Chereads / Teacher Diaries / Chapter 14 - Chapter 13: Visitor

Chapter 14 - Chapter 13: Visitor

Pagkatapos ng klase ay agad rin siyang umuwi. Nagulat siya nang pagpasok niya sa sala ay naroroon si Gray at kausap ang kanyang Inay.

Nagmano siya sa kanyang Inay at saka bumaling dito. "Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto kong ipaalam sa mga magulang mo na liligawan kita," nakangiting sambit nito. "Para sa'yo nga pala," anito at iniabot sa kanya ang isang pulang rosas.

Nag - iinit ang mukhang tinanggap niya iyon. "Salamat," aniya saka bumaling sa kanyang Inay Na noo'y ngingiti ngiting nakamasid sa kanila. "Nay, magbibihis lang po ako."

" Sige anak. Ako na munang bahala dito sa bisita mo," ani Aling Sandra.

Umakyat Na siya sa kanyang kwarto para makapagbihis. Pagpasok sa kanyang kwarto ay napapikit siya't napasandal sa pinto. "Ano ba Naman Yan? Ang bilis bilis naman," bulong niya sa sarili. Ramdam Na ramdam niya ang pagkabog ng kanyang dibdib.

Aaminin niyang kinikilig siya. Grabe. Seryoso nga talaga itong ipaalam sa mga magulang niya ang panliligaw nito.

Pilit niyang pinakalma ang sarili. Inilagay muna niya sa ayos ang kanyang mga gamit saka naghanap ng damit na masusuot. Napili niyang isuot ang isang baby pink Na blouse at dark blue Na jogging pants. Inalis niya ang kanyang puyod saka sinuklay ang kanyang buhok. Nagpulbos pa siya saka naglagay ng lipbalm dahil tuyo ang kanyang mga labi. Muli ay tiningnan niya ang sarili sa salamin.

"Okay Na to," nakangiting sambit niya sa sarili.

...

Pagkapanhik ni Alex ay binalingan ni Aling Sandra si Gray. "Dito ka muna hijo. Maghahanda lang ako ng meryenda. Pwede mong buklat buklatin iyang mga photo album diyan."

"Sige po. Salamat po Tita," nakangiti namang tugon niya.

Nang makaalis na ito ay dinampot niya ang isa sa mga photo album doon. Ang unang litratong tumambad sa kanya ay sina Mang Roman at Aling Sandra sa kanilang kasal. Napangiti siya.

"She'd look good in a wedding dress," he thought and chuckled.

Nakailang buklat pa siya at nakita niya ang litrato ng isang sanggol na nakangiti. Muling umangat ang sulok ng kanyang mga labi. Nagpatuloy siya sa pagbuklat at hindi mapuknat puknat ang ngiti sa kanyang mga labi. She was so cute as a child. No wonder she grew up as a rare beauty.

Napaangat ang kanyang tingin nang marinig ang marahang pagsara ng isang pinto. Sa wari niya'y bumagal ang oras. Parang naka slow motion ang lahat at tila nagniningning ang paligid.

"My angel," he murmured. Nakangiting lumapit sa kanya si Xandy. Saka lang siya natauhan nang umupo ito sa sofa sa tapat niya. He cleared his throat and smiled back at her.

Noon nama'y bumukas ang pinto at pumasok si Mang Roman. Dagling siyang tumayo. "Magandang hapon po," bati niya sa bagong dating.

"Magandang hapon din naman," nakangiting ganti ni Mang Roman.

"Tang," sambit ni Xandy at lumapit upang magmano.

"O, diyan muna kayo ng manliligaw mo," natatawang sabi nito. "Magbibihis lang ako."

Agad namang pinamulahan ng mukha ang dalaga Na siya namang ikinatawa ni Mang Roman. Lumabas naman noon galing sa kusina si Aling Sandra dala ang isang pitsel ng iced tea.

"O nariyan ka Na pala. Magbihis ka at nang makapagmeryenda ka Na rin," anito habang inilalapag ang pitsel sa mesita. Muli itong bumalik sa kusina at kinuha ang niluto nitong pancakes. Agad namang tinungo ni Mang Roman ang kanilang kwarto. Ilang saglit pa'y muli itong lumabas na nakapambahay na. Sinaluhan sila nito sa meryenda at nagsimulang magtanong tungkol kay Gray.

Naiilang man ay nanatili doon si Xandy. She'd smile at him apologetically. Marahil ay iniisip nitong masyadong matanong ang Tatang niya. Hindi naman niya masisisi si Mang Roman. Nag iisang anak si Xandy at babae pa kaya naiintindihan niya ito.

"Seryoso ka ba sa anak ko hijo?," nananantyang tanong ni Mang Roman. "Ayaw na ayaw kong masasaktan at mahihirapan ang anak ko. Kung hindi ka sigurado ay mag isip isip ka muna. Ayokong isang araw ay iiyak ang anak ko dahil ayaw mo na kanya."

"Sigurado Na po ako sa anak ninyo. Ni sa isip ay hindi ko iisiping lokohin o paglaruan ang damdamin niya," sinsero namang tugon niya.

Napatango tango si Mang Roman. "Sa palagay ko nama'y mabuti kang bata. Sige. Ipinagkakatiwala ko sa'yo ang aking anak. Pero syempre ay sa kanya pa rin ang desisyon. At kung pipiliin ka niya, palagi mong alalahanin ang mga sinabi mo ngayon. Usapang lalaki."

Tumayo ito at ganun din naman siya. Nagkamay sila at tinapik siya nito sa balikat. "Maiwan ko Na muna kayo dito. Tutulungan ko lang muna si Sandeng doon sa kusina. Dito ka Na maghapunan hijo."

"Sige po. Maraming salamat po."