Chereads / Teacher Diaries / Chapter 17 - Chapter 16: A Call

Chapter 17 - Chapter 16: A Call

"Uy, sabay sabay Na tayong kumain," si Mark iyon na nakangiting nilapitan silang tatlo.

Nag alangan si Xandy doon. "Eh, hindi ako makakasabay eh. Ano kasi - ," naputol ang sasabihin niya ng tumili si Kaycee sabay hampas sa braso niya.

"Aray naman Kays!," Nakasimangot na sabi niya dito. "Bakit ba?"

Kinikilig na may itinuro ito sa labas. Kumabog ang dibdib niya nang malingunan si Gray.

"Kaya Naman pala," natatawang tudyo ni Gail sa kanya. "Gorabels Na bes! Wag mo nang paghintayin si pogi," humahalakhak Na sabi nito.

Saglit niyang sinulyapan si Mark. Nakayuko ito kaya hindi niya makita ang reaksyon nito. Alam niya kung ano ang nararamdaman ng binata para sa kanya. Ngunit alam din niyang Hindi niya kayang tumbasan ang nararamdaman nito. Magkaibigan sila at hanggang doon lang iyon.

Nagpaalam Na siya sa mga ito at sumama kay Gray. Pagdating doon ay ipinagbukas siya nito ng pinto at ipinaghila pa ng upuan. She smiled and thanked him for his sweet gesture. Umalis ito sandali at bumili ng pagkain.

Nasa gitna sila ng masayang kwentuhan nang makatanggap ito ng tawag. Unknown number iyon.

"Hello?"

Saglit itong natigilan nang sumagot ang nasa kabilang linya. Dumilim ang anyo nito at tiim bagang na sumagot. "Anong ginagawa mo dito?"

Nakamasid lang siya habang may kausap ito. Halata niya ang pagkadisgusto sa kausap. "Ask around, I'm busy. Maliit lang ang school Na to."

Pinatay Na nito ang cellphone at bahagyang ngumiti sa kanya. "Sorry about that."

"Okay lang," aniya at muling itinuon ang pansin sa pagkain.

Humugot ito ng malalim na hininga bago nagsalita. "I don't want to keep anything secret to you. Ayokong ma misunderstand mo ako in the future," seryosong turan nito. Napatitig siya dito. Saka ngumiti. "I trust you."

He was touched. Malaking bagay sa kanya na may tiwala ito at ayaw niyang masira iyon.

"Thanks. But I still want to tell you. That was my ex girlfriend," he sighed.

Natigilan siya. His ex is here?

"S - she's here?"

"Yah, she transferred," bumuntung hininga ang binata. Ginagap nito ang kamay niya. "Don't worry. I'm totally over her. I'll do everything to avoid her."

She smiled. "Hindi naman kailangan. I trust you enough that you would not turn back on your words. Nangako ka kay Tatang."

"And I promise you, I won't do anything to hurt you," he smiled.

Ipinagpatuloy nila ang pagkain at pagkatapos ay ihinatid siya nito sa classroom niya. Sakto naman dahil sa kabilang building lang din ang sunod Na klase nito.

"Thanks," she said with a wide smile.

He pat her head and waved goodbye as he walked away.

...

'San kaya ang registrar's office dito?,' nanghihinang tanong ni Francine sa sarili. Halos kalahating oras Na syang paikot ikot sa campus subalit Hindi pa rin niya iyon makita.

Hindi man niya gusto ay kinuha niya ang cellphone at kagat labing itinipa ang isang numero at tinawagan iyon.

"Hello?," sagot ng nasa kabilang linya. Namiss niya ang boses Na iyon. Huminga siya ng malalim saka nagsalita.

"Lex, could you help me? I'm here in your school."

Natahimik ang nasa kabilang linya. Ang tanging narinig niya ay mga ingat ng mga kubyertos. Marahil ay kumakain ito dahil pasado alas dose Na.

"Lex," ulit niya habang binabaybay ang Daan patungo sa canteen. Alam niya iyon dahil nadaanan niya iyon kanina.

"Anong ginagawa mo dito?," tanong nitong halata ang pagkainis.

"I transferred. I need to submit some documents in the registrar's office. I can't find it. Help me. Please," she may have sounded desperate pero wala Na siyang pakialam. Kailangan lang niyang matapos agad Ang pagpapasa ng mga dokumentong iyon para makauwi na.

"Ask around. I'm busy. Maliit lang ang school Na to," he said and dropped the call.

"Lex, Lex..."

Napapadyak siya sa inis. Sakto namang nasa harap Na siya ng canteen. Pumasok siya doon at agad hinanap ng mga mata niya si Alexander.