heard from your head that you are doing great at your job." Ngumiti si Mr. Wang. "Mukhang hindi nga nagkamali ang kompanya na paaralin ka."

Pakiramdam naman ni Annie ay may humaplos sa puso niya. "Maraming salamat po, Sir. Pinagbubutihan ko po talaga ang trabaho ko dahil gusto kong ibalik ang kabutihang ibinigay niyo sa akin. Wala po ako ngayon sa kinatatayuan ko kung hindi dahil sa inyo."

Hindi sumagot si Mr. Wang. Tumingin lang ito sa anak na nakikinig sa kanila ng mga oras na iyon. Tumikhim si Mr. Wang pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.

"Hindi mo kami dapat pinapasalamatan, Ms. Jacinto. Dapat ang Ate Kristine mo ang pasalamanat mo. She d---"

"Shilo!" Nagbabantang sigaw ni Mr. Shawn dahilan para tumigil sa pagsasalita ang Vice President ng kompanya.

Napuno naman siya ng pagtataka. Tumingin siya kay Sir Shilo. Madilim ang mukha nito. Bigla siyang kinabahan sa aura na nakapalibot dito. Nang magtapo ang kanilang mga mata ni Sir Shilo ay agad itong nag-iwas ng tingin.

"I'm sorry, Ms. Jacinto. My son has a short temper."

Napatingin siya kay Mr. Wang ng magsalita ito. Umiling siya dito at yumuko. "It's okay, Mr. Wang."

"I just called you to congratulate for the job well done, Ms. Jacinto. Please work hard for the company."

Nagtaas siya ng tingin at ngumiti. Binalot ng saya ang puso niya dahil sa sinabi nito. "I will, Sir. Thank you for trusting me."

Tumungo si Sir Shawn. "You can go back to your work now, Ms. Jacinto."

Yumuko siya sa mag-ama bago nilisan ang conference hall. Nakalutang ng mga sandaling iyon ang puso ni Anniza. Hindi niya akalain na personal siyang kakausapin ng may-ari ng kompanya. Sa ilang buwan niyang pagtatrabaho sa kompanyang iyon ay hindi pa talaga siya kina-usap ng ganoon ni Sir Shawn. Hindi din niya akalain na kilala din siya nito. Alam niya kasing marami silang scholar ng kompanya.

Pagkasara ng pinto ay napahawak si Annie sa kanyang puso. Sobrang bilis niyon. Kinakabahan siyang ka-usap si Mr. Wang.

"What happen?"

Muntik ng mapatili si Annie ng marinig ang tanong na iyon. Agad siyang napatingin sa direksyon kung saan nagmula sa boses. Nakita niyang nakasandal sa gilid ng pinto ng conference room si Joshua. Wala siyang babasang kahit anong emosyon mula sa binata.

"Kanina ka pa?" tanong niya.

"Not too long. Bakit ka kina-usap ni Tito Shawn?" umayos ng tayo si Joshua at naglakad papalapit sa kanya.

"He congratulate me for being an asset to the company."

Tumaas ang isang kilay ni Joshua. "Really? At kasama pa talaga si Shilo sa loob."

Siya naman ang napataas ng kilay. Bakit may ibang pinapahiwatig ang binata sa sinabi nito. "May gusto ka bang ipahiwatig sa sinabi mo?"

Pinagkrus ni Joshua ang mga braso nito sa dibdib. "Wala akong kahit anong ibig sabihin sa mga sinabi ko, Annie. I'm just curious. Hindi kasi ang tipo ni Tito Shawn ang magpapatawag ng isang staff. Usually ay manager o department head ang pinapatawag nito."

May nabuhay na inis sa dibdib ni Annie. Ano ba kasing nais ipahiwatig ni Joshua? Pinagdikit niya ang mga labi at lumapit ng bahagya sa binata.

"Walang ibig sabihin ang pagpapatawag sa akin ni Sir Shawn. Scholar ako ng kompanya kaya kilala niya ako at binati lang niya ako sa trabaho na nakuha ko sa kompanya."

"I didn't say any-"

"Pero iyon ang nais mong ipahiwatig sa mga sinasabi mo." Inis niyang sabi. "Ano bang problema mo sa akin nitong nakaraang araw, Joshua? Pagkatapos mo akong hindi pansinin ng ilang araw ngayon naman ay kaka-usapin mo ako ng ganyan. Nakakarami ka na yata ng kasalanan sa akin ngayon."

Hindi nakapagsalita si Joshua. Umatras lang ito ng mas lumapit siya. Hindi nagbago ang emosyon sa mukha nito. "Wala akong problema sa iyo." Tumalikod na si Joshua at balak sana siyang iwan ng mabilis niya itong hinawakan sa braso.

"Wag mo akong tatalikuran kung nag-uusap pa tayo." Sigaw niya sa binata.

Tumigil naman si Joshua at humarap sa kanya. Sisinghalan sana niya sana ito at pagsasabihan ng bigla niyang makita ang mga mata nito na kay lamig ng yelo. Nabitiwan niya ng wala sa oras ang braso nito at napaatras. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at namutla sa takot.

"I just ask because I'm curious. Kilala ko ang kapamilya ko, Ms. Jacinto pero sa tangin ko naman ay dapat na wala akong ipagtaka. Tito Shawn is very kind person. Ganoon lang talaga siguro ito sa mga taong tinutulungan nito. I'm sorry if I offended you in some ways." Malamig ang boses na wika ng binata.

Tumalikod si Joshua at iniwan siya na hindi makapaniwala sa nakita. Ang binata ba talaga ang naka-usap niya? Bakit ibang-iba ito sa dating Joshua na nakilala niya.

"Stay away from my cousin, Ms. Jacinto."

Natauhan at napalingon si Anniza ng marinig ang sinabi ng isang lalaki mula sa likuran niya. Nakatayo sa kanyang likuran ang walang emosyon ang mukha na si Sir Shilo. Magpinsan nga talaga ang dalawa dahil parehas ng ugali.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Joshua is not an ideal boyfriend or husband. He has an upside-down life. Kung ayaw mong masaktan at umiyak sa huli ay layuan mo siya."

Nang tumalikod si Shilo ay lalong napuno ng pagtataka si Annie. Ano bang nangyayari? Anong sinasabi ng VP ng kompanya na dapat niyang layuan ang pinsan nito? Ngayon ay biglang nais niyang makilala ang totong Joshua. Kung anong ugali ba talaga ang meron ito.

"ANO SA tingin mo ang ginagawa mo?" Inagaw ni Patrick ang alak na hawak niya ng maglalagay na naman sana siya sa kanyang baso.

Isang masamang tingin ang ibinigay niya kay Patrick. "Pwede ba, Patrick?"

"Balak mo bang magpakamatay ulit? Kung Oo ay wag dito sa club ko." Singhal ni Patrick.

Hindi na nakipagsagutan si Joshua. Sumandal na lang siya sa upuan at tumingala. Ipinikit niya ang mga mata. Hindi niya alam kung ilang baso ba ng alak ang kanyang na-inum pero nasisigurado niyang lumampas siya sa baso ng alak na pwede niyang inumin. Joshua knows he feels dizzy and gloomy. Mas ipinikit nito ng mariin ang mga mata. Pumipintig ang ulo niya ng mga sandaling iyon.

"Ano ba kasing problema mo, Joshua? Sabihin mo nga sa akin, tungkol na naman ba ito kay Ms. Jacinto."

Upon hearing Annie's surname, Joshua open his eyes. Ang kesame ng club ang bumungad sa kanya. Puti iyon pero may lumitaw na isang mukha ng babae na siyang naging dahilan para muli niyang ipikit ang mga mata. Seeing her faces makes him mad at his self.

"May drugs ba para mabura itong nararamdaman ko para sa kanya?" tanong niya kay Patrick pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan.

"Gamot para makalimot gusto mo?" Patrick asked sarcastic.

Napangiti si Joshua. Inalis niya ang ulo sa pagkakasandal sa sofa at tumingin sa kaibigan. Joshua tried to act normal, but he fails. Muntik na kasi siya mapahiga sa sofa kung hindi lang niya natukod ang isang kamay. Nakita niyang gumalaw si Patrick pero agad din nitong napigilan ang sarili.

"Hindi kita ihahatid sa bahay ng magulang mo ngayong gabi. Tita will get mad at me."

"Sa condo ko naman talaga ako magpapahatid ngayong gabi. I want to be alone."

"Para ano? Para sisihin na naman ang sarili sa nangyari sa mag-ina mo? Joshua can you stop blaming yourself for what happen years ago?"

"Bakit hindi? Ako ang dahilan ng pagkawala nila, Pat. Ako ang may kagagawan kung bakit sila nawala. Tama si Jackie, I killed Jassie at Jamie. I killed my girlfriend and my unborn daughter."

"Desisyon ni Jackie na ipagpatuloy ang pagbubuntis niya kahit delikado. Oo nga at naging pabaya kang nobyo at mas pinili mo si Andria noon kaysa sa mag-ina mo pero nakaraan na iyon. Nakaraan na dapat kali---"

"Bakit nakalimot ka na din ba, Patrick? Hindi ba at sabi mo mahirap kalimutan ang nakaraan natin dahil pareho tayong nasaktan sa nangyari. Ikaw na din ang nagsabi sa akin noon, what happen to Jassie and Jamie was the biggest turn of your life and you won't forget it."

Naramdaman na naman ni Joshua ang kirot sa kanyang puso. Iyong alaala ng kahapon ay muling bumabalik. Nanariwa ang sakit at pighati o talagang nandoon pa rin ang sakit at sadyang ayaw lang talaga niya pansinin noon. All this year, he though that he is already alright. Buong akala niya ay nakalimot na siya sa nakaraan niya ngunit sa isang iglap lang ang bumalik ang lahat.

"Oo, sinabi ko sa iyo noon na hindi ganoon kadaling kalimutan ang lahat. Totoo naman kasi iyon, Josh. Hindi namin makakalimutan si Jassie dahil naging bahagi na siya ng buhay natin. What happen to her change everything between us and the band. Pero hindi lang naman ang masakit na nakaraan ang hindi namin makakalimutan kung hindi pati na rin ang magandang ala-ala na iniwan niya. I won't stop you from loving someone again because you deserve it. Walang lilimot sa nakaraan natin pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na tayo magpapatuloy sa buhay. Iyon ang ibig kong sabihin, Joshua."

Joshua didn't speak. Pinakatitigan lang niya si Patrick na hindi maitago ang frustration. Nagsalin ito ng alak sa sariling baso at inisang inum iyon. Malakas na inilapag nito ang baso sa mesa.

"I won't stop you if you are interested with someone pero hindi ka pa talaga sigurado sa nararamdaman mo sa kanya ay pipigilan kita. Alam mo kung saan nagsimula ang relasyon niyo ni Jassie at ang sabi mo nga ay pinagsisihan mo iyon at hindi mo na ulit gagawin pa. But look at you right now, you making the same mistake again."

Napayuko si Joshua. Nakadama siya ng pagkapahiya sa kaibigan.

"Nang niligawan mo noon si Jassie ay sabi mo ay laro lang dahil si Andria pa rin ang nilalaman ng puso mo. We're immature that time. We let you do your things. At kahit na nabuntis mo si Jassie ay hindi mo pa rin siya iningatan. At sa tuwing kailangan ni Andria ng taong masasandalan dahil hindi ito pinapansin ni Shilo ay agad kang tumatakbo. Pinabayaan mo ang mag-ina mo pero wala kang narinig sa amin ni Liam. Nang umalis si Andria ay kami ang naging sandalan mo at nang marealize mo ang totoo mong naramdaman kay Jassie ay dinamayan ka pa rin namin. Kaibigan mo kami, Joshua. Nandito kami para sa iyo at nandito kami para ipaalam sa iyon ang mali sa tama." Tumayo si Patrick at lumapit sa kanya.

"Hindi ako papayag na muli mong gawin ang maling desisyon na ginawa mo noon. Wala kaming balak na panoorin ka ulit na sirain ang sarili mo. Kung may nararamdaman ka kay Annie, then enjoy that feeling. Don't stop it and let it flows to you. It's time for you to move on. It's time for you to find someone to love you."

Umiling siya. Napakuyom siya. Wala siyang balak na maghanap ng ibang mamahalin. Si Jassie lang ang mamahalin niya. Ito lang hanggang sa huling hininga niya. Joshua didn't expect what Patrick did next. Isang malakas na suntok ang ibinigay nito sa kanyang kaliwang pisngi dahil para mapahiga siya sa mahabang sofa. Nalasahan niya ang kalawang sa gilid ng kanyang labi. Nabibingi yata ang isa niyang tainga dahil na mamanhid iyon.

"Wake up, Josh. Gumising ka na. Wag mong ibaon ang sarili mo sa nakaraan. Tanggapin mo na muli mong binuksan ang puso mo sa iba. Stop denying your feeling towards her. Kung gusto mo si Annie, gustuhin mo siya. Wag mong pigilan iyang nararamdaman mo sa kanya." Sigaw ni Patrick.

Joshua tried to get up, but he was too drunk. Malakas din ang pagkakasuntok ni Patrick na nahihilo pa rin siya ng mga sandaling iyon.

"I hate seeing you like this, Josh. Hindi kasi ikaw iyan. Akala ko ba ay okay ka na, na nakalimot ka na sa nakaraan niyo ni Jassie. Na handa ka na sa bago at maayos na buhay mo pero bakit heto ka na naman, ikukulong mo na naman ang sarili mo sa sakit. Joshua, you been through a lot because of what happen to them. Sapat na rin naman siguro iyon para hanapin mo naman ang sarili mong kaligayahan."

Ipinantay ni Patrick ang sarili nito sa kanya.

"Hindi ibig sabihin na magmamahal ka ng ibang tao ay kakalimutan mo na si Jassie at Jamie. Dahil kahit anong gawin natin, may parte na ng puso mo na pagmamay-ari nila. Kailangan mo lang magbigay ng espasyo para kay Annie. Wag mo ng saktan ang sarili mo dahil lang sa nagmamahal ka ng ibang babae ngayon. Kahit kailan hindi mali ang magmahal, basta ang importante ay wala kang inaapakang ibang tao dahil sa pagmamahal niyo."

Umupo si Patrick at tumingala sa kesame ng club. Walang kahit isa sa kanila ang bumasag ng katahimikan. Tuluyan ng humiga si Joshua sa sofa at pinakatitigan ang puting kisame. He is thinking about what Patrick said. Napahawak siya sa kanyang dibdib ng maalala ang nakasimangot na mukha ni Annie.

Is it really the right time for him to move? Dapat na ba niyang ipaglaban ang nararamdaman para kay Annie? He needs to think clear. He needs to unwild.