AN: Narito na ang kabuan ng propesiya mula sa aming kapitbahay. πππ Kanya-kanyang prophecy to walang pakialamanan. π
--------------------------------------------------------------------------
Timothy P.O.V
"Bakit kailangan pa nating magpunta 'kay Tandang Gani, Timothy?"
Natigil naman ako sa mabilis na pagtakbo ko dahil sa sinabi ni Andrei, papunta kasi kami 'kay Tandang Gani na isang tagapangalaga ng mga propesiya noon. Ngayon isa na lamang siyang ordinaryong bampira, ang tanging natira sa kanya 'ay ang taglay niya pa rin ang makita ang lahat ng katotohanan na napakaloob sa propesiya. 'Yon na lang ang mayroon siya.
"Kailangan natin siyang makausap dahil may kakaiba ako'ng nakikita kay Bonita." seryoso na sagot ko. Napansin ko naman na napaisip ng malalim si Andrei. "Halika na bilisan na natin bago pa tayo maunahan ni Darwin." muling salita ko dahil hindi naman na sumagot si Andrie.
Pagkarating namin sa lumang templo na natatabunan ng mga ligaw na puno na tanging katulad lang namin ang puwedeng makakita ng tinutuluyan ni Tandang Gani.
"Napasyal ata kayo dito, ngunit pangalawa na kayo sa nagpunta rito. Kaaalis pa lamang ni Serio."
Salitang bungad agad sa amin ni Tandang Gani, nakaupo ito sa upuan na yari sa puno na pinutol lamang. Halos hindi na makita ang mukha nito dahil sa kanyang napakahabang buhok nito at bigote.
"Sinabi niyo ba ang lahat sa kanya?" Tanong ko naman at naupo sa kabilang upuan.
Si Andrei naman 'ay nakatayo lang habang nakikinig sa aming pag-uusap. Umiling naman si Tandang Gani at biglang natahimik.
"Isang daan taon ng makita ko sa aking pangitain ang isang sanggol na babae na isisilang, nakatakda siyang maging kabiyak ng isang bampirang prinsipe..."
Simula ni Tandang Gani sa kanyang kuwento, tahimik na nakikinig lamang ako at iniisip ang lahat nang kanyang sinasabi.
"Ngunit sa paglipas muli ng maraming taon may isang pangitain muli ako'ng nakita,Β isang babae na nakatakdang kumitil sa mga bampira dahil sa dugong nanalaytay sa kanyang katawan. Ngunit may nagpapagulo sa aking isipan dahil sa isang malabong pangitain ng isang dalawang nilalang na pagsasaluhan ang isang..."
Putol nito sa kanya pang sasabihin at bigla ko naalala si Bonita. Hindi kaya iisang babae lang ang sinasabi sa pangitain ni Tandang Gani?
"Oras na magsanib ang kanilang mga katawan may mabubuhay na isang malupit na nilalang sa kanyang katauhan. At 'yon ang hindi ko pa alam kung sino, tanging si Rius at ang ating mahal na prinsipe ang na sa loob ng propesiya na ito at 'yung babae." pagpapatuloy na kwento ni Tandang Gani.
"Si Bonita," mahinang sambit ko.
"Alam ko na nakilala niyo na ang babae, kaya ang payo ko sa inyo huwag niyong hahayaan na magkasama ang babae na 'yon alin man sa prinsipe o 'kay Rius." seryosong pagpapatuloy pa nito.
"Wala na sa amin ang babaeng sinasabi niyo, kinuha siya sa amin ni Rius ng puwersahan." salita naman ni Andrei at lumapit na sa amin dito sa lamesa.
"Hindi ko rin masisi si, Rius. Dahil noon isa rin siya sa naging bahagi ng propesiya na tatangap ng pagiging immortal. At 'yun ang isa sa malaking hinanakit sa atin ni Rius dahil wala tayong nagawa sa bagay na 'yon." turan ko dahil naalala ko ang binitawang salita ni Rius.
"Bueno, ayan lamang ang aking ibabahagi sa inyo, dahil ako'y may lalakarin ngayon." pagpapaalam na sambit ni Tandang Gani at tumayo na ito.
Lumabas naman kami ni Andrei na malalim ang iniisip.
"Paano natin mababawi si Bonita? Tiyak na hindi papayag si Rius." mahinang salita ni Andrei.
"Pupuntahan natin siya at ipapaliliwanag ang lahat sa kanya, alam ko na pakikinggan pa rin niya tayo. Kaya halika na." desidido na sagot ko 'kay Andrei.
Lumakad na kami patungo sa mansion ni, Rius. Mabilis na nakarating kami roon ngunit naulinigan agad namin sa mga tao doon na nawawala si Bonita kaya mabilis na tinahak namin ang posibleng dinaanan niya.
"Tiyak na hindi pa siya nakalalayo." bigkas ko habang mabilis na tumatako kami pareho ni Andrei.
Hanggang sa makarating kami sa labas ng gubat, nakita ko si Bonita na may kinakawayan.Β Ang isang paparating na kotseng itim balak ko na sanang lapitan ito ngunit pinigilan ako ni Andrie.
Narinig namin ang pag-uusap nila Bonita pati 'yung lalaki na nasa loob ng kotse.
"Hayaan na lang natin si Bonita, makakalayo siya dito at mahihirapang mahanap siya ni Rius." mahinang salita ni Andrei.
Nakatago kami sa isa sa mga puno dito sa 'di kalayuan 'kay Bonita. Bago siya sumakay sa kotse lumingon pa si Bonita sa amin, naramdaman niya na may nakatingin sa kanila.
Nakaalis na ang kotse saka kami lumabas sa aming pinagtaguan, abot tanaw ko na lang ang papalayo na kotse sakay si Bonita.
"Kailangan ko pa rin siyang sundan doon, dahil kilala natin si Rius malawak ang kanyang koneksyon kaya hindi imposible na mahanap niya si Bonita." salita ko habang nakatanaw sa unti-unti ng lumiliit na kotse dahil malayo na ito.
"Saka na natin 'yan problemahin, Timothy. Halika na magbalik na tayo sa mansion ni Rius upang makibalita sa kanila." seryosong sagot ni Andrei sa akin.
Tumango na lang ako kahit pa gusto ko ng sundan si Bonita, dahil inaalala ko siya, hindi niya kilala ang sinamahan niya.
"Hayaan mo na siya, walang kakagat sa kanya dahil mamatay lang." natatawang salita ni Andrei.
Napangiti na lang ako at naisip ang kakaibang dugo ni, Bonita. Isa pa 'yun ang pinakamalaking banta sa aming mga bampira dahil puwede namin itong ika-ubos kapag nagkataon. Sa mga ordinaryong bampira madali silang mamatay, hindi ko lang alam kapag mga royal blood o pure blood ang makakagat sa kanya kung ano ang magiging resulta nito.
Kailangan ko alamin ang buong pagkatao ni Bonita upang sa pangalawang pagkakataon ay mailigtas ko siya. Dahil pinagsisihan ko ang pagkakamali namin noon kay Rius Valdez.
Pabalik na sana kami ng makita ko si Amara at Melinda, parehong royal blood sila.
"Mukhang may hindi ako alam rito, Timothy? Sino ang babae na 'yon?" Nakataas ang kilay na tanong ni Amara sa akin.
Tiningnan ko muna siya dahil masyado siyang nakapustura ngayon, dahil ang nakatali na buhok nito paitaas ngayon malayang nakalugay na lagpas balikat niya na buhok. Naka-lispstick rin siya ng sobrang pula at ang kanyang kasuotan na halos mamutok ang sa bandang dibdib nito dahil bahagya ito nakabukas ang ilang butones ng kanyang leather jacket at sa loob nito 'ay kulay pula.
"Kamusta ang pag-check mo sa new look ni Amara, Timothy?" nangingiting bigkas ni Melinda.
"Alam mo, Amara mukhang ang fresh-fresh mo ngayon. May pinaghahandaan ka ba?" Puri naman ni Andrei kay Amara.
Napansin ko naman na parang nahiya ito hindi naman lingid sa akin ang pagkakagusto nito sa akin. Ngunit isang kapatid lamang ang turing ko sa kanya, maganda si Amara sa maganda ngunit hanggang doon lamang ang aking pagtingin sa kanya.
"Pero bagay sayo Amara huwag mo na baguhin, mas lalo kang gumanda." totoong papuri ko sa kanya na kinangiti niya.
"Teka, saan ba ang punta niyo?" Takang tanong ko kasi napunta sila dito.
"Kay Rius sana kaso nakita namin kayo kaya sinundan na lamang namin kayo." salita naman ni Melinda.
Si Melinda hanggang ngayon 'ay umaasa siyang mamahalin ni Rius, dahil na rin sa nakukwento niya sa akin.
"Kung ganun pala, paunahan tayong makarating sa bahay ni Rius." masayang wika ni Andrie.
Gawain namin ito simula noon palang pero hanggang ngayon lagi ako ang nananalo sa kanila. Nagsi-ngisihan naman sila at humanda na sa pagtakbo, ako naman hinayaan ko lang mauna sila. Saka na ako kikilos kapag na sa kalagitnaan na sila.
Handa na ako'ng tumakbo dahil sa nakita ko sa isip ko na malapit na sila ngunit may humarang sa akin. At ganun na lang ang gulat ko ng mapag-sino ito.
"Duken Hanal!?" mahina ngunit may diin na bigkas ko.
Nakangisi na nakatingin lang ito sa akin na hindi ko naman nagustuhan. Nabuhay pala siyang muli pero paano? Dahil sabi sa propesiya noon kapag may napili na siya na siyang papalit sa kanya habang buhay na siyang patay. Paanong nabuhay siya?
----------------
-Finally naka-UD ng dalawa, lugi ako sa dalawa na 'yon may apat may tatlo. Sana tinapos niyo na hanggang ending. ππ anyway, maraming salamat sa mga ibang silent reader ko. At sa iba pa na nag-aabang diyan. Thank you! Thank you! ππ