Chapter 2 - CHAPTER 2

Boss Ryke

Tahimik na umiinom ako dito sa may sulok, kasama ang dalawa sa pangunahin kong tauhan. Si Andrei at Jeremy, halos magkakasing-edad lang kami at iisa lang ang pinagmulan namin. Palaboy sa lansangan, pero hindi na ngayon dahil isa ako sa mga pinakamayaman sa mundo ng mga mafia world.

"Boss, mukhang malakas ang tama sa'yo ng anak ng gobernador ah. Bakit hindi mo patusin? Maganda naman," nangingiting untag ni Jeremy sa malalim na pag-iisip ko.

"Halatang-halata ang babae na 'yon, akala mo sawa makapulupot sa'yo, Ryke." nakangising sabat naman ni Andrei habang tumutungga ng alak.

Tiningnan ko lang silang ng nakakalokong ngiti. Nandito kami sa isa sa mga bar na pag-aari ko rin, napadaan lang kami dito dahil sa isang importanteng bagay.

"Hindi naman masama, kaya lang naaasiwa ako sa babaeng parang sawa kung makapulupot sa'yo. Ang sarap lang balatan ng buhay." natatawang wika ko sa kanila.

Nagtawanan naman ang mga loko dahil sa sinabi ko. Pansin ko na dumarami na ang mga tao dito at umiingay na, dahil nga sa hating gabi na. Maraming magagandang babae akong nakikita at bukod pa doon mga sexy, kung tutuusin marami na akong naging babae.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari sa paglipas ng oras, dahil nagulat na lang ako nang may pumuntang babae sa harap namin. At biglang umupo sa kandungan ko. Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa gulat ko, natauhan rin ako agad dahil sa pangahas na babae na bigla nalang umupo sa akin.

Bago pa siya muling tumayo hinatak ko siya at siniil ng malalim na halik, mapagparusa para sa babaeng katulad niya. Nakita ko pa ang pamimilog nang mata niya dahil sa gulat sa ginawa ko sa kanya. Tinagalan ko at gumapang pa ang isang kamay ko sa isa nitong dibdib at pinisil-pisil ko ito. Siguro natauhan na siya dahil tinutulak niya ako, pero dahil sa lalaki ako hindi niya ako kaya.

Sa totoo lang nagustuhan ko ang lasa ng labi niya na pinaghalong alak at matamis na kung ano. Nagustohan ko rin ang amoy ng hininga nito, lalo na ang natural lang na amoy nito 'yung hindi siya sobrang bango.

Nabitawan ko lang siya ng makawala ang kamay nito sa pagkakahawak ko. Tumabingi ang mukha ko dahil sa lakas ng sampal nito.

"Napaka-bastos mo!" sigaw nito sa akin at akmang muli niya akong sa sampalin.

"Isa pa, dahil kapag ginawa mo 'yan sa kama ang diretso mo. At sisiguraduhin ko na, bibigyan kita ng isang masarap na parusa." nakangisi kong salita sa kanya.

Nakita ko naman na natigilan siya at titig-titig na sa akin, hindi ko alam kung natakot ko ba siya o parang may naaalala siya.

"R-Ryke?" Halos pabulong na sambit nito kaya hindi ko gaano narinig. Bigla na lang itong tumayo at nagtatakbo palayo sa amin.

"Ayos ang babae na 'yun ah," natatawang wika ni Andrei, habang nakatanaw doon sa mga babae na kasama pa nito.

"Pero maganda at makinis, mukhang anak mayaman." seryosong salita ni Jeremy.

Tahimik lang ako at pinagmamasdan ko ang babae na 'yun, nagmamadali na itong umalis at mukhang balak na nilang umuwi. Parang nakita ko na ang babae na 'yon, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Baka nga nakita ko na siya.

--------

"Akalain mo 'yun? Anak pala ang babae na 'yon ng isa sa mga umaasenso na negosyante."

Napaangat ako ng mukha ng mukha ng marinig ko ang sinabi ni Jeremy, dahil kasalukuyan na pinupunasan ko ang hawak ko na baril. Habang nakaupo sa swivel chair, iniiisip ko kung sino ang babae na 'yon.

"Sinong babae?" kunot noong tanong ko 'kay Jeremy. Nagtataka na napatingin naman ito sa akin, ganun rin si Andrei.

"Yung babae sa bar, isang buwan na ang lumipas. Napadaan kasi kami sa may building ng Aerolla University, nakita namin na dinukot ng mga lalaki 'yung babae na 'yon." paliwanag pa ni Jeremy.

Bigla naman akong napatayo na pinagtaka nang dalawa. Sinuot ko ang coat ko at lumakad palaba ng opisina ko.

"Boss, Ryke. Saan ka pupunta?!" sigaw na tanong ni Jeremy sa akin.

"Sumunod kayo kung gusto niyo," sagot ko lang at nagtuloy-tuloy palabas ng sarili kong mansion. Sakay ng bagong-bago kong pulang Lamborghini, mabilis na pinasibad ko ito sa kalsada.

Kahit hindi ko kilala kung sino ang kumuha sa kanya, alam ko na agad kung sino utak nito. Si Dino lang, ang sobra sa gahaman sa pera, malamang tag-hirap ngayon 'yun kaya naisip na mangidnap na lang. Kilala ko ang buong pagkatap 'nun alam ko ang pupunteryahin niya, ang mga anak ng mga negosyante.

Pagkarating ko sa bakante loteng tambayan ng mga to, pumasok ako kahit may dalawang bantay na lalaki at mukhang bagong tauhan lang ito ni Dino. Hinarangan nila ako agad at tinutukan ng mga baril na hawak nila.

Pinasok ko naman ang isang kamay ko sa loob ng bulsa ng pantalon ko at tiningnan sila ng seryosong mukha. Mga nakasimangot naman ang mga mukha nila sa akin.

"Nasaan ang amo niyo? Palabasin niyo, sabibin mo gusto siyang makausap ng boss niya. " nagtataka naman na napatingin sila sa akin.

"Sino ka ba? Hindi ka maaaring pumasok dahil mahigpit na pinagbabawal." mariin na tanggi nito at sagot sa akin.

Nakaramdam naman ako ng pagkainit ng ulo ko. Kaya mabilis na hinigit ko ang kwelyo nitong isang lalaki, sinakal ko ito gamit ang isang kamay ko habang isa kaliwa ko naman na kamay na may hawak na baril. Nakatutok rito sa isa pang lalaki.

"Bilisan mo, pumasok ka na sa loob. Bago pa uminit lalo ang ulo ko baka pumutok 'yan sa bituka mo." mariin na salita ko dito sa lalaki na tinutukan ko ng baril.

Natataranta naman na tumakbo papasok ang lalaki, habang itong isa naman sa kanya ko tinutok ang baril. Tinapat ko sa sintido niya.

"B-boss, huwag naman may pamilya ako." maluha-luhang sambit nito.

"Putangina mo! Sa susunod na makikita mo, gagalangin mo ko. Dahil baka sa sunod makita ko 'yang pagmumukha mo baka pumutok na talaga ito sa'yo." nangigil na salita ko at binitiwan ito.

"Anong kaguluhan 'yan." bungad ni Dino sa baritonong boses, dahil may kaedaran na ito.

"Nasaan na 'yung babae na kinidnap niyo. Ibigay niyo ngayon sa akin," seryosong salita ko na kinagulat ni Dino.

"P-pero, Boss. Magkakapera na kami mamaya, kailangan ko ng pera." sagot nito at bakas sa boses nito ang matinding pangangailangan.

"Pera? Kunin mo 'kay Andrei sa opisina, ilabas mo na 'yung babae. Ginalaw niyo na ba?" sunod-sunod na tanong ko at dumukot sa bulsa ng sigarilyo, sinindihan ko ito.

"Sigurado ba 'yan? Bakit type mo ba 'yung babae, Boss?" nakangising tanong nito sa akin.

"Ilabas mo na dito, nauubos na oras ko." Inis kong turan.

Bumalik naman sa loob si Dino at mayamaya'y lang dala na nito ang babae na naka-uniform pa. Medyo marusing na ang puting blouse nito, gulo na rin ang hanggang balikat na buhok nito. Sandali, Debb? Debbora? Sambit ng isipan ko ng maalala ang mukha ng siyam na taon na batang babae, noong panahon na...

"Anong gagawin niyo sa akin? Ibalik niyo na ako." nagwawalang sigaw nitong babae.

Napatingin naman itong muli sa akin at parang kagaya ko natigilan siya. Pero hindi ko muna pinansin, tinapon ko na ang sigarilyo at pumasok sa kotse ko.

"Ipasok mo na 'yan." Utos ko lang kay Dino at agad naman nitong pinasok sa loob ang babae. "Sige na, Dino. Si Andrei na bahala sa'yo." salita ko lang at pinaandar ko na ang kotse ko.

"Saan mo ako dadalhin? Ibaba mo na ako diyan, uuwi na ako." malakas na bigkas nito, tiningnan ko naman siya sa salamin sa itaas. Na sa likuran kasi siya nilagay ni Dino.

"Hindi ka ba natutuwa? Na ako ang kasama mo, o gusto mo roon sa mga maraming nagnanasa na sa katawan mo." seryosong salita ko, nakita ko naman na natigilan siya kaya napangiti ako ng palihim.

"Ikaw ba 'yan, Ryke?" mahinang salita nito pero sapat na para marinig ko.

Biglang bumagal ang takbo ko dahil sa pagbigkas niya sa pangalan ko. Nakilala niya na rin pala ako, hindi ko siya agad namukhaan doon sa bar noon dahil sa may kadiliman at medyo may tama na rin ako.

AN: Salamat sa mga sumuporta nito, at sa mga nag-aabang ng update ko. Super thank you po. :))