Chapter 19 - CHAPTER 18

AN: Sanay sa pagtatapos nito ay muling ninyong abangan ang anak ni Bonita At Rius... Soon po ilalabas ko siya. 😊Maikling chapter lang po talaga ito dahil itoy sinali ko lang sa isang club. Lahat ng mga nangyayari dito ay pawang imahinasyon at sariling gawa lang.

-----------

BONITA P.O.V

MASAKIT pa ang matang pilit na minulat ko ito dahil tila ba ang tagal na niyang nakapikit. Pagdilat niya ay walang tao dito sa kuwarto, kaya pilit na tumayo siya.

Lumabas ako ng kuwarto dahil sa narinig ko ang ingay mula sa labas, pagtingin niya ay napalingon ang lahat sa kanya sa may pinto. Hindi ko alam dahil nagulat pa sila pagkakita sa akin, napansin ko si Rius na naglalakad habang akay ang isang batang lalaki.

"Bonita."

Sambit nito sa pangalan niya at mabilis na naglakad palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. Nahihiwagaan naman ako sa kilos ni Rius, dahil alam ko kagabi lang ako nanganak at nakatulog nga.

"Mabuti at nagising ka na akala ko mas matagal na panahon ka pa magigising."

Mas lalo naman siyang naguluhan dahil sa sinabi nito at napansin niya ang batang lalaki na napaka-gwapo. Nakatingin siya at biglang ngumiti sa akin.

"Mama."

Dito biglang lumukso ang dugo niya at biglang nagbalik yung alaala na nanganak siya at pakiramdam niya bigla siyang nahilo.

"Bonita, sandali."

Binuhat siya ni Rius at dinala sa loob sinadal sa sopa.

"Nahihilo ako, pero sandali sino ang bata na 'yon? Bakit tinawag niya akong mama?"

Hindi makapaniwalang tanong niya kay Rius, nakatingin naman sa kanya si Timothy at Sergio na parehong nakatayo lang. Habang yung batang lalaki ay lumapit sa kanya.

"Mama, hinintay ko ang paggising mo lagi kitang kinakausap habang tulog ka."

Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng tuwa dahil sa sinabi nito ngunit naguguluhan pa rin siya.

"Bonita, simula ipanganak mo ang anak natin at mawalan ka ng malay. Iyon na ang simula ng pagkatulog mo ng ilang taon."

Napatitig naman siya kay Rius na humaba na ang balbas at bigote nito ngunit bumagay pa rin ito sa kanya. Kunot noong muling tiningnan ang bata.

"Ilang taon ba akong nakatulog?"

Naiiyak na wika ko at hinawakan ang bata dahil kahit hindi pa nila sinasabi pakiramdam niya sa puso niya.

"Halos magpipitong taon na at hindi namin ito inaasahan, dahil ang alam namin. Higit daan taon ka pa magigising."

Muling wika ni Rius ngunit wala na ito sa isip niya dahil hinatak na niya ang bata at dinala sa dibdib niya.

"Anak, Cross. Cross Valdez."

Nakangiting sambit ko at napansin ko ang pagkabigla ni Rius habang nakatingin sa kanya.

"Isa ka ng ganap na bampira, Bonita. Ang mga mata mo nagbago ang kulay, ngayon may pangalan na ang anak natin."

Nangingiting sabi ni Rius habang hinihimas ang buhok ng anak.

"Gusto ko ang pangalan ko mama, Cross, Cross."

Sambit ng maliit na boses nitong anak niya na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap. Naguluhan man siya sa nangyari ay hindi na lang niya pinahirapan ang sarili, yon nga lang malaki na agad ang anak niya.

"Rius, may sasabihin ako sa'yo."

Sabay na napatingin kami kay Sergio na seryosong nagsalita at sumenyas na lumabas muna. Nagtaka man siya ay hinayaan na lang dahil dinadama pa niya ang yakap ng anak.

"Na-miss kita anak ko, sayang at hindi ko man lang nasaksihan ang paglaki mo."

Wika ko dito habang hinihimas ang magandang buhok nito.

"Kamukhang-kamukha niyong dalawa ang anak niyo at hindi na ako magtataka kung mamana niya ang ugali rin ng ama niya."

Nangingiting ani ni Timothy na nandito pa pala, nagpaaalam naman ito na lalabas muna.

"Anak, Cross your heart na magiging mabait at mabuti ka ha?"

Muling sambit niya dito at tumango naman ito.

"Sinasama ako minsan ni papa na mangaso sa kagubatan at tinuruan niya ako mama makipaglaban. Para daw kapag may bad na umaway sa akin ay kaya kong ipagtanggol ang sarili ko."

Mahabang wika nito at napatango na lang siya, ayaw niya sana na may matutunan pa ito. Dahil gusto niya maging normal itong mabuhay, pero tama rin naman si Rius.

----------

"Bonita, darating na pala ang ika-pitong taon ng anak natin. At hindi ko alam kung tama ba ang pakitain na nakita ni, Sergio."

Natigilan siya matapos niyang tabihan ang nakatulog na anak. Tinignan niya mabuti si, Rius.

"B-Bakit, ano sabi ni Sergio?"

Tila kinakabahan na tanong niya pero parang ayaw na muna niya marinig sana.

"Sa araw mismo ng kaarawan ni Cross. Susugod ang mga kataas-taasang opisyal ng mga bampira, dahil nakita daw sa propesiya ang isang banta para sa isang batang lalaki na magdidiwang ng kaarawan ng ika-pitong taon."

Mahabang paliwanag nito at naiiling na napailing siya at tumayo, yumakap siya kay Rius.

"Marami ang batang magdiriwang ng kaarawan, baka hindi naman ang anak natin 'yon. Ayokong magulo na ang buhay tama na 'yung mga masasamang nangyari sa atin. Ayoko na maranasan ng anak natin 'yon."

Umiiyak na ani ko at naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Rius at hinagkan ako sa noo.

"Kung ganon man ang mangyari hindi ko hahayaan na may mangyari masama sa ating anak. Mahal na mahal ko kayo,"

Wika nito at naglapan ang labi namin at nagtagal rin ito bago kami naghiwalay.

"Siya nga pala sa sunod na linggo na ang kaarawan niya, kailangan natin paghandaan ito. Pero bago iyon ay may sopresa ako sa'yo mamaya."

Napaangat naman ang mukha niya dito at nagtatanong ang mga mata, ngunit ngumiti lang ito.

Gabi ng alas onse ay nagpuntahan ang ibang kagnak nila na mga bampira at ilang mga bantay ang mas dumami pa dito. Hindi pa rin niya alam kung ano ang meron, nandito siya sa harap ng salamin at kakatapos lang niyang maligo.

Naka-bathrob pa siya at napansin niya na mas lalong nag-glow ang kutis ng balat niya. Ang labi niya na parang mas namula kahit walang lipstick, pakiramdam nga niya ang ganda-ganda niya ngayon.

Hanggang sa may pumasok sa pinto at inuluwa nito ang anak na si Cross, may dala itong medyo may kahabaan na box. Tumayo naman agad siya dahil baka nahirapan ito.

"Sandali anak, bakit ikaw ang pinagdala nito?"

Nag-aalalang wika niya pagkakuha sa dala nito, ngumiti naman ito at mas lalong naging gwapo ito.

"Ako nagsabi na magdala niyan sayo ma. Gusto ko kasi makita ang maganda kong ina."

Matamis ang ngiting sagot nito na kinangiti niya dahil nahihiwagaan naman siya sa paraan ng pananalita nito. Parang malaking tao na.

"Ikaw talaga anak bata ka pa bolero ka na ah? Baka mamaya kapag naging binata ka marami ka maloko ka, bad yon. Ah?"

Nakangiting pangaral niya umiling naman ito ng sunod-sunod at biglang lumabas ng pinto. Nailing na lang siya at tiningnan ang nasa loob ng box, at napahwak siya sa bibig niya dahil isa itong wedding dress, simply lang pero ang ganda sobra.

-------

Halos maluha-luha ako sa paglabas ko ng pinto ay may red carpet at mga petals na roses puti ito at pula, at si Tandang Gani ang narito na nakasuot ng maayos ngayon.

"Halika na hija, kanina pa naghihintay ang mapapangasawa mo naiinip na 'yon."

Napatango na lang siya at pilit na pinipigilan ang luha na bumagsak dahil kasal na pala ito. Hindi naman ganon karami ang bisita kaya kahit paano nawala ang kaba niya.

Sa pinakagitna ng hardin dito sa malawak na espasyo sa mansyon ni Rius ginanap ito. Katabi nito si Timothy at ang gwapo ng mapapangasawa niya lalo dahil nag-ahit ito ng bigote at balbas.

Habang ang anak nila na gwapong-gwapo rin sa suot nito kagaya sa ama na americana na itim. Tuluyan ng bumagsak ang luha ko na nakingiti hanggang sa abutin na ni Rius ang kamay ko.

"Huwag kang umiyak ang ganda pa naman ng mapapangasawa ko ngayon."

Napangiti ako lalo at pinahiran ang luha gamit ang kamay.

"Kasi naman hindi ko ito expect, talagang ikakasal na tayo ngayon? Magiging asawa na kita?"

Ani niya dito kay Rius na todo ang pagkakangiti at tumango-tango sa kanya. Yumakap siya dito dahil hindi niya mapigilan ang saya.

Matapos ang may kahabaan na seremonyas ay itinalaga na sila ay mag-asawa na. Nag-uumapaw sa kaligayahan ang nararamdaman niya at ramdam niya na ganon rin si Rius at ang mga nakasaksi.

"Binabati ko kayo mama at papa."

Bati naman ng anak namin na si Cross, yumukod naman siya at hinagkan ito sa noo.

"Salamat anak."

Wika niya dito at muling sinulyapan ang asawa at hinalikan siya nito ng pagkatagal-tagal.

----------

Matapos ang masayang selebrasyon ng kasal namin ni Rius, namuhay kami ng payapa. At dumating na nga ang kaarawan ng anak namin na si, Cross.

"Cross, Anak. Happy Birthday!"

Masayang bati ko sa kanya pagkapasok sa kuwarto niya at tila nagulat pa ito pagkakita sa kanya.

"S-salamat ma."

Inaantok pa na sagot nito na nakadag-dag gwapo dito. Pinupog ko siya ng halik sa pisngi habang inaawat niya ako na tama.

"Ok, i love you anak. Cross... Cross your heart na magiging isang mabuting bata ka at kailan man ay hindi magiging masama."

Seryosong wika ko sa kanya at tiningnan naman ako nito.

"Promise ma!"

Masiglang sagot nito at yumakap sa kanya.

"Mamaya darating si Tito Timothy mo at Tito Sergio. May gift sila sa'yo at 'yung sa akin ito naman."

Ani ko at kinuha ko sa bulsa ang kuwentas na may picture namin ni Rius. Nakaukit doon sa ibabaw ang buong pangalan niya, sinuot niya ito sa leeg ng anak.

Nakita ko naman ang tuwa sa mga mata niya habang tinitingnan mabuti ang pindant na bilog at purong ginto ito.

"Salamat po ma, iingatan ko po ito."

Nakangiting sagot nito at hinalikan niya ito sa noo.

"Ok sige, maligo ka na at may konting niluto si mama ng mga pagkain saka ang cake mo."

Pisil niya sa pisngi nito at nagtatakbo na ito papunt sa c.r, napansin naman niya si Rius na nakatayo pala sa may pinto.

"Ikaw pala."

Wika ko at lumapit sa kanya at hinagkan siya sa pisngi, pansin niya na malalim ang iniisip nito.

"Mukhang malalim ang iniisip mo? Ano ba yon?"

Tanong niya dito at bigla siyang niyakap ng mahigpit.

"Nasa isip ko pa rin kasi hanggang ngayon 'yung sinabi ni Sergio."

"Yon ba? Huwag na natin iyon alalahanin dahil alam kong hindi yon mangyayari. Saka kung mangyari man 'yun hindi ako papayag na may gawin silang masama sa anak natin."

Seryosong sagot ko at napatango na lang siya sa akin.

--------

Masaya kaming nagtipon-tipon sa labas ng bahay kasama ang ilang mga kakila. Masaya naman niyang pinagmamasdan ang anak na busy sa pagtanggap sa mga regalong binigay sa kanya.

"Nasaan na ang anak natin?"

Napalingon siya at nakita ang asawa na may dalang cake at may kandila na hindi pa nasisindihan.

"Sandali tatawagin ko ilagay mo muna yan sa table."

Sagot ko at pinuntahan si Cross at hinawakan niya ito sa kamay upang dalhin doon sa lamesa kung saan doon nakalagay ang iba't-ibang klase ng mga pagkain. Naroon na rin ang iba upang saksihan ang birthday cake ng anak nila.

"Happy Birthday Cross!"

"Happy Birthday Cross!

"Happy Birthday Cross!"

Bati ng lahat at sinindihan ng asawa ko ang kandila upang hipan na ito ng anak namin. Dahan-dahan ang paglapit ng anak namin dito sa kandila at bago niya ito hipan ay nakita niya na pumikit ito at mayamaya'y dumilat. Marahil ay humiling ito, matapos iyon ay hinipan na niya ito ngunit biglang may kung anong sumabog malapit sa amin.

Nag-atrasan ang lahat mabilis na hinawakan ko naman ang anak ko at humarang sa kanila si, Rius.

"Antonio Dumitri."

Sambit ni Rius dito sa lalaking nasa pinakagitna ng isa-isang naglapagan sa lupa ang mga paa nila. Marami sila at hindi niya mabilang kung ilan at lahat ng mga ito ay mga nakaitim.

"Ang mga opisyal!"

Napalingon siya sa winika ni Sergio, napansin niya na parang magkakainitan.

"Kamusta Rius Valdez, pati na rin sa asawa at anak mo. Alam mo naman siguro kung bakit kami narito? Ang hindi ko lang gusto ay ang lihiman mo ako lalo na sa sinilang mong anak na Demonyo!"

"Hindi! Hindi demonyo ang anak ko!"

Malakas na sigaw ko dito at wala siyang pakialam kung sino man ito dahil hindi siya papayag na tawagin ang anak niya ng ganon.

"Lapastangan!"

Bigla siyang tumalsik kasama ang anak sa pader at hindi niya alam kung sino ang may gawa non.

"Itakas mo na si Cross, bilisan mo!"

Sigaw ni Rius sa akin ngunit naguluhan siya at nakita niya na kanya-kaniya na silang sagupaan at laban.

"Umalis na kayo!"

Muling sigaw ni Rius sa amin, naiiyak na tumayo ako dahil ayoko siyang iwan. Ngunit ginawa ko na lang hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng anak na hindi nagsasalita.

Mabilis ang kanilang takbo habang karga ang anak, kaya na niyang tumalon at tumakbo ng mabalis dahil bampira na rin siya. Napalingon siya ng may makitang may tatlong sumusunod sa kanya. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo at pag-akyat sa mga puno.

Ngunit may humampas sa akin na kung anong bagay at gumulong kami, at paghinto nabitwan ko si Cross.

"M-Mama..."

Tumayo siya ng pilit upang muling hawakan ang anak na parang naiiyak na, ngunit biglang may humatak sa braso ko at tumilapon ako. Muli akong tumayo at bawat sugod nila ay tinutulak ko sila at sinusuntok. Hanggang sa makalapit ako kay Cross na tulala ngayon.

"A-Anak, Cross. Makinig ka sa mama, tumakbo ka na at lumayo dito. Magkikita tayo, tandaan mo iyan ah?"

Naiiyak na sambit ko habang hawak ang balikat nito umiiling naman ito at umiiyak na.

"Sige na Cross, ayokong may mangyari sayong masama. Gusto ko mabuhay ka, naiintindihan mo ba? Ingatan mo ang sarili mo."

Muling sambit ko at naramdaman ko muli ang kalaban. Muli silang sumugod sa akin dahil balak nilang kunin ang anak ko at hindi ako papayag. Halos sumuka na ako ng dugo sa bawat atake nila, nilingon ko ang anak ko na umiiyak pa rin.

"Umalis ka na Cross!"

Muling sigaw niya at bigla itong napatakbo, dinig niya ang boses nito habang tumatakbo. Sinasambit ang pangalan nila ni Rius.

"Mag-iingat ka anak, Cross. Mahal na mahal ka namin."

Piping sambit niya at binigay niya ang buong lakas sa laban.

The End...

----------

Abangan niyo po ang story ng anak nila na si Cross Valdez The God Demon... ❤❤❤