Pagdating namin sa harap ng canteen ay wala pa doon si Gray kaya naupo muna kami sa mga upuang naroon.
Mayamaya pa'y tanaw na namin ang kanyang pagdating.
Wait. Bakit ganon?
Bumagal ba ang oras? May filter na ba pati mata ko? Bakit nag slow mo? Tsaka bakit nag go glow ang paligid at may hearts pa.
"Teh, tutulo na laway mo jan," humahagikhik na puna sa akin ni Kaycee.
Tila iyon ang hudyat ng pagbalik ko sa realidad.
Sumimangot ako at inismiran na lang ang maldita kong kaibigan.
Nang malapit na si Gray ay tumayo na kami. Subalit pagtayo ko ay napatid ako.
Oh my Lord. Napapikit na lang ako at hinintay ang sakit ng pagbagsak ko sa tiled floor. Hindi dumating ang sakit. Sa halip ay dalawang matipunong mga bisig ang sumambot sa akin.
Noon ay napamulat ako. Si Gray! Sinalo ako ni Gray!
Saglit kaming nagkatitigan at para bang nakita ko ang pag aalala sa mga mata niya.
"Okay ka lang ba, Xandy?," tanong nito at inalalayan akong makatayo ng maayos. "May masakit ba?"
"Okay ka lang bessy?," kunwari'y concerned na tanong ni Kaycee. Halata kong nagpipigil ito ng tawa at kilig na rin.
"I'm fine. Ok lang ako. Magaling pa kumain na tayo," sagot ko saka niyaya ang dalawa.
"Sure ka ba?," tanong muli ni Gray.
"Oo naman. Tara na."
"Hanap na kayo ng table. Ako nang bahalang umorder. Anong gusto ninyo?," prisinta niya.
"Ah iyong---," naputol ang sasabihin ko nang mabilis na sumagot si Kaycee.
"Adobo kay Alex. Paborito nya yun. Tsaka mahilig sya sa iced tea," sagot ni Kaycee. "Pwede na sa akin iyong chop suey." Dagdag pa nito.
Natawa si Gray kasabay ng pag iinit ng mukha ko.
"Pasensya ka na jan kay Kaycee. Lagi namang ganyan iyan," sabi ko.
"Ayos lang, sige na at maghanap na kayo ng pwesto baka maubusan pa tayo."
Sukat ng sinabi niyang iyon ay hinila ko si Kaycee.
Pagkaupo namin ay agad ko syang inirapan.
"Ano ka ba naman? Sinadya mo iyon ano?," usig ko sa kanya.
"Ha? Alin? Wala akong ginagawa ha," tanggi pa nito.
"Anong wala? Pinatid mo ko bess. Paano kung nasaktan ako, ha?," sabi ko sa mababang boses.
Napahagikhik si Kaycee. "Hindi ka naman nasaktan eh. Kinilig ka pa nga."
"Oh see? Eh di inamin mo din," nakasimangot na sabi ko. "Kays, nakakahiya naman dun sa tao. Baka kung ano pang isipin nun. "
Inilapat ni Kaycee ang daliri sa tabi sabay senyas na paparating na si Gray.
Nagulat ako nang makita ang laman ng tray na hawak niya. May adobo, chop suey, Bicol express, pusit, juice at may slice pa ng cake.
"Ang dami naman niyan. May iba pa ba tayong kasabay?," nagtatakang tanong ko.
"Wala. Atin lang to," nakangiti pa niyang sagot.
Bakit ba lagi siyang nakangiti? Lalo tuloy kumakabog ang dibdib ko.
"Mauubos ba natin yan?," tanong ko habang tinutulungan siyang maglapag ng mga pagkain sa mesa.
"Oo, kaya yan," sabi naman ni Kaycee.
Natawa tuloy ako. May kasama nga pala kaming food processor.
Nagsimula na kaming kumain kasabay ng masiglang kwentuhan.
Engineering pala ang kurso niya. At parehong May ang aming birthday.
May halong kilig na naisip niya.