Napasinghap siya ng marinig ang tanong ni Gray.
"Baby? He called me what?!!"
Narinig nyang nagmura ito. Pagkatapos ay naramdaman niyang hinila siya nito. Hindi siya nakahuma at nagpatianod na lamang dito. Nagulat pa siya ng dinala siya nito sa garden.
"Bakit mo ko dinala dito?," noon lang niya nakuhang magsalita.
"Let's talk."
"There's nothing to talk about," she told him coldly.
"Damn it! There's something we have to talk about," angil nito.
Doon ay hindi na niya napigilan ang umiyak. Why the hell is she crying anyway?
She heard him say something while drying her tears. But she couldn't stop crying. She just couldn't stop it. That moment she felt him hug her.
She slowly calmed down. Nang tila maramdaman nitong tumigil na siya ay inakay siya nito paupo sa isang bench doon.
"Are you okay now?," nag aalala pa ring tanong nito.
"Okay na ko," aniya saka nahihiyang tumingin dito. "Sorry nabasa ko yang polo mo," dagdag niya at muling tumungo.
"No. I should be sorry because I made you cry," he said apologetically. "Look at me," he pleaded.
She bit her lip and looked at him.
"I…" bumuntong hininga ito saka muling nagpatuloy. "I really don't know where to start," he smiled shyly. " l liked you the first time I ever saw you," he confessed.
Napamaang siya dito. Magsasalita sana siya subalit nagpatuloy ito.
"Let me finish," he said. "that day you went to get your schedule, I followed you because you were taking so long. Dun ko narinig si Kaycee saying something about your love life," he paused. " then there was that Mark. Iba siyang tumingin sayo. I didn't like that. I was jealous."
"I – I don't know what to say," she hesitantly told him.
"It's okay. I'm not rushing. I'll court you from today," he sincerely said.
"W- what?!," she stuttered as she stared wide-eyed at him.
"Silly. I really like you," he said. "No," bawi nito. "I think I love you. Don't worry. Kilala ko na naman ang Tatay mo. Magpapaalam ako sa kanya." He smiled.
"Okay."
"Andami kong sinabi tapos yan lang ang sasabihin mo," natatawang sabi nito.
She pouted.
"Damn! She looks so adorable pouting like that," he thought.
"Nakakabigla ka naman kasi," sabi nito saka tumayo. "Balik na tayo sa library. May tinatapos pa ko," sabi niya saka tumingin sa relo. Malapit na palang mag 1:30. At 2 o'clock ay may klase na siya.
Pagbalik niya doon ay nandun pa rin si Mark. Umupo siya sa dating pwesto.
"Bakit ang tagal mo? Tsaka bakit mo kasama yung Alex na yun?," sunod sunod na tanong nito.
"Nag usap lang kami," sagot niya saka ipinagpatuloy ang ginagawa niya kanina. Mayamaya pa ay tumayo na rin siya at nagligpit na. Ayaw na ayaw niyang nali – late. Di bale nang maghintay siya kesa naman pagpasok niya'y sa kanya lahat nakatingin ang mga kaklase niya.
Noon ay lumapit si Gray sa kanila. "Ihahatid na kita," turan nito.
"Wag na. Ano ka ba? Malapit lang naman eh. Kasama ko naman si Mark," tanggi niya.
"Sige na please. Ihahatid lang naman kita eh," pamimilit pa nito.
" Pare, sabi nya wag na, di ba?," mainit na tugon naman ni Mark.
"Hindi ikaw ang kausap ko, pre," sagot ni Gray at tiim bagang na nakipagsukatan ng tingin dito.
"Ano ba? Tumigil na nga kayo," inis na sabi nya saka iniwan ang dalawa.
Agad namang nakahabol sa kanya si Gray.
"Sorry about that. Just please let me. Ihahatid lang kita," nagsusumamong sabi nito.
"Ikaw ang bahala," sabi niya habang dire – diretso sa paglalakad.
"Let me carry your bag," alok nito na agad naman niyang tinanggihan. Nagpumilit ang binata at wala siyang nagawa kundi ibigay iyon dito. Pagdating sa classroom ay ibinigay nito ang bag saka bahagyang ginulo ang buhok niya.
"See you later," he smiled and walked away.
Hindi siya nakahuma at napatitig na lamang sa papalayong pigura nito. Napaigtad siya nang may sumundot sa tagiliran niya. Inangilan niya ito. "Ano ba Kaycee?"
"Grabe! Ihinatid ka niya. Ipinagdala ka pa nya ng bag. At ano yung see you later ha?," usisa nito.
"Hindi ko rin alam. Tara na pumasok na tayo," iwas niya dahil alam niyang hahaba pa ang usapan.