Chapter 11 - CHAPTER 10

AN: Gusto ko na 'tong tapusin dahil ang tagal na rin nito. Salamat pala sa mga patuloy na nag-aaabang nito kahit matagala ang update ko. ❤❤❤

---------------------------------------------------------------------------

BONITA P.O.V

Matapos ko makakain ng pagkain sinimulan ko ng maghanap ng bahay, kaya lang napapaisip ako. Bakit niya ako ayaw niya ako ibalik doon sa club? Tapos hindi rin naman pala niya ako ibabalik doon sa mga puro bampira ang nakatira. Isip ko habang naglalakad ako.

Hanggang sa inabot na ako ng liwanag sa daan kakahanap. Napangiti ako ng may matanawan akong room for rent na nakapaskil sa may tindahan. Nilapitan ko agad ito upang magtanong sa tindera.

"Te, saan po ang room for rent na 'yan?" masayang tanong ko sa tindera na busy sa hawak na cellphone niya.

"3,500 ang upa diyan. May cr at lababo, studio type at may sariling metro ng ilaw at tubig. Ilan kayong titira?" mabilis na salita nito kahit nakatingin sa phone nito.

"Dalawa lang kami."

Halos lumukso ang puso ko sa gulat dahil sa nagsalita sa likod ko. Humarao naman ako rito sa nagsalita at namilog mata ko kasi si Rius pala.

"Ok, mag-asawa ba? May anak, ilan?" nakataas ang kilay na sunod-sunod na tanong nito.

"Si ate naman, wala pa kaming anak at isa p---"

"Mag-asawa kami."

Pakiramdam ko nag-init ang mukha ko sa kilig ba 'to? Mag-asawa raw kami? Sabi na eh, type ako niyan. Nangingiting isip ko.

"Ok, 1month deposit at 2months advance. Plus 1k para sa ilaw at tubig so, P8,000 lahat ano?" malakas na salita muli nitong babae.

"Bayaran mo na," malamig ang boses na salita ni, Rius.

"Ha? Oo, babayaran ko na." natataranta na nagbilang ako ng pera at buong inabot sa mayari ng paupahan.

Sinama niya na kami sa bahay na sinasabi niya, maganda at malinis ang loob. Tiles ang sahig gayun din ang lababo at cr nito. Maaaliwalas dahil sa bintana na  hindi nahaharangan ang sikat ng araw.

"Ito ang susi," muling salita nitong mayari at umalis na.

"Sumama ka sa akin, bibili tayo ng mga gamit dito at higaan mo na rin."

Natulala naman ako sa mga sinasabi nitong bampira na 'to. Dahil talagang nakahanda siya sa lahat, nagulat na lang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Bigla akong parang na-istatwa at pakiramdam ko humangin ng malakas dito banda sa amin. Nakita ng dalawang mata ko ang pagbago ng kulay ng mata ni, Rius. Hindi siya kulay pula parang siya dilaw na may gray na maliwanag at ang ganda lang tingnan.

Binitiwan niya bigla ang kamay ko at napating sa akin na parang may iniisip.

"S-Sandali? B-Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" nagtatakang tanong ko.

"Halika na," tanging sagot lamang niya.

Naguguluhan na sumunod akong lumabas matapos ko i-lock ang pinto. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta nakasunod lamang ako sa kaniya. Hanggang sa makarating kami sa isang parking area, lumapit ito sa napakagandang motor at sumakay doon.

"Sakay na, i-suot mo 'to." salita nito at abot ng isang helmet sa akin.

"Takot ako sa motor sumakay." salita ko lang ng abutin ko ang helmet, tiningnan naman niya ako ng mabuti.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" malamig ang boses na salita niya.

Kahit nag-aalalangan ako sumakay na rin ako dahil baka magalit pa siya sa akin. Sinuot ko na ang helmet at umangkas na, naiilang pa ako kung saan ako hahawak sa kaniya. Saan ba ako hahawak? Sa bewang oh, sa...?

Hindi ko na natapos ang iniisip ko dahil kinuha niya ang dalawang kamay ko at pinayakap sa bewang niya. Gosh! Biglang pumintig ang puso ko sa pagkakadikit ng katawan namin. Nagulat na may isang malabong imahe ako'ng nakikita. Isang babae at lalaki sa higaan at parehong nakahubad sila... Tapos...

Malakas na napasigaw ako at nabalik sa reyalidad dahil sa mabilis na paandar. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa takot, lalo na kapag sumisingit-singit siya sa mga gilid-gilid at mga alanganin na daan.

Mahigpit ang kapit ko dahil sa takot ko at nakapikit talaga ako, kaya hindi ko namalayan na nandito na kami sa mga bilihan ng mga gamit. Bumaba na ako at sumunod siya, nahihiya na inabot ko ang helmet kasi nga 'yung pagkakayakap ko sa kaniya.

Habang namimili kami ng mga gamit seryoso lamang si Rius sa pagsunod sa mga pinupuntahan ko na gamit. Hanggang sa makarating kami sa mga magagandang kama. Ewan ko ba, parang iba ang pakiramdam paglapit ko dito.

Matapos namin mamili i-dedilever na lang raw ito sa bahay. Pansin ko pa rin ang pananahimik ni Rius hanggang sa paglabas namin, habang na sa biyahe na kami napansin ko na palingon-lingon si Rius sa likod at tumitingin sa salamin.

"Humawak ka ng mabuti, may sumusunod sa atin."

Napahawak naman ako ng mahigpit dahil sa sinabi niya. Hanggang sa makarinig kami ng ilang mga putok ng baril mula sa likod.

"Sino sila? Bakit nila tayo binabaril!? Ayoko pang mamatay!" sigaw ko na salita ko at napapalingon sa likod.

Hindi ako pinansin ni Rius, dahil mas binilisan niya ang patakbo dahil sa kotse na humahabol sa amin. Lumiko ang motor papasok sa isang iskinita at doon mabilis na humarurot ito.

Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa inupahan namin na bahay. Tahimik na pumasok kami sa loob, nagulat na lang ako ng hawakan niya ako sa kamay at hinatak ako papalapit sa kanya. Tumibok na naman ang puso ko dahil dito, titig na titig ako sa gray niyang mata.

"Mag-iingat ka dito at huwag kang magpapasok ng kahit na sino. " seryosong salita nito.

Napansin ko na napatingin siya sa leeg ko, napalunok ako ng laway at nakaramdam ako bigla ng kaba. Kakagatin na ba niya ako? Isip ko kasi ang seryoso ng mata niya.

"Hindi ko alam kung ano ang tunay mo na pagkatao, hangga't hindi ko pa alam 'yun. Dito ka lang sa akin,"

Pakiramdam ko nilamig ang buong katawan ko dahil sa sinabi niya at syempre medyo kinilig na rin.

"Bakit ba? Ano bang mayroon sa akin? Lalo na 'yung mga kumakagat sa akin na bampira, ba't sila namamatay? Posible ba na bampira rin ako?" kinakabahan na tanong ko sa kaniya, ngunit binitiwan niya na ang kamay ko at tumalikod na.

"Nakakainis naman! Lagi na lang siyang lumalayas bigla." inis na salita kong mag-isa.

Lumibot ang mata ko muli sa kabuuan ng bahay, tahimik naman siya at wala namang maingay sa labas. Sumilip ako sa bintana, walang gaanong tao sa labas at maraming sasakyan na dumaraan. Hanggang sa mapadako ang mata ko sa may puno na hindi gano'n kataas, malapit ito sa may court. May nakatayong lalaki na may suot na sumbrero at nakatingin dito banda sa akin.

Nakaramdam ako ng takot, dahil kahit hindi ko gaano nakikita ang mukha niya dahil sa nakatakip ng sumbrero, iba ang pakiramdam ko. Umalis na ako sa bintana. Nag-iisip ako kung ano ang gagawin ko hanggang sa may kumatok sa pinto, tumibok bigla ang puso ko at nag-aalangan na buksan ang pinto.

"Miss, ano ba pangalan nitong babae. Nandito ang mag inorder niyo na mga gamit. "

Nang marinig ko 'yon agad na binuksan ko ang pinto, nakangiting mukha ng may-ari ang nabungaran ko at dalawang lalaki na parehong naka-unidorm na puti. Matapos kong makausap ang nag-deliver, pinasok na itong lahat sa loob.

Hindi ko muna inayos ang iba dahil mas inuna ko ang higaan, balak ko kasing matulog dahil pakiramdam ko napagod ako. Nakatulog naman ako agad at hindi ko na namalayan ang oras, hanggang sa maramdaman ko ang hangin na dumadampi sa pisngi ko. Naramdaman ko rin na parang may nakatingin sa akin.

Pagmulat ko namilog ang mata ko sa gulat dahil nandito si Rius sa higaan at titig na titig siya sa akin.

"R-Rius! Nandito ka pala, p-pasensya ka na nakatulog ako." naiilang na salita ko dahil sa kakaiba na tingin niya sa akin.

"Sige na matulog ka na." salita naman nito at tumayo.

"Hindi na ako inaantok, sandali bakit pala nandito ka?" takang tanong ko dahil palakad-lakad siya at huminto sa labas ng bintana.

Nakita ko na pumikit siya at wari mo'y may malalim na iniisip, matapos 'yun dumilat siya at naging pula ang mata niya at lumingon sa bintana. Napaatras naman ako sa higaan dahil sa natakot akong bigla sa itsura niya.

"Lilipat tayo ulit."

Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya, kakalipat lang nga dito. Lilipat na naman ulit?

"Hindi ka puwede rito lalo na at wala kang kasama. Hindi kita laging mababatantayan," seryosong salita na naman niya.

"Teka nga? Bakit ba kailangan mo akong bantayan, may kukuha ba sa akin?" naguguluhan na tanong ko, dahil hindi ko na talaga alam ang mga nangyayari.

Halos mapasigaw naman ako ng biglang narito na siya sa harap ko, napakapit pa ako sa dibdib ko. Para akong aatakehin sa puso nito.

"Makinig ka na lang sa akin," malamig ang boses na salita nito.

Nalanghap ko naman ang hininga niya kaya napapikit ako, nanunuot sa ilong ko ang amoy na 'yon. Pagmulat ng mata ko sobrang lapit na ng mukha niya sa akin, palapit na ng palapit.

Halos sumayad na ang labi niya sa akin, ngunit bigla siyang tumayo at nakarating agad sa pinto.

"Babalik ako agad, hintayin mo ako." salita lang nito at lumabas na.

Akala ko pa naman makakatikim na ako ng halik ng bampira, masarap kaya humalik si, Rius? Nangingiting tanong ko sa sarili ko.

-------------