Chereads / Teacher Diaries / Chapter 11 - Chapter 10: Is He Jealous?

Chapter 11 - Chapter 10: Is He Jealous?

Nanlalaki ang mga matang nilingon ni Xandy ang nagsalita. "G- Gray… Anong ginagawa mo dito?"

Hindi nito sinagot ang kanyang tanong. Sa halip ay tinitigan lamang siya.

"Wala iyon. Ano ka ba? Alam mo namang mabiro si Kaycee," nag aalangang sagot niya sa tanong nito.

Tumango tango ito pagkatapos ay bumaling sa mga kasama niya. "Mga kaibigan mo?" tanong nito.

"Ah oo nga pala si Mark at si Gail. Classmates ko. Guys, si Gray…"

"Alex," pagtatama nito. "Alexander Saavedra. Call me Alex."

Lumapit si Mark dito at nakipag kamay. " Nice meeting you, Alex."

Tinanggap naman ni Gray ang pakikipagkamay nito. Ilang saglit silang nagsukatan ng tingin hanggang sa tumikhim si Kaycee.

"Tama na at baka magka inlaban kayo," sabi naman ni Gail. Napansin kasi nitong tensyonado ang dalawang lalaki kaya sinubukan nitong magbiro para mabawasan ang tensyon.

"Ahm, sige ah. Mauna na ko sa inyo. May gagawin pa ko," paalam ni Xandy saka walang lingon – likod na umalis.

"Sandali, Alex. Hintayin mo ko," habol naman ni Kaycee.

Pagkatapos niyon ay iniwasan niya si Gray. Hindi niya alam kung bakit subalit bigla siyang nailang sa binata. Naging abala rin naman siya sa mga gawain dahil may klase na sila. Pumupunta pa rin siya sa library at swerte namang hindi niya ito inaabutan doon.

"Bess, vacant na. San ka pupunta?," tanong ni Kaycee sa kanya.

"Library muna. Gagawin ko na yung assignment na binigay ni Ma'am Ann," sagot naman niya habang nagliligpit ng gamit.

"Okay sige. Sa canteen muna ako," sagot naman nito. "Gail, sama ka?," baling nito kay Gail.

"Oo, sama ko. Ikaw Mark?"

"Hindi na. Library na lang ako," sagot ni Mark. "Sabay na tayo Alex."

Tumango siya. "Tara na."

Pagdating doon ay nagulat siya ng makita sa counter si Gray. Yumuko siya at dumiretso sa mesang malapit sa bintana. Nakalimutan na niyang kasama pala niya sa Mark.

"Hey! Okay ka lang ba?," tila nag aalalang tanong nito.

Nagulat man ay agad siyang tumango. Inilabas niya ang notebook niya't ballpen saka walang kibong nagsimula nang magsulat. Wala sa sariling nag angat siya ng tingin at nakitang nakatitig sa kanya si Gray. Tila may galit at panibugho sa mga mata nito.

Is he jealous? Bigla niyang naitanong sa sarili.

Mula pa nang dumating si Xandy ay hindi na maalis ni Gray ang mga mata rito. Hindi niya mapigilang magselos. Kasama na naman nito iyong Mark. Nakaramdam siya ng inis dahil hindi siya nito pinapansin. Halatang iwas ito sa kanya.

Nakita niyang may itinanong iyong Mark at tumango lang si Xandy.

"What are you thinking love? Please look at me," samo ng isip niya.

Hindi niya napigilang tingnan ang mga ito ng may panibugho. Sakto namang nag angat ng tingin ang dalaga. Biglang lumambot ang ekspresyon sa mukha niya. She stood up and he saw her tell that Mark something. The latter nodded and she went out of the library. Bago pa man makapagpigil ay sinundan na niya ito palabas.

"Xandy…" he called.

She stiffened upon hearing his voice. Hinarap siya nito subalit hindi makatingin ng diretso.

"Are you okay?," nag-aalalang tanong niya.

Pilit na ngumiti si Xandy at tumango. "I'm fine."

"You don't look okay. Is there any problem baby?," he asked her. Napasinghap ito. Then did he realize he actually called her baby.

"Shit!," he murmured. He grabbed her wrist and brought her to the garden.

"Bakit mo ko dinala dito?," noon lang ito nagsalita.

"Let's talk."

"There's nothing to talk about."

"Damn it! There's something we have to talk about," hindi napigilang angil niya.

Nagulat siya nang biglang umiyak ito. He didn't expect she'd cry. Damn! He made her cry.

"Shit! I'm so sorry. Baby please don't cry," aniya't pinunasan ang mga luha nito.

Nang hindi ito tumigil ay niyakap niya ito. Mabuti na lamang at silang dalawa lamang doon.

"Please don't cry. I'm so sorry. I'm really sorry."