AN: Hello guys! Salamat sa matiyagang paghihimtay ng update ko. Pasensya na kasi minsan hindi gumagana ang mataba kong utak. 😁✌ pero thank you sa lahat lalo na sa mga nangungulit sa ud ko. 👌👊
____________________________________________________
Debbora
"Are you crazy, Xander? Paanong mangyayari 'yun at isa pa kahit kailan hindi kita gusto." mariin na pagkakasabi ko at pumasok na ako sa gate na binuksan ng mga guard namin sa loob.
"Debbora, you have no choice. Or else your dad is going to jail."
Natigilan ako sa mabilis na paglalakad dahil sa narinig ko, nakasunod na pala si Xander sa akin.
"Are you out of your mine? Saan mo naman nakuha ang ganyang banta. Puwede ba, umalis ka na dito kung ayaw mo ipakaladkad kita sa mga guard namin." galit na bulyaw ko sa kanya at malalaki ang hakbang na naglakad papasok sa loob.
"Huwag mo ako binabastos ng ganyan, dahil baka kung ano ang magawa ko sa'yo." seryoso at may halong galit ang pagkakasabi nito.
Hawak nito ang braso ko, tiningnan ko siya ng masama dahil naguguluhan talaga ako sa mga pinagsasabi niya.
"Xander! Bitiwan mo ang anak ko, hindi mo kailangang harasin ang anak ko. " ma-awtoridad na utos ni Papa na nasa bungad ng pinto.
Lumuwag naman ang pagkakahawak ni Xander sa braso ko kaya patakbo na lumapit ako 'kay Daddy.
"Dad, ano'ng problema ng Xander na 'yan?" Tanong ko agad sa kanya. Narinig ko naman ang malalim na buntong hininga nito at tiningnan ako.
"I'll talk to you later, pero paanong nakatakas ka sa mga kumidnap sa'yo? Halos mabaliw na kami ng Mommy mo kakaisip sa'yo." malungkot at nagtataka na turan ni Daddy.
"Dad, don't worry i'm ok. Pero na-stress ako sa sinabi ng lalaki na to." tukoy ko dito 'kay Xander na matiim na nakatingin sa akin.
"Mr, Albama. Hindi ako pumarito para lang bastusin ng anak mo, sagutin niyo lang tanong ko kung tuloy bukas ang kasal namin, ni Debbora." mayabang na saad naman ni Xander na nakalapit na pala sa amin.
"Dad, hindi ko maintindihan. Ano'ng sinasabi niya? Bakit kami ikakasal?" Magkakasunod na tanong ko.
Hindi naman nakapagsalita agad si Daddy habang si Xander ay nakangisi sa amin. Demonyo!
________
Tulala ako sa dito sa kwarto ko dahil bukas na bukas ikakasal na ako 'kay Xander Villain. Ang pinakabastos na taong nakilala ko, at napakasama ng ugali. Wala akong magawa dahil ayokong makulong ang Daddy ko.
Wala akong alam na umatang pala ng malaking halaga si Dad, upang mas lumago pa ang kanyang business dahil nga sa nalulugi na pala ito. Pero walang nangyari dahil mas lalo itong hindi nakaahon, hindi raw niya alam bakit nagkaganun dahil noong una naman raw maayos ang naging takbo. Paliwanag ni Daddy sa akin.
Maga na ang mata ko sa kakaiyak dahil ok lang sana kung makasal ako hindi sa isang Xander na baliw at demonyo. Magiging impyerno ang buhay ko pagdating ng araw na 'yon, wala naman akong maisip na ibang paraan. Dahil napakalaking halaga ang kailangan nasa bilyon ang dapat bayaran, naawa ako sa mga magulang ko dahil wala akong alam na naghihirap na pala kami.
Kinabukasan busy ang lahat habang ako ito tulala habang inaayusan, talagang desperado na si Xander dahil hindi pa nga nangyayari. Nakahanda na pala talaga ang kasal namin dahil alam na agad nito na siya ang magwawagi.
Gusto kong tumukas pero magiging kawawa ang mga magulang ko, kaya kialangan ko na talagang tanggapin para sa Daddy at Mommy ko.
"Debbora, patawarin mo kami ng Mommy. Dahil sa amin napilitan ka, maaaari ka namang umatras dahil nakahanda ako na makulong."
Naawa naman ako sa itsura ni Daddy, nasa may pintuan siya at malungkot na nakatingin sa akin. Halatang wala siyang tulog. Alam ko ayaw niya rin talaga itong mangyari sa akin, pero ako na ang kusang tumanggap.
"Dad, you don't have to say that. Ayoko naman makulong kayo, dahil magulo sa bilangguan." pilit ang ngiting sagot ko, ayoko kasi na mag-aalala pa siya ng husto gayun rin si Mommy na hanggang ngayon hindi pa ako kinakausap.
"Salamat anak." naiiyak na wika ni Dad.
Naiyak na rin tuloy ako at yumakap ako sa kanya, napansin ko naman si Mommy sa may pinto at dahang-dahan na lumapit sa amin at nakiyakap na rin.
Sakay ng puting limousine tahimik na tinatanaw ko lang mula dito sa loob ang mga nadaraanan namin na lugar papunta sa simbahan. Ayoko ng umiyak dahil mas lalo lang akong nanghihina dahil sa mga naiisip ko na magbabago sa buhay ko, dahil sa edad kong disi-nuebe mag-aasawa na ako.
"Shit!" Malakas na mura ko dahil tumama lang naman ang noo ko sa sandalan ng upuan sa harapan. Bigla kasing nag-preno ang driver at hindi ko alam kung bakit.
"Mam, Debbora. M-may humarang po sa ating mga armado." nauutal na salita ni Manong driver.
Hinatatakor naman na napatingin ako banda sa may harapan. Isang van ang humarang sa amin at may lima o anim na lalaki ang naglabasan, mga naka-bonet sila na itim sa kanilang mukha. Papalapit na ang isa sa kanila at kinatok ang bintana banda sa may driver.
Tiningnan pa ako ni Manong bago niya unti-unting binaba ang salamin nito.
"Hiramin ko muna 'yang babae na kasama mo. Na-miss ko na 'yan," salita nitong may kataasan na lalaki sabay palo nito ng hawak na baril sa mukha ni Manong driver, bagsak ang mukha ito sa manibela.
Para akong natuka ng ahas dahil sa nasaksihan ko. Pero bakit ganun? Parang kilala ko ang boses ng lalaki na 'yun. Nawala ako sa pag-iisip ng bigla akong may maamoy na naghatid ng hilo at unti-unting pagpikit ng mata ko at hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari.
----------
Masakit ang ulo na napamulat ako ng mata, nalanghap ko agad ang amoy ng alak kaya naman pakiramdam ko sumakit ang ulo ko. Lumiwanag na ang paningin ko at lumibot ang mata ko sa palid dahil parang pamilyar sa akin silid na ito.
Halos lumundag naman ang puso ko ng makarinig ako ng tunog ng pagbukas in-can. At ganun na lang ang pamimilog ng mata ko ng makita ko sa may banda sa bintana si Ryke? Nakatingin lang siya sa akin habang nakataas ang isang paa sa mababa na lamesa. Tinutungga nito ang beer sa can habang sa kabilang kamay nito ay ang umuusok na sigarilyo.
"B-bakit nandito ako? Huh?" Natatakot na tanong ko dahil sa itsura ni Ryke.
Seryoso ang mukha na pinakatitigan niya ako at hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Napansin ko na may dinukot sa may gilid ng bulsa ng pantalon ito at sabay hagis sa akin. Sakto namang lumanding ito sa puson ko, kaya nakaramdam naman ako ng inis.
"Ano ka ba? Hindi mo ba puwedeng i-abot at kailangan talagang ibato." inis kong wika at nagtaka ako na makita ang iphone. "Anong gagawin ko dito? Mag-selfie ako at ano ang husgtag ko? Dinukot ako ganun?" pang-aasar ko dahil hindi ko alam kung ano naman ang pakulo nito.
"Tawagan mo ang magulang mo, sabihin na sa mabuting kalagayan ka." sagot lang nito na walang buhay.
"What? Siraulo ka ba? Alam mo ba sa ginawa mo malalagay sa panganib ang magulang ko. Wala ka-"
"Gawin mo na lang ang inutos ko, kung gusto mo maligtas ang magulang mo." malamig ang boses na putol nito sa sasabihin ko.
"Your crazy! Wala kang alam. Kaya ibalik mo na ako!" sigaw ko dahil naiinis na ako talaga, tumayo naman ako kaso natumba ako dahil sa mahabang suot ko na pangkasal.
"Hubarin mo na rin 'yang basahan na wedding gown na 'yan. Hindi bagay sa'yo," malumanay na salitang muli nito.
"Naguguluhan na ako sa'yo, but please! Kailangan ko ng umalis at puntahan sila dahil--
"Putang- sundin mo ang inuutos ko sa'yo. Walang mangyayari sa magulang mo." singhal nito sa akin na napatayo na.
Bigla naman akong nakaramdam ng takot dahil sa tono ng boses niya. Naiiling na dimapot ko ang cellphone at nagsimulang mag-touch sa numero ng number ng Daddy.
Matapos ko makausap si Daddy at sinabi na na sa mabuti lang ako, sumangayon naman siya basta mag-iingat raw ako lagi. At ang isa pang hindi ko mapaniwalaan 'ay yung may nagbayad raw sa utang namin 'kay Xander.
"I'm done, happy?" Sarkastiko na sambit ko pero napaangat ang kilay ko dahil nginisihan niya ako.
What the? Nababaliw na ba siya? Kanina galit na galit tapos ngayon, parang asong ulol.
⚫⚫⚫⚫⚫⚫⚫