AN: Maraming salamat sa dumadag-dag na mga readers ko, sobrang natutuwa po ako at muling ginaganahan na magsulat dahil sa inyo. 😊😊
-----------------------------------------------------------------------
Rius Valdez
Matapos ang huling palaro sa pagitan ng mga alaga nang mga mafia, iniwan ko na ang mga tauhan ko na mga bampira habang nagpapakasaya sa maraming dugo.
Pero ang hindi ko inaasahan sa pagbalik ko sa mansyon ko, nawawala na naman si Bonita.
"Boss, hindi namin alam kung paano nakatakas 'yung babae." paliwanag nang isa kong tauhan.
Naningkit naman ang mata ko kaya hinawi ko lang ito at tumalsik na palabas papunta sa may hardin.
"Mga wala kayong kuwenta! Ano ba ang ginagawa niyo?" Singhal ko sa lahat dahil mga nakapalibot sila sa akin ngayon.
"Boss! Hind-"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nang isa ko pa na tauhan, dahil mabilis na nakalapit ako sa kaniya at dinukot ko ang puso niya. Matapos 'yun sa isang tingin ko lang nasunog ito na at naging abo.
"Rius, hanapin na lang nati si, Bonita. Mauubos tauhan natin kapag sa kanila mo ibubunton ang galit mo."
Lumingon ako sa likod at prenting nakaupo lang si Serio sa sopa, tiningnan ko siya ng masama. Yumuko naman siya, hindi ko na pinansin at mabilis na nakalabas na ako ng mansyon.
Diretso ako sa parking area kinuha ko ang mamahalin ko na motor, pinaharurot ko na ito sa kalsada. Alam ko na sa Maynila na si Bonita at nararamdaman ko 'yon. Kailangan ko siyang makita dahil baka makita siya ni, Dexter.
Habang sobrang bilis ng paandar ko nakita ko ang paparating na truck, hinintay ko na umiwas ito dahil hindi ko ugali na ako ang iiwas sa daanan. Ngunit nagulat ako dahil hindi ito umiwas huli na para umiwas ako at gamitin ang kakayahan ko, dahil tinatago ko ito kapag may mga tao akong nakakasalamuha.
Lumipad ang motor ko kasama ako at tumilapon ako sa di kalayuan, habang ang truck naman ay bumangga sa bahay sa may gitnang palayan.
Naglabas ang mga ilang tao na nakatambay sa palayan at tiningnan ang pangyayari. Mabilis na bumangon ako at tinayo ko ang motor ko ulit, narinig ko naman ang mga bulung-bulungan ng mga tao. Dahil hindi sila makapaniwala na tumayo ako ulit at muling pinatakbo ang motor.
"Ano'ng klaseng tao 'yun? Nakita natin na tumilipon siya kasama ng motor niya. Ngunit parang walang nangyari sa kaniya,"
Narinig ko pa na salita ng isang matandang lalaki, nagpatuloy na ako sa pagpatakbo at ilang saglit lang na sa Maynila na ako. Ito ang pangalawang pagkakataon na tatapak ako rito at baka matagalan na ako rito, dahil kailangan ko mahanap si Bonita. Tinabi ko muna ang motor ko sa parking area upang simulang maghanap.
Tahimik na naglalakad ako at pinagmamasdan ko ang bawat taong nasasalubong ko. Hanggang sa madaanan ko ang iskinita, narinig agad ng tenga ko ang mahinang kumosyon sa kung saan.
"Tol! Wala naman ganyanan, dapat hating kapatid tayo. Hating mandurogas ang ginagawa mo."
Nang marinig ko ang boses na 'yon bigla ako'ng may naalala. Damien? Bigkas ko at mabilis na pumasok ako sa loob ng iskinita. Naabutan ko na nakatutok ang baril dito sa lalaki na kahit tumanda na ang itsura, hinding-hindi ko makakalimutan.
"Mga brad, baka naman puwedeng pag-usapan yan?" salita ko at mga napalingon sila.
"At sino ka namang pakilamero ka!? Gusto mo ba na ikaw na ang unahin ko?" Nakangising salita nitong may hawak na baril.
Napansin ko naman si Damien na hindi makapaniwala habang pinagmamasdan ako. Habang tulala siya sinamantala ko ang pagkakataon, ginamit ko ang bilis ko upang makalapit sa dalawang lalaki na kausap nito at kinuha ko pareho ang baril nila.
"S-sandali? Paanong napunta sa'yo ang mga baril namin?" Nagtataka at namumutlang tanong nang isa.
"Rius, ikaw ba yan?"
Narinig kong wika ni Damien sa likuran ko.
"Boss, nagbibiro lang kami. Aalis na talaga kami, Damien ito na ang parte mo." pilit ang ngiting salita ng isa at hinagis 'kay Damien ang dalawang bundle ng pera.
Mabilis na nagtakbuhan ang dalawa, hinigis ko naman sa malayo ang dalawang baril na nakuha ko. Humarap naman ako 'kay Damien na may nakakalukong ngiti.
"Pareng, Damien. Kamusta na?" Nakangising tanong ko.
Napapangiti naman ako sa itsura niya dahil dalawang pung taon rin kaming hindi nakita. Bente sais ako ng mga panahon na 'yon at bente otso naman si Damien.
"P-Pare! I-Ikaw nga!" Hindi makapaniwalang wika nito at biglang yumakap sa akin.
"Ako nga at wala ng iba." sagot ko lang habang nangingiti.
"Mukhang big time ka na ngayon ah, at isa pa bakit ka ba nawala matapos ang kasiyahan natin noon? At... Sandali nga? Bakit parang hindi ka tumanda, wala kang pinagbago at mas lalong naging magandang lalaki ka."
Namimilog ang matang titig na titig si Damien sa itsura ko, hinayaan ko na lamang siya.
"Nagpa-belo ka ba? Walangya! Samantalang ako, ito nag-uumpisa ng kumulubot ang balat ko. Tapos ganito pa rin ang hanap buhay, small time pa ang mga lakaran ko." malungkot na wika nito at sinuk-sok ang kamay sa dalawang bulsa ng kupas na pantalon nito.
"Gusto mo ba na bumalik ang dating ikaw noon? Puwede ko naman gawin 'yon. Habang buhay na 'yun at wala ng magbabago pa." nakangiti at makahulugan na salita ko.
Napatingin naman siya sa akin na may halong pagtatanong at hindi makapaniwala. Mayamaya'y bigla itong tumawa ng malakas.
"Pare, tara doon muna tayo sa bahay at mag-inuman tayo. Kailangan nating i-celebrate ang muling pagkikita natin, at isa pa marami ako'ng ikukuwento sa iyo." naiiling na salita nito at inakay na ako.
Sumunod na lang ako at nawala sa isip ko ang paghahanap 'kay, Bonita. Tanda ko pa kung saan nakatira si Damien ngunit marami na rin ang nabago sa lugar nila. Marami ng malalaki ang bahay at hindi na gaano mabasura ang daan.
"Gumanda na dito, hindi tulad noon na talagang eskwater ang dating." salita ni Damien habang naglalakad.
Pagdating namin sa bahay nila, pansin ko na walang pinagbago sa dati, dahil dito kami madalas mag-inuman noon.
Naiwan akong mag-isa dahil bibili raw siya ng alak, napaisip ako puwede ba sa akin ang karaniwang alak ng mga tao? Sanay akong uminom noon, pero iba na ngayon dahil iba na ang katauhan ko.
"Pare, dahil may pera ako ngayon. Pangmayaman tayo, redhorse." masayang salita ni Damien pagpasok sa pinto na konti na lang ay masisira na.
Matapos maiayos ni Damien ang mga gagamitin namin nagsimula na siyang magsalin ng alak. Hanggang sa ako na ang tinagayan niya, matagal na tiningnan ko ang baso na halos mapuno ng redhorse.
"Pare, ayaw mo ba ng redhorse?" Nagtataka na tanong nito.
"Hindi naman ngayon lang ulit ako iinom ng ganito." sagot ko lang at inilapit ko na sa bibig ko ang baso, nilagok lahat at hindi nagtira.
Nakaramdam ako ng pag-init sa buong katawan ko.
"R-Rius, b-bakit nagiging kulay pula ang mata mo?" Hintatakot na tanong ni Damien.
Nagtataka na tiningnan ko naman siya dahil hindi basta-basta nagiging pula ang mata ko.
"N-nawala na siya," nauutala na sambit nito. "Baka namalikta lang siguro ako, akala ko katulad sa napapanood ko na namumula bigla ang mata. Dahil bampira sila," natatawang salita nito at muling nagsalin ng alak.
"Paano kung sabihin ko sa'yo na... Bampira talaga ako?" seryoso na salita ko.
Nahinto naman si Damien sa pagsalin at dahan-dahan na muli akong tiningnan, binago ko ang mata ko at unti-unti kong nilabas ang pangil ko. Nakita ko naman ang panlalaki ng mata nito na akala mo 'ay natuklaw ng ahas at bigla na lang bumagsak sa sahig.
Lumipas ang minuto ay bigla itong nagising at titig na titig sa akin.
"Pare, huwag kang matakot. Wala naman ako'ng gagawin sa'yo at isa pa ako pa rin ito si, Rius." maayos na paliwanag ko.
"Huwag mo ako kagagatin, mahal ko pa buhay ko kahit wala ako'ng pamilya."
Salita nito at hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o seryoso, hindi ko na lang siya pinansin. Kinuha ko ang baso at tinungga ang laman niyon.
"Naging pula na naman mata mo, ang galing parang christmas light lang. Pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ganyan ka na, tapos kainuman pa kita?" naiiling na salita nito na napapangiti.
"Mahabang kuwento at malalaman mo rin 'yan, oo nga pala nasaan na si, Carlo?" salita ko at hanap ko sa isa namin na kasama noon.
"Si, Carlo? Tatlong araw palang noong nilibing siya, tinira ng mga bata ni Rudy." malungkot na sagot nito.
Napaisip naman ako bigla at medyo nagulat dahil sa namatay na pala si, Carlo.
"Kailangan ko tulong niyo ni Carlo." sagot ko lang.
Nakita ko naman na natigilan si Damien, nabasa ko naman iniisip niya at napapangiti na lang ako.
"Damien, huwag mo isipin 'yon dahil hindi naman kita gagatin hangga't hindi ka pa handa." salita ko kinagulat niya.
"Oo, nga pala ang mga bampira nababasa nila ang isip ng kausap nila. Parang gusto ko na tuloy maging katulad mo." bigkas nito habang nakatingin sa baso.
"Puntahan mo natin kung saan nakalibing si, Carlo. Bubuhayin ko siyang muli at magiging buong samahan ulit tayo." seryoso na salita ko.
Napapatangon na lang si Damien habang nagsasalin muli ng alak sa baso.
"May hinahanap rin ako'ng babae at hindi ko siya basta mahahanap agad, dahil hindi ko siya maamoy. At hirap ako'ng maramdaman kung na sa malapit na siya." muling salita ko ulit, napatingin naman sa akin si Damien.
"Nanibago ata ako sa'yo, dati ikaw ang hinahanap ng mga babae. Ngayon ikaw na naghahanap sa babae, ang swerte naman ng babae na 'yon. Sandali, maganda ba?" natatawang tanong ni Damien.
"Ayos lang," sagot ko lang.
-----------