Chereads / DRAGON KNIGHT GANG / Chapter 21 - Brown Eyes

Chapter 21 - Brown Eyes

Chloe POV

"You can call me Maze" nagulat ako dahil nabasa niya ang iniisip ko.

"I'm....."

"CHLOE?!" someone shouted my name kaya napalingon ako sa taong 'yon na ikinagulat ko.

"JUNHO?!"

Anong ginagawa niya dito?!

"Chloe, ikaw nga!" tumakbo kaagad siya papunta sa kinatatayuan namin ni Maze.

"Junho, why---" di ko na natapos ang tanong ko nang bigla niya akong niyakap. Malapit akong ma-out balance sa ginawa niya.

Napakapit naman ako sa braso niya. Na miss ko 'to, pero...

"Junho! Why are you here?! Kinidnap ka din nila?" I furiously asked, at kumawala sa pagkakayakap niya.

"No Chloe, sinundan kita, sinundan ko kayo ng papa mo papunta dito sa bagong paaralang papasukan mo, pero 'nong sa entrance na ako ng School na 'to ay biglang may humarang na mga nakaitim na mga kalalakihan at di ko na alam ang nangyari pagkatapos no'n, at pagkagising ko ay nakagapos na ako katulad ng iba."

"Bakit mo ako sinundan? kasalanan ko 'to, you shouldn't be here in the first place."

"No Chloe. It's not your fault, ginusto ko 'to because I want to protect you. Alam mo bang grabe 'yong pag-aalala ko no'ng nahuli ka na naman ng mayabang na lalaking humalik sayo!"

"No. You must not involve yourself in my unfortunate life, you're not a hero, you'll just end up wasting your life if you're still protecting me." napayuko ako. Kasalanan ko 'to pag napahamak si Junho. Siya lang 'yong taong laging nandyan pag nasa panganib ako pero wala man lang akong ginawa para ilayo siya sa kapahamakan.

Ang malas ko talaga, sana di ko na lang siya dinamay no'ng sa simula pa lang para hanggang ngayon ay masaya siyang nag-aaral kasama ang mga barkada niya. Pero ano ang nagawa ko, nasasaksihan niya ngayon kung ano ang nasaksihan kong karumaldumal na pagpatak ng dugo.

"Chloe, face me!" sigaw ni Junho sa akin at itinaas niya ang nakayuko kong ulo at iniharap sa kanya, di ko man lang matitigan ang mga mata niya. I felt guilty. Pati siya nadamay.

"Wag mong sisihin ang sarili mo. I'm here because you must be protected! Do you understand? Ilalabas kita ng ligtas dito, kaya wag kang mag-alala." Junho said and sinscerely smiled at me. Hindi na ako nagsalita pa at napaiyak na naman ako ng wala sa oras.

"You! Why are you doing this! Alam mo namang mapapahamak ka pag didikit ka pa sa akin eh!" I asked while crying like a child.

"I know. Pero bakit nga ba? ginayuma mo ata ako eh. No'ng nalaman ko kasing lilipat ka ng ibang school ay di ako makatulog kaya nagtiyaga akong sundan kayo kanina kasi balak ko ring lumipat kung saan ka mag-aaral. haha." wika niya habang natatawa. Dami niya talagang alam.Ano siya stalker?

"Hindi ako stalker, sadyang nai-inganyo lang ako sayo, kahit na maikling panahon lang tayo nagkakilala pero marami akong nakitang expression mula sayo which is rare. You've showed me those..." at napatitig siya ng taimtim sa mga mata ko, "The way you laugh, worry, startled, angry and the way you cry. Sa ikling panahon ay nasilayan ko 'yon lahat Chloe, that time I was certain na importante ka sa buhay ko." he said with a gentle smile plastered on his face. kaya hindi maubos-ubos ang pagpatak ng luha ko. Pinapaiyak na naman niya ako. Sinasadya niya siguro 'to.

Junho... I only know you by name but after..

.

.

I met you..

.

.

Unconsciously, I gave you some space inside my heart...

But suddenly someone interrupted us.

"Oy sweety nagseselos ako." Tsk. itong si Maze talaga may pagka-epal. Hindi pa nga kami tapos magmoment ni Junho.

"S-sweety?" eto namang si Junho ay parang papatay ng tao.

"Wag kang magsalita Maze, alam kong mga hentai stuff lang 'yang sasabihin mo. Nga pala Junho, this is Maze." pagpapakilala ko kay Maze habang nagzi-zipper ng kanyang bibig. Isip bata talaga!

"Nakasama ko siya sa iisang room kasama ng iba pang mga nakidnap." at ang worst ay ako lang ang iisang babae do'n. Pero di ko na 'yon sinabi pa kay Junho baka kung ano-ano na lang ang iisipin niya.

"...and this is Junho my former classmate." pagpapakilala ko naman kay Junho at nagngitian lamang ang dalawa.

But the problem now is approaching at kailangan naming harapin.

"Okay, now folks! This is the real game! a Survival Game!" A voice behind the speaker announced, which is make me nervous. After this what will happened to us?

"This Game entitled "Survival of the fittest!", the game is just simple, you only have to do is to survive from the attack of the selected gangster students within 30 minutes. It's just easy right?" I clenched my fist. Is that really easy? They gave us 30 minutes to survive! I think, it only takes 5 or 10 minutes to wipe us out! They're merciless!

"Oh, and the one who survived will be studying here while the loser can go home," Nakaramdam ng ginhawa ang mga kasamahan ko dito sa stage na pwede parin pala silang makauwi.

"They'll go home lifeless." he added at napalaki ang mga mata nila at natatarantang umiiyak. This can't be! 'yon ba ang kahahantungan ko? Babalik kay daddy na isang malamig na bangkay?

"Shut-up! Kung sino ka man ay di kita mapapatawad! We will report this school to the higher authorities!" Junho shouted at nagsimula na ring magsigawan ang iba pa, maliban sa akin dahil wala namang magagawa ang pagsigaw. The only way is to survive. That's the only answer I've got. I know that there is a reason behind this and I want to know about it. That's why I definitely must not die!

"Haha, scared already? So, LET'S START THIS BLOODY GAME!"

Bigla na lamang nagsitalunan ang mga estudyante papunta dito sa stage at may kanya-kanyang dalang armas.

"Chloe! Just stay close by my side, I'll definitely protect you!" Junho said and immediately grabbed my hand.

"Junho, lalaban din ako! Ayokong tutunganga lang at magiging pabigat lamang sa'yo!" Umiling lamang si Junho habang nakangiti at di na 'ko pinansin.

Nagsimula na silang umatake kaya nagkagulo na ang karamihan dito sa loob stage. Shit! wala man lang akong magawa! They're heartless! Isa-isa na nila kaming napapabagsak.

"Junho!" I shouted instantly nang biglang may umatake kay Junho at di niya namalayan kaagad kaya namimilipit siya ngayon sa sakit.

"Junho are you okay?!" Umiling ako. Alam ko naman talaga na di siya okay! Nagawa ko pa talaga magtanong?!

Mabilis kong hinagkan si Junho at inihiga sa paanan ko.

"I'm okay Chloe, don't mind me." at pinagpipilitan nitong tumayo dahil nagtatangka na namang umatake 'yong lalaking may dalang baseball bat. Imposibleng makatayo pa siya dahil sa lakas ng paghampas ng baseball bat sa ulo niya.

"Junho! Dumudugo ang ulo mo!" Umiiyak na ako. Hindi pwede 'to. Ayokong pati si Junho ay mawawala sa akin.

"Ayos lang talaga ako Chloe." he said with his weak voice at pinipilit paring makatayo habang nakahawak sa kanyang ulo.

Tamang-tama namang pag tayo niya ay nasuntok kaagad siya no'ng lalaki sa panga kaya natumba ulit siya.

Napakasakit pagmasdan ang taong malapit sa'yo na nasasaktan.

Muling nagbabalik ang mga nakaraan ko noong 7 years ago. Ganito rin ang nangyari habang unti-unting pinapatay ang mahal ko sa buhay sa harapan ko mismo.