Natapos ang araw na iyon na ang pakiramdam ni Xandy ay napakaraming nangyari. She met a handsome and kind guy. She fell – literally – in his arms. He treated them to lunch.
Pagdating niya sa bahay ay ang nanunuksong ngiti ng kanyang Tatang ang sumalubong sa kanya.
"O, nandito na pala ang aking dalaga," sabi nito na ikinanguso niya. "Alam mo ba 'Nay," baling nito sa kanyang Inay, "mukhang magkaka lablayp na iyang Alex natin."
"Tatang…" angal niya.
"Aba! Dapat ipakilala mo agad sa amin yan, anak," susog naman ng kanyang Inay. "Gwapo ba?," tanong pa nito.
"'Nay naman. Isa pa kayo."
Napahalakhak doon ang kanyang Tatang.
"Hindi lang gwapo, macho at mukhang galante pa. Aba, ay nailibre kaagad ng tanghalian itong ating unica hija," ngingisi ngising kwento ng Tatang niya.
Napasinghap siya ng marinig iyon.
"Pano nyo nalaman yan 'Tang?," nanlalaki ang matang tanong niya.
"Nandoon lamang ako sa mesa sa likod ninyo panong hindi. Mukha kasing kilig na kilig ka kaya hindi mo ako napansin," natatawang kwento nito.
Napasimangot siya't napakamot sa batok.
"Bahala na nga ho muna kayo riyan. Magbibihis ho muna ako," aniya't iniwan na ang mga ito sa sala.
Nang gabing iyon ay naalala niya si Gray. Nag init ang mukha niya ng maalala niya kung paanong halos yakap yakap na siya nito ng mapatid siya kanina.
Napangiti naman siya at wala sa sariling hinawakan ang parte ng kanyang ulo na hinawakan ni Gray kanina. Muli ay naramdaman niya ang pagkabog ng kanyang dibdib.
Kinabukasan ay maaga muli siya ng pumasok at kagaya ng dati ay nagtungo sa Library. Hindi niya inabutan doon si Gray. Marahil ay masyado siyang maaga.
"Teka nga. Hindi naman siya ang ipinunta ko dito ah," naiinis na bulong niya sa sarili saka umupo sa palagi niyang pinupwestuhan.
Inilabas niya ang kanyang notebook at isang ballpen pagkatapos ay nagsimulang magbasa at mag notes. Napatingin siya sa relo at nakitang mag aalas nueve na pala.
"Bakit wala pa rin si Gray?," naisip niya.
Bahagya niya ng ipinilig ang ulo at muling hinarap ang notebook. Wala sa sariling nagsimula siyang gumuhit. Maya maya'y tapos na niya ang drawing. Napatigil siya't napatitig doon.
Inis na isinara niya ang notebook.
"Bakit ko ba kasi sya hinahanap?," tanong niya sa sarili.
"Sinong hinahanap?"
Napakislot siya ng marinig ang tinig na iyon.
"Ba't ka ba nanggugulat diyan?," sikmat niya sa dumating kasabay ng muling pagririgodon ng kanyang puso.
"Aga aga mo namang bad mood," pansin nito saka umupo sa harap niya. "May problema?," tanong pa nito.
"Wala!," singhal niya.
"Sungit mo ngayon. Meron ka ba,?" pangungulit pa nito.
"Tigilan mo nga ako. Baka may ipapagawa na sa'yo si ma'am doon. Dun ka na."
"Smile ka muna," sabi nito saka walang anumang pinisil ang mga pisngi niya.
Tinampal niya iyon.
"Ano ba Alexander Gray?," angil niya.
Napalis ang ngiti sa mga labi nito at itinaas ang dalawang kamay. "Okay, okay. Hindi na ko mangungulit. Pasensya na," anito't napabuntung hininga.
Natigilan siya at napayuko. "Pasensya na. Sige na. Okay lang ako dito."
"Sure ka ba?" tila nag aalalang tanong nito.
Tumango siya.
"Sige. Dun muna ko. Sabay tayong mag-lunch. I won't take no for an answer." He smiled and walked away.