AN: Haaay... Ang tagal ko walang update, pasensya na po talaga. Tara kuwentuhan naman tayo 😄 musta mga hollyweek niyo? 😍
========================================
RIUS VALDEZ
Tatlo kaming papunta ngayon sa puntod ni, Bonita. Si Timothy at Duken, habang naghihintay sa aming pagbabalik ang ibang mga kalahi namin sa mansyon.
Natigilan ako gayundin ang dalawang kasama ko sa sirang puntod na pinaglagyan ko sa katawan ni, Bonita. Pumikit ako at inalam ang pangyayari habang kami 'ay wala dito, ito ang isa sa mga espesyal na kakayahan ko na ilan lang ang mayroon nito. Kaya kong makita ang pangyayari sa mga lugar kahit na saan pa man ito.
Nanlilisik ang mga mata at naramdaman ko ang pagbabago nang kulay ng aking mga mata, dahil ang walanghiyang prinsipe na anak nang isang taksil na kalahi nang mga bampira ang may gumawa at kumuha sa katawan ni, Bonita.
"Rius! Kailangan mo makuha si, Bonita! Dahil, pinagdadala niya ang iyong anak!"
Napalingon kami pareho sa biglang dumating na si, Sergio. Lalo na sa kaniyang sinabi.
"Anong ibig mong sabihin? Paanong magkakaanak sila ni, Bonita?" naguguluhan na tanong ni, Timothy.
Samantalang nagbalik sa hinahon ang galit na galit kong pakiramdam dahil sa aking nalaman mula kay, Sergio.
"Ibig ba sabihin nito nagbunga agad ang kanilang pag-iisa nang katawan?" hindi makapaniwalang turan naman ni, Duken.
"Tama kayo, kaya kailangan natin mabawi ang katawan ni, Bonita. Dahil baka kung ano ang gawin ni prinsipe Dexter, sa kaniya." Muling wika ni, Sergio.
Matapos magsalita nito 'ay mabilis na kumilos ako upang puntahan agad ang lugar ni, Dexter. Nagsunuran naman sila sa akin sa mabilis na pagkilos ko, hindi nagtagal ay nakarating kami kung saan ang lugar nang prinsipe.
"Anong maipaglilingkod ko sa inyo-"
Hindi ko na pinatapos magsalita ang prinsipe dahil malakas na sinuntok ko agad ito, tumalsik ito papunta sa di kalayuan na pader. Naglabasan naman ang lahat ng mga alagad nito, kabilang na dito ang tagapangalaga nito na si, Leandro.
"RIUS! LAPASTANGAN KA! Prinsipe ang iyong kinakalaban!" malakas na salita ni, Leandro.
Tiningnan ko ng masama ito pati na ang mga alagad nila na mga nakahanda sa oras na laban.
"Rius, umalis na muna tayo dito. Marami sila hindi natin sila kakayanin,"
Nilingon ko lang sila at ngumiti ng mapang-uyam. "Wala ba kayong tiwala sa inyong mga kakayahan?" seryoso na wika ko.
"Umalis na kayo rito dahil wala kayong mapapala."
Tiningnan ko ng tuwid si Dexter, nandito na siya ngayon malapit sa akin.
"Hindi ikaw ang pinunta ko dito, mabuti pang ibigay mo na sa akin si, Bonita." Mahinahon na turan ko.
"Nagpapatawa ka ba? Nasa akin na siya kaya wala ng puwedeng kumuha sa kanya, dahil pag-aari ko na siya," nakangisi na wika nito.
Humakbang ang paa ko habang hindi ko inaalis ang paningin ko sa kaniya. "Walang ibang nagmamay-ari sa kaniya kung hindi ako lamang," tiimbagang sagot ko, tumawa naman ito ng nakakaloko.
Naramdaman ko naman na lumapit sa akin ang tatlo ko na kasama.
"Nakahanda na kami sa kung ano man ang mangyayari, basta ipangako mo na mabubuhay kayong dalawa ni, Bonita."seryosong wika ni, Timothy.
Tumango lang ako sa kaniya at mabilis na sumugod na kami sa mga nakaharang na tauhan nang prinsipe. Bawat humarang sa aming daraanan ay nagiging apoy at bigla na lang naglalaho, binabalian ko naman ng mga ulo ang mga sumusugod sa akin at humaharang.
Napansin ko naman na pumasok sa may pinto si Dexter at Leandro, mas binilisan ko pa ang kilos ko. Sumenyas naman sila sa akin na sila na ang bahala at mauna na ako sa pagpasok sa palasyo.
Pagpasok ko sa malaking pinto kusa itong nagsara at biglang lumiwanag ang paligid, nakita ko sa may pinakadulo kung saan nauupo ang hari na ngayon 'ay nandoon si Dexter nakaupo.
"Maligayang pagbabalik sa aming palasyo, Rius Valdez. Isang mortal na naging immortal na bampira, sa tingin mo ba dahil lang sa pinatay mo ang isa sa pinakamalakas na bampira, ay isa ka ng bayani? O isang napakapagaling na bampira, ganon ba, Rius Valdez?" nakakalokong salaysay nito.
"Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo ang gusto ko lang ibalik mo sa akin si, Bonita." seryosong saad ko at tiningnan ko siya ng diretso.
Tumayo naman siya sa kaniyang kinauupuan at kasabay ng paglabas ni Leandro kasama si, Elizabeth. Tulak-tulak nila ang isang higaan na yari sa narra at nangingintab ito dahil sa bagong pinta lang siguro. Nakahiga doon si Bonita, mabilis na kumilos ako upang lapitan ko ito ngunit bigla akong tumalsik.
Nanlilisik ang matang tiningnan ko si, Leandro. Nginisahan naman ako ng prinsipe dahil sa pangyayari.
"Kahit anong lakas mo, tatlo kaming nandito. Hindi mo kami basta- basta mapapatay, isa ka lang na hangal na imortal!"
Malakas na wika ni Dexter, tiningnan ko lang siya nang mapang-uyam.
"Pareho lang tayo na walang purong dugo ng isang bampira, ngunit alam naman natin kung hanggang saan ang kaya ko at kaya mo lang." sagot ko lang na kinatigil niya at kinasama ng kanyang mukha.
Bigla itong sumugod sa akin at sunod-sunod na pinagsusuntok ako, pero lahat ng ito 'ay nailgan ko lang. Pinakawalan ko siya ng isang malakas na suntok kaya naman tumilapon siya papunta sa kanyang upuan.
Sumugod rin naman sa akin si Leandro, humanda naman ako dahil kaya rin niyang mag-control ng mga bagay-bagay at pag-iisip. Gamit ang kamay ko binuka ko ang palad ko papunta sa kanyang direksyon at may kung anong kapangyarihan ang lumabas doon kaya tumalsik siya palabas ng palasyo.
"Tumigil ka! Kung hindi 'ay mamatay ang batang nasa sinapupunan niya!"
Natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakatutok na patulis ang kamay ni Elizabeth, sa may bandang puson ni, Bonita.
"Huwag mo iyan gagawin!" Sigaw ko at napatingin ako sa natutulog lang na si, Bonita.
Naramdaman ko naman ang biglang pagsakal sa akin mula sa likuran at walang iba kung hindi ang prinsipe.
"Ngayon, mamimili ka? Mamatay ka o mamatay sila? Ngunit alam ko naman na mas pipiliin mo na mamatay ka. Pero bago ang lahat ng iyan, ipapasa mo muna sa akin ang lahat ng kakayahan mo."
Matapos ko marinig ang sinabi niya muli akong sumalyap sa natutulog na si, Bonita.
"Mamatay ako pero hindi mo makukuha ang kakayahan na mayroon ako. Dahil alam ko naman na gagamitin mo lang ito sa masama!" Malakas na tanggi ko at pumihit ako paraharap sa kaniya at tinapat ko ang palad ko sa tiyan na kinasigaw nito.
Napaluhod ito habang kapit ang kaniyang tiyan habang umuusok ito, nanlalaki naman ang matang nakatutok lang sa akin ang mga mata ni, Elizabeth.
Mabilis na nakarating ako sa higaan ni Bonita, inangat ko ang katawan nito at hinagkan ko ang noo nito. Dinama ko naman ang puson nito na naglalaman ng aking anak, halos maluha ako sa kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman simula na maging bampira ako.
Napaangat naman ako ng tingin nang magdatingan na ang mga kasama ko, tiningnan nila ang nag-iibang katauhan ng prinsipe na unti-unting nasusunog. Galit ang bumalatay sa mukha ni Leandro, ngunit alam niya na mas lalo wala na siyang laban dahil wala na ang kanilang panginoon.
"Rius! Ngayon na ang tamang oras upang gawin mo na."
Napako naman ang mata ko 'kay, Duken. At muling sinulyapan ang natutulog na si, Bonita.
"Ngunit, Duken. Hindi kaya, hindi na kailangan pa ni Rius na kagatin si, Bonita? Dahil sa tingin ko ang batang nasa sinapupunan niya ang nagbibigay buhay sa kaniya." singit na paliwanag naman ni, Timothy.
"Hindi pa rin natin alam kung ano ang mangyayari habang nasa sinapupunan ni Bonita ang bata. Ngunit, paano kung sa paglabas na bata 'ay siyang katapusan ni, Bonita?" Paliwanag naman ni, Sergio.
Naguguluhan naman ako sa kanilang mga pinag-uusapan, pero isa lang naman ang gusto ko. Ang mabuhay sila pareho ng anak ko kahit maging kapalit ng buhay ko pa ito. Tiningnan ko mabuti ang mahimbing at payapang mukha niya, at nabuo ang desisyon ko na kakagatin ko na si, Bonita.
Mga natahimik ang lahat sa nakitang balak kong gawin, hanggang sa lumapit na ang bibig ko at naglabasan ang dalawang matutulis na pangil ko. Dahan-dahan itong bumaon sa leeg ni Bonita, nakarinig pa ako ng isang pagkawala na boses na tila nalunod at ngayon lang nabigyan ng hangin.
Nalasahan ko ang dugo ni Bonita, mas lumalim pa ang ginawa ko hanggang sa narinig ko ang boses niya.
"R-Rius," mahinang sambit nito.
Napangiti ako at dumampi ang palad ko sa pisngi niya ngunit hindi pa ito nakakasayad, nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib. Hanggang sa bumagsak ako at kapit-kapit pa rin ang dibdib ko, narinig ko ang sunod-sunod na pagtawag ni Bonita, gayundin ang iba na kasama ko.
"Rius! Rius!"
Biglang nagdilim ang pangin ko at hindi ko na makita si, Bonita. Pakiramdam ko rin nanigas ang buong katawan ko dahil hindi ko na ito maigalaw.
Bonita... Bonita....
--------------