Malayo pa man ay nakita Na ni Xandy sa tapat ng classroom si Gray. Nakayuko ito, ang mga kamay ay nasa likuran Na tila ba may tinatago roon. Bigla itong nag angat ng ulo kaya naman pinamulahan siya ng mukha dahil nahuli nito ang mga tingin niya. Sinalubong siya nito.
"Good morning," nakangiting bati nito sa kanya.
She smiled in return. "Good morning din. Ang aga mo Naman."
"Hinihintay kita eh!" Bumilis ang tahip ng kanyang dibdib sa sinabi nito."For you," anitong inilabas Mula sa likuran ang isang pulang rosas.
Napamaang siya dito, nag aapuhap ng sasabihin. Blushing, she took the flower from his hand and murmured a 'thank you'. He chuckled at her adorable reaction and pat her head. "See you at lunch," with that, he turned and walked away.
Noon naman sumulpot sa likod ni Xandy si Kaycee. "Aga naman ng pa flowers," nanunuksong sambit nito.
Wala sa sariling inamoy ang bulaklak sa kamay. "Ay, inignore lang ang beauty ko."
Natawa siya doon. "Tara Na nga sa loob," nangingiting aya niya sa kaibigan.
Silang dalawa pa lamang doon kaya ikinuwento niya dito ang nangyari kagabi. Sa sobrang kilig nito sa pagkukwento niya ay halos magkapasa siya sa hampas nito at halos mabingi sa mga tili nito.
Niyuyugyog nito ang balikat niya ng pumasok si Gail. "Uy, mukhang masaya iyang pinag uusapan nyo ah," nakangiting bati nito habang inilalapag ang bag sa upuan sa tabi niya.
"Nakakakilig naman kasi. Oh my gosh!," kilig Na kilig Na wika ni Kaycee.
Natawa naman dito si Gail. "Mas kinilig ka pa sa binigyan ng flower ah."
"Naku! Ayaw lang nyang ipakita yan. Pero kilig Na kilig ang butbot Nyan," sabi ni Kaycee saka humagalpak ng tawa.
Noon naman ay pumasok si Mark kasama ang ilan pa nilang kaklaseng lalaki. "Good morning girls," bati ni Erwin, ito ang pinakakwela at babaerong kaklase nila. Humila ito ng isang upuan at tumabi kay Gail. "Good morning, sweetheart," maharot Na sabi nito at kumindat pa.
"Hindi maganda ang morning Pag ikaw ang bumati," nakaismid na sita ni Gail dito. "Lumayo layo ka nga. Naaalibadbaran ako Sayo."
Nagtawanan ang mga naroroon. "Ouch!," exaggerated na wika nito habang hawak ang tapat ng puso. "Ang sakit mo namang magsalita sweetheart."
Humalukipkip lang si Gail at hindi pinansin ito. "Malay mo Gail. Ikaw Na pala makapagpatino dito," humahalakhak namang tudyo ni Mark.
"Tumigil tigil ka nga diyan Marcos!," naiiritang baling nito kay Mark nang may maalala. "Bakit absent ka kahapon?" taas kilay Na tanong niya.
Bahagya itong sumulyap kay Xandy. "Wala, sumama lang pakiramdam ko."
Bahagyang napakunot ang noo ni Xandy doon. Was she the reason why he cut classes? Hindi siya naniniwalang sumama ang pakiramdam nito. Gayunpaman ay pinili niyang wag nang isipin pa iyon. Baka nga naman ganoon nga ang nangyari.
Nagdatingan Na ang iba pa nilang mga kaklase. Mayamaya pa'y dumating Na rin ang instructor nila. Pinilit niyang magfocus sa lesson dahil mahirap talaga iyon. Integral Calculus. Minsan talaga'y naiisip niyang nahibang siya nang piliin niyang mag major ng Math. Biruin mo, araw araw na numbers at symbols ang kaharap nila. Idagdag pa ang maraming pangalan at theories para sa Professional Education Subjects nila.
Tila iyon Na ang pinakamahabang 2 hours ng buhay nila. Ganoon naman palagi ang pakiramdam kapag Calculus Na ang subject nila. Parang gusto Na nilang hilahin ang oras matapos lang iyon. Nang makalabas Na ang instructor nila ay sabay sabay pa silang napabuga ng hangin, nagkatinginan at nagkatawanan.