Ang ganda ng tawa nya. Halos nawawala na ang mga mata niya. Napansin ko ring wala pala siyang lipstick. Natural na pinkish ang kanyang labi.
Hindi rin siya kagaya ng ibang babae na maarte sa pagkain. Kapag ganito palagi ay talagang mapaparami ang kain ko araw araw.
Parang ayaw ko nang matapos ang oras na iyon. Subalit parang saglit lang at mag aala una na pala.
"Naku. Pasensya ka na. Kailangan na naming umalis. We have a meeting at one," paalam ni Xandy na tila ayaw pang umalis. " Magkano pala yung sa amin ni Kaycee?," dagdag tanong pa niya habang hinahagilap ang pitaka.
"Naku, wag na. Libre ko."
"Ay thank you," si Kaycee.
Wala din talagang hiya itong kaibigan ni Xandy.
"Aba hindi. Babayaran ko iyong kinain ko. Madami iyong binili mo. Baka maubusan ka," pagpipilit pa nito.
"No. I insist. Libre ko yun. Isa pa ako ang nagyaya sa inyo. Treat ko na muna ito, okay?," sagot ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong I pat ang ulo nya.
Tila nagulat ito sa ginawa ko at agad na nagblush.
"O-okay. Pero, ngayon lang to okay? Para makabawi ako, next time libre ko."
"Sure, sige na at baka ma late kayo."
"Okay. Bye," kumaway pa si Xandy bago tuluyang umalis.
…
Bakit ba ang bilis bilis ng kabog ng dibdib ko? That was just a pat on the head. We just met.
Pagdating namin sa AVR ay halos naroon na ang lahat. Si Sir Jef na lang ang hinihintay. Mabilis naman kaming nakahanap ni Kaycee ng mauupuan.
A few minutes later ay dumating na rin si Sir.
"Good afternoon future educators," panimula niya.
"Good afternoon, Sir."
"We have 2 agendas for this afternoon. First, your uniform and second are the schools you'd like to spend your Teaching. Let's start. Who among you has made a design for your uniform?"
Agad akong nagtaas ng kamay sa tanong na iyon gayon rin ang iba pa naming batchmates.
"Okay, let's see. We will take a look at each design then we will vote which one you liked the most. Agree?," he asked.
"Agree," everybody replied.
"Let's start with you Kim," tawag ni Sir sa Biology major na si Kim. Isa siyang cartoonist ng aming college publication. Confident naman siyang tumayo at agad na nag set up ng projector.
Pag appear pa lang ng unang design ay napasipol na ang kalalakihan. Kulay pink na blouse na mababa ang neckline at scarf na floral kapares ang pencil skirt na may slits sa dalawang side.
"Inappropriate," naiiling na sabi ni Sir. "You are not going to be flight stewardess. You will be teachers, TEA-CHERS," pagdidiin pa niya.
"Next…"
May 7 gumawa ng designs at 3 pa lamang ang nagugustuhan ni sir sa mga nagpresent. Huli niya akong tinawag.
"Alex, your turn."
Agad ko namang ikinonnect sa projector ang laptop ko.
"These are my designs sir. 2 pairs of uniform, one paired with skirt and the other with slacks. Here are also the men's uniform with the same color as the Ladies'," paliwanag ko.
"Looks professional," tumatango tangong komento niya. "Ok let's vote."
By the end of the voting ay napili ang aking mga design.
"Okay. That's already decided. Ang sunod nating kailangan ay ang mananahi. May mga kilala ba kayong mananahi na maaaring i- recommend?"
Nagtaas naman ng kamay si Kaycee.
"Sir, mananahi po ang Tita ko. Pwede ko pong itanong kung pwedeng doon na tayo magpagawa."
Tumango si Sir saka muling nagtanong.
"Anyone else? Para kung sakaling hindi pumayag iyong Tita ni Kaycee ay may iba pa tayong option."
Ilan pa ang nagprisinta at itinuloy na ang meeting.
"Gather around with your respective Major and discuss who will go to which school. Dapat ay evenly distributed na para naman hindi na tayo mahirapan sa endorsement day."