Chereads / DRAGON KNIGHT GANG / Chapter 27 - The Necklace

Chapter 27 - The Necklace

Kasalukuyan kaming nasa clinic ngayon at pinaghanda na ako ng pagkain ni Flame. Dumating kanina si Mitch na dala-dala ang tray ng food, di naman ito nagtagal at umalis siya kaagad.

Nakaupo ako ngayon sa clinic bed na parang estatwa. Nerbyos at kaba ang nararamdaman ko dahil sa presensya si Flame. Kahit pawis ay ayaw ng lumabas dahil sa takot.

"C.R. muna ako." Mahina kong wika. Mabilis akong napatayo at dali-daling tumakbo papuntang restroom na para bang may multong humahabol sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok ako ng restroom. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik. Sa wakas, nakawala rin ako sa nakakatunaw na tingin ni Flame. Kanina pa kasi siya nakatitig sa akin na para bang sinasaulo niya ang mukha ko.

Kaagad ako naghilamos kasi nakaramdam ako ng lagkit dahil pinagpawisan ako sa rambulan kanina sa canteen.

Tsaka nakaramdam ako ng hapdi sa aking mga paa. Ngayon ko lang pinagsisihan ang mga kabalastugang ginawa ko kanina.

Hinubad ko muna ang Bracelet at kwintas ko tsaka inilagay sa lalagyan malapit sa salamin bago ko pinunasan ang bawat parte ng katawan ko na medyo nabalutan ng pawis.

Napansin ko naman ang kinang ng kwintas tsaka pinagmasdan ng mabuti. Naalala ko kaagad si Daddy dahil dito. Ang pendant ng kwintas ay isang silver dragon.

Lumabas kaagad ako ng comfort room pagkatapos kong maghugas. Napasilip ako sa kinaroroonan ni Flame, napansin kong busy siya sa kanyang cellphone kaya mabilis akong bumalik ng higaan at naupo ng matuwid.

"Eat" Medyo nagulat ako sa  biglang pagsalita ni Flame.

Bigla tumayo sa pagkakaupo si Flame tsaka maingat na inilagay ang tray ng pagkain sa hita ko.

Ano ako aso? Wala man lang 'Chloe kain ka na oh! masarap to..say aah'

Kahit kailan talaga ay walang kupas ang pagka-ungas niya. Tsaka kung mangyayari man 'yon, malamang baka bigla na lamang akong babawian ng buhay dahil sa mental shock.

"Tsk." I clicked my tongue. Kinuha ko nang padabog ang kutsara at tinidor. Medyo napakunot naman ng noo si Flame sa inasal ko.

Makakain na nga lang. Kanina pa ako gutom at para maka-alis na agad ako dito, ayokong magtagal malapit sa presensya ni Brown Eyes.

I don't know how to accept everything. The reality is too much for me to accept. I'm now thinking what will happened to me from now on.

Still, how are those boys? I don't think they could die easily. Sana naman sinamahan nila ako rito. Hahanapin ko na lang sila mamaya at baka naghamon na naman 'yon ng away.

Pinagmasdan ko yung pagkain, mukhang masarap. Edible ba 'to? Baka niloloko lang ako sa kalabasang anyo ng putahe, baka may halong lason 'to?

Gulp

Teka, tinatraydor yata ako ng aking sikmura.

I gulp again. Kung mamatay lang din naman ako sa gutom, mas pipiliin ko na lamang na mamatay sa lason. At least, nabusog ako.

Napansin ko naman na parang naiinip na si Flame sa kakahintay na matikman ko ang kanyang luto.

Mukha siyang hari ng sinaunang panahon sa Korea na naiinip na sa kakahintay na inumin ng lapastangang reyna ang lason na inihanda niya.

My mind is crying while thinking about the scene.

"How could this be?!" I exclaimed after I tasted the soup.

Nagulat naman si Flame kaya nataranta siyang napatayo sa pagkakaupo.

"W-What? Anong masama sa niluto ko ha?!" Galit na sigaw ni Flame sa'kin at pulang-pula ang kanyang pisngi.

Nagulat naman ako sa sigaw niya kaya nabilaukan ako, pakiramdam ko na malapit ng lumabas ang sabaw sa ilong ko.

Bwesit. Akala ko, lason lang ang makakapatay sa akin. Di ko expected na mamatay ako sa sigaw pa lang ng hinayupak.

Napaluha ako sa hapdi ng lalamunan at ilong ko. Napansin naman kaagad iyon ni Flame kaya napalitan kaagad ng pag-alala ang mukha niya.

Mabilis naman niyang iniabot sa akin ang isang baso ng tubig, "Sh*t! Sorr—damn!" Taranta n'yang wika. Di ko maintindihan ang pinagsasabi ni Flame. Puro na lamang mura ang lumalabas sa bibig ni niya.

"Give me that damn tray, I'll throw it!" dagdag niya pero umiling ako.

"How could this be?!" I exclaimed again. Inulit ko lang ang reaction kanina pagkatapos kong tikman ang luto ni Flame.

Medyo malapit ng pumutok ang ugat ni Flame.

"Bakit na naman?!" Sigaw ulit ni Flame pero may bahid na ng pag-alala ang mukha niya.

Ah! Parang na-gi-guilty na ako. Gusto ko pa sana siyang paglaruan pero parang di na kakayanin ng konsensya ko.

Pero nakaka-insulto lang sa part ko, gusto ko ng katarungan!

"Bakit..." pabitin kong bulong.

"What?!" Di na makapagpigil na sigaw ni Flame sa akin.

"Why is it that you cook better than me?!" I shouted at him with anger.

I feel inferiority complex. Nakakahiya sa part ko! I'm a girl pero kahit sa pagtitimpla lang ng kape ay di ko pa magawa ng matino! 

Nakaramdam naman ako ng madilim na aura.

I looked up. Bigla na lamang kinurot ni Flame ang pisngi ko.

"W-wait. Stop it! It's a compliment. Idiot!" I cried.

"Eat and don't talk dumb."

Galit nga siya. Bumalik siya sa sofa at di na ako pinansin. Parang sinisigaw ng aura niya na "Don't talk to me unless it is important".

Natapos na lang akong kumain pero wala parin kaming imikan. Parang may tumawid na santo.

Tumayo ako mula sa higaan pero bigla ko na lamang napansin ang malamig na kamay na nakahawak sa braso ko.

"Saan ka pupunta?" Malamig na tanong ni Flame.

"Ano ba? Huhugasan ko lang 'tong pinagkainan ko sa comfort room." Mataray kong sabi kay Flame sabay taas kilay. Parang lume-level-up na ang katapangan ko, ah! Resulta ng inferiority complex kanina.

"Ako na." Mabilis na inagaw ni Flame ang tray saka dumeretso sa comfort room.

I looked at the back of Flame. This is my chance to escape!

Hinintay kong magsirado ang pinto ng C.R bago ako nag tiptoeing palabas.

"I know you're clever." Bigla naman akong nanigas sa aking kinatayuan ng marinig ang malamig na boses ni Flame.

I don't know how to react. I faced Flame while smiling awkwardly.

"Pwede na bang makaalis dito? I want to find my comrades." I gently asked but he didn't respond.

Napakaseryoso ng mukha ni Flame ngayon tsaka ang talim ng titig niya sa'kin. Parang may mali sa ikinikilos niya ngayon kumpara kanina bago siya pumasok ng restroom.

Masama ang kutob ko. Kailangan ko na talagang iwasan ang lalaking 'to.

"Who are you?" He asked immediately with his scary deep cold voice.