Chapter 3 - CHAPTER 3

Debbora

Hindi talaga ako makapaniwala na si Ryke na itong kasama ko. Dahil siya ang teenager na lalaki na nakilala ko, nung panahon na kinidnap ako siyam na taon palamang ako noon. Muling nagbalik sa alaala ko ang binatilyong si Ryke sa edad na kotorse.

"Walang mangyayari kung iiyak ka lang diyan, kainin mo na ang pagkain na to."

Napalingon ako sa may kataasan na lalaki, sa tingin ko magka-edad lang kami o mas matanda lang siya sa akin ng ilang taon. Kaka-siyam na taon ko pa lang nito, napansin ko ang kanyang itsura. Marusing na kasuotan, maruming mga paa at sira-sirang t-shirt na suot nito, nakasumbrero ito na itim kung kaya't hindi mo gaano makita ang kanyang mukha. Pero napansin ko na may pagkamatangos ang ilong nito, ang boses nito may kalakihan at masarap sa pandinig.

"A-ayoko niyan, ang dumi ng pagkain na 'yan." tanggi ko dahil may langaw na umaaligid-aligid. Nangingitim pa ang platong pinaglagyan ng pagkain. Nilusot niya lang kasi sa ilalim ang plato, kaya nandiri ako lalo.

Umangat ang mukha nito sa akin, matapos nitong ilapag ang plato na hawak sa simento na sahig. Tiningnan ako ng seryoso kaya namann malaya kong nakita ang dalawang pares na mata niya. Nanlalim ito ito at itim na itim, binata na talaga kung siya'y titingnan dahil sa tindig nito at dahil na rin sa matangkad ito.

"Huwag ka ng maarte, magugutom ka lang at isa pa mamaya wala ng pagkain. Kainin mo na," muling salita nito at nilapag na isang basong tubig na halos matapon na ang laman dahil sa pabagsak na pagkakalapag nito sa sahig.

Matapos 'yun lumabas na ito sa kulungan kung saan ako kinulong ng mga kumuha sa akin. Muli naman akong naiyak ng mapag-isa na akong muli, madilim ang pinaglagyan sa akin tanging ilaw lang mula sa labas ang nagsisilbing liwanag dito. Walang ibang laman dito kundi ako lang, malamig na simento na kinauupuan  ko ngayon.

Mama, Papa nasaan na po kayo? Ayoko na dito. Ma... Pa.... Napapikit na ako sa sobrang antok at gutom, dahil ayoko talagang kainin ang pagkain.

"Kunin mo to, isapin mo diyan para may sapin ka."

Napumulat ako ng mata ng marinig ko ang boses ng lalaki, sumalubong agad sa akin ang malamlam na mata nito. Bit-bit nito ang dalawang karton ng kape, inilusot nito ang karton na hawak nito sa pagitan ng mga rehas na bakal. Atubili na inabot ko ito, kasunod na may inabot itong supot sa akin. Nagtataka na inabot ko rin ito.

Nagulat ako dahil dalawang cup cake at isang zest'o ang na sa loob ng plastik na pula. Tiningnan ko siya sa nagtatanong na tingin.

"Kainin mo na 'yan, alam ko hindi mo talaga yan kakainin. Ako na lang ang kakain niyan," seryoso ang boses na salita nito.

Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nito kaya hindi ako agad nakasagot. Namilog na lang ang mata ko ng dukutin ulit nito ang plato mula sa ilalim na dinapuan na ng ipis kanina, mabilis na kinain nito ang laman sa plato at hindi ko alam kung anong klaseng pagkain ito.

"B-bakit mo kinain yan? Marumi na 'yan at-"

"Huwag mo ng ituloy, ayos lang hindi ko naman nakita kung may dumapo na kahit ano dito sa pagkain. Sayang rin to at isa pa bihira lang rin naman ako makakain ng ganito." walang emosyon na salita nito matapos ubusin ang pagkain.

Bigla naman akong nakaramdam ng lunggkot at habag dahil sa sinabi nito, nakunsensya ako dahil binilihan niya pa ako ng pagkain. Tapos sa kanya...

"Hindi ko 'yan binili, kung iniisip mo. Ninikaw ko lang yan sa may tindahan, pero huwag mo ng intindihin pa 'yun. Kainin mo na lang." seryosong salitang muli nito.

Kahit mali ang ginawa niya hindi ko alam pero humanga ako sa kanya, napapahid ako sa luha ko dahil sa naisip ko.

"Salamat, ano pala ang pangalan mo? At isa pa bakit ka na sa mga bad na mga lalaki na 'yon?" inosente na tanong ko rito. Tiningnan lang ako nito at hindi sumagot, kaya nalungkot ako dahil hindi niya sinabi ang pangalan niya. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo dito sa kulungan ko.

Tinatanaw ko na lang siya ngayon habang naglalakad siya papalayo sa puwesto ko.

"Ryke, Ryke ang pangalan ko."

Bigla akong napangiti dahil huminto siya sa paglalakad at binanggit ang pangalan nito. Napakapit ako sa rehas na kinakalawang na at pilit na sinilip ko siya sa pagitan ng mga bakal.

"Salamat Ryke! Debbora, Debb ang pangalan ko." habol na sigaw ko bago siya lumabas, alam kong narinig niya ang sinabi ko dahil lumigon siya saglit.

Kinabukasan hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Madaling araw pa lang ginising na ako ni Ryke sa mahihinang pagtawag nito sa pangalan ko.

"Debbora. Debb, gumising ka bilisan mo."

Napabangon naman ako bigla ng makita ko si Ryke at mukhang balisa siya. Bakas rin sa marusing na mukha nito ang pagkatakot.

"R-Ryke. Bakit?" Sagot at pilit minumulat ang mata ko.

"Bilisan mo, tumakas ka na dito. Papatayin ka nila kapag nakuha nila ang perang hinihingi sa magulang mo." natatarantang paliwanag ni Ryke.

Hindi ko naman siya lubos na maintindihan, naguguluhan ako. Nakita ko na lang ang pagbukas ng kandado. Pumasok ito at  nilapitan ako, hinawakan niya ako sa magkabilaan na balikat ko.

"Sige na tumakas ka na habang mga lasing sila, tandaan mo Debb ang pangalan na sasabihin ko sayo. Ang kumidnap sa'yo ay ang grupo ni Ka Selso ang numero unong sindikato na pinaghahap ng mga kapulisan. Ituro mo ang lugar na to, Debb" paliwanag nito sa akin habang marahan na niyuyog ang balikat ko.

"Pa-paano ka? Sumama ka na sa akin, Ryke. Natatakot ako." naiiyak na sagot ko sa kanya.

Pinakatitigan naman ako nito at pinunasan ang luha ko gamit ang sumbrero niya na inalis niya ngayon. Titig na titig ako at namangha sa mukha niya dahil ang gwapo niya pala, kahit maitim siya.

"Hindi ako puwedeng sumama sa'yo, ikaw na lang." sagot lang nito at muling sinuot ang sumbrero niya.

"Baka saktan ka nila, dali na sumama ka na sa pagtaka ko. Para maiwanan mo na ang mga bad guy na 'yun," sambit ko at tukoy sa mga kasama nito.

"Ikaw na lang, kung sakaling manatili akong buhay. Hahanapin kita, Debb at ipagtanggol kita sa mga mananakit sa'yo, magiging makapangyarihan ako dahil sa pera pagdating ng araw." seryosong sagot nito at hinatak na ako palabas ng kulungan.

Tumulo ang mga luha ko habang hatak-hatak niya ako, hindi ko na nagawang magtanong o magsalita dahil nalulungkot ako na maiiwan ko siya at hindi ko na makikita. Nakalabas na kami sa isang liblib na lugar at dinala ako ni Ryke sa may kalsada. Dito iniwan niya na ako dahil marami na raw ang magdadaanan na mga sasakyan, makisakay na lang araw ako.

Habang palalayo siya sa akin, mas lalong tumindi ang pag-iyak ko. Gusto ko siyang habulin, hindi ko alam kung anong klaseng damdamin ang nararamdaman ko ngayon.

"Ryke, ilan taon ka na ba? Hahapin mo ba ako talaga. Kapag marami ka ng pera!?" sigaw na tanong ko.

Huminto naman siya sa paglalakad at lumingon sa akin, ngumiti ito hindi ko alam kung bakit. Pero bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ngiti na 'yon.

"Katorse na ako, siguro siyam ka na o sampu? Tama ka, Debb hahanapin kita kapag marami na akong pera at kapag makapangyarihan na ako." nakangiting sagot nito.

"Debbora Albam-"

Hindi ko na natapos ang sa sabihin ko para sa na sa apilyedo ko, kaso biglang may pumutok kung saan. Kaya mabilis na tumakbo pabalik si Ryke doon sa pinagdalhan sa akin, sakto naman may dumaan na sa sakyan kaya pinara ko na ito.

"Wala ka bang balak na bumaba? O gusto mong buhatin kita?"

Napukaw naman ako sa malalim na pag-iisip sa nakaraan ng marinig ko ang naasar na boses ni Ryke. Ngayon ko lang napansin na nasa isang malawak na bakuran na kami, at ganun na lang ang tili ko dahil sa biglang umangat ang katawan ko.

"B-bakit mo ako binuhat? Ibaba mo ako!" namimilog ang matang react ko, dahil sa biglang pagkarga nito sa akin. Naka-mini skirt pa naman ako na hanggang hita ko, kaya naman halos makita na ang loob ng panty ko dahil sa pagkakabuhat nito sa akin.

"Hindi ko alam kung ako ba ang iniisip mo, kaya ka tulala at wala ka ng malay sa mundo." nang-aasar na wika nito sa akin.

Nakaramdam naman ako ng kayabangan sa tono ng pananalita niya. Tiningnan ko siya ng masama habang siya nakangiti sa akin.

Dinala niya ako sa isang kwarto at binagsak sa kama. Kaya napahiga ako dito, galit na galit naman ang pakiramdam ko.

"Bakit mo ako binagsak lang? At  bakit dito mo ako dinala, may balak ka sa akin. Huh?!" nangagalaiti na sigaw ko sa kanya.

"Kung may balak ako sa'yo ngayon, malamang nakatikim ka na sa akin ng hahanap-hanapin mo." nakangisi na sagot  nito sa akin.

Hindi naman ako makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig nito, siya na ba talaga si Ryke? Sa mukha oo, pero sa ugali. My god! Ang bastos niya.

⚫⚫⚫⚫⚫⚫⚫