Chereads / DRAGON KNIGHT GANG / Chapter 26 - Fight in Cafeteria

Chapter 26 - Fight in Cafeteria

"Hehe. Manong pasensya na po. Aalis na lang po kami." paghingi ko ng paumanhin kay manong.

"Aba! Tama lang na lumayas kayo dito at baka matusok ko kayo ng tinidor ng wala sa oras." Pakiramdam ko ay nasampal ako ng wala sa oras. Wooh! Patience please! Papatulan ko na 'tong kalbong to, eh!

"Anong sabi mo tanda?! Ulitin mo 'yong sinabi mo at ipapakain ko 'tong baril ko sayo!"

Anak ng tuta! Isa pa 'tong babaeng 'to! Naglabas talaga ng baril! Juice colored! Hihimatayin ata ako ng wala sa oras.

"Umalis kayo dito mga bakekang at baka mangudngud ko 'yang mga mukha n'yo sa sahig!"

Nagpantig bigla ang tenga ko. Ano raw? Bakekang? Damn! Sakit sa tenga 'yon ah!

Di na ako makapagpigil pa at lumapit sa counter area ng cafeteria at nilapit ang mukha ko kay Manong panot.

"Lumabas ka nga ditong matandang hukluban!" sabay taas ng sleeves ng damit ko at inilabas ang braso ko.

"Dito tayo magtutuos! Nangangalaiti na akong ihampas sayo ang vacuum cleaner na 'to!" sabay kuha ng vacuum sa tabi ko.

Wala na! Lumabas na talaga ang totoo kong kulay.

Takte! Manong did a good job to lit the fire inside of me. I can't wait to make him bald even more!

"Aba! ang tapang mo ah!" Mabilis na lumabas si Manong sa counter area at nakahanda nang atakihin ako.

"Wag niyo akong alisin sa eksena!" Sigaw ng kasama kong babae. Mabilis niyang sinipa si Manong pero nakailag ito.

Tsk! Ang bilis parin ni manong sa kabila ng katandaan niya! Ngunit di ako papahuli! Hahampasin ko na sana si Manong ng vacuum cleaner pero...

"Aray!" I shouted in pain.

Tanga ko talaga! May sugat pa pala ako sa kamay. Crap! Ang sakit!

Nakabungisngis namang napatingin sa kamay ko si Manong. Mas nadagdagan ang angry veins ko.

Akala niya siguro na papatalo ako ng gano'n gano'n na lang. Kaya ko 'to!Fighting only with my bare hands makes me a true warrior!

Mabilis kong sinuntok si Manong sa sikmura nang mapansin kong na-caught off guard siya dahil naka-focus siya sa atake ni— sino nga pala 'tong babaeng kasama ko? Ay ewan, mamaya ko na aalahanin 'yan.

Namilipit naman sa sakit si manong sa suntok ko pero ilang segundo lamang ay naka-recover kaagad ito,  sisipain niya na sana ako ngunit mabilis akong yumuko para ilagan ang atake niya.

Sinipa ko ang nakatukod n'yang kaliwang paa kaya ayon natumba, pero di pa 'yon natapos kasi di parin sumusuko si manong. Nagbasagan ang mga glass at nagkalat ang mga sirang upuan at lamesa.

"Aray! manong panot!!" I shouted in pain. Kasi naman pinisil niya ang sugat ko sa likod! Ang daya! Paano niya nalaman na may sugat ako sa likod?!

"Di ka parin ba susuko tanda?!" Sigaw ng babae at hingal na hingal na siya. Oo nga, kailan pa siya susuko?

"Hoy bata! Kung makikipag-away ka sa'kin dapat ay naka-sandal o sapatos ka man lang. Tingnan mo ang sahig ng shop ko, puro dugo mula sa paa mo! Ibang klase, di mo man lang ba napansin?"

Argh! Tama nga siya, nagkalat 'yong dugo sa sahig. Di ko namalayan na nasugatan na pala ako ng bubog mula sa nabasag na glass wall ng shop.

"Care to explain what's happening here?" Tanong ng lalaking kanina ko pa hinahanap. Lumabas siya mula sa kusina ng cafeteria at may suot pa itong apron.

Napatakip ako ng bibig ko at sinusubukang di maglaway sa nakita.

Di nagtagal ay nagtagpo ang mga mata namin. Nagulat naman siya nang makita ako at ngumiti lamang ako ng  mapakla sa kaniya.

"What is she doing here?" he asked with a threat in his voice. Galit siya, I'm sure of it!

"Sino po master? Siya ba?" tanong ni manong sabay turo sa akin. Medyo namutla naman si manong sa ipinapakitang masamang tingin ni Brown Eyes.

Takot din pala siya kay Flame. Good, I'm not alone!

"OO, ALAM MO BANG MAGPAPAGALING DAPAT 'YAN NGAYON SA CLINIC?!" He shouted at the poor old man.

Shit! Why I am trembling? Speechless naman ang katabi kong babae. Pakiramdam ko ay nanglalamig kaming tatlo sa kaba at takot.

I gathered some courage first and took a deep breathe before I open my mouth to talk, "Wait, let me explain. Sinundan kita dito kaya wag kang magalit kay manong."

"Save it." Malamig niyang wika at lumabas mula sa counter area kaya bumungad sa kanya ang mga kalat namin sa sahig.

"Anong nangyari dito at bakit puro dugo ang sahig?" Tanong bigla ni Brown Eyes. Mas dumilim ang kulay ng mukha niya kumpara kanina.

Napayuko naman ako bigla nang lingunin ako ni Brown Eyes. "Sabihin mo nga ang totoo, nakisali ka ba sa away nila?"

Dun! Dun! Dun!

"Tompak! Nakisali ako! Tsaka ako pa ang unang naghamon ng away! Isn't that great?!"

Like hell I would say that?!

"Ah, eh," napapakamot pa ako ng ulo ko habang nag-iisip sa palusot ko, "Naglalaro lang naman kami eh. Don't worry! I'm born to be a warrior!"

Dinaan ko na lamang sa tawa ang palusot ko. Yeah, napaka-convincing n'yan Chloe. Kahit kailan ang tanga ko!

"Damn! Don't fool around!" Galit na sabi ni Brown eyes. Mabilis niyang hinubad ang suot niyang apron at bigla siyang lumapit sa akin at binuhat ako.

"Ba't mo pa kailangang buhatin ako, kaya ko namang maglakad, ah?" Gulat kong tanong. Ngunit di niya pinansin ang tanong ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Sinisigurado talagang di ako makakatakas.

"Mitch!" He turned to the girl which is nakasabay kong nakipagrambolan kanina.

Mitch pala ang name niya, close ba silang dalawa?

"Pakidala ng food na nasa kitchen sa clinic." Malamig niyang utos at nagsimula na s'yang maglakad.

"Mitch! Rambulan tayo next time!" I shouted at Mitch. Nakangisi namang lumingon si Mitch sa akin at sabay thumbs up, pagkatapos ay pumasok kaagad siya sa loob ng kitchen.

After I said those words at Mitch, I just noticed something strange. Parang may laser beam akong na se-sense at walang awang tinutunaw ako.

Napalingon ako kay Flame. I gulped many times. He's not angry,  right?

Napayuko lamang ako at idinikit ang dalawa kong hintuturo na parang bata.

Come to think of it. He's carrying me in his arms! I can't help but blush.

"Sorry nga pala kanina." I whispered while trying to hide my red cheeks. Sana narinig niya.

"Save it. Magtutuos pa tayo pagdating sa clinic. "

Goodness! Anong gagawin niya sa'kin pagdating namin sa clinic? Paparusahan niya ako sa anong paraan? I could imagine those things that might happen.

Sana ihagis niya na lang ako sa bintana para di na niya ako makikitang nagmumukhang kamatis sa pula! Ano ba tong iniisip ko!

Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko, pero bakit nakipaghabulan din ang kanya? Wala namang racing tournament, ah?